You are on page 1of 8

Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Espanyol na ngayon ay
bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino.
Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido
at Buhai na Pinagdaanan ng Tatlóng Principeng Magcacapatid na anac nang Haring Fernando
at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.

May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa


kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kuwento sa Adarna, isang ibon na
nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman
sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito.

Umiikot din ang kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang
Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at
pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora.

KABANATA 1
Hiling ng Makata
Nagsimula ang sumulat ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng pagbati at pagpuri kay
Birheng Maria.

Sabi ng manunulat, si Birheng Maria ay nagbubukas ng kanyang pag-iisip para hindi siya
magkaroon ng pagkakamali sa kanyang sinusulat dahil siya ay mortal lamang at ang
katawan at isip niya ay mahina.

Ikinumpara niya ang kanyang sarili sa isang bangkang naglalayag at nakarating sa isang
bahagi ng dagat kung saan hindi na niya kaya maglayag pa.

Humingi siya ng gabay sa Inang Birheng para magkaroon ng patutunguhan ang kanyang
buhay. Ninais din niya na sana ay pankinggan ng Birheng Maria ang kanyang nilikhang
korido.

KABANATA 2
Kaharian ng Berbanya
Si Don Fernanado, ang hari ng Berbanya, ay mabait at iginagalang ng lahat, mahirap man o
mayaman. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang kaharian. Ang kanyang
asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay sobrang ganda at walang katulad sa bait.

Mayroon silang tatlong anak: Si Don Pedro ang panganay, si Don Diego ang pangalawa at si
Don Juan naman ang bunso. Si Don Pedro ay may magandang tindig. Si Don Diego naman
ay may pagkamahiyain at mahinahon magsalita. Si Don Juan naman ay napakabait at
sobrang mapagmahal. Silang talo ay mahal na mahal ng kanilang mga magulang.

Isang araw, itinanong ni Haring Fernando kung ano ang gusto nilang maging pagdating ng
panahon. Pinapili sila kung gusto nilang maging hari o maging pari. Lahat sila ay nagnais na
maging hari kung kaya’t sila ay pinagaral sa paggamit ng armas.

Naging maganda ang Berbanya dahil sa mabuting pamumuno ni haring Fernando. Ngunit
isang gabi ay nagkaroon ng masamng panaginip ang hari. Si Don Juan daw ay napahamak
at pinatay ng dalawang tao. Matapos na mapatay si Don Juan, ang katawan nito ay inihagis
sa isang balon.
Nagising ang hari dahil sa labis na kalungkutan. Nagkasakit siya ng maulbha at naging
mahina ang pangangatawan. Walang makaalam kung ano ang naging sakit ng hari maliban
sa isang manggagamot. Ang sakit daw ng hari ay dahil sa kanyang masamang panaginip.
Ang tanging magiging kagamutan ay ang awit ng Ibong Adarna na nakatira sa
BundokTabor.Ito ay tumitigil sa Piedras Platas at tumitigil lamang doon kung gabi.

Agad na inutusan ng hari si Don Pedro na magpunta sa bundok at kunin ang ibon.

KABANATA 3
Hamon kay Don Pedro
Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng ama. Sakay siya ng isang kabayo at naglakbay sa
loob ng tatlong buwan para marating ang Bundok Tabor. Nakita niya ang isang
punongkahoy, ang Piedras Platas, na kumikislap na parang diyamate. Mayabong at bukod
tangi ang mga dahon ng puno. Nagpahinga siya sa ilalim ng puno kahit walang mga ibon na
dumadapo sa puno. Noong nakatulog siya dumating na ang Ibong Adarna. Umawit ang Ibon
Adarna ng pitong beses at nagbago ang balahibo ng pitong beses. Dumumi ang ibon at
napatakan si Don Pedro at naging bato ito.

KABANATA 4
Don Diego: "Ako naman!"
Hindi dumating si Don Pedro sa kaharian kaya’t inutusan ni Haring Fernando si Don Deigo
na hanapin ang Ibong Adarna at si Don Pedro. Naglakbay si Don Diego ng limang buwan at
nakarating siya sa Bundok Tabor at sa Piedras Platas. Nakita niya na walang ibon
nagppupunta sa sanga ng Piedras Platas. Humiga siya sa isng kakaibang bato na nasa ilalim
ng Piedras Platas para maghintay sa Ibong Adarna. Pagdating nag Ibong Adarna, kumanta
ito ng pitong beses at nagbago ang balahibo ng pitong beses. Nakatulog si Don Diego dahil
sa kanyang kanta at dumumi ulit ang Ibong Adarna. Napatakan ng Dumi si Don Diego kung
kaya’t naging bato din ito tulad ni Don Pedro.

