You are on page 1of 8

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ANTAS NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL

SA IKATLONG ANTAS NG KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

HINGGIL SA PAGGAMIT NG MGA DULOG SA PAGTUTURO

Kabanata 1
Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Sa kabanatang ito nakapaloob at makikita ang panimula, paglalahad ng suliranin,


kahalagahan ng pag-aaral at depenisyon ng mga terminolohiya.

Panimula
Ang pagtuturo ay isang mabisang paraan upang maibahagi ang mga kaalaman na
nararapat matamo ng isang indibidwal na maaari niyang magamit hindi lamang sa
pansarili at sa pang-araw-araw niyang buhay kundi pati na rin upang siya ay maging
kapaki-pakinabang sa lipunang kanyang ginagalawan.
Ang pagtuturo ay karaniwang nagsisimula sa tahanan kung saan karaniwang ang
ilaw ng tahanan ang nagsisilbing guro ng kanyang anak samantalang ang pormal na
edukasyon naman ay nagsisimula sa paaralan kung saan ang guro ang nagsisilbing
pangalawang magulang ng mga batang may nais matutunan.
Hindi biro ang pagiging isang guro. Nangangailangan ito ng sapat na kaalaman at
kasanayan sa pagtuturo sapagkat sa kanila nakasalalay ang kinabukasan ng
kanilang mag-aaral. Kaalaman, na kinakailangan nilang ibahagi sa kanilang mag-
aaral at kasanayan kung saan kinakailangan ang angkop na kabatiran sa mga dulog
sa pagtuturo, kasama na rito ang mga estratehiya sa pagtuturo upang mas maging
epektibo at madali para sa mga mag-aaral na maunawaan ang kanilang itinuturo..
Samakatuwid ang mga mag-aaral na kumukuha ng kurso na may kinalaman sa
edukasyon ay nangangailangan ng matinding pagsasanay at pag-aaral hinggil sa
mga dulog sa pagtuturo nang sa gayon ay mas maging madali para sa kanila na
pukawin ang interes ng kanilang mga estudyante sa pag-aaral.
Ang mga nabanggit ang dahilan ng mga mananaliksik upang pag-aralan ang
kakayahan o antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa ikatlong taon ng Kolehiyo ng
Lungsod ng Lipa hinggil sa paggamit ng mga dulog sa pagtuturo. Sa pamamagitan
ng pananaliksik na ito, mabibigyan ang mga mananaliksik, mga mag-aaral at mga
guro ng kaalaman tungkol sa kung papaano mas magiging epektibo ang kanilang
pagtuturo at kung ano-ano pang mga dulog sa pagtuturo ang pinakaepektibong
gamitin.

