You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa akdang panitikan ng Luzon.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol


sa kanilang sariling lugar.
.

C. Kasanayan sa Pagkatuto

a. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang nagbibigay ng hinuha.F7PT-IIIfg-15


b. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng ningning at ng liwanag.
c. Naisasabuhay ang kahalagahan ng tamang pakikitungo sa kapwa.

II. Paksang Aralin

A. Panitikan: Ang Ningning at ang Liwanag ni Emilio Jacinto


B. Uri ng Teksto: Naglalarawan
C. Kagamitang Panturo:
1. Sanggunian
Pluma 7, pahina 335-336

Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources:


https://bit.ly/3eX8FRu

2. Iba Pang Kagamitang Panturo


Biswal, Laptop, Telebisyon,flash drive, white board at marker mga
larawan

III. Proseso ng Pagkatuto

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


1. Panalangin

Bago tayo magsimula ay maaari bang magsitayo


muna ang lahat upang sabay-sabay tayong
manalangin sa ating Poong Lumikha. Manalangin
tayo sa pamamagitan ng isang awit.

(Mananalangin ang mga mag-aaral


2. Pagsasaayos ng Silid-Aralan sa pamamagitan ng isang awitin.)

Bago kayo maupo ay magkakaroon muna tayo


ng “ILAW TSEK”
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I – saayos ang hanay ng inyong mga upuan.


L – umingon-lingon sa paligid at pulutin ang mga
kalat
A – yusin at ihanda ang sarili para sa panibago
nating talakayan.
W – ag na nating patagalin pa at sabay-sabay na
tayong bumati ng Magandang Umaga!

3. Pagbati
Magandang araw sa inyong lahat
Magandang Araw din
4. Pagtatala ng mga Liban

Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, isiping Mabuti


kung sino ang nawawalang katabi. Ngayon
mangyaring itaas ang inyong kanang kamay kung
katabi ay nawawala. (Sa pamamagitan ng tono
ng tatlong bibe)

A. Aktibiti

A.1 Balik aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin.
Mga bata nais kong ipabatid sa inyo na meron
nga pala akong kasamang kaibigan. Nais
kong ipakilala sa inyo si Diwata Jenny

Nais niya kaseng malaman kung ano ang


paksang ating tinalakay noong nakaraang
linggo. Isa kase siyang guro sa kanilang
kaharian.

Ano nga ba ang paksang ating tinalakay


noong nakaraang araw? Ang paksa pong ating tinalakay
noong nakaraang araw ay tungkol sa
magkapatid na sina Mangita at
Larina.
Ano naman ang aral na natutunan ninyo sa
paksang ito.
Natutunan ko po na dapat ay maging
Mabuti po tayong tao upang hindi po
tayo maparusahan.
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Tama ang kanyang sinabi kailangan nating


maging mabuti sapagkat kung gagawa tayo
ng masama ay maaaring pagbayaran natin
ang mga ito hindi man sa ngayon pero sa
daratin na panahon.

Magaling! Sapagkat natatandaan niyo pa ang


ating pinag-aralan. Nagpasalamat sa akin si
Diwata Jenny dahil sa inyong ibinahgi ngunit
kailangan niya na raw umalis sapagkat nais
niya itong ituro sa ibang Diwata.

A.2 Pagganyak

Mga bata alam niyo ba kanina habang ako ay


naglalakad patungo sa ating paaralan ay may
nakasalubong akong isang grupo ng mga
lalaki. Narito ang kanilang larawan.

Humihingi sila ng tulong sa atin sapagkat


nawawala daw ang isang myembro ng
kanilang grupo. Mukha naman silang
mababait kaya sinabi ko sa kanila na kaya ko
silang tulungan.

May ibinigay silang isang baul sa akin at


naglalaman daw ito ng mga pagsubok.

Binuksan ko na ang baul kanina at binasa ang


mga pagsubok. Nahihinuha ko na kayang-
kaya niyo itong lagpasan.

Maaari niyo ba silang tulungang makita ang


nawawala nilang myembro?
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Magaling kung ganon sapagkat natural talaga Opo. Nais po namin silang tulungan.
sa ating mga Pilipino ang pagiging
matulungin.