KABANATA 5
Hangad makatulong
Hindi nakabalik sina Don Pedro at Don Diego kung kaya’t lalong nag-alala ang hari at
lumubha ang kanyang sakit. Gustuhin man niyang ipadala si Don Juan ay natatakot siya na
baka hindi ito makabalik.

Samantala ay masama naman ang loob ni Don Juan sa mga pangyayari. Hindi na kasi
nakabalik ang kaniyang mga kapatid at malubha na ang sakit ng kanyang ama. Ayaw
niyang mamatay ang kanyang ama kung kaya’t humingi siya ng bendisyon sa magulang.
Kung di daw siya papayagan ay aalis siya ng walang paalam.

Pinahintulutan siya ng magulang at binigyan ng bendisyon. Naglakbay si Don Juan ng


walang kabayo at may baon na limang pirasong tinapay. Nagdarasal din siya palagi sa
Inang Birhen para di siya mapahamak.

Para hindi siya magutom, kumakain siya ng isang pirasong tinapay kada isang buwan.
Nakarating din siya sa bundok sa loob ng apat na buwan. Doon ay may nakita siyang isang
lalakeng may sakit na ketong.

KABANATA 6
Gantimpala ng Kabutihang Loob
May nakita si Don Juan sa paglakbay niya

Isang matanda nanaghihingi ng pagkain.

Agay niya binigyan ang tinapay niya.


Nagpasalamat ang matanda at dahil sa pagbigay ng pagkain tinura niya kay Don Juan kung
paano ihuli ang Ibong Adarna.

Pagkatapos ng pag-usap nila umalis si Don Juan sa Piedras Platas upang matagpuan ang
Ibong Adarna at ang mga kapatid niya.
Nahanap ni Don Juan ang bahay ng ermitanyo na tinutukoy ng matanda.

Bumigay siya ng babala kay Don Juan na wala pang tao na nakahuli sa Ibong Adarna pero
di nakinig si Don Juan at lumabas apara ihuli ang Ibong Adarna

KABANATA 7
Ang Karapat-dapat
Nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas.

Nakita na ni Don Juan ang Ibong Adarna.

Kumanta ang Ibong Adarna at inantok si Don Juan pero dahil sa sinabi ng matanda, hiniwa
niya ang kanyang palad at pinatak ng dumi at kagyat.

Dahil sa sobrang matindi ng sakit nagising si Don Juan


Pagalipas ng pitong ulit dumimi at natulog ang Ibong Adarna.

Nung natulog ang Ibong Adarna agad niyang tinali ang paa at dinala sa ermitanyo.

Linagay niya ang Ibong Adarna sa isang hawla.


Pagkatapos bumalik si Don Juan sa Piedras Platas at ibinuhos niya nag tubig na galing sa
ermitanyo at bumalik ang mga kapatid na galing sa bato at muling magkasama ang tatlong
magkapatid.

KABANATA 8
Bunga ng Masamang Gawa
Sama-sama ang mga magkapatid pagbalik sa Berbanya.

Habang bumabalik ang magkapatid nag-isip si Don Pedro ng masamang plano kay Don
Juan.

Sinabi ni Don Pedro ang plano niya kay Don Diego.

Natakot si Don Diego kaya sinabi niya na bugbugin si Don Juan at wag nalang patayin.

Binugbog nila si Don Juan at kinuha ang Ibong Adarna.

Dumating ang dalawang magkapatid si Don Pedro at si Don Diego at agad silang pumunta
sa ama nila.

Nakita ng hari ang dalawang anak at ang Ibong Adarna pero wala si Don Juan.

Naging malungkot ang ibong kasi wala si Don Juan kaya pumangit ang mga balahibo at di
nagkakanta ang ibon

KABANATA 9
Sagot sa Taimtim na Dasal
Iniwan si Don Juan na bugbug at halos patay ng mga magkapatid.

Kahit bugbog at halos patay si Don Juan nagdasal si Don Juan.

Nagdasal siya na gumaling ang ama niya sa sakit niya at mabuhay.

Narinig ng dasal ni Don Juan ng isang matanda na malapit sa bundok.


Ginamot ng matanda ang mga sugat ni Don Juan.

