You are on page 1of 4

Banghay Aralin Filipino 7

Panunuring Pampanitikan

l. Mga Layunin:
a. Natutukoy ang katangian ng isang Pabula
b. Naipaliliwanag ang konseptong napapaloob sa pabulang binasa
c. Naisasagwa ang reenactment ng tamang pag-iwas sa mga naglipanang panloloko
lipunan
d. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa
Attitude (pangkasalan) – Hindi manloko ng kapwa
Values (Pagpapahalaga) – Maging maingat sa pakikitungo sa taong tuso at manloloko

ll. Paksang Aralin


Natalo rin si Pilandok
Pabulang Maranao
Kagamitan: Laptop, Video at T.V.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7,

lll. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtetsek ng liban at hindi
liban, pagsasaayos ng loob ng
silid-aralan
 Pagbati
 Balik-aral:
a. Ano ang pabula? - Ang pabula ay mga kwento na ang
mga tauhan ay mga hayop.

b. Sino ang isa sa - Siya po si Aesop


pinakatanyag na pabulista?
Naisulat niya ang higit 200
pabula?
c. Sino naman ang sumulat ng - Siya po ay si Dr. Jose P. Rizal
Si Pagong at si Matsing?

1. Pagganyak
Narasan niyo na ba ang
maloko? Ano ang
pakiramdam?

2. Talasalitaan
Panuto: Hanapin sa
pangungusap ang
kahulugan/kasing kahulugan ng
salitang nakasalungguhit.
a. lsang baboy-ramo ang Sagot: malalagong
nagtago sa malalabay na
sanga kaya’t hindi ito Nakita
ni Pilandok dahil sa
malalagong dahong
tumatakip ditto.
b. “Ang matikas na baboy- Sagot: matipunong
ramong tulad mo ay
nababagay lamang kumain
ng isang matipunong tao,”
ang pambobola ni Pilandok
sa baboy-ramo.
c. Sinagpang ng buwaya ang Sagot: sinunggaban
kanyang pa subalit hindi
siya nagpahalatang
nasaktan kahit pa
sinunggaban siya nito.
d. Mabuti na lang at Sagot: nakatalon
nakalundag si Pilandok
palayo dahil hindi naman
nakatalon ang mabigat at
malaking buwaya.
e. Ipinagbunyi ng mga hayop Sagot: ipinagdiwang
ang pagkapanalo ng isang
munting hayop laban kay
Pilandok subalit lalo nilang
ipinagdiwang ang narinig na
pagbabago ni Pilandok.

3. Mahalagang Tanong: Tama ba


na manloko ng iba mailigtas
lang ang sarili sa
kapahamakan?

4. Gawain
Pakikinig sa pabulang “Natalo Makikinig ang mga mag-aaral sa kwento.
rin si Pilandok”

d. Analisis
1. Saan ito Makikita? - Sila ay makikita lamang sa
Balabac, Palawan
2. llarawan si Pilandok - Si Pilandok at tuso at manloloko
3. Bakit sinasabing matalino si - Kilala si pilandok sa pagiging tuso
Pilndok? at mapanlinlang. Sa katunayan,
madalas na panlilinlang o
panloloko ang ginagamit niya sa
kanyang laban kaya palagi siyang
nananalo.
4. Paano niloko ni Pilandok ang - Ginamit ni Pilandok ang
Baboy-ramo at buwaya? mangangaso upang mapaslang si
baboy-ramo at ginamit nanaman
muli ni Pilandok ang kanyang
pagiging tuso para maisahan si
buwaya at makaligtas siya sa
kapahamakan.
5. Bakit galit na galit ang buwaya - Kasi palagi siyang naiisahan ni
kay Pilandok? Pilandok.

6. Paano kaya ililigtas ni Pilandok - Kung ako si Pilandok, iiwas nalang


ang sarili nang hindi siya ako sa kapahamakan.
nanloloko?

e. Abstraksiyon
Ang Pilandok o Philippine Mouse
Deer ay isang maliit na hayop.
Ngunit sa akdang ito ay
kabaligtaran ang pagkakalarawan
kay Pilandok. Bagama’t ang pag-
iingat at pamamatyag ang mga
sandigan upang makaligtas sa
taong mapanlinlang at manloloko,
mas mainam parin ang
pagpupursiging mapigilan ang mga
tulad nila sa ating lipunan.

f. Aplikasiyon
lpaliwanag kung paano naganap
ang panloloko sa pamamagitan ng
Role Play.

1. Budol-budol
2. Laglag-barya
3. Palit-pera

lV. Assessment (Pagtataya)


lbigay ang inyong hinuha:
1. Kapag nalaman ng mga hayop na si Pilandok ang dahilan ng pagkamatay ni
baboy-ramo, ano ang gagawin nila kay Pilandok?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Naisahan ni Pilandok ang buwaya, sa susunod na magkita sila, ano kaya ang
gagawin ng buwaya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo si Pilandok ng munting suso. Ano
kaya ang mensaheng nais ipabatid ng mga hayop?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Tinanggap ni Pilandok ang kanyang pagkatalo at nangakong magbago na.
Anong katangian ang makikita kay Pilandok?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok kay suso at pangakong magbabago na,
ano kaya ang mangyayari?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

V. Takdang aralin
Basahin ang kwentong “lndarapata at Sulayman.”

You might also like