You are on page 1of 35

MGA DAHILAN NG PAGKADISGUSTO NG MGA MAG-AARAL SA

ASIGNATURANG MATEMATIKA

Isang Proposal ng Pananaliksik na Ihaharap sa

Kagawaran ng Wika, Lingwistik at Literatura

Bilang Bahagi sa Pangangailangan ng Kursong

Filipino 2

(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

nina:

JAY AN E. RIVERAL

JHUN RINO C. BETINOL

CLYDE ERIK D. COLLAO

CHEENEE MEA V. LEYSON

CATHERINE A. QUIJANO

(AB/BS I-1)

(GROUP 7)

Ipinasa kay:

prof. Fe S. Bermiso

Instructor

Marso 19, 2007


PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa

mga taong tumutulong upang maisakatuparan ang

pananaliksik na ito.

Una sa lahat sa Panginoon na palaging gumagabay sa

lahat ng oras. Hindi ito maisasagawa kung wala ang

kanyang panalangin.

Sa aming instruktor, Prof. Fe S. Bermiso, na walang

sawang tumutulong at nagbibigay ng payo upang

makapagsagawa ng isang pananaliksik na maging matagumpay.

Sa aming mga kaklase na palaging nariyan upang

tumulong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Para sa

pagsusumikap na makakalap na mga datos na kinakailangan

para sa pananaliksik.

Sa mga mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas,

na kalahok sa pag-aaral.

Para sa aming mga magulang na nagbibigay

ngpagmamahal at suporta sa pamamgitan ng tulong

pangpinansyal. Para sa kanilang pagiging inspirasyon

upang maipagpatuloy itong pananaliksik.

Labis kaming tumatanaw ng utang na loob sa lahat ng

tumulong at suporta.

MGA MANANALIKSIK
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat

Abstrak

KABANATA I – ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO 1

1.1 Panimula 2

1.2 Batayang Konseptwal 3

1.3 Layunin ng Pag-aaral 4

1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral 5

1.5 Salaw at Delimitasyon 6

1.6 Katuturan ng mga Termino 6

KABANATA II – MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL 8

2.1 Kaugnay na Literatura 8

2.1 Kaugnay na Pag-aaral 11

KABANATA III – METODOLOHIYA 15

3.1 Desinyo ng Pag-aaral 15

3.2 Setting ng Pag-aaral 15

3.3 Mga Kalahok sa Pag-aaral 16

3.4 Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral 16

3.5 Mga Hakbang sa Pag-aaral 17

Talasanggunian 19

Appendix 21
ABSTRAK

Pangalan: Jay An E. Riveral

Jhun Rino C. Betinol

Clyde Erik D. Collao

Cheenee Mae V. Leyson

Catherine A. Quijano

Asignatura: Filipino 2

Kurso: AB/BS

Antas at Pangkat: I-1

Pamagat: MGA DAHILAN NG PAGKADISGUSTO NG MGA MAG-AARAL SA

ASIGNATURANG MATEMATIKA.

Pangkalahatang Layunin:

Malaman ang mga dahilan ng Pagkadisgusto ng mga

mag-aaral sa asignaturang Matematika.

Mga Tiyak Na Layunin:

1.Matiyak ang mga salik na nakakapekto sa

pagkadisgusto ng mga mag-aaral sa asignaturang

Matematika.

2.Matukoy ang mga posibleng epekto nito sa mga

mag-aaral.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Mga mag-aaral

Malaki ang paniniwala ng mga mananliksik na ito ay

ay may pakinabang sa mga mag-aaral lalo na sa mga mag-

aaral upang maging guro dahil maari nila itong gabay at

magkakaroon na sila ng ideya kung paano nila linangin ang

interes ng kanilang mga estudyante sa kainilang pag-

aaral.

Mga Guro

Mahalaga rin ito para sa mga guro dahil nagkakroon

sila ng opinion kung bakit walang interes at nagpapakita

ng pagkadisgusto ang kanilang mga estudyante sa kanilang

asignatura. Magiging gabay rin ito sa pagtuturo dahil sa

pamamagitan nito ay makakapag-isip sila ng bagong

estratehiya na makakatulong para malinang ang interes ng

kaniyang estudyante.