Nung nagising si Don Juan nagpasalamat siya sa matanda at bumalik sa paglakbay pabalik
sa Berbanya.

KABANATA 10
Ang Katotohanan ay Lalabas
Bumalik na si Don Juan punta sa Berbanya na magaling at buhay pa.

Masaya ang mga tao sa pagbalik ni Don Juan pero may tao din na hindi.
Ang mga kapatid ni Don Juan sila Don Pedro at si Don Diego ay na surpresa na bumalik si
Don Juan.

Pagkaita ng Ibong Adarna si Don Juan bumalik ang ibon sa dati niyang anyo at kumanta ng
paglakbay ni Don Juan at pagtaksil ng mga kapatid niya.

Nang marining ito ng hari nagalit at binigyan ng parusa pero si Don Juan ay humiling ng
tawad para sa dalawa.

Binigyan ng hari ang dalawa ng babala at kapag inulit ito papatayin niya sila.

KABANATA 11
Inggit ang Sanhi
Pagbalik ni Don Juan sa Kaharian ng Berbanya pagkatapos pagtaksilan ng kanyang
dalawang kapatid. Humingi si Don Juan ng kapatawaran kay Don Fernando para kina Don
Pedro’t Don Diego. Inatasan ni Don Fernando ang mga magkakapatid na bantayan ang
Ibong Adarna. Isang gabi, pagkatapos bantayan ni Don Pedro ang Ibong Adarna, ginising na
niya si Don Juan kahit hindi pa niya oras magbantay. Habang nagbabantay si Don Juan,
nakatulog siya at dumating nanaman ang dalawang taksil. Pinkawalan nilang dalawa ang
ibon at umalis. Pagkagising ni Don Juan ay nawala na ang Adarna. Siya ay nabahala at sinisi
ang sarili. Umalis siya ng Berbanya upang hanapin ang ibon. Kinaumagahan, hindi na nakita
ni Don Fernando ang ibon. Nagalit siya at tinanong kung sino ang huling nagtanod. Sinabi
ng dalawang taksil na si Don Juan at kaagad-agad siyang pinahanap sa dalawa niyang
kapatid. Umabot sila sa Kabundukan ng Armenya.

KABANATA 12
Di Husto ang Tangan
Nagustuhan ni Don Juan ang lugar na iyon dahil sa mapayapang kapiligiran. Nahanap din
nina Don Pedro’t Don Diego si Don Juan at kinausap siya. Tinanong siya kung gusto niya pa
bumalik sa Kaharian ng Berbanya. Kung ayaw niya ay doon na lang sa, Kabundukan ng
Armenya, sila maninirahan. Pumayag si Don Juan at doon na sila ay nagsaya. Araw-araw
sila nangingisda at humhuli ng ibon. Bawat lingo naman ay nagsasalo-salu sila. Naging
Masaya ang kanilang buhay doon.

KABANATA 13
Tagumpay at Tatag ng Loob
Isang araw, sa sobrang inip ng magkakapatid ay lumakbay sila. Habang naglalakad ay may
nakita silang isang balon. Ang balon na ito ay kakaiba. Walang tubig sa loob at napakalalim
nito. Agad nanagtaka si Don Juan at alam niya na may mahika ito. Yinaya niya ang mga
kapatid niyang bumababa. Nagboluntaryo si Don Juan na unang bumaba ngunit nanguna si
Don Pedro dahil siya ang panganay. Sinubukan ng dalawang nakakatandang kapatid ni Don
Juan na bumaba ngunit si Don Juan lang ang tumagumpay. Pagdating niya sa baba ay may
nakita siyang palasyong gawa sa ginto’t plaka.
KABANATA 14
Walang Dambuhalang Kalaban
Nang lumapit siya sa palasyo, may nakita siyang babae. Ang pangalan ay Donya Juana.
Nahulog kaagad ang kalooban ni Don Juan kay Donya Juana at pinupuri siya sa kagandahan
niya. Natatakot si Donya Juana kaya pinahintulutan siya na wag siyang iwan. Nang
dumating ang higante, hinamon ito ni Don Juan sa isang laban. Nagwagi si Don Juan at
papaalis na sila. Subalit biglang natandaan ni Donya Juana ang kanyang kapatid na si
Donya Leonora kaya pinuntahan ito ni Don Juan.

