You are on page 1of 2

IBONG ADARNA

May Akda: JOSE DELA CRUZ / HUSENG SISIW

Tauhan:

Don Fernando - hari ng Berbanya


Reyna Valeriana - reyna ng Berbanya
Don Pedro- pnganay na anak ni Don Fernando at Reyna Valeriana, kapatid ni Don Juan at Don Diego
Don Diego- pangalawang anak ni Don Fernando at Reyna Valeriana at kapatid ni Don Pedro at Don Juan
Don Juan- bunsong anak ni Don Fernando at Reyna Valeriana at kapatid ni Don Pedro at Don Diego
Ibong Adarna- isang mahiwagang ibon
Unang at Ikalawang Ermitanyo - tumulong kay Don Juan
Prinsesa Juana- binantayan ng isang higante sa balon
Prinsesa Leonora - binantayan ng serpyente sa balon
Higante- nagbantay kay Prinsesa Juana
Serpyente- nagbantay kay prinsesa Leonora
Lobo- tumulong kay Don Juan
Maria Blanca- kasintahan ni Don Juan; Haring Salermo- ama ni Maria Blanca.

Tagpuan: Berbanya, balon, Armenya, at Reyno delos Cristales.

Buod:

Mula sa kaharian ng Berbanya ay may isang pamilya na ubod ng bait. Sila’y sina Haring
Fernando, DonyaValeriana, at ang kanilang mga anak ay sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Ang tatlong prinsipeng ito ay bihasa sa paghawak ng sandata.
Isang gabi, ang hari ay nanaginip na si Don Juan ay sinaktan ng dalawang tampalasanat
kanilang inihulog sa balon. Ito ang naging dahilan kung bakit siya’y nagkasakit. Napag-alaman na
ang maaari lamang makapagpagaling dito ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa
bundok ng Tabor sa punong Piedras Platas. Inatasang hanapin ni Don Pedro ang ibon ngunit
siya’y natulog at naging bato lamang dahil iniputan ng Ibong Adarna.Sumunod na ipinadala ay si
Don Diego ngunit nakatulog sa kanta ng Ibong Adarna at pareho lamang ang naging kapalaran
nila ni Don Pedro na naging bato. Kung kaya, sa ayaw at sa gusto ng hari ay napilitang bigyan ng
pahintulot si Don Juan na hulihin ang Ibong Adarna at hanapin ang kanyang dalawang kapatid.
Dahil narin sa kabutihang taglay ni Don Juan ay natulungan siya ng ermitanyo sa kanyang
paglalakbay. Ngunit na inggit si Don Pedro kung kaya pinagbalakan nila ito ni Don Diego ng
masama upang di sila lumabas nakahiya-hiya sa kanilang amang hari. Nang sila’y makabalik sa
kaharian, ang sakit ng hari ay lalo pang lumubha dahil sa di nila mapaawit ang ibon.
Samantala, si Don Juan ay pinagyaman ng isang matanda kung kaya siya ay gumaling at
madaling nakauwi sa kaharian. Dito na nalaman ng hari ang katotohanan sapagkat pagkakita pa
lang ng Ibong Adarna kay Don Juan ay nagsimula na itong umawit na ang nilalaman ay isang
pagtatapat ng mga naganap. Kundi kay Don Juan, malamang na naparusahan na ang kanyang
dalawang kapatid. Pinabantayn ng mabuti ang Ibong Adarna sa tatlong magkakapatid upang di
ito makawala dahilan sa ito ang nakapagpagaling sa hari. Ngunit dahil sa pangalawang abutting
ni Don Pedro ay lumipad ang ibon at si Don Juan ang napahamak. Naglayas na lamang si Don
Juan sapagkat takot siya sa kaparusahang igagawad sa kanya ang hari sa pagkawala ng ibon.
Ipinahanap ng hari si Don Juan kina Don Pedro at Don Diego. Nagkita ang tatlong magkakapatid
sa Armenya at napagpasyahang doon na lamang manirahan. Nakakita sila ng balon at tanging si
Don Juan lamang ang nagkaroon ng pagkakataong makababa sa loob nito. Dito ay natagpuan
niya sina Donya Juana at Donya Leonora at binantayan ng higante at ng serpiyente. Ngunit dahil
sa galing niya ang bawat isa ay nailigtas ang dalawang prinsesa. Dito na sumunod ang ikatlong
kabuktutang ginawa ni Don Pedro at Don Juan. Pinutol niya ang lubid na pinaglalambitinan ni
Don Juan nang ito’y bumalik sa loob ng balon upang kunin ang naiwang singsing ni Donya
Leonora. Madaling napaibig ni Don Diego si Donya Juana kung kaya pagbalik sa kaharian ay
agad silang nagpakasal samantalang si Donya Leonora sa kabilang panunuyo ni Don Pedro ay di
naman niya naibigan. Samantala, si Don Juan ay tinulungan ng enkantadong lobo kung kaya
madaling nagbalik ang kanyang lakas. Dumating ang Ibong Adarna at sinabing may isang
prinsesa sa Reyno delos Cristales na siya niyang talagang kapalaran. Di nagdalawang–salita ang
ibon at ito’y kanyang hinanap. Ngunit ubod pala ng bagsik at lupit ang ama ng prinsesang ito.
Ngunit sa kabila ng napakaraming pagsubok sa kanya ng haring Salermo ay napagtagumpayan
niya ito sa tulong ni Maria Blanca na anak ng hari.Ngunit dahil sa kahigpitan ng hari ay tumakas
ang dalawa na taglay ang sumpa ng ama na gagapang si Maria Blanca na parang kuhol at
malilimutan siya ni Don Juan. Nang pumunta ang dalawa sa kaharian ng Berbanya ay saglit
muna iniwan si Maria sa isang nayon upang mabigyan ng magandang pagsalubong ang prinsesa
sa kaharian. Pagsapit ni Don Juan sa palasyo ay agad sumalubong ang inang reyna at si Leonora
kung kaya nakalimutan niya si Maria.Itinakda ang kasal nina Don Juan at Donya
Leonora.Dumalo si Maria na suot ang emperatris. Pinilit niyang makaalala si Don Juan sa
nakaraan sa pamamagitan ng dula na tungkol sa istorya at ang mga nangyari sa kanilang
dalawa. Ipinilit naman ni Leonora ang kanyang karapatan. Nagpasya ang Arsobispo na dapat na
maikasal si Leonora kay Don Juan. Dito na nagalit si Maria at babasagin na sana niya ang prasko
na hawak niya upang gunawin ang kaharian. Dito na natauhan si Don Juan at ipinasya niya ng
pakasalan na kay Maria samantalang si Leonora ay kay Don Pedro.
Pumalit na haring Berbanya si Don Pedro samantalang si Don Juan ay ginawang hari sa reyno
delos Cristales.
Naramdaman ko ginawa lahat ni Don Juan upang makuha niya ang kasintahan niya.
Natutunan ko na pag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat para sa kanya.
Napagtanto ko na dadating ang tamang panahon na makikita mo ang gusto mo.

You might also like