Mga Administrador

Mahalaga rin ito sa mga administrador, lalo na kung

gagawa sila ng mga programa na kaugnay sa Matematika

dahil magkakaroon din sila ng gabay. Magkakaroon din sila


ng mga karagdagang mungkahi o mga rekomendasyon upang

linangin ang interes ng mga mag-aaral.

Batayang Konseptwal

Lahat ng asignatura ay mahalaga sa bawat mag-aaral

lalo na sa nag-aaral upang maging guro dahil ito ay

kinakailangan nila kapag sila ay naging propesyunal na.

Nangangailangan ito ng puspusang pag-aaral at pagkatuto.

Ngunit sa pag-aaral, hindi maiiwasan sa mga estudyante na

may asignaturang magustuhan at hindi magustuhan.Kaya

napili ng mga mananaliksik ang paksang ito upang

magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan kung bakit may

mga mag-aaral na ayaw sa asignaturang Matematika.

Pagsisikapan ng mga mananaliksik na makalikom ng mga

datos upang malaman ang mga dahilan ng pagkadisgusto ng

mga mag-aaral sa asignaturang Matematika.

Saklaw at delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Pamantasang

Normal ng Pilipinas, sa Agusan. Kukuning mga kalahok ang

mga mag-aaral sa unang taon mula seksyon 1 hanggang

seksyon 8, na nag-aaral sa taunang-pampaaralan 2006-2007

sa pangalawang semester. Mga mag-aaral ng PNU-AGUSAN

CAMPUS ang napiling kalahok dahil ang mga mananaliksik ay

mag-aaral din dito at mas mapapadali ang pangangalap ng


dato dahil hindi na kinakailangan na pumunta sa malayo

dahil malapit lang ang paaralan.

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

I.1 Panimula

Ang Matematika ayon sa mga mananalaysay ay

mailalarawan na isang bagay na patuloy na umuunlad.

Nahaharap natin ito sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang

bata, halimbawa, ay tinuturuan sa maliit pa siya, ng

isang konsepto. Habang lumilipas ang panahon, ang kanyang

kakayahan sa Matematika ay yumayabong. Natututo ang bata

sa pamamagitan ng aktwal na pang-araw-araw na karanasan

sa tahanan at sa paaralan.

Hindi humihinto ang pag-unlad ng kaalaman mula pa sa

pagkabata hanggang sa nagsimula na itong mag-aral. Habang

nag-aaral, pinagsisikapan ng bawat estudyante na maipasa

ang lahat ng asignatura. May mga estudyanteng nagtagumpay

at mayroon din namang nabigo na maipasa ang mga

asignatura dahil hindi naman lahat ng asignatura ay

madali. Mayroon ding mahihirap na asignatura. Mayroon

ding mga asignaturang hindi pa rin gusto ng mga mag-aaral

kahit madali man ito o mahirap. Maraming mga salik ang


nakakaapekto nito. Maaaring ang sarili, kapwa, silid-

aralan, instructor, magulang at iba pa.

Isa sa mga asignaturang hindi gusto ng mga mag-aaral

ay ang asignaturang Matematika.

Sa pag-aaral na gagawin, sisikapin ng mga

mananaliksik na matukoy ang mga dahilan ng 1


hindi

pagkagusto ng mga mag-aaral sa asignaturang matematika.

I.2 Batayang Konseptwal

Lahat ng asignatura ay mahalaga sa bawat mag-aaral

lalo na sa nag-aaral upang maging guro dahil ito ay

kinakailangan nila kapag sila ay naging propesyunal na.

Nangangailangan ito ng puspusang pag-aaral at pagkatuto.

Ngunit sa pag-aaral, hindi maiiwasan sa mga estudyante na

may asignaturang magustuhan at hindi magustuhan.Kaya

napili ng mga mananaliksik ang paksang ito upang

magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan kung bakit may

mga mag-aaral na ayaw sa asignaturang Matematika.

Pagsisikapan ng mga mananaliksik na makalikom ng mga

datos upang malaman ang mga dahilan ng pagkadisgusto ng

mga mag-aaral sa asignaturang Matematika.


