You are on page 1of 2

ANG IBONG ADARNA

Ang Berbanya ay isang mayamang kaharian. Doon naninirahan ang pamilya ni haring Don Fernando.
Nagkasakit siya, at ang tanging lunas sa karamdaman niya ay ang tinig ng Ibong Adarna. Inutusan niya ang mga
anak na hanapin ang Ibong Adarna. Umuna si Don Pedro, ngunit nabigo at siya’y naging bato, sumunod si Don
Diego pero naging bato rin. Nang si Don Juan na ang sumunod, may nakasalubong siyang matandang
ermitanyo. Tinuruan siya kung ano ang dapat gawin upang hindi maging bato at mabigo sa pagkuha ng Ibong
Adarna. Nang makuha na niya ito, pinuntahan na niya ang mga kapatid upang gamutin sa pagkakabato. At sa
huli ng bahagi, bilang pasasalamat ng ermitanyo ay ginamot niya ang mga sugat nito.
Nang mailigtas na ang dalawang kapatid, at habang papa-uwi na sila dala-dala ang ibon, naisipan nina Don
Pedro at Don Diego na saktan si Don Juan at hayaang mamatay sa daan. Nagising si Don Juan na puno ng sugat
sa katawan at dahil dito nagdasal siya ng mataimtim. Hanggang sa natagpuan siya ng isang matandang
ermitanyo at tinulungan siya na mapagaling ang sarili. Nang makauwi na siya sa Berbanya, pinarusahan ang
kanyang mga kapatid ng kanyang ama, pero pinatawad lang din. Pinabantayan ng hari ang ibon sa mga anak, at
hanggang sa isang araw na habang nakatulog sa pagod si Don Juan sa pagbabantay sa Ibon, pinakawalan ito ng
kanyang mga kapatid at sinisi siya dahil dito. Dahil doon, umalis si Don Juan sa Berbanya hanggang sa narating
niya ang mahiwagang balon ng Armenya.
Si Don Juan ay tinaksilan ng kanyang mga kapatid at hinayaan hanggang siya ay mamatay sa pagkahulog sa
balon na pasa- pasa ang maraming sugat. Nagkita sila ng Ibong Adarna muli at binigyan ng mensahe na siya ay
dapat pumunta sa Reyno de los Cristales at hanapin si Maria Blanca. Pababang aksyon- Ayon kay Don Juan,
hinahanap niya ang kaharian ng Delos Cristal, ngunit wala naman nakakaalam kung saan ito. Sinabi ng
ermitanyo na magpunta siya sa ikapitong bundok na kinaroroonan ng isang matandang ermitanyo at doo'y
magtanong.Nang makarating na siya sa matandang ermitanyo, tinanong niya kung saan makikita ang kaharian
ng Delos Cristal. Ngunit hindi din alam nito kung saan matatagpuan iyon. Kaya’t tinanong ng ermitanyo ang
kanyang mga alagang ibon at isang agila. Sinabi ng agila kung saan matatagpuan ang kaharian. Laking tuwa ni
Don Juan dahil makikita na niya ang kaharian ng Delos Cristal at higit sa lahat si Donya Maria Blanca na may
higit na kagandahan.Sumakay si Juan sa likod ng agila at sila ay lumipad na. Narating nila ang kaharian ng
Delos Cristal. Ang kagandahan ni Donya Maria ay talagang kaakit-akit. At nagsimula nang magbihis sila
galling sa pagliligo ngunit hindi makita ni Donya Maria ang kanyang damit, kaya siya nagalit.Tinuro niya ang
mga kabalyero na naging bato dahil hindi sila nakatupad sa iniatas ng kanyang amang hari.Sinabi ni Maria kay
Juan, Mamayang ika-lima, ang aking ama ay magigising at ikaw ay makikita. Kapag tinanong ka kung ano ang
sadya mo dito. Sabihin mong hihingin mo ang kamay ng isa sa mga prinsesa. Kapag niyaya kang pumanik sa
palasyo ay tumanggi ka sapagkat mamamatay ka. Kung ikaw ay magpapatuloy, kahit na ano ang ipagawa sa iyo
ng aking ama ay tanggapin mo. Ako ang bahala!
Natuklasan na ni Donya Maria ang kataksilan ni Don Juan dahil sa gagawing pagpapakasal sa ibang prinsesa.
Nag-alimpuyo sa galit ang kanyang dibdib.Lulan ng karosang ginto, nagpanggap na emperatriz si Donya Maria
upang dumalo sa kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Nang dumating si Donya Maria na naka-bihis
emperatriz, namangha ang lahat. Maganda ang gayak ni Maria at litaw ang kanyang kagandahan. Ang pakay
niya ay pigilin ang pag- iisang dibdib ng dalawa. Malugod na tinanggap ni Haring Fernando ang pagdalo ng
emperatriz. Subalit hindi nakilala ni Don Juan na ang emperatriz ay walang iba kundi si Donya Maria. Nakiusap
si Donya Maria sa hari na bago ikasal sina Don Juan at Donya Leonora ay magdaos muna ng munting palabas
sa harap ng lahat. Sa pamamagitan ng dula-dulaan ay nagawang isalaysay ng mga negrito at negrita ang lahat ng
pinagdaanang hirap ni Don Juan sa mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo. Pinalo ng negrita ang negrito
at tinanong kung naaalala nito ang mga ginawang pagtulong ni Donya Maria sa kanya sa kaharian ni Haring
Salermo na kanyang ama. Sa tuwing papalo ang negrita ay hindi nasasaktan ang negrito kundi ay si Don Juan.
Kaya naman, unti-unting nagbalik ang mga alaalang nangyari sa kanila ni Donya Maria. Noon din ay
pinatotohanan ni Don Juan na ang lahat ng nasaksihang dula-dulaan ng mga negrito at negrita sa palasyo ay
pawang mga katotohanan.
ANG IBONG ADARNA