Layunin ng Pag-aaral
Ang papel-pananaliksik na ito ay nagbibigay impormasyon sa antas ng kaalaman
ng mga mag-aaral tungkol sa Mga Dulog sa Pagtuturo naglalayong matugunan ang
mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang profayl batay sa:
1.1 Edad
1.2 Kasarian
2. Ano ang Dulog sa Pagtuturo
3. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral kung hindi sapat ang
kanilang kaalaman at kasanayan sa mga dulog sa pagtuturo?
4. Ano-ano ang mga epektibong solusyon upang malutas ang suliraning kinakaharap
ng mga mag-aaral tungkol sa mga dulog sa pagtuturo?
5. Anong rekomendasyon ang maaaring isulong upang mas mapalawak pa ang
kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa Mga Dulog sa Pagtuturo?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mga mananaliksik na magiging kapaki-pakinabang ang
pananaliksik na ito sa mga sumusunod:
Mag-aaral. Dahil sila ang mga susunod na guro mas madaragdagan ang
kanilang kaalaman tungkol sa Mga Dulog sa Pagtuturo na kailangan nila sa
hinaharap.
Guro. Upang mas lalo pa nilang mabatid ang mga Dulog sa Pagtuturo na maaari
nilang gamitin upang mas maging madali para sa kanila at sa kanilang mag-aaral
ang matuto.
Paaralan. Mas magiging mataas pa ang kalidad ng edukasyon na makabubuti sa
mga mag-aaral nito.
Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbi nilang
gabay upang mapagkuhanan nila ng impormasyon tungko sa Mga Dulog sa
Pagtuturo.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa antas ng kaalaman ng mga
mag-aaral ng Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa na nasa Ikatlong Antas at kumukuha ng
kursong Batsilyer ng Pang-Sekundaryang Edukasyon tungkol sa Mga Dulog sa
Pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay may mga katanungang sasagutin ng mga
respondante.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Antas. Tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon ng tao o bagay . Ginamit ito ng
mananaliksik upang masukat ang kaalaaman ng mga mag-aaral.
Kaalaman. Kabatiran sa mga bagay-bagay na natatamo sa pamamagitan ng
personal na karanasan, pagmamasid o pag-aaral. Ginamit ng mananaliksik ang
salitang kaalaman dahil nais nilang malaman ang karunungang taglay ng mga mag-
aaral.
Mag-aaral. Tumutukoy sa mga indibidwal na nais matuto sa pamamagitan ng
pagpasok sa paaralan. Ginamit ng mananaiksik ang salitang mag-aaral sapagkat sila
ang magsisilbing kasangkapan upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito
at sila ang mas higit na makikinabang dito.
Dulog. Paglapit upang gampanan ang isang layon. Ginamit ng ng mananaliksik
ang salitang dulog upang mas maging maliwanag ang mga estratehiya na
pinakamainam gamitin sa pagtuturo.
Pagtuturo. Isang paraan upang maibahagi o maibigay ang kaalaman na
nararapat malaman ng isang indibidwal.
Kolehiyo. Isang institusyon na nag-aalok ng mas mataas na kaalaman at
pagkatuto. Ginamit ng mananaliksik ang salitang kolehiyo bilang mga taong napili na
maging respondante ng pananaliksik.
Pananaliksik. Isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena ideya, konsepto,
isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.

Kabanata 2
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa bahaging ito,matutunghayan ang mga kaugnay na pag-aaral na ginamit ng