Para sa unang pagsubok ay kailangan niyo


lamang magbahagi ng inyong mga saloobin o
reaksyon sa mga larawan na aking ipapakita.

Bubunot sa aking mahiwagang bowl ng


pangalan ng mag-aaral na magsasagawa ng
gawain.

(Bubunot ng Pangalan)

Unang Larawan

Gustong-gusto po natin na
magkaroon ng mga bagay na ito
dahil kapag meron tayo sikat po tayo.

Ikalawang Larawan

Para po sa kayamanan may mga tao


pong gagawin ang lahat kahit alam
nilang masama ito.
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Ikatlong Larawan

Dahil ang sentro ng kanilang buhay


ay ang Panginoon, kahit mahirap
patuloy pa din po silang nagsisikap
upang magkaroon ng liwanag ang
Maraming Salamat sa inyong pakikiisa. kanilang buhay.
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili
sapagkat nalagpasan na ninyo ang unang
pagsubok.

A.3 Paglinang ng Talasalitaan

Para sa ikalawang pagsubok. Kailangan


ninyong ibigay ang kahulugang ng mga
salitang nagbibigay ng hinuha at ito ay ang
mga may salungguhit.
1. Ang taong dalisay ang puso ay
pinagpapala.
2. Ang taong dumaraan sa matinding hinagpis
ay kailangan magdasal ng taimtim sa ating
Panginoon
3. Madaling maloko ang taong madaling
mabighani.
4. Tulungan natin sa abot ng ating makakaya
ang mga taong nagdarahop sa buhay.
5. Ang taong itinakwil ang liwanag ay walang
direksyon ang buhay.

Susi sa Pagwawasto
1. Mabuti
2. paghihirap
3. maakit
4. naghihirap
5. pinili ang kasamaan

Binabati ko kayo sapagkat nalagpasan na


ninyo ang ikalawang pagsubok.
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

B. Analisis

B.1 Pagatatalakay sa Akdang ang


“Ningning at ang Liwanag”. (Isang
sanaysay na isinulat ni Emilio Jacinto”.

Mga bata upang malagpasan ninyo ang


ikatlong pagsubok ay kailangan niyo munang
basahin ang sanaysay na isinulat ni Emilio
Jacinto na pinamagatang “ Ang Ningning at
ang Liwanag” sa pamamagitan ng dugtungang
pagbabasa.Kailangan ninyo itong unawaing
mabuti upang masagot ninyo ang kalakip
nitong katanungan. Bubunot ako sa
mahiwagang bowl ng mga pangalan na
magsasagawa ng dugtungang pagbabasa.

(Bubunot ang guro ng mga pangalan na


magsasagawa ng dugtungang pagbabasa.)

Bago kayo magsimula, ano nga muli ang mga


dapat tandan sa pakikinig?

Makinig po ng Mabuti at huwag


Maraming Salamat sa iyong kasagutan. gumawa ng anumang ingay.
Meron pa ba bukod sa kanyang sinabi.

Maglista ng mahahalagang detalye


na napakinggan sa binasang akda.

(Ang mga mag-aaral ay inaasahang


may iba pang kasagutan.
Maraming Salamat sa inyong mga kasagutan.
Batid kong handang-handa na kayo ng
magbasa at makinig sa ating paksa. Maaari
na kayong magsimula.
(Pagsasagawa ng dugtungang
pagbabasa ng mga piling mag-aaral)
B.2 Pag-aanalisa sa akdang tinalakay

Tuald ng sinabi ko kanina ang ikaapat na


pagsubok ay masasagot ninyo kung nakinig
kayo ng mabuti at nagawa ninyo ang ikatlong
pagsubok. Narito ang mga katanungan:

1. Anong uri ng panitikan ang akdang “Ang


Ningning at ang Liwanag”?
“Ang akdang ang “Ningning at ang
Liwanag” po ay isang halimbawa ng
sanaysay.
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Tama! Ito ay sanaysay. Ito’y isang uri ng


panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan at
ang karaniwang paksa niti ay mga kaisipan at
mga bagay-bagay na kinapupulutan ng aral.