May isang kaharian pangalan ay berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando. May asawa siyang nagngangalang
Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya na susunod na hari ng
Berbanya. Nang nagkaroon nd di malamang karamdaman ang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit
lamang ang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang
ibon dahil siya ay naging bato. Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng
awit ng Adarna kaya naging bato. Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may
nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap
at isang labaha upang hindi makatulog. Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang
mahuli niya ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan
ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo
ang pagiging hari. Ang adarna ay malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si
Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan
at ito ay umawit at nagamot si haring Fernando. Iminungkahi ng adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na
ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil. Pinabantay ng hari ang adarna
sa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna. Pinahanap ng hari ang
maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at hinikayat nila si Don Juan na doon na lang
manirahan. May nakita silang tae sa balon at tinangka nilang marating ang ilalim nito ngunit tanging si Don Juan lang ang
nagtagumpay. Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa.
Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si
Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Leonora. Hindi matalo ni
Don Juan ang serpiyente kaya,Binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay umalis
ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang kanyang singsing,kaya naki usap sya kay don juan na balikan ito,ngunit
nang babalikan na ito ni don juan,pinatid nang kayang dalawang kapatid ang tali.inaya na nang dalawang magkapatid si
juana at leonora na sumama na sila sa kaharian ng berbanya.Nag alala si leonora kay don juan kaya pinasundan niya si
Don Juan sa kanyang kaibigang lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di
Makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora,sinabi nitong
sya ay may panata na hindi muna magpapakasal saloob ng 7 taon.Sa halip, sina Don Diego't Juana ang ipinakasal.
Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa ilog-hordan sa tulong ng lobo.hinanap ni don juan ang ibong
adarna at natagpuan nya ito at sinabi sa kanyang kalimutan na si leonora atsa halip siya'y maglakbay patungo sa Reyno de
los Cristal upang makita si Maria Blanka.Nahirapan si don juan bago marating ang kaharian ng de los Cristal.may mga
tumulong sa kanya na magkakapatid na ermitanyo na may mga balbas.Hinintay ni Don Pedro si Leonora subalit si Don
Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo patungong de los Cristal.Narinig
ni don juan na may mga dalagang naghahagikhikan,hinanap niya ito.ang mga dalagang ito ay tatlong mag
kakapatid,naliligo sila sa ibat ibang ilog.Ang pinaka nagustuhan ni don juan sa tatlong magkakapatid ay si princesa maria
blanca.Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni princesa Maria habang ito'y naliligo. Humingi ng patawad si Don Juan kay
princesa Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria ka Don Juan.Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan.Gusto niyang
pakasalan si maria kaya ibinigay na agad ng hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni princesa Maria
ang kanyang mahika upang maisagawa ang pagsubok,dahil dito nagtagumpay si don juan sa unang pagsubok,palihim na
natuwa si Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan; ang
pangongolekta muli ng 12 na negrito at si Maria nanaman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang kanyang
ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari. Malamang, nagulat ang hari sa pagiging
matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na
matulog si Don Juan habang ginagawa niya ang pagsubok. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat
nang siya ay nasa muog na ipinatayo niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto
at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria ng maayos. Kinailangan namang tadtarin pa ni
Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri
na nakapaloob sa ika-anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng
samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Napaamo naman ni Don Juan ang kabayo sa tulong ng mga tagubilin ni
Donya Maria. Nang mapili ni Don Juan si Maria,hindi pa rin pumayag si haring salermo na ipakasal si don juan sa
kanyang anak kaya nagtanan ang dalawang magkasintahan. Sa sobrang pagkalungkot ng hari ito ay namatay. Bumalik si
Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian.Hiniling niya sa hari na magpaksal sila ni leonora.
Nagpunta si Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Maria patungkol sa
mga pangyayari at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan,at naalala na niya na ang mahal nya ay si maria
blanca.Nagpakasal sina Maria blanca at Don Juan bumalik sila sa Reyno de los Cristal at namuno.Si Leon naman at si
Don Pedro ang nagkatuluyan.

You might also like