2
DAYAGRAM

MGA DAHILAN NG PAGKADISGUSTO NG MGA MAG-AARAL SA

ASIGNATURANG MATEMATIKA

GURO BABASA
MAG-AARAL HIN

ASIGNTURANG
MATEMATEKA

TALATANUNGAN INTERBYU

MGA SALOOBIN NG MGA


MAG-AARAL TUNGKOL SA
ASINATURANG
MATEMATIKA
3
Ang dayagram na ito ay nagpapakita ng mga input kung

saan ito ay anga mag-aaral, guro at mga babasahin,

process na talatanungan at ang interview, at ang output

ay ang mga saloobin ng mag-aaral sa asignaturang

Matematika. Kaugnay nito ang layunin na matukoy amg mga

kadahilanan ng pagkadisgusto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Matematika. Nagpapakita ito ng salik na

nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang

Matematika; ang pagkadisgusto nito sa asignaturang

Matematika.

I.3 Layunin ng Pag-aaral

Pangkalahatang layunin

Malaman ang mga dahilan ng pagkadisgusto ng mga mag-

aaral sa asignaturang Matemetika.

Mga tiyak na Layunin


1. Matiyak ang mga salik na nakaaapekto sa

pagkadisgusto ng mga mag-aaral sa asignaturang

matematika.

2. Matukoy ang mga posibling epekto ng pagkadisgusto ng

mga mag-aaral sa asignaturang Matematika.

I.4 Kahalagahan ng Pag-aaral

Mga Mag-aaral 4

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral lalo

na sa mga mag-aaral upang maging guro dahil maaari nila

itong gabay at magkaroon na sila ng ideya kung paano nila

linangin ang interes ng kanilang mga estudyante sa

kanilang pag-aaral.

Mga Guro

Mahalaga rin ito para sa mga guro at adnistrador

dahil nagkakaroon sila ng opinion kung bakit walang

interes at nagpapakita ng pagkadisgusto ang kanilang mga

estudyante sa kanilang asignatura. Magiging gabay ito sa

pagtuturo at sa pamamagitan nito ay makakapag-isip sila

ng mga bagong estratehiya na makakatulong upang malinang

ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang asignatura.

Mga Administrador
Mahalaga rin ito sa mga administrador, lalo na kung

gagawa sila ng mga programa na kaugnay sa Matematika

dahil magkakaroon din sila ng gabay. Magkakaroon din sila

ng mga karagdagang mungkahi o mga rekomendasyon upang

linangin ang interes ng mga mag-aaral. Maaari rin itong

gabay upang makagawa ng bagong pag-aaral.

I.5 Saklaw at delimitasyon


5
Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Pamantasang

Normal ng Pilipinas, sa Agusan. Kukuning mga kalahok ang

mga mag-aaral sa unang taon mula seksyon 1 hanggang

seksyon 8, na nag-aaral sa taunang-pampaaralan 2006-2007

sa pangalawang semester. Mga mag-aaral ng PNU-AGUSAN

CAMPUS ang napiling kalahok dahil ang mga mananaliksik ay

mag-aaral din dito at mas mapapadali ang pangangalap ng

dato dahil hindi na kinakailangan na pumunta sa malayo

dahil malapit lang ang paaralan.

I.6 Katuturan ng mga Termino

Ang bahaging ito ay nagpapaliwanag sa kahulugan ng

mga terminong gagamitin sa pag-aaral upang maintindihan

lalo ang mga salita ginamit sa kalagitnaan ng

pagsasaliksik.

asignatura–ito ay tumutukoy sa sabdyek na pinag-aaral

ng mga mag-aaral
dahilan –ito ay tumutukoy sa sanhi at ito ay nagdulot

ng kinalabasan o bunga.

deskriptibo – ito ay tumutukoy sa paraang gagamitin sa

pag-aaral; ito ay paraang paglalarawan sa mga

salik na nakaaapekto sa pagkadisgusto ng mag-

aaral sa asignaturang Matematika.

mental block- ito ay tumutukoy sa paghadlang ng isipan


6
ng isang tao na sanhi ng hindi makapag-isip

ng mabuti

oportunidad- ito ay tumutukoy sa pagkakataon o tyansa.

