You are on page 1of 10

1st Quarter Filipino 5

Week 2
Aralin: Kuwento at Pagsagot Sa Detalye Nito
Paglalapat ng kuwento sa sariling karanasan

I. Panimulang Nilalaman
I. Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon
at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan

B. Pamantayang Pagaganap
Napapahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa mga usapan at
talakayan, pagkukuwento, pagsulat ng sariling tula, talata o kuwento

C. Pamantayan sa Pagkatuto
 Naipahahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan
 Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at dipamilyar sa pamamagitan
ng gamit sa pangungusap
 Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas
 Naitatala ang mga mahahalagang impormasyon mula sa binasang teksto
 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may akda ng
tekstong napakinggan o nabasa

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtatalakay
tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid, sa usapan at
paglalahad tungkol sa sariling karanasan

II. Nilalaman: Kuwento at Pagsagot Sa Detalye Nito


Paglalapat ng kuwento sa sariling karanasan
Kuwento: “Si Mariang Mapangarapin”
Wika: Kaukulan ng Pangngalan Ayon sa Pantukoy Nito
1st Quarter Filipino 5
Week 2
Aralin: Kuwento at Pagsagot Sa Detalye Nito
Paglalapat ng kuwento sa sariling karanasan

Konsepto ng Aralin

Pag-aralan ang talahanayan sa ibaba:

Pambalana Pantangi
Kaukulan
Isahan Maramihan Isahan Maramihan

Palagyo Simuno ng ang ang mga si sina


pangungusap

Paari Pagpapakilala ng ng mga ni nina


ng
pagmamay-ar
i

Palayon Layon ng sa sa mga kay kina


pang-ukol;
pook o ng ng mga ni
direksiyon; nina
tagatanggap

Halimbawa:

Ibig sabihin, sa mga pangungusap na:

Kinagat ni Jordan ang Bracelet na tanda ng pagkakaibigan nina Omar at kaniyang barkada.

Ang pangngalang bracelet na tinutukoy ng ang may kaukulang palagyo. Sa pangungusap na ito, ang
bracelet ang simuno.

Ang pangngalan Omar at barkada naman na tinukoy ng nina ay may kaukulang paari.

Ang pangngalang pagkakaibigan na tinutukoy ng ng ay may kaukulang palayon. Ang salitang


“pagkakaibigan” ay layon ng ng.
1st Quarter Filipino 5
Week 2
Aralin: Kuwento at Pagsagot Sa Detalye Nito
Paglalapat ng kuwento sa sariling karanasan

Basahin ang Kwento

Si Mariang Mapangarapin

Si Maria ay isang dalagang maganda, masigla, masayahin, at matalino.


Maituturing siyang isang modelong dalaga na dapat tularan ng iba. Subalit mayroon
lamang siyang isang katangian na mahirap alisin, ang pagiging mapangarapin.
Walang pinipiling oras ang kanyang pangangarap. Palagi siyang nangngarap ng
gising. Maya’t maya, siya ay nakatingin sa malayo, malalim ang iniisip at waring
nananaginip nang dilat ang mga mata.
Dahilan sa katangiang ito, tinawag siyang Mariang Mapangarapin ng kanyang
mga kabarangay. Balewala naman siya na tawagin ng ganoon, at parang ikinatutuwa pa
niya na nakikilala siya dahil sa kakaibang katangian niyang iyon.
Maraming nanliligaw kay Maria ngunit wala naman siyang sinumang sinasagot sa
mga ito. Tinatanggap lamang niya sila sa kanilang bahay bilang manliligaw. At bawat
manliligaw ay natural na nagbibigay ng regalo na ikinatutuwa lalo ni Maria.
Isang araw, isang mabait na binata ang nagregalo sa kanya ng isang dosenang
dumalagang manok. Sobra-sobra ang tuwa ni Maria!
Alagang-alag ni Maria ang mga manok. Pinakiusapan niya ang kanyang masipag
na ama na gumawa ng matibay na kulungan para sa kanyang mga manok. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa niya. Umaga, tanghali at hapon ay pinakakain at
pinaiinom niya ang mga manok. Binibigyan din niya ang mga manok ng gamut at
bitamina.
Ganoon na lamang ang pag-aalaga ni Maria dahil pangarap niya na magkaroon ng mga
inahing manok na mangingitlog nang marami araw-araw.
At dumating ang araw na nangitlog na ang lahat ng inahing manok ni Maria. Isang
dosenang itlog ang nakukuha ni Maria sa bawat araw. Naiisip na ni Maria ang halaga ng
labindalawang itlog na kikitain niya sa araw-araw sa loob ng pitong araw. Sa kanyang
pangarap, alam niya na Malaki ang magiging pera niya kapag ibinenta niya ang mga
itlog.
Nang sumapit ang ikapitong araw, napagdesisyunan ni Maria na dalhin ang mga
itlog sa bayan upang ibenta. Hawak-hawak ang basket habang naglalakad ay nangarap
na naman nang gising si Maria. Inilalarawan niya sa isip ang ipagbibili niyang mga itlog.
Ang perang kikitain niya ay gagamitin niya ng pambili ng magagandang tela na
ipapatahi niya upang magkaroon siya ng magara, kakaiba at bagong damit. Iniisip niya
na hahangaan lalo siya ng kanyang mga manliligaw kung suot na niya ang pangarap
niyang damit. Habang nangangarap ay pakendeng-kendeng pa siya, umaaawit ng
pabulong.. nang biglang… BLAG!
Nabitawan niya ang basket nang siya ay matapilok! Lahat ng itlog sa basket ay
nabasag. Nabigla si Maria at hindi agad nakapagsalita. Nang maunawaan ang nangyari,
siya ay pumalahaw ng iyak. Naglaho ang lahat ng pangarap na magandang bestida
kasabay ng pagbagsak ng mga itlog.