2. Ano ang pagkakaiba ng ningning at ng ng


liwanag?
Ang ningning po ay nakakasilaw at
nakasisira sa paningin samanatalang
ang liwanag ay kinakailangan ng
mata upang makita ang kahalagahan
ng mga bagay-bagay.
(Ang mga mag-aaral ay inaasahang
magkakaroon pa ng ibang
kasagutan.)
Tama! Ang ningning ay nakasisilaw sapagkat
pinakikisamahan lamang natin ang tao dahil
sa mga bagay na meron siya samantalang
ang liawanag naman kabutihan ng kapwa ang
ating nakikita.

3. Ano naman ang inyong nahihinuha sa


pahayag na ito: “Ating hanapin ang liwanag,
huwag mabighani sa ningning”.
Nangangahulugan po ito na huwag
po tayong masilaw sa mga materyal
na bagay.
(Ang mga mag-aaral ay inaasahang
magkakaroon pa ng ibang
kasagutan.)
4. Sang-ayon ba kayo sa sinabi ng may-akda
tungkol sa ang ningning at ang liwanag?
Pangatwiraranan.
Opo. Sang-ayon po ako dapat hindi
po tayo nahuhumaling sa mga
materyal na bagay at hindi rin po
tayo dapat nanghuhusga kaagad ng
ating kapwa lalo na kung hindi
naman natin sila kilala.
Magaling! Nararapat lamang na kilalanin
muna natin ang isang tao. Huwag tayong
maging mapanghusga. Gawin nating sentro
ng ating buhay ang ating Panginoon upang
magkaroon ng liwanag ang ating buhay.
Maraming Salamat sa inyong mga kasagutan
tiyak na matutuwa ang ating ga kaibigan
sapagkat nalagpasan na natin ang ikaapat na
pagsubok.

C. Abstraksyon
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Bago tayo magpatuloy sa ikalimang pagsubok


nais kong ipabatid sa inyo na importante para sa
ating mga kaibigan na malaman kung may mga
aral ba kayong natutunan. Oras na upang ibahagi
ang mga ito.

Kung ikaw ay nakararanas ng ningning sa


iyong buhay, ano ang maaari mong gawin
upang hindi ka masilaw dito?

Palagi po akong magdarasal sa ating


Panginoon na gabayan po ako
upang magamit ko po ng maayos
ang mga bagay na meron ako.

(Ang mga mag-aaral ay inaasahang


mayroon pang ibang kasagutan)

Ano ang iyong gagawin kung nakita mo ang


iyong kaklase na pinagtatawanan ang isa mo
pang kaklase dahil sa kanyang pisikal na
anyo? Ipaliwanag ang iyong kasagutan

Susuwayin ko po ang mga kaklase


ko na pinagtatawanan ang isa ko
pang kaklase. Sasabihin ko po sa
kanial na hindi maganda ang
ganitong uri ng gawain.
Maraming Salamat sa pagbabahagi ninyo ng
inyong mga natutunan. Basta lagi ninyong
tatandaan na huwag kayong masisilaw sa
ningning bagkus ay gamitin niyo ito upang
magkaroon ng liwanag hindi lamang ang inyong
buhay kundi pati na rin sa buhay ng ibang tao.

D. Aplikasyon (Pangkatang Gawain)

Para sa ikalimang pagsubok ay papangkatin ko


kayo sa tatlo. Mangyaring bumilang ng isa
hanggang tatlo. Ang magkakapareho ng bilang
ang siyang magkakapangkat.

Narito ang gawain ng bawat pangkat: (Bibilang ang mga mag-aaral ng isa
hanggang tatlo)
Pangkat I: Gumawa ng spoken poetry na
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

nagpapaliwanag ng pagkakaiba ng ningning at


ng liwanag.

Pangkat II: Gumawa ng isang awit tungkol sa


mga bagay na nagsisilbing liwanag sa buhay.

Pangkat III: Bumuo ng isang maikling dula-


dulaan tungkol sa kahalagahan ng tamang
pakikitungo sa kapwa.

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minute


upang paghandaan ang mga nakatakda sa
inyong gawain at dalawang minute bawat grupo
sa pagsasagawa ng inyong presentasyon.

