You are on page 1of 21

MAGANDANG UMAGA!

MAGANDANG ARAW!
ISANG MAPAGPALANG ARAW SA INYONG
LAHAT!
Diyos Ama, Maraming Salamat po sa ibinigay
ninyong pagkakataon upang kami ay muling
matuto. Gawaran mo po kami ng isang buklas na
isip at damdamin upang maisabuhay ang mga
itinuturo sa amin, at maunawaan ang mga aralin
na makakatulong sa aming pagtatagumpay sa
buhay. Amen
SALITANG MAYLAPI NA
MAKIKITA SA PANGUNAHIN AT
PANTULONG NA KAISIPANG
NAKASAAD SA BINASA

G.G. BUJAWE

(IKALAWANG MARKAHAN)
LAYUNIN:
1) matutukoy ang mga payak na salita mula sa salitáng maylapi na
makikita sa pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa
binása;
2)mapipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa
binása;
3)mabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggan
(palitan ng katuwiran)
CURFEW: IPINATUTUPAD NA SA KALAKHANG LUZON

Ipinapatupad ngayon sa Kalakhang Luzon ang pagpapatupad


ng curfew. Malinaw na ipinatutupad ang curfew sa mga
kabataang may 17 taong gulang pababa. Magsisimula ito ng ika-
10 ng gabi hanggang ika- 4 ng umaga. Aarestuhin at
parurusahan ang mga kabataang lalabag sa nasabing curfew
Paano nga ba ang pagtukoy sa
Pangunahing Ideya o Kaisipan
ng isang teksto?
PANGUNAHING IDEYA O KAISIPAN
ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang
teksto.

Ano ang paksa o ang pinag-uusapan ?


Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?
PANTULONG NA KAISIPAN

pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang


maunawaan ito nang lubos.

Ito ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa


mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa.
 Ito ay nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa
mambabasa upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o kaisipan
ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos,
istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta sa
pangunahing ideya.
Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng
suporta sa pangunahing ideya/kaisipan dahil sa:
1.Ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya/kaisipan.
2.Nakatutulong ang mga ito para madaling matandaan ang mahalagang
impormasyon sa isang teksto.
3.Makatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.
BASAHIN AT UNAWAIN ang kasunod na sanaysay upang
matuklasan mo kung nakatutulong ba ito sa pagpapakilala ng
pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binása.

Babasahing Popular sa Kabataan: Mahika at


Hiraya ng Print Midya
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 2. Sagutin ang mga tanong
batay sa binása mong akda.
1. Ano ang paksa ng binásang akda?
2. Ano ang tono ng sanaysay na binása?
3. Sa iyong pananaw, bílang mambabasá bakit popular sa kabataan
ang mga akdang may kiliti sa kanilang panlasa?
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 2: Ibigay mo ang
kahulugan ng mga salitáng nása loob ng kahon ayon sa pagkakagamit
ng mga ito sa sanaysay.
MAIKLING
PAGSUSULIT
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin
ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang nais ipahayag.
Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

1.Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may-


akda tungkol sa teksto?
A. detalye
B. paksa
C. mensahe
D. pamagat
2. Ang ___________ ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung
tungkol saan ang teksto.
A. Detalye C. mensahe
B. kaisipan D. paksa

3. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa


______________ ng teksto.
A. detalye C. mensahe
B. Paksa D. pamagat
4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto.
A. Paksa C. pansuportang detalye
B. pangunahing ideya D. pamagat

5. Ang mga _______________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya


upang maunawaan ito nang lubos.
A.paksa C. pansuportang detalye
B. pangunahing kaisipan D. pamagat
PAGNINILAY
Masasabi kong mahalaga pa ring gamitin at angkop
pa rin paggamit ng ______________ kahit na
mayroon ng lumabas na elektonikong midya.

You might also like