You are on page 1of 4

Buod ng Ibong 

Adarna
Kabanata 1 – Ito ang isang panalangin ng makata (writer) sa Diyos
para tulungan siya sa kanyang pagsusulat ng Ibong Adarna.

Kabanata 2 – Ito ang umpisa ng kwento, sinasabi ng kabanatang ito


ang mga tauhan sa kahariang Berbanya. Ang hari ng Berbanya, si
Don Fernando. Ang reyna ng Berbanya,  si Donya Valeriana. Ang mga
prinsipe at anak nila, Don Pedro, Don Diego at Don Juan. At
masaya ang Berbanya. Isang araw, nagkasakit si Don Fernando dahil
sa panaginip niya. Nawala ang kanyang ganang kumain at naging
mahina siya. Sabi ng manggagamot na hindi kaya ng gamot ipagaling
si Don Fernando, kailanang ang Ibong Adarna, isang mahiwagang
ibon na kayang alisin ng kahit anong sakit. Dahil dito, inutusan
ni Don Fernando ang mga anak niya na pumunta sila sa Bundok Tabor
at hanapin ang Piedras Platas, kung saan ang Ibong Adarna
nakatira.

Kabanata 3 -Naglakbay si Don Pedro papuntang Bundok Tabor dahil


siya ang panganay, siya ang unang naglakbay, gamit ng kabayo,
umabot siya ng tatlong buwan makarating siya sa baba ng Bundok
Tabor, at namatay ang kanyang kabayo, dahil dito, naglakad nalang
siya pag-akiyat ng bundok. Narating siya sa taas at nakita niya
ang Piedras Platas, naaliw siya sa kagandahan ni Piedras Platas
parang dyamante. Pero nalilito siya kung bakit lumalayo ang mga
ibon sa Piedras Platas. Naghintay siya sa ilalim ng Piedras
Platas para makita niya ang Ibong Adarna, pero dahil sa pagod ng
paglalakbay, natulog siya at hindi niya nakita ang Ibong Adarn.
Dumating ang Ibong Adarna at naghahanda ang Adarna matulog. Bago
siyang matulog, tumae siya at tinamaan si Don Pedro at naging
isang bato.

Kabanata 4 – Nagulo ang banyang Berbanya dahil hindi pa bumalik


si Don Pedro dahil naging isang bato. Inutos si Don Diego hanapin
si Don Pedro at kunin ang Ibong Adarn. Gaya ni Don Pedro, gumamit
siya ng kabayo, pero inabot siya ng limang buwan.Nakarating siya
sa baba ng bundok at namatay ang kanyang kabayo, naka-akyat rin
siya ng bundok at nakita niya ang Piedras Platas. Sa tamang
pagkataon, dumating ang Ibong Adarna, naghahanda matulog, pero
bago natulog siya, kumanta siya at natulog si Don Diego. Tumae
ulit ang Ibong Adarna at tinamaan si Don Diego at naging bato rin
siya.

Kabanata 5 – Hindi pa bumalik sina Don Pedro at Don Diego, nag-
isip si Don Juan na maglakbay siya papuntang Tabor para hanapin
ang mga kapatid niya at kunin ang Ibong Adarna, pero ayaw ni Don
Fernando dahil siya ang paborito niyang anak at hindi niya
pinaalis si Don Juan sa Berbanya. Tinakot ni Don Juan si Don
Fernando para magkalakbay siya papuntang Tabor at pinayagan siya
ni Don Fernando. Pero hindi niya ginamit ng kabayo papunta Tab,
lumakad lang siya at nagbaon ng limang piraso ng tinapay. Bawat
buwan kakain niya isang tinapay. Inabot siya ng limang buwan at
narating siya sa baba ng Bundok Tabor. Pagdating niya, may nakita
siyang isang matandang leproso at hingi siya ng pagkain kay Don
Juan.

Kabanata 6 – Kahit na yan ang huling piraso ng tinapay binigyan


niya sa matandang leproso at nagpasalamat siya kay Don Juan at
tinanong niya kung nandito siya para hanapin ang Ibong Adarna,
sabi ni Don Juan hinahanap niya. Sabi ng leproso huwag kang
pumunta agad sa Piedras Plates at hanapin isang ermitanyo at
tutulungan ka ihuli ang Ibong Adarna.

Kabanata 7: Ang Karapat-dapat

Pagdating ng oras na huhulihin na ni Don Juan ang Adarna at


kumakanta na ito, hiniwa niya ang kanyang kamay at pinigaan niya
ito ng  dayap para hindi siya makatulog sa mga kanta ng Ibong
Adarna. Ginawa niya ulit ito sa mga sumusunod na kanta ng Adarna.
Noong nahuli na niya ang Ibong Adarna, ginamot na ng Ermitanyo
ang kanyang mga sugat sa kamay at ginawa niyang tao ulit sina Don
Pedro at Don Diego.

Kabanata 8: Bunga ng Masamang Gawa

Pauwi ng Berbanya, nagplano si Don Pedro na patayin si Don Juan


dahil sa inggit. Sinabi niya ang planong ito kay Don Diego pero
ayaw niyang patayin si Don Juan. Binugbog nalang nila si Don
Juan. Kinuha na nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna at
nagpatuloy na sila pauwi. Pagkauwi ng dalawang magkakapatid,
pinakita na nila ang Ibong Adarna pero pumangit na ito at ayaw
din nitong kumanta. Mas-lalong nalungkot si Haring Fernando.

Kabanata 9: Sagot sa Taimtim na Dasal

Habang nasa palasyo na sina Don Pedro at Diego, si Don Juan naman
ay nagdasal nalang sa Diyos. Nagdasal siya na maligtas ang
kanyang ama kahit siya’y mamatay na. Sinagot naman ito ng Diyos,
dumating ang isang matanda na nanggamot kay Don Juan.
Pinasalamatan naman ni Don Juan ang matandang ito at mabilis na
siyang bumalik sa Berbanya.
Kabanata 10: Ang Katotohanan ay Lalabas

Nakita na siya ng Ibong Adarna at gumanda ulit ito. Nagsimula na


rin itong kumanta tungkol sa paglalakbay ng tatlong magkakapatid.
Dahil dito’y muntik nang ipatapon o ipalayas sina Don Pedro at
Don Diego. Buti nalang ay nakipagusap si Don Juan kay Haring
Fernando na patawarin na sila, at sinunod ito ng Hari. Pinabantay
niya sa kanyang mga anak ang Adarna.

Kabanata 11: Inggit ang Sanhi

Lumabas nanaman dito ang inggit ni Don Pedro. Sinabi niya kay Don
Diego ang plano para makaganti sila sa pagkakahiya nilang dalawa.
Nagplano nanaman sila na magtaksil si Don Juan. Ang plano nila’y
dayain ang kanilang mga oras ng pagbabantay. Pinahaba nila ang
oras ni Don Juan hangga’t mapagod siya at makatulog. Noong
nakatulog na si Don Juan, pinawalan na ng dalawa ang Ibong
Adarna. Pagkagising ni Don Juan, nalaman niya ito at umalis agad
siya dahil gusto niyang matago ang kataksilan ng kanyang mga
kapatid. Pinahanap naman ng Hari sa kanila Don Pedro at Don Diego
si Don Juan. Nahanap nila si Don Juan sa Armenya.
Proyekto
sa
Filipino

Ipinasa ni: Rey Anthony Opao


Grade 7 – Virgo

Ipinasa kay: Miss. Ma. Nona Salvaleon

You might also like