You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN- FILIPINO

I. LAYUNIN

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay ;

a. natutukoy ang kahulugan ng pangunahing ideya at pantulong na


kaisipan;
b. napahahalagahan ang pangunahing ideya at pantulong na kaisipan sa
teksto; at
c .nakabubuo ng isang talata tungkol sa epekto ng pandemya sa mga
mag-aaral na nagpapakita ng pangunahin at pantulong na kaisipan.

II. NILALAMAN

Paksa: Pangunahin at Pantulong na kaisipan


Sanggunian: Filipino 8
Kagamitan: Manila Paper, Kagamitang Pampagtuturo, Marker, Tape

III. PAMAMARAAN

Gawaing guro Gawaing Mag-aaral

A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa (Tatayo ang lahat at manalangin)
Panalangin. (AMEN)..

2. Pagbati
Magandang umaga klas. Bago kayo
maupo klas ,maari bang pulutin ninyo Magandang umaga din po ma’am.
ang mga kalat na nasa ilalim ng
inyong upuan.Iayos din ang mga
upuang wala sa linya.

3. Pagtala ng Liban
Muli, magandang umaga sa inyong
lahat!
Mayroon bang lumiban sa ating Wala po ma’am.
klase?
Okay magaling at talagang
determinado kayong lahat sa inyong
pag-aaral.
Ako nga pala si titser Cereljane V.
Tuwawa, ang inyong guro sa
umagang ito. Bago tayo dumako sa
ating talakayan ngayong araw,
basahin muna ninyo ang ating mga
alituntunin sa klas.

4. Pagbasa sa mga Alituntunin


1. Makinig at makilahok sa talakayan.
2. Magbigay galang sa nagsasalita.
3. Itaas ang kanang kamay kung
sasagot o magtatanong.
4. Bawal gumamit ng cellphone ( Binasa ng sabay-sabay ng mga
maliban na lamang kung ito ay mag-aaral ang mga alituntunin)
kinakailangan.

5. Balik-Aral
Sino sa inyo ang nakaalala sa ating
nakaraang talakayan?
Tungkol sa sanhi at bunga.
Mayroon pa bang mga katanungan
tungkol sa ating nakaraang
talakayan? Wala na po ma’am.

B. Pagganyak
Handa na ba kayo klas sa ating
bagong paksang tatalakayin ngayong
araw? Handa na po ma’am.
Mahilig ba kayong magbasa ng mga
kwento klas?
Mayroon ba kayong mga aral na
napupulot sa inyung binasa?

C.PAGLALAHAD/ Pagtalakay
Okay. Magagaling! Ang ating pag-
aaralan ngayon ay tungkol sa isang
kwento sa Pangunahin at Pantulong
na Kaisipan.
Bago natin talakayin ang paksa sa
umagang ito, basahin muna ninyo
ang ating mga nakahandang layunin
upang mas maayos ang daloy ng
ating talakayan.
LAYUNIN

Sa loob ng isang oras na talakayan,


ang mga mag-aaral ay ;

b. natutukoy ang kahulugan


ng pangunahing ideya at
pantulong na kaisipan;
b. napahahalagahan ang
pangunahing ideya at pantulong
na kaisipan sa teksto; at
c .nakabubuo ng isang
talatang sanaysay tungkol sa
epekto ng pandemya sa mga
mag-aaral.

Makakamit natin ang mga layunin na


ito sa tulong ng inyung kooperasyon.

Maasahan ko ba ang inyung


kooperasyon klas?

Ano nga ba ang pangunahing


ideya/kaisipan at pansuportang
detalye?

Pangunahing ideya/kaisipan ay ang


pinakamahalagang kaisipan tubgkol
sa paksa ng isang teksto. Magiging
madali ang pagtukoy sa pangunahing
ideya o kaisipan ng isang teksto kung
itatanong mo sa iyong sarili ang
sumusunod na mga tanong:

 Ano ang paksa o pinag-


uusapan?
 Ano ang nais ipaunawa ng
sumulat tungkol sa paksa?

Pansuportang detalye ang nagbibigay


linaw sa pangunahing ideya upang
maunawaan ito nang lubos.

 Mahalaga ang pagkilala at


pag-unawa sa mga detalyeng
nagbibigay ng suporta sa
pangunahing ideya/kaisipan
dahil sa:
1. Ito ang susi sa lubusang
pag-unawa ng pangunahing
ideya/kaisipan.
2. Nakatutulong ang mga ito
para madaling matandaan ang
mahalagang impormasyon sa
isang teksto.
3. Makatutulong din ito upang
maunawaan ang pagkabuo ng
isang teksto.