KABANATA 15
Kahit Pito Ulo ng Serpyente
Pumasok si Don Juan sa palasyona gawa sa ginto’t plaka. Nakita niya si Donya Leonora at
muling napaibig. Nangtiningan muna sila at biglang tinanong ni Donya Leonora kung bakit
nandoon si Don Juan. Dumating ang serpyenteng may pitong ulo na nagbabantay kay
Donya Leonora. Muli, naglaban si Don Juan at ang serpyente. Sa bawat pinuputol na ulo ni
Don Juan ay tumutubo ulit ito. Inabot ni Donya Leonora ang basalmo na ilalagay sa ulo ng
serpyente sa bawat putol. Hindi na rin tumubo ang ulo ng ahas at nakatakas na sila Don
Juan at si Donya Leonora.

KABANATA 16
Muling Pagtataksil
Pagkataas ni Don Juan at Donya Leonora ng balon, sila ay nakukuwentuhan.

Dahil dito, naingit si Don Pedro sa kanilang pagmahal.


Nagustuhan din niya si Donya Leonora, samantalang ayaw ni Leonora si Don Pedro.

Sinabi bigla ni Donya Leonora na naiwan niya ang kanyang singsing sa ilalim ng balon tapos
sinabi ni Don Juan na siya ang bababa ng balon at kukunin ulit.

Tumanggi si Donya Leonora na iiwan nalang pero sabi ni Don Juan na bababa na siya.

Habang bumababa si Don Juan, Pinutol ni Don Pedro ang tali at iniwan nila si Don Juan.

Inilabas ni Donya Leonora ang kanyang lobo at ito ang nagtulong kay Don Juan.

KABANATA 17
Hanggang Kailan?
Ipinahanap ni Don Fernando ang nawawala niyang bunso na si Don Juan.

Itinanong niya si Don Pedro at Diego kung anong nahanap nila.

Lahat daw ay pinuntahan nila at wala naman sila nakita kundi ang dalawang prinsesa.

Hiningi din ni Don Pedro na kasalin siya ni Donya Leonora.

Ayaw ni Donya Leonora kasi mahal pa rin niya si Don Juan.

Samantalang si Don Diego and Donya Juana ay ikakasal na.

KABANATA 18
Muling Paghahanap, Muling Pagtatagpo
Napagaling ng lobo si Don Juan at idinala ito paakyat.

Nagkitaan sila ng Ibong Adarna at sinabi ng Ibong Adarna kung ano nangyari.
Pagkatapos, sinabi ng Ibong Adarna na puntahan nalang ang Reyno de los Cristales upang
hanapin si Maria Blanca.

KABANATA 19
Ang Ganti sa Mapagkumbaba
Malungkot si Donya Leonara dahil hindi pa dumarating si Don Juan sa Berbanya. Habang si
Don Juan naman, naglalakbay parin papunta sa Reyno de los Cristales. Sa kanyang
paglalakad, nakakita siya ng matanda na sugat sugat. Nilimusan niya ang matanda para sa
tubig at pagkain. Binigyan naman ng matanda ng maitim at lumang tinapay. Nagulat si Don
Juan dahil kahit luma na, masarap parin para sakanya ang lasa. Pagkatapos neto, uminom
na siya ng tubig. Nagtanong na siya kung alam ng matanda kung saan ang Reyno de los
Cristales. Hindi ito alam ng matanda ngunit sabi nalang neto na dalhin itong baro at
pumunta sa ikapitong bundok at may makikita siyang matandang Ermitanyo.

KABANATA 20
Magpakailan Pa Man
Sa kabanatang ito, nag-aaway sina Donya Leonora at Don Pedro. Ang tanging mahal pa rin
ni Donya Leonara ay si Don Juan. Tuwing binibisita ni Don Pedro si Donya Leonora, sila ay
nagaaway. Pinipilit naman ni Don Pedro na mahalin siya ni Donya Leonara ngunit ayaw
talaga nito. Sa huli, umalis si Don Pedro na may sakit sa dibdib dahil sa pagkabigo.