pagkalap- ito ay tumutukoy sa paghahanap ng mga datos

na kinakailangan sa pag-aaral

pagdevelop- ito ay tumutukoy sa pag-unlad, paglinang, o

paghubog.

pagkadisgusto – ito ay tumutukoy sa hindi pagkagusto,

pag-ayaw o hindi pagsang-ayon tungkol sa

isang bagay

visual images – ito ay tumutukoy sa mga larawan sa

isipan; likhang isip na tanawin, halimbawa sa

Matematika ay ang tatsulok pagkatapos itong

makita ay mapapanatili parin ito sa ating

isipan.

yumayabong- ito ay tumutukoy sa pag-unlad o pagtaas


KABANATA II
7
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay tatalakay sa mga kaugnay na

literature at pag-aaral sa pananaliksik sa mga dahilan ng

pag-kadisgusto ng mga mag-aaral sa asignaturang

Matematika.

Maraming mga pag-aaral at pananaliksik ang nasulat

ng mga mananaliksik na may kaugnayan sa Matematika.

2.1 Kaugnay na Literatura

Iba’t iba ang pananaw natin tungkol sa asignaturng

Matematika, pati na rin ang ating mga saloobin. Maaaring

positibo o ‘di kaya’y negatibo.Nababatay ito sa ating

kakayahan at interes sa isang asignatura.

Ang Matematika ay nakawiwili at karapat-dapat

pahalagahan.(Scott, Foresman ang Company 1991)


Talagang nakawiwili at dapat pahalagahan ang

asignaturang Matematika dahil palagi natin itong

ginagamit sa ating pang-araw-araw na gawain. Karamihan sa

ating mga ginagawa ay may kaugnayan sa Matematika.

Kayapat lamang na pahalagahan natin ito at pag-aralan.

Ayon naman sa isang Australian Matematician, H.R.

Hamley (1935), ang abilidad sa Matematika ay binibuo ng

kabuuang talino, visual imagery, abilidad na matanto ang

mga configurations at mapanatili sila sa visual images. 8

Kung wala ang mga ito, ay wala kang abilidad sa

Matematika dahil mahalaga itong lahat dahil ito ang mga

bumubuo sa ating abilidad.Ang pag-aaral ng Matematika

hindi tulad ng ibang asignatura. Kaya nga nagkakaiba ang

mga persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa asignaturang

Matematika. Mahalaga rin na mayroon tayong interes sa

isang bagay o asignatura upang pagsikapan nating

matutunan ang mga bagay na kaugnay nito.

Ayon kay G. Polya (1957), ang mga mag-aaral na ang

kurikulum sa kolehiyo na may Matematika ay may

oportunidad.Ang oprtunidad na ito ay nawawala, siyempre,

kung iisipin niya itong asignatura kung saan dapat niyang

kalimutan agap pagkatapos ng huling markahang pagsusulit.

Ang oportunidad ay maaaring mawala kahit ang mga mag-

aaral ay may natural na talento sa Matematika, dahil

9
siya, gaya ng iba, kailangang malaman ang iba pa niyang

mga kakayahan at gusto; halimbawa, hindi niya malalaman

na gusto niya ang ice cream kung hindi pa niya ito

natitikman. Maaaring malaman niya na kahit papaano, na

ang Matematika ay maaaring kasing-saya ng crossword

puzzle, gawaing pampalakas 0 pampalinang ng kaisipan na

maaaring ehersisyong kaiga-igaya tulad ng mabilisang laro

ng tennis. Pagkatapos ng saya sa Matematika, hindi niya

ito malilimutan kaagad at may magandang pagkakataon na

ang Matematika ay magiging isang mahalagang bagay sa

kanya: libangan, kasangkapan ng kanyang propesyon, o

isang malaking ambisyon.

Ayon sa pag-aaral Charles E. Merrill (1986), may mag

paraan na makakatulong upang linangin ang tiwala sa

sarili n mga estudyante:

1. Pursigihin ang mga mag-aaral na sumubok ng ibang

uri ng estratehiya.

2. Puruhin ang mga mag-aaral para sa mga iminungkahi

nilang mga paraan upang malutas ang suliranin o

problema, kahit ang mungkahi ay hindi naghahatid

ng tamang kasagutan.