Ngayon klas, batid kong alam na


ninyo kung ano ang pangunahing
ideya/kaisipan at ang pansuportang
detalye. Ngayon naman ay
magkaroon tayo ng paunang gawain.
Papangkatin ko kayo sa tatlong
pangkat. May ibibigay akong teksto
sa inyu na pinamagatang “
Mangosteen: Mahika ng Kalikasan Ni
Ligaya Tiamzon Rubin Liwayway,
Disyembre-2003”. At may ibibigay
akong katanungan tungkol sa
tekstong inyung binasa. Kung sinong
pangkat ang unang makasagot ay
may karagdagang puntos mula sa
akin. Magbigay ng isang yell bago
sumagot. Nagkaintindihan ba tayo Opo ma’am.
klas?
Handing-handa nap o ma’am.
Handa na ba kayo klas?

1. Ano ang pangunahing kaisipan Unang pangkat


ng binasang teksto? Ang pangunahing kaisipan sa
tekstong aming binasa ay itinataguri
ang mangosteen bilang reyna ng mga
prutas sapagkat kakaiba at natatangi
ito.

2. Anu-ano namang mga detalye


ang inilahad sa teksto na nagsisilbing Pangalawang pangkat
kakaiba at natatangi ang Ang mga detalyeng inilahad sa teksto
mangosteen? na nagsisilbing kakaiba at natatangi
ang mangosteen dahil sa hugis
piramido ang tuktok ng puno nito,
may katagalan itong lumaki,
pinaniniwalaang magiging mapakla
ito kapag natalsikan ng dagta ang
bunga nito, brown na papaitim ang
matigas na kahoy nito at may kulay
dilaw na dugta at sa mga tropical na
bansa ito madalas tumubo.

3. Bakit sinasabing kakaiba at Pangatlong pangkat


natatangi ang mangosteen? Masasabi na ang mangosteen ay
kakaiba at natatangi dahil sa taglay
nitong katangian.

Magaling! Talagang naintindihan


ninyu ang tekstong binasa. Ngayon
klas, bakit nga ba mahalaga ang
pangunahing ideya/kaisipan at
pansuportang detalye sa pagbuo ng Mahalaga ang pangunahing ideya/
teksto? kaisipan at pansuportang detalye
upang mas lalong maintindihan kung
ano ang nais ipabatid ng manunulat
sa mga mambabasa.

Okay maraming salamat, mahalaga


talagang mayroong pangunahing
ideya/kaisipan at pantulong na
detalye upang mas maunawaan ng
maigi at maraming mga detalyeng
malalaman ng mga mambabasa.
Dahil kung wala ang mga iyan hindi
madaling unawain ang isang teksto. Wala na po ma’am.

May mga katanungan pa ba kayo klas Wala na po ma’am.


tungkol sa paksang ating tinalakay?

Wala na bang mga suhestyon?

Batid kong alam na ninyu kung ano


ang pangunahing kaisipan at
pantulong na mga detalye. Ngayon,
magkaroon ulit tayo ng gawain. Ito ay Pamantayan
pangkatang gawain, papangkatin ko
kayo sa tatlong pangkat. Ang Kaakmaan sa Paksa--------15 puntos
gagawin ninyo ay bubuo kayo ng Nilalaman ----------------------25 puntos
isang teksto tungkol sa epekto ng Kooperasyon ------------------10puntos
pandemya sa mga mag-aaral isang Kabuuan-------------------------50 puntos
talata lamang bawat pangkat na
nagpapakita ng pangunahin at
pantulong na kaisipan. Dapat
magbahagi ang bawat miyembro. Opo ma’am.
Bibigyan ko lamang kayo ng 10
minuto sa paggawa at 3 minuto sa
pagpresenta sa harap ng klase.
Naintindihan klas?

D. PAGLALAHAT

Pangunahing ideya/kaisipan ay ang


pinakamahalagang kaisipan tubgkol
sa paksa ng isang teksto. At ang
Pansuportang detalye ang nagbibigay
linaw sa pangunahing ideya upang
maunawaan ito nang lubos.

IV. PAGTATAYA
PANUTO: Unawaing mabuti ang
bawat aytem. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang gustong ipaalam o
ipaunawa ng sumulat o may-akda
tungkol sa teksto?
a. detalye c. mensahe
b. paksa d. pamagat
2. Ang_______ ay maaaring isang
salita o parirala na nagsasaad kung
tungkol saan ang teksto.
a. detalye c. mensahe
b. kaisipan d. paksa
3. Isang teknik na makatutulong sa
pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala
sa ________ ng teksto.
a. detalye c. paksa
b. mensahe d. pamagat
4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan
tungkol sa paksa ng isang detalye.
a.paksa
b.pangunahing ideya
c.pansuportang detalye
d. pamagat
5. Ang mga _________ ang
nagbibigay linaw sa pangunahing
ideya upang maunawaan ito nang
lubos.
a. paksa
b. pangunahing kaisipan
c. pansuportang detalye
d. pamagat

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng isang teksto at suriin ang pangunahing kaisipan at pantulong na detalye.

Inihanda ni:
Cereljane V. Tuwawa

You might also like