You are on page 1of 4

KABANATA 6

Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-iisang tirang tinapay.

Sa wakas ay nadatal na ni Don Juan ang puno at muntik nang makalimutan ang bilin ng
matanda dahil sa ganda ng puno.

Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay na ibinigay niya sa leprosong


matanda.

Nalaman niya na engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito masisilayan. Pitong beses
iyong umaawit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit.

Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang kanyang palad at pipigaan ng dayap
upang hindi makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang sintas na Ginto upang
gamitin sa paghuli ng mahiwagang ibon.

KABANATA 7

Pagdating ni Don Juan sa puno ng Piedras Platas, wala siyang natagpuang ibon kaya matiyaga
nalang siyang naghintay sa pagbabalik niyon.

Malalim na ang gabi at sa wakas dumating na ang Ibong Adarna. Nagsimula na itong umawit
kasabay ng pagpapalit ng kulay ng balahibo nito.

Dahil sa mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok at muntikan nang makatulog.
Upang maiwasan na maging bato, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang labaha at
pinigaan ito ng dayap.

Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon ngunit dilat ang
dalawang mata at nakabuka ang malabay na pakpak nito.

Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at dinala ito sa dampa ng
ermitanyo.

KABANATA 8

Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig upang maging
taong muli ang mga kapatid niyang naging bato.

Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don Pedro at nabuhay
itong muli at agad hinagkan ang bunsong kapatid.

Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na prinsipe, agad
din nitong niyakap si Don Juan.

Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-alala sa amang may
sakit. Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo.
KABANATA 9

Naghanda ng mga masasarap na pagkain ang ermitanyo para sa tatlong magkakapatid na


prinsipe.

Pagkatapos ng piging ay kumuha ng misteryosong botelya ang matanda at pinahid ito sa


palad ni Don Juan at agad itong gumaling.

Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo sa kanilang pag alis. Habang binabagtas ang
daanan pauwi ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay walang kamalay-malay na nagbabalak
na pala ang nasa likuran na si Don Pedro ng masama laban sa kanya at kinumbinsi nito si Don
Diego na patayin si Don Juan.

Nung una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani niya, sa halip na
patayin ay bugbugin na lang daw ito. Iniwang nakabulagta ang kahabag-habag na si Don
Juan.

KABANATA 10

Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang kaligayahan ng
Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe ngunit agad namang napawi
ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin na wala si Don Juan.

Labis itong nanibugho sa pagkawala ng kanyang bunso at ninais nalang mamatay. Ang ibong
adarna naman ay pumangit at ayaw nang kumanta dahil taksil ang nag uwi sa kanya.

Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.
Umaasa ang ibong adarna na buhay pa ang tunay na nagmamay-ari sa kanya at malaman ng
Hari ang kataksilang ginawa ng magkapatid.

KABANATA 11

Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na prinsipe. Namamaga ang kanyang buong


katawan, may pilay ang tadyang, at mamamatay na sa gutom at uhaw.

Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa mahal na birhen na nawa ay humaba pa
ang buhay at gumaling ang kanyang amang may sakit.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtaksil sa kanya ang dalawang prinsipe. Handa naman
niyang ibigay ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig.

Sa gitna ng kanyang paghihirap ay sinariwa niya ang Berbanya at ang inang reyna dahil sa
labis na pananabik.

KABANATA 12

May biglang sumulpot na ermitanyo. Nakita nito si Don Juan na nakahandusay sa lupa.
Ginamot niya sa muling pagkakataon ang prinsipe.
Agad na naglaho ang mga sugat nito na parang mahika. Labis ang pasasalamatan ni Don Juan
sa ermitanyo at hinagkan ito.

Nais sanang gumanti ng utang na loob ang prinsipe ngunit tumanggi ito dahil ayon sa kanya,
ito’y isang uri ng pagkakawanggawa.

Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na bumalik na sa Berbanya upang iligtas ang Hari at agad
naman itong sumunod.

KABANATA 13

Nakabalik na ang prinsipe sa Berbanya. Nasindak ang dalawang magkapatid nang nakitang
buhay pa si Don Juan.

Magalak na hinagkan ni Don Juan ang kanyang ama ngunit hindi namukhaan agad ng Hari
ang anak.

Bumalik ang ganda ng ibong adarna at ito ay muling umawit. Inawit nito ang lahat ng
nangyari kay Don Juan simula sa paghuli niya sa ibong adarna hanggang sa pagtataksil ng
dalawang prinsipe kay Don Juan.

Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong katotohanan. Walang anu-
ano’y biglang tumayo ang Hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon ang dalawang taksil
na prinsipe, subalit nakiusap si Don Juan sa Hari na ‘wag na itong ipatapon.

Agad namang pumayag ang Hari sa hiling ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan ang dalawa.
Bumalik ang sigla ng kaharian dahil sa paggaling ng Hari.

KABANATA 14

Nawili ang Hari sa ibong adarna. Oras-oras kung ito’y kanyang dalawin at hindi ito ikinatuwa
ng reyna. Sa pangamba nitong makawala ang ibon, ipinabantay niya ito sa tatlong prinsipe.

Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok. Muling nagbalak ng
masama si Don Pedro at Don Diego laban kay Don Juan.

Nagdalawang-isip si Don Diego na sumang-ayon sa plano ngunit sa huli’y pumayag din ito.
Nakaidlip si Don Juan at hindi na namalayang pinakawalan na ng dalawa ang ibon.

KABANATA 15

Madaling araw palang ay nagpasya nang tumakas si Don Juan dahil batid niyang magagalit
ang kanyang ama kapag natuklasan nitong nakawala ang ibong adarna.

Agad na pinatawag ng Hari ang tatlong prinsipe ngunit si Don Pedro at Don Diego lang ang
humarap sa Hari.
Gumawa na naman ng panibagong kasinungalingan ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito,
hindi na naniwala ang Hari sa kanila.

Sinambit nina Don Pedro at Don Diego na hahanapin nila ang taksil na si Don Juan upang
maparusahan.

Naglakbay sila sa bukirin ngunit hindi nila matagpuan si Don Juan. Sa huli’y narating din nila
ang kabundukan ng Armenya na pinagtataguan ni Don Juan.

You might also like