3. Isipin na ang mga mag-aaral ay nagkakamali sa

paglutas ng mga “verbal problems” at purihin sa

kanilang pagsisikap na subukan ang paglutas.


Halimbawa:

4 pts – para sa tang solusyon

3 pts – para sa tamang proseso ngunit may mga kaun-

ting kamalian

2 pts – para sa pagsubok kahit may mali sa pagset up

sa solusyon

1 pt - para sa pagsubok na malutas ang problema

Kung ang mga mungkahing ito ay susundin, ang

10
‘problem solving’ ay magiging kasiya-siya ra sa mga mag-

aaral.

Ayon naman sa mungkahi nina Goodman at Hirsch

(1989), ang pagkatuto at pag-unawa sa Matematika ay hamon

sa mga estuyante, lalo na sa pagdating sa mga “world

problems”. Masasabing ito ay hamon dahil sa pag-aaral ng

Matematika ay nangangailangan ng sipag at tiyaga sa pag-

aaral. Hin madali ang paglutas ng isang problema.

Kinakailagan na gumamit ng mga pormula upang makakuha ng

tamang kasagutan. Dahil dito, nahahamon ang mga mag-

aaral.

2.2 Kaugnay na Pag-aaral

Sa pag-aaral, mahalaga rin ang papel ng guro sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.Karamihan sa mga guro sa

Matematika na naglalahad ng leksyon ay isinali ang


karamihan sa mga sumusunod na aspeto sa kanilang mga

plano.

1. Pagsisimula ng mga gawain sa klase.

2. Diskusyon ng isinulay na takdang-aralin.

3. Pagbuo ng baging materyal.

4. Pasalitang pagsasanay ng bagong materyal.

5. Pangangasiwa ng asignatura.

Itong mga aspetong nabanggit ay kadalasang ginagamit

ng karamihan sa mga guro. Mahalaga ito upang tuluy-tuloy


11
ang daloy ng kanilang pagtatalakay.

Tila panggurong pagsasanay ang pagkakaroon ng

kapakipakinabang na pagkatutong gawain para sa mga

estudyante na makilahok agad sa simula g klase, ngunit

makakaaksaya ng oras ang pagtatala ng “attendance” at

pag-aasikaso para sa ibang responsibilidad.

Ang epekto ng takdang-aralin sa pagganyak at sa

positibong ugali ng pagkatuto ay nawawala kung ang papel

ng mga mag-aaral ay hindi binibigyan ng maagap ng

konsiderasyon.

Ang pasalitang pagsasanay ay nagdudulot ng mahusay

na pagkakaton para sa pagasali ng mga mag-aaral. Maaari

itong preparasyon para sa pasulat na pagsasanay at

nagtutukoy ng pagkaunawa ng mag-aaral sa konseptong

ipinahayag sa leksyon. Ang pasalitang pagsasanay ay dapat


gawin sa mabilis na hakbang upang mapanatili ang interes

ng mga mag-aaral. Parehong paraan pa rin sa pagtatanong.

(Russel F. Jacobs 1976)

Ayon kay Polya, ang mga guro sa Matematika ang may

malaking pagkakataon upang matuto ang kanyang mga mag-

aaral. Kapag palagi nalang niyang inuubos ang oras sa

pagsasanay sa kanyang mga mag-aaral sa pang-araw-araw ng

gawain ay pinapatay niya ang interes, hinahadlangan ang


12
pagdebelop ng kaisipan at hindi niya magagamit ang

kanyang oportunidad. Pero kung sinisubok ng guro ang

pagkamausisa ng kanyang mag-aaral sa pamamagitan ng mga

pagsubok na angkop sa kanilang kaalaaman, at tinitulungan

sila kung paano malutas ang mga pagsubok sa pamamagitan

ng mga pamukaw ng mga tanong, maaaring binibigyan niya

ito ng pagkakataton na magkaroon ng nakapag-iisang

kaisipan.