KABANATA 21
Bunga ng Pinaghirapan
Sa kabanata na ito makikita natin ang pagpapatuloy ng paglalakbay ni Don Juan papunta si
Reyno De Los Cristales. Pagkatapos siyang utusan ng matanda na ibigay ang barong sa
Ermitanyo na ang balbas ay hanggang baywang. Ngunit nang kanyang ibigay, nagulat ang
Ermitanyo at nagpasalamat sa Diyos. Sinubukan na tulungan ng Ermitanyo si Don Juan.
Tinawag ng Ermitanyo ang mga hayop ng Armenya at tinanong sila kung alam nila kung
saan ang Reyno De Los Cristales. Sumagot ang mga hayop na hindi nila alam kung nasaan
ito. Ngunit sinabi ng Ermitanyo na pumunta siya sa ikapitong bundok at hanapin ang isang
matanda. Pumunta siya dito gamit ang Olikornyo na pinahatid nang Ermitanyo. Pagkadating
nila sa bundok , nakita ni Don Juan ang Matanda na may balbas na abot sa lupa. Nagulat
din siya sa kanyang natanggap na barong. Bilang kabayaran , tutulungan na
niya si Don Juan. Tinawag niya ang mga hayop at tinanong kung alam nila kung nasaan ang
Reyno De Cristales. Ang tanging nakakaalam ay ang Agila dahil kakapunta lang niya doon.
Inutusan na nang matanda na ihatid nang Agila si Don Juan sa kanyang pupuntahan. Sabi
nang Agila na ibaba niya si Don Juan sa banyo ni Donya Maria.

KABANATA 22
Agad Kitang Minahal
Nakarating na rin si Don Juan sa Reyno de los Cristales. Ibinaba siya ng agila sa banyo ni
Donya Maria. Sinabi sa kanya ng agila na sa ikaapat nang madaling araw naliligo si Donya
Maria. Naghintay si Don Juan at nagtago nang mabuti upang hindi makita ng mabuti. Nang
dumating si Donya Maria, si Don Juan ay nabihag sa kanyang kagandahan. Lalo pa siyang
nagandahan sa kanya noong si Donya Maria ay nagbuhad. Sa sobrang nabihag si Don Juan ,
ninakaw niya ang damit ni Donya Maria habang ito’y naliligo. Pagkatapos ni Donya Maria
maligo, nagtaka siya kung nasaan ang kanyang damit.Galit na galit ang prinsesa at sinabing
paparusahan kung sino man ang magnanakaw. Sa huli, ibinalik din ito ni Don Juan.
Katagalan ay hindi na galit si Donya Maria kay Don Juan. Siya ay umiibig na rin kay Don
Juan.

KABANATA 23
Pagsubok sa Binatang Nagmamahal
Sinabi ni Donya Maria kay Don Juan kung ano ang nangyari sa mga manliligaw o umiibig sa
kanya. Sinabi niya na lahat nang nakita niyang mga bato ay mga manliligaw niya. Sa
kabanata din na ito nagkakilala si Don Juan at si Haring Salermo, ang ama ni Donya Maria.
Binigyan nang hari ni Don Juan nang isang matinding utos na tila imposible. Ang utos niya
ay tanggalin ang bundok at itanim ang mga trigo na binigay nang hari. Dapat sa umaga ,
maging tinapay ang trigo at ito ang kakainin nang hari. Sinabi namin ni Donya Maria kay
Don Juan na huwag siya mag-aalala dahil siya ay tutulungan neto. Noong ginagawa na ni
Don Juan ang utos, malapit na siya sumuko. Ngunit ginamitan ni Donya Maria si Don Juan
gamit ang mahika. Ginalaw niya ang bundok at itinanim ang trigo doon. Sa umaga,
nagulat ang hari sa nakita niyang tinapay na kanyang almusal. Sa huli, pumayag din ang
hari na magpakasal ang dalawa.

KABANATA 24
Tagisan ng Talino
Si Don Juan ay tinawag ni Haring Salermo na gumawa ng isang pagsubok na napakahirap
na hindi niya ito gawing sarili. Ang pagsubok na ito ay kailangan hulihin ni Don Juan ang 12
negrito na pinawala ni Haring Salermo sa laot ng dagat, kailangan ni Don Juan hanapin at
ibalik ang mga negrito sa prasko. Nagawa ito ni Don Juan sa isang araw, gamit ang mahika
ni Donya Maria, at binalik ang prasko kay Haring Salermo. Pagkatapos magawa ni Don Juan
ang pagsubok naghamon si Haring Salermo ng panibagong pagsubok. Ang pangalawang
pagsubok ay kailangan niya igalaw ang mga bundok sa harap ng palasyo. Nagawa nanaman
ito sa tulong ng mahika ni Donya Maria.

