You are on page 1of 5

SOUTHERN CHRISTIAN COLLEGE

United Church of Christ in the Philippines


College of Teacher Education
Midsayap, Cotabato
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 7

Taon at Seksiyon: Grade 7 – Amethyst, Amber at Aquamarine


Araw at Oras: Miyerkules 10:45-11:45 ng umaga(Amethyst) at 1:00-2:00, 3:00-4:00 ng
hapon(Aquamarine at Amber). Ika-7 ng Marso 2023.

Konsepto: Kwentong Bayan; MITO

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Maipaliwanag ang Mito bilang uri ng mga Kwentong Bayan.
b. Matututuhan ang kasaysayan ng Mito; at
c. Matututong alamin ang pinagkaiba nito saibang Uri ng Kwentong Bayan.

II. Paksang-Aralin
a. Paksang Aralin: Mga Kwentong Bayan
b. Sanggunian: Ikalawang Markahan Modyul 3 Kwentong Bayan.
c. Kagamitan: LED tv., Laptop, at Libro

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago natin umpisahan ang ating Ama naming makapangyarihan sa lahat,
talakayan ngayong hapong ito, simulan sinasamba ka po namin... Amen.
natin ito sa isang panalangin na
pangungunahan ni Maria.
Magandang hapon din po Ma’am.
2. Pagbati Salamat po Ma’am.
Magandang hapon sa inyong lahat.
Maaari na kayong umupo.
Ako si Irish Jubelle A. Mantigue, isang
Pre-service Teacher at ako ang inyong
magiging guro ngayong hapon. Bago tayo
umupo ay maari bang ayusin muna natin an
g ating kapaligiran, tignan ang mga kalat at Wala po Ma’am.
ang ayos ng upuan.

3. Pagtala ng Lumiban
May lumiban ba sa klase?
Mabuti’t wala. Kung gayon bigyan natin ng
limang bagsak ang ating mga sarili.

4. Paglalahad ng Alituntunin
Sa loob ng ating talakayan ngayong hapon,
hinihikayat ko ang partisipasyon ng lahat.
Iwasan ang ingay o pakikipag-usap sa
katabi. Upang maiwasan ang pagkahawa sa
mga sakit dahil hanggang ngayon tayo ay
sumusunod parin sa health protocol n autos
mula sa gobyerno.
Iwasan din ang pagsagot nang sabay-sabay.
Itaas lamang ang kanang kamay ng mga Ang pinag-aralan po natin noong
gustong sumagot. nakaraang pagkikita ay tungkol sa
Ipakita ang paggalang sa lahat. Alamat bilang uri ng Kwentong bayan.

B. Pagbabalik-aral Opo, alam po namin.


Noong nakaraan nating pagkikita, ano ba Ang Alamat ay isang paraan ng
ang ating tinalakay? pagsasalaysay ng mga pinagmulan ng
mga bagay bagay.
Mahusay. Alam niyo ba kung ano ang
Kaalamang bayan?
Kung tunay ngang alam niyo na, sino ang Isa sa halimbawa ay ang Alamat ng
makapagbibigay ng kahulugan nito? Bayabas.
Magaling! Magbigay nga ng halimbawa
nito?
Mahusay! Talaga ngang nakinig at may
naunawaan kayo.

C. Pagganyak
Maglalaro tayo, kung sino yung matatalo sa
laro, sila yung magbabasa ng nasaliksik
nila tungkol sa dalawang natirang uri ng
Batay sa aming ginawa, ang paksang
Kaalamang bayan.
ating tatalakayin ngayon ay Mito.
Magaling, maraming salamat!

D. Paglalahad ng Bagong Paksa


Batay sa inyong isinagawa, ano kaya ang
paksang ating tatalakayin ngayong umaga?

Mahusay!

E. Pagtatalakay
Ang paksang ating pag-aaralan ngayong
hapon ay ang isa pang Uri ng Kwentong
Bayan at yon ay ang Mito.
Mito mula sa salitang Mitolohiya ay hango sa
salitang griyegong, mythos na
nangangahulugang, Talumpati at sa katagalan
ay nangahulugang “pabula” o “alamat”
Ang mitolohiya ay ang sinaunang kuwentong
may kaugnayan sa paniniwala o
pananampalataya at nagtataglay ng tauhang
karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng
pangkaraniwang mortal.
Naglalayong magbigay-paliwanag sa mga
bagay na mahirap ipaliwanag dahil hindi
pangkaraniwang nangyayari sa mundo at sa
lipunan.
Kadalasan pumapasok sa isip ng mga tao ang
Mitolohiyang Griyego sa tuwing namimitlang
ang salitang, mitolohiya.
 Mitolohiya ng Pilipinas Bathala, Idionale,
Apolaki, Agawe, Tala, Hanan
 Kahalagahan, Nilikha upang maaliw sa
magandang kuwento, Mamangha sa taglay
nitong hiwaga, Matuto sa taglay nitong
mabuting aral.

E. Paglalahat
1. Bilang paglalagom, Ano ulit ang Mito?
Ano ang mga uri nito? Saan ito kadalasang
naririnig?
Naunawaan ba ang ating talakayan?
Magaling!

Bilang pagbabalik tanaw,


Panuto: Kailangan masagot kung anong uri
ng Kaalamang bayan ang nakikita batay sa
mga ipapakita ko sa LED TV

IV. Ebalwasyon/Pagtataya
Gawain 1: Ibahagi ang inyong sariling pananaw kung bakit kinakailangan may alam tayo
patungkol sa mga Mitolohiyang Pilipino.

Pamantayan Puntos
Orihinalidad at Nilalaman 5
Organisasyon ng ideya 5
KABUUAN 10
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Magsaliksik patungkol sa susunod na talakayan at iyon ay ang Parabula.
Inihanda ni:
Iniwasto ni:
Irish Jubelle A. Mantigue
_______________ Gng. Arlyn J. Sinahan.
Pre-Service Teacher ___________________
Guro sa Filipino 7 at 8

You might also like