“Kung gusto mong magkaroon ng kaalaman tungkol sa sa

isaing bagay, nakatutulong ito upang magkaroon ng tiwala

sa sarili. Kahit ikaw ay natututo ng laro, instrumentong

pangmusika, o Matematika, ang positibong ugali ay

makakagaw ng malakng pagkakaiba.” (Scott, Foresman and

Company (1991)

May mga gabay upang maging magaling sa Matematika

ang mga estudyante ayon kay Richard Manning Smith (1988):


1. Iwasan ang pagkakaroon ng “mental block” tuwing

“exam” sa Matematika.

2. Tukuyin at linangin ang sariling kahinaan.

3. Gawin ang lahat ng makakaya tuwing oras ng

pagtatalakay sa Matematika.

4. Pag-aralang mabuti ang leksyon.

5. “Overcome a perceived low Math ability”.

6. Pagsikapang magtagumpay o makapasa sa mga pasulit,

at marami pang iba. 13

Ang mga pag-aaral na ito ay may pagkakatulad sa

kasalukuyang pag-aaral. Tumutukoy rin ito sa salik na

nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang

Matematika. Nababanggit rin sa mga pag-aaral na tinalakay

ang mga paraan upang linangin ang interes ng mga mag—

aaral sa asignaturang Matematika. Ang pagkakaiba lamang

nito ay nakapukos ito sa salik na guro. Hindi tulad ng

kasalukuyang pag-aaral na kasali sa mga salik ang sarili

at kapwa mag-aaral.
KABANATA III
14
METODOLOHIYA

Ang bahaging ito ay tungkol sa mga metodo o mga

pamamaraan o hakbang sa gagawin sa kasalukuyang pag-aaral

upang makagawa ng makubuluhang pagsusuri hinggil sa mga

kadahilanan ng hindi pagkagusto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Matematika. Bilang karagdagan ito’y

tatalakay din sa disenyo, setting ng pag-aaral, mga

kalahok sa pag-aaral, mga kagamitan at mga hakbang sa

pag-aaral.

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Deskriptibo ang pamamaraang gagamitin sa pag-aaral

na ito. Ang pamamarang nabanggit ay akma sa pagkalap ng

impormasyon tungkol sa kadahilanan ng pagkadisgusto ng

mga mag-aaral sa asignaturang Matematika. Kaugnay nito


ang layunin na matukoy ang mga dahilan ng pagkadisgusto

ng mga mag-aaral sa asignaturang Matematika.

3.2 Setting ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Pamantasang

Normal ng Pilipinas sa Agusan del Sur kung saan kinuha

ang mga mag-aaral na kasalukuyang nasa unang taon, na

siyang magiging kalahok sa pag-aaral.(Makikita sa pahina

18 ang mapa ng Agusan del Sur.) 15

3.3 Kalahok sa Pag-aaral

Ang kukuning kalahok sa pag-aaral ay mga mag-aaral

sa unang taon mula Seksyon 1 hanggang Seksyon 8. Lahat

ng mga mag-aaral mula sa along seksyon na may markkang

mababa sa 80% sa unang semester ang mga kukuning kalahok

upang makakuha ng sapat na impormasyon.

3.4 Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng tiyak na metodo,

tulad ng talatanungan at magsasagawa ng interbyu. Ang

talatanungan ay sasagutan sa pamamagitan ng ballpen at

papel kung saan ang mga katanungang nakapaloob ay

naglalayong malaman ang mga kadahilanan ng pagkadisgusto

ng mga mag-aaral sa asignaturang Matematika. Ang mga

16
katanungan ay sasagutin sa pamamagitan ng pagtsek ng

espasyo sa hanay na tumutugon sa sagot sa pahayag. Ang

mga sagot na pagpipilian ay LUBOS NA SUMASANG-AYON,

SUMASANG-AYON, DI GAANONG SUMASANGAYON AT HINDI SUMASANG-

AYON. (Makikita sa pahina 19 ang talatanungan) Ang mga

kakapanayamin ang mga mag-aaral sa unang taon rin mula

sa seksyon isa hanggang walo. Pipiliin lamang ang mga

mag-aaral na may maliliit ng marka sa asignaturang

Matematika. Ang mga katanungan ay naglalayon na malaman

ang mga kadahilanan ng pagkadisgusto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Matematika. (Makikita sa pahina 20 ang

interview guide)