1) (Pagpapaliwanag) Bakit tinawag na mariang mapangarapin si Maria?


2) (Pagpapaliwanag) Ayon sa kanyang kay Maria, bakit hindi niya sinasagot ang
kanyang mga manliligaw?
3) (Pagbubuo ng sariling pananaw) Sa iyong palagay,tama ba ang inaasal ni Maria?
Bakit?
4) (Pagdama at Pag-unawa) Kung ikaw si Maria ganoon din ba ang gagawin mo?
5) (Pagkilala sa Sarili) Bilang isang bata, maganda ba ang katangian meron si
Maria? Dapat ba itong pamarisan?
1st Quarter Filipino 5
Week 2
Aralin: Kuwento at Pagsagot Sa Detalye Nito
Paglalapat ng kuwento sa sariling karanasan

Pagsasanay 1

Pagsasanay 1: Talasalitaan

Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na salita gamit ang inyong diksyunaryo. Sagutin ito sa
inyong Filipino kwaderno.

1. mapangarapin - ____________________________________________
2. pumalahaw - ____________________________________________
3. dumalaga - ____________________________________________
4. dilat - ____________________________________________
5. ibinenta - ____________________________________________
Pagsasanay 2

Pagsasanay 2: Alamin Mo!

Guhitan ang mga pangngalan sa bawat pangungusap. Bilugan ang pantukoy o pananda nito.
Isulat sa maliit na kahon kung ano ang kaukulan ng pangngalang ginuhitan.

1. Hindi gusto ni Omar si Jordan.

2. Pula ang laso ni Justine.

3. Isa sa mga paboritong alaga ng mga Pilipino ang aso.

4. Malaking responsibilidad ang pag-aalaga g hayop.

5. Magandang nagkakasundo ang buong pamilya.

6. Minsan, nagtatampo ang mga anak sa mga magulang.

7. Ibinigay ang regalo kay ate kanina.

8. Nagbakasyon ang pamilya sa beach noong isang buwan.

9. Dapat tayong maging mapangalaga sa mga hayop.

10. Isa ang kaarawan sa pinakapaborito kong okasyon.


Pagsasanay 3

Pagsasanay 3: Punan Mo!

Panuto: Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa iisang paksa. Tukuyin ang


kaukulan ng pangngalan sa bawat pangungusap.
Pagsasanay 4

Pagsasanay 4: Hanapin Mo!

Tukuyin ang ilan sa mga pangngalan sa kuwentong “Si Mariang Mapangarapin”. Ibigay ang
katangian ng mga pangngalang ito ayon sa natutuhan sa mga naunang aralin.

Maria
________________________________________________________________

bahay
________________________________________________________________

basket

________________________________________________________________

itlog
________________________________________________________________

Nanliligaw

________________________________________________________________
Pagsasanay 5

Pagsasanay 5: Kuwento at Pagsagot sa Detalye nito

I. Panuto: Buuin ang detalye ng kuwento. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Maria ay isang dalagang maganda, masigla, masayahin, at matalino.
a. maganda, masigla, masayahin, at matalino.
b. mapangarapin, masigla, maganda, at matalino.
c. masipag, masigla, maramot, at tamad.
d. masayahin, masigla, maramot at matino.
2. Subalit mayroon lamang siyang isang katangian na mahirap alisin,
a. ang pagiging mapangarapin.
b. ang pagiging masipag.
c. ang pagiging maramot.
d. ang pagiging maganda.
3. Isang araw, isang mabait na binata ang nagregalo sa kanya ng
a. isang dosenang dumalagang manok.
b. isang dosenang tandang na manok.
c. isang dosenang bibe manok.
d. isang dosenang biik manok.
4. ang nakukuha ni Maria sa bawat araw.
a. Isang dosenang balot
b. Isang dosenang pato
c. Isang dosenang sisiw
d. Isang dosenang itlog
5. Hawak-hawak ang basket habang naglalakad ay
a. nangarap na naman nang gising si Sarah.
b. nangarap na naman nang gising si Lorna.
c. nangarap na naman nang gising si Maria.
d. nangarap na naman nang gising si Linda.
\

1st Quarter Filipino 5


Week 2
Aralin: Kuwento at Pagsagot Sa Detalye Nito
Paglalapat ng kuwento sa sariling karanasan

Gawain 3: Repleksyon / Pagninilay

Basahin muli ang kuwentong “Si Mariang Mapangarapin”. Alalahanin ang iyong sariling
karanasan na kaugnay na nabasang kuwento. Gawin ang sumusunod na mga gawain
batay sa nabasa/naalala:

1. Isulat ang isang salita o pangungusap ng nabasang kuwento na may kaugnayan sa


iyong karansan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ipaliwanag sa hindi bababa sa dalawang pangungusap kung paano naging


magkaugnay ang iyong karanasan sa iyong binasang kuwento na kaugnay ng
isinulat mo sa bilang 1.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

You might also like