Narito ang magiging pamantayan ko sa


pagmamarka:

Pamantayan sa Pagmamarka

Presentasyon: 7 puntos
Nilalaman: 10 puntos
Partisipasyon: 3 puntos

Kabuuan 20 puntos

*Paglalahad ng Pangkatang Gawain


*Pagbibigay ng Feedback at Input ng Guro

Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili sapagkat


nalagpasan na ninyo ang ikalimang pagsubok.
Sana ay naging masaya kayo at marami sana
kayong natutunan.

Isang sulat ang dumating mula sa ating mga


kaibigan. Ayon sa sulat, napagtagumpayan natin
ang lahat ng pagsubok nangahulugan ito na
nakabalik na rin ang nawawalang myembro ng
BTS.

IV. Ebalwasyon (Pagtataya)

Panuto: Basahin at ibigay ang angkop na hinuha sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Natalo si Garry sa laro nila ni Ferdie. Tinapik niya ang balikat ni Ferdie at sinabayan ng ngiti.
A. Hinamon niya si Ferdie ng panibagong laro.
B. Masaya si Garry sa nangyari.
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

C. Tanggap ni Garry ang kanyang pagkatalo.


D. Pinagbabantaan niya si Ferdie
2. Mahilig bumili at magsuot ng magagandang damit si Annie upang hangaan siya ng kanyang
mga kaibigan.
A. Mahirap lang si Annie.
B. Si Annie ay magastos.
C. Walang masyadong damit si Annie.
D. Walang magawa si Annie.
3. Si Aling Juana ay palaging nagsisimba tuwing Linggo. Tuwing lalabas siya ng simbahan ay
may mga batang nanghihingi sa kanya ng limos. Galit na galit siya at palagi niyang itinataboy
ang mga ito.
A. Binigyan niya ng pera ang mga bata.
B. Pinakain niya ang mga bata.
C. Naiwan niya ang kanyang pitaka.
D. Pakitang tao lamang ang kanyang pagsisimba.
4. Ibinoto si Leon ng mga tao dahil sa iniabot niyang sobre sa mga ito. Mayaman siya at
palaging inuuana ang kanyang sariling interes.
A. Mahusay na pinuno si Leon.
B. Binili niya ang boto ng mga tao.
C. Tinulungan niya ang mga mahihirap.
D. Mapagbigay si Leon.
5. Nag-aaral at nagsisikap si Ben upang maging isang guro sa kanilang bayan.
A. Kailangan ni Ben ng trabaho.
B. Nais niyang maging sikat sa kanilang bayan.
C. Ayaw umalis ni Ben sa kanilang bayan.
D. Nais si Ben na maglingkod sa bayang kanyang pinanggalingan.

Susi sa Pagwawasto
1. C
2. B
3. D
4. B
5. D

Index of Mastery

SEKSYON BLG. NG MAG-AARAL INDEX

V. Takdang Aralin
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Magsulat sa iyong kwaderno ng limang (5) masasamang epekto ng “bullying” sa kapwa

Inihanda ni:

__________________________________

ANABELLE BROSOTO
(Gurong Nagsasanay)

Iniwasto ni:

____________________________________

BIBIANA JOCELYN D. CUASAY, Ed. D.,Ph. D.


(Gurong Tagapagsanay)
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

“Ang Ningning at Ang Liwanag” isinulat ni:


Dimas-Ilaw (Emilio Jacinto)
Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay
kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng
mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay


nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na
dumampot.

Ang ningning ay madaya.

Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning.


Sa katunayan ng masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang
karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y
nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan.
Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa
iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na
tinatagLay ay natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan.


Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y
maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng
kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa


ningning at pagtakwiL sa Liwanag.

Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga
bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita.
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Old City Hall Compound Lungsod ng Lipa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng
kapaLaLuan at ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na
maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na
pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at
waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang
ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng
kapangyarihang ito.

Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na


ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng
maningning.

Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na


gaLang ay ang maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob,
ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat di natin
pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi
hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran.

Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning


upang huwag mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang
kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na
daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa
paningin.

MapaLad ang araw ng Liwanag!

Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang


kumuha ng haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at
binatang mga kaapihan?

You might also like