3.5 Ang Mga Hakbang sa Pag-aaral

Paghahanda sa Kagamitan

Ang patnubay sa paggawa ng kagamitan ay batay sa mga

katanungang nauukol sa mga kadahilanan nga pagkadisgusto

ng mga mag-aaral sa asignaturang Matematika. Ang mga

talatanungan ay ipamamahagi sa mga napiling sampung

estudyante bawat seksyon. Sasagutin nila ito sa

pamamagitan ng pagtsek sa espasyo sa hanay na tumutugon

sa mga sagot sa pahayag. Ang mga sagot na pagpipilian ay

LUBOS NA SUMASANG-AYON, SUMASANG-AYON, DI-GAANONG

SUMASANG-AYON at HINDI SUMASANG-AYON. Ito’y gagamitan ng

17
antas o ang ‘Four (4) Point Scale’. Ang LUBOS NA

SUMASANG-AYON ay may katumbas na apat (4) puntos,

SUMASANG-AYON ay may katumbas na tatlong (3) puntos, DI-

GAANONG SUMASANG-AYON ay may katumbas na dalawang (2)

puntos at HINDI SUMASANG-AYON ay katumbas ng isang (1)

puntos. Ang mga sagot ng respondents ang siyang magiging

batayan ng mga kasagutan. (Makikita sa pahina 19 ang

talatanungan.)

Ang mga gabay na mga katanungan para sa panayam ay

gagawin ng mga mananaliksik. Kakapanayamin ang mga piling

estudyante mula sa unang taon mula sa walong seksyon

upang magkaroon ng karagdagang impormasyon para sa pag-

aaral. (Makikita sa pahina 20 ang interview guide)


TALASANGUNIAN
18

Goodman and Hirsch “Understanding Elementary Algebra with

Geometry” Brooks/cole Publishing Company.1998

Jacobs, Russell F. “Introductory Algebra”, Harcourt Brace

Jovanovich, Inc. 1976

Merrill, Charles E. “Algebra with Trigonometry”, Charles

E. Merrill Publishing Company. 1986

Polya, G. “How to Solve It”, Polya Publishing Company

1957

Scott, Foresman and Company “Introductory Algebra”,

Scott, Foresman and Company Publishing House. 1991


Smith, Richard M. “ Mathematics”, Smith Publishing

Company 1987

19
TESIS AT DISERTASYON

Bacay, Cynthia G. “The Performance In Mathematics III of

Selected Students Under Accelerated Scheme and the

Regular Program” Philippine Normal University.1984

Catacutan, Priscilla M. “The Effect of Cooperative

Learning Strategy on the Acaddemic Achievement and

Attitudes in Mathematics”,Philippine Normal

University. 1990.

Gonzales, Lea E. “The Effect of the Cooperative Learning

Approach on Pupils’ Achievement Towards Mathematics”

Philippine Normal University.1992


Poquiz, Jocelyn C. “The Functional Value of Mathematics

I to Sophomore Students in San Pedro Reclocation

Center National High School, San Pedro, Laguna.1992.

APPENDIX A
20

Mapa ng Agusan del Sur


21
APPENDIX B

TALATANUNGAN

Pangalan:_________________________ Petsa:______________

Antas ay Pangkat: ________________________

SARBEY NG MGA KAUGALIAN AT GAWI

(Survey of Study Habits & Attitudes)

Direksyon:

Mayroong mga pahayag/ pangungusap sa Talatanungang

ito. pagkatapos basahin and isang pahayag, isipinb kung

gaano mo ito nadarama/ ginagawa. Gamitin ang antas ng

‘Four (4) Point Scale’ sa ibaba para sa mga isasagot sa

lahat ng pahayag:

1. LUBOS NA SUMASANG-AYON (0% - 25% ng pagkakataon)


2. SUMASANG-AYON (26% - 50% ng pagkakataon)

3. DI-GAANONG SUMASANG-AYON (51% - 75% ng pagkakataon)

4. HINDI SUMASANG-AYON (76% - 100% ng pagkakataon)

Sa bandang kanan, lagyan ng tsek(/) ang espasyo sa

hanay na tumutugon sa inyong sagot sa pahayag. Halimbawa,

kung ang sagot mo ay sa isang pahayag ay SUMASANG-AYON

dahil madalas mo itong nadarama o ginagawa ang hanay sa ilalim ng ‘3’.