KABANATA 25
Malayang Umibig
Nagawa na ni Don Juan ang lahat ng utos ni Haring Salermo, ngunit may isa pang utos si
Haring Salermo kay Don Juan. Ang pagsubok niya ay kailangan niyang piliin si Donya Maria
na sa loob ng isa sa tatlong silid na may butas sa bawat pinto. Ang kanilang hintuturo
lamang ay makikita mula sa butas sa pinto, sa pagkakaswerte ni Don Juan napili ni Don
Juan si Donya Maria na mapapangasawa niya. Dahil pinili ni Don Juan si Donya Maria
sumama ang loob niya a nagkaroon siya ng masamang balak kay Don Juan. Balak ni Haring
Salermo patayin si Don Juan. Nalaman ni Donya Maria ang balak ni Haring Fernando, sa
pagkakatakot ni Donya Maria, kinuha niya si Don Juan at sinakyan ang pinakamatulin na
kabayo paalis, pero sumunod si Haring Salermo sa kanila. Nang mawala si Donya Maria sa
kaharian ni Haring Salermo, sumama ang lood niya. Noong natagpuan si Don Juan at Donya
Maria isinumpa ni Haring Salermo ang kanyang anak na makalimutan siya ni Don Juan .
Dahil sa sama ng lood ni Haring Salermo siya ay natuluyang namatay.

KABANATA 26
Ikakasal Ka Nga Ba?
Inisip ni Don Juan na iwanan muna si Donya Maria sa ibang bayan bago sila ay pupuntang
Berbanya. Hindi pumayag si Donya Maria sa ideya ni Don Juan, pero nakunbinsi ni Don Juan
si Donya Maria na siya ay magpapaalam muna sa kanyang pamilya na may kasama siyang
pupunta sa Berbanya. Bago umalis si Don Juan hiniling ni Donya Maria na hindi siya
makalimutan at huwag siyang makipag-usap sa ibang babae. Pagkarating nila sa Berbanya
nagsaya ang buong pamilya ni Don Juan sa Berbanya, sinabi ni Donya Leonara ang
katotohanan sa pamilya ni Don Juan na ang lumikas sa kanya ay si Don Juan. Humingi rin si
Donya Juana ng paumanhin sa mga magulang ni Don Juan na pakakasalan na niya si Don
Juan. Gamit ang mahika ni Donya Maria, nalaman niya na nakalimutan na siya ni Don Juan,
pero hindi niya alam ito ay dahil sa sumpa ng kanyang ama. Hindi rin niya natupad ang mga
hiling ni Donya Maria na hindi makipag-usap sa ibang babae at maalala siya.

KABANATA 27
Bakas ng Nalimot na Lumipas
Si Donya Maria ay may pumunta sa kasal ni Don Juan, na may kasamang masamang balak.
Gamit ang kanyang mahika gumawa siya ng karosang napakaganda, at gumawa din siyang
napakagandang kasuotan. Siya ay nagbihis doon na isang emperatris. Ginawa niya ang
lahat ng ito sa tulong ng kanyang singsing. Pinapasok naman ng hari at ng reyna ang
emperatris sa kasalan. Pangsamantalang huminto ang pagkakasal at sinabi ang mga
pangalan ng mga bisita na pumunta sa kasalan. Naghandog din si Donya Maria ng isang
regalo para sa magkakasal na kayang magpapasaya sa mga magkakasal. Ang regalo ay
isang prasko na may negrito at negrito na sumasayaw. Nagsasalita din ang mga negrito at
negrita na binigay ni Donya Maria, at sinasabi ng negrito at ng negrita ang mga
pinagdaanan ni Don Juan at Donya Maria, at tuwing natatamaan ang negrito nasasaktan si
Don Juan.

KABANATA 28
Nagbalik ang Ala-ala ng Pag-ibig
Si Donya Maria ay galit na galit kay Don Juan.

Kinuha niya ang prasko upang ginawan ang buong reyno.

Bumalik naman ang isip ni Don Juan.

Naghingi siya ng patawad kay Donya Maria.

Nagsabi si Donya Leonora sa nangyari.

Sinabi din ni Don Juan na mahal na mahal parin niya si Donya Maria.

Ihinandog niya si Leonora kay Pedro.

KABANATA 29
Masaya ang Buhay
Ikinasal na si Donya Maria at Don Juan, sayang-saya si donya Maria.

Samantalang naman si Donya Leonora ay tahimik lang din.

Pinili ni Don Fernando na si Don Juan magiging pinuno ng reyno.

Sabi ni Donya Maria na mayroon na siya ibang reyno kaya si Don Pedro naging hari ng
Berbanya.

Sa kabilang reyno naman, sobrang saya ng maga tao.


Siyam na araw ang pista.

Nagluksa din ang buong bansa ng namatay ang dalawang magasawa

You might also like