mananaliksik upang lalong maging maliwanag ang paglalahad ng kasalukuyang pag-
aaral.
Ang mga Dulog sa Pagtuturo ay malaki at mahalaga ang tungkulin sa pagbibigay
ng tulong sa mga guro upang ang mga katotohanang nakapaloob dito ay maihatid sa
mga mag-aaral nang mas madali ngunit may magandang kalidad ng mga gawain.
Ayon kay Magpantay (2011), ang pagpili ng angkop na estratehiya o metodo sa
pagtuturo upang makamit ang epektibong pagkatuto ay nakasalalay sa guro.Sa
tuwina ay kailangang makabuo sila ng mga dulog na aangkop sa mga pagbabagong
nagaganap sa sistema ng edukasyon.
Ayon kay Davis (2008),maraming magagandang estratehiyang nagagamit ang
mga edukador upang malinang at mapaunlad ang pagpapahalaga sa literatura ng
kanilang mga mag-aaral.Kailangang piliin ng guro ang tekstong sa palagay nila ay
may temang nag-uugnay sa kasalukuyang panahon o kalagayan ng buhay ngayon.
Batay kay Dee Fink (2003), ang epektibong estilo o teknik sa pagtuturo ay ang
basehan sa aktibong motibasyon ngunit hindi lahat ng guro ay may kakayahan pa
tungkol sa paggamit ng epektibong estilo para sa aktibong pag-aaral.Ang mag-aaral
din ay walang kamalayan sa kanyang responsibilidad sa pag-aaral.Ang aktibong
pag-aaral ay nakatuon sa pagtulong sa mga mag-aaral na makisangkot sa pag-aaral
subalit hindi lahat ng paaralan ay may kapasidad na makamit ito;ang iba hindi
angkop ang estilong ginagamit sa pagtuturo na idinudulog ng guro sa nilalaman ng
paksa.
Ayon kina Fernandez,et al.(2010),ang lahat ng gawain,malaki man o maliit ay
ginagamitan ng mga pamamaraan upang matapos ang naturang gawain sa kabilang
banda habang ang pangangailangan sa mga gawain ay dumarami lalo sa pagtuturo
ang nakikitang problema dito na kinakailangang pagtuunan ng pansin ay tungkol sa
pamamaraan,metodo,estratehiya na siyang dapat rebisahin at paunlarin pa upang
ang mga resultang minimithi ay siyang matugunan.
Ayon kay Kizlik (2012),sa paggamit ng teknik sa gawaing pagtuturo,magiging
epektibo lamang ito kung nauunawaan ng guro ang mga pangunahing panuntunan at
mga palagay kung saan at paano iaangkop ang isang ispesipikong teknik sa
kanyang pagtuturo.Mahalaga ayon sa kanya ang magkaroon ng makabuluhang
estratehiya sa pagtuturo na mag-aangat sa mataas na antas ng pagkatuto ng mag-
aaral sa pamamagitan ng pagkunsidera sa mga baryabol gaya ng katangian ng mag-
aaral,kaalamang dapat matutuhan,ang kritikal na gawain at mga estratehiya sa
pagtuturo.
Ayon kay Chang (2010),kahit na ang mga demokratikong estilo ng pagtuturo
ng mga guro ay nagtatakda ng matatag na pag-uugali at pagkatuto na kanilang
inaasahan sa mga mag-aaral may kapasidad parin silang makitungo at tumugon sa
iba’t ibang pangangailangan ng mga estudyante.Ang mga mag-aaral ay binibigyan
ng higit na kalayaan upang gumawa ng mga desisyon sa kaligiran ng pagkatuto at
pag-aaral.Hindi nangangahulugang guro ang responsible sa mga mag-aaral na
mailantad ang kanilang kapasidad sa pag-aaral.Kundi bibigyan sila ng pagkakataon
na hayaan na silang tumuklas sa sarili nilang kaalaman.Sa demokratikong estilo ng
pagtuturo binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong matuto sa sarili nilang
kakayahan at pag-unawa na gumawa sa mga panuntunan na binibigay ng guro.
Samakatuwid ang mga Dulog sa Pagtuturo ay napakalaki ng tungkulin upang
mas mapataas pang lalo ang kalidad ng edukasyon. Kinapapalooban ito ng iba’t
ibang estratehiya at metodo na kinakailangang gamitin nang maayos upang mas
maging madali para sa kanilang estudyante ang mag-aral.

Kabanata 3
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalayong maipaliwanag at mailahad ang mga paraang


ginamit ng mga mananaliksik sa isinagawang pag-aaral at pananaliksik. Nakapaloob
din dito ang mga taga-tugon, maging ang mga intrumentong ginamit sa pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral
hinggil sa paggamit ng mga Dulog sa Pagtuturo. Ang pananaliksik na ito ay gagamit
ng close-ended at open-ended questions upang makakalap ng mga datos mula sa
mga nakatalagang respondente na maaaring magamit sa mas malawak na pag-aaral
at pananaliksik.

Mga Respondente
Ang mga napiling tutugon sa pananaliksik ay ang mga mag-aaral sa Kolehiyo ng
Lungsod ng Lipa na nasa ikatlong taon ng pag-aaral na kumukuha ng kursong
Batsilyer sa Pansekundaryang Edukasyon.
Gagamit ang mananaliksik ng kwestyuner, sa pamamagitan ng random sampling
ito ipamamahagi upang manatiling patas ang pananaliksik . Ang mananaliksik ay
pipili ng isandaang (100 ) mag-aaral na nnag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyong
Pangguro.
Tahanayan 1.