22
Pahayag 1 2 3 4

1. Ako ay mabait. /

Sagutin ang LAHAT ng pahayag at BURAHIN NANG MABUTI

ang anumang marka na nais palitan.

WALANG tama/maling sagot at walang limitasyon sa

oras.

TANDAAN ang hinihinging sagot ay dapat ayon sa kung

ano ang iyong ginagawa/ nadarama at HINDI ang

ginagawa/nadarama ng iba.
TALATANUNGAN I

Salik: SARILI

Pahayag 1 2 3 4

1. Ayaw ko ng mga numero.

2. Sumasakit ang ulo ko kapag

Matematika na ang pinag-

uusapan.

3. Mahirap maintindihan ang

leksyon.

4. Mahirap maunawaan ang mga


23
termino.

5. Maliit ang marka ko sa

Matematika.

6. Mas mahusay ako sa ibang

asignatura.

7. Madalas akong liban sa klase

8. Hindi ako makapagkonsentreyt

24
dahil maingay.

9. Masyadong marami ang

asignaturang dapat pag-

aralan.

10. Mas madali ang ibang

asignatura.
TALATANUNGAN II

Salik: GURO

Pahayag 1 2 3 4

1. Hindi mahusay ang

estratehiyang

ginagamit ng guro.

2. Mahaba ang mga pasulit.

3. Marami ang mga takdang-

aralin.

4. Napakabilis magtalakay n

gaming guro.

5. Hindi ako napapansin ng

guro tuwing klase.

6. Ang mga mahuhusay lang sa

Matematika ang nabibigyan

ng atensyon ng guro.

7. Hindi ko maintindihan ang

tinatalakay ng guro.
8. Napakahigpit ng aming guro.

9. Hindi mahusay ang guro sa

pagtuturo.

10. Hindi masyadong malinaw

ang tinatalakay ng guro.

TALATANUNGAN III

Salik: Kamag-aral 25

Pahayag 1 2 3 4

1. Ang aking katabi ay mahusay

sa Matamatika.

2. Maingay ang klase tuwing

nagtatalakay ang guro.

3. Ang aking mga kakalase ay

hindi tumutulong kapag ako’y

nagtatanong.

4. Hindi sapat ang oras.

5. Walang kooperasyon sa aming

klase.

6. Nakadidisturbo sila sa aking

konsentrasyon.

7. Pinagtatawanan nila ako

tuwing ako’y sasagot.

8. Minamaliit nila ako.


9. Mas naaaliw akong

makipagkwentuhan sa oras ng

pagtatalakay.

10. Sila ay makukulit.

MGA GABAY NA MGA TANONG PARA 26


SA GAGAWING INTERBYU

Nais ng mga mananaliksik na magtanong-tanong ng

direkta sa mga estudyante para sa kanilang gagawing

pagsasaliksik sa layuning malaman ang mga dahilan ng

pagkadisgusto ng mga mag-aaral sa asignaturang Matematika

sa iba’t ibang salik. Nakikiusap ang mga mananaliksik na

sana sagutin ng maayos ang mga tanong na itatanong at

sasabihin ang tunay nilang nararamdaman.

Mga Katanungan:

1.Gusto mo ba ang asignaturang Matematika? Bakit?

2.Nakakaapekto ba ang guro sa iyong saloobin sa

asignaturang Matematika? Paano?

3.Ano ang ikinaiba ng asignaturang Matematika sa ibang

mga asignatura?

4.Nakakaapekto rin ba ang iyong mga kapwa kamag-aral sa

iyong saloobin sa asignaturang Matematika? Bakit?


5.Ano ba ang naging epekto ng iyong persepsyon tungkol

sa asignaturang Matematika?

6.Sa iyong palagay, kailangan pa bang pag-aralan ang

Matematika? Bakit?

7.Mahusay ba ang estratehiyang ginagamit ng guro sa

pagtuturo ng Matematika?

8.May maibibigay ka bang mungkahi na maaaring gamitin


27
ng guro upang malinang ang interes ng mga mag-aaral?

Anu-ano ang mga ito?


28

You might also like