Ang pamilya ay itinuturing na isang pinakamaliit nay unit sa lipunan.
Binubuo ito ng ama, ina, at mga anak. Ang isang pamilya mararamdaman ang pagmamahal, pag-uunawa, pagdamay at pagtutulungan. Higit sa lahat ang pagmamahal sa isa’t-isa ang pinakamahalaga at nagpapasaya sa bawat kasapi ng pamilya.
Ang aking pamilya ay isang magandang regalo na ibinigay sa akin ng
Maykapal. Hindi ko ipagpapalit kahit sa ginto or sa mamahaling bagay dito sa mundo. Sila ang aking sandigan sa panahon na ako ay nalungkot at may pangamba sa buhay. Ang aking mga magulang ang aking gabay at nagturo sa akin ng magandang asal. Si mommy ay mabait, mapagmahal, at haplos ng kanyang pag- aalaga ay walang kapantay. Siya ay may kaakit-akit na ganda, hindi lamang sa panlabas pati na sa puso niya. Pantay-pantay ang pagmamahal nila aming. Walang labis, walang kulang ito ay buo at bukod-tanging pagmamahal sa amin. Mga kapatid ko turing kong pinakamatalik kung kaibigan. Masaya kaming naglalaro, nag-uusap ng kahit anu-anong bagay. Pareho kaming mahilig sa pagkain. Sarap na sarap kaming kumain habang nagkukuwentuhan. Ang aming bunso ay balat-sibuyas dahil siya ang madaling umiyak sa amin. Araw-araw kaming tumatawag ni daddy dahil siya ay malayo sa amin. Tao-puso akong magpasalamat sa Diyos sa pamilyang bigay niya sa akin.