Seksyon Bilang ng respondente

BSED III-F 17

BSED III-E 17

BSED III-V 17

BSED II-M 17
BEED III G 16

BSED III S 16

Kabuuang dami 100

Instrumento ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng
talatanungan. Maaaring ibigay ang talatanungan sa pamamagitan ng pagpapadala
ng mensahe gamit ang gmail o messenger.

Tritment ng Datos
Ang mga datos na makakalap sa pananaliksik na ito ay pagsasamasamahin at
ita-tally. Ito ay dadaan sa masusing pag-aaral gamit ang statistic. Ang mga datos ay
magsisilbing kasagutan sa mga katanungan sa ginagawang pag-aaral at
pananaliksik. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba-iba ng kasagutan.
Ang mga datos na makakalap ay ilalarawan sa pamamagitan ng bar graph upang
mas mailahad ng mas malinaw at organisado ang mga datos na makakalap.ang
pormularyong gagamitin upang makuha ang porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

Bilang ng Tugon
Porsyento = kabuuang Bilang ng Respondente x 100

Talatanungan / sarbey Kwestyuner

Mahal na respondente,

Pagbati!

Kami po ay kasalukuyang nagsasagawa ng aming pag-aaral o pananaliksik hinggil


sa “Antas ng kaalaman ng mag-aaral sa ikatlong taon hinggil sa mga dulog sa
pagtuturo” bilang bahagi ng pangangailangan sa asignaturang Intro sa Pananaliksik
Kaugnay po nito, kayo po ay napili upang maging respondente sa aming
isinasagawang pananaliksik.
Mangyari pong pakisagutan ng buong katapatan ang mgakasagutan sa ibaba.
Mananatili pong konpidensiyal ang inyong mga kasagutan dito.

Pangalan (opsyunal):___________________________________________
Taon /seksyon:___________________________
I. Propayl
Panuto: lagyan ng tsek(/) ang patlang na tumutukoy sa pansariling katangian.
1.1 edad
18-19__ 20-21__ 22-23__ 24 pataas__
1.2 Kasarian
Babae __ Lalaki __

II. Antas ng kaalaman sa hinggil sa dulog sa pagtuturo.


1. Pamilyar ka ba sa iba’t- ibang uri ng dulog sa pagtuturo
A. Oo __ c. Hindi gaano __
B. Hindi __
2. Lagyan ng tsek (/) ang dulog lapit na nais mong gamitin sa pagtuturo.
__Teacher-centered approach
__Learner-centered Approach
__Interactive Approach
__Contructivist Approach
__Dulog Integratibo
__Collaborative Approach
__Problem-Based Approach
__Patuklas na Lapit
__Konseptwal na Lapit
__Unified Approach
__Dulog Istruktural
__Dulog Audio-Lingual

3. Lagyan ng tsek(/)ang mga pamamaraan sa pagtuturo na pinaka nais mong


magamit at ekis kung hindi ka gaanong pamilyar sa dulog.
__Pamamaraang Pabuod o Inductive
__Pamamaraang Pasaklaw o Deductive
__Pamamaraang Pabalak o Project Method
__Pamamaraang Pagtuklas o Discovery
__Pamamaraang Proseso

4. Lagyan ng tsek(/)ang dulog sa wika sa pagtuturo ng Panitikan na pinaka nais


mong magamit at ekis kung hindi ka gaanong pamilyar sa dulog.

__Pamamaraang Tanong sagot


__Integrated Method
__Pamamaraang Paulat
__Pagtuturong Nakapokus sa mag-aaral
__PagkatutongInteraktibo
5. Lagyan ng tsek(/)ang estratehiya na ginagamit sa mga dulog sa pagtuturo na
pinakapamilyar ka.

__Roundtable discussion
__Panel discussion
__Brainstorming
__Role Playing
__Socio Drama

6. Sa bilang 1 hanggang 5, kung saan 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa,


anong bilang ang antas nag iyong kaalaman hinggil sa mga dulog sa pagtuturo.
Lagyan ng tsek (/) ang tapat ng bilang.

__5
__4
__3
__2
__1

You might also like