You are on page 1of 4

J.H.

CERILLES STATE COLLEGE


Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
Email add: jhcsc.main@yahoo.com
School of Teacher Education

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Pangalan ng Abdul Aziz T. Inidal Grado/Asignatura: FILIPINO


Guro:

Kurso at Taon: BSED IV FILIPINO Blg. ng Talakayan:

Petsa: Nobyembre 17, 2021 Oras na Inilaan: Isang Oras

I. Pamantayan, Kasanayan, at mga Layunin

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisusulat ang sariling tula sa alinmang


anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao,
bayan o kalikasan.

KASANAYAN SA PAGKATUTO Naibabahagi ang sariling opinion o pananaw


batay sa napakinggan (F10PN-Ii-68).

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag


aaral ay inaasahan nang;

1. nailalahad nang maayos ang pansariling


pananaw, opinion at saloobin kaugnay sa
akdang tinalakay.

2. naisusulat ang isang orihinal na tulang


may apat o higit pang saknong sa alin mang
anyong tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig
sa kapwa, bayan o kalikasan; at

3. nagagamit ang kaalaman at kasanayan sa


paggamit ng internet sa pananaliksik tungkol
sa mga anyo ng tula.

II. Paksang Aralin

Paksa: Tulang Hypertext


Sanggunian:
III. Mga Kagamitan

Guro: Mag-aaral:

 Potokapi ng Paksa  Cellphone/Laptop, papel at ballpen


 PowerPoint Presentation para sa mga gagawing inihanda na
 Biswal na Kagamitan gawain ng guro.
 Iba pang kagamitan na may
kaugnayan sa paksa.

IV. Proseso ng Pagkatuto


Gawaing Rutinari:

I. Elicit

 Panalangin

Inianyayahan ang lahat na tumayo at


magsitahimik at ibigay ang presenya sa Poong Mahal naming Diyos… Amen.
Maykapal.

 Pagtala ng Liban

Magandang umaga sa lahat! Mayroon bang


lumiban sa klase para sa araw na ito? Kung
wala ay ating ipagpatuloy ang ating aralin sa
araw na ito. Bago ang lahat ay mayroon
tayong patakaran sa loob n gating klase, ito
ang magiging gabay natin upang maganda ang
daloy ng ating talakayan.
Ang nakaraang leksyon ay patungkol sa
panitikan.
 Balik-aral

Bago dumako sa paksang tatalakayin sa araw Wala na po.


na ito, sino ang nakakaalala sa nakaraang
leksyon?

Tama! Mayroon pa bang katanugan para sa


ating nakaraang leksyon?

Sa bahaging ito ay magkakaroon muna tayo


ng maikling laro na susukat sa inyong
kakayahan sa pagiging aktibo sa klase bilang
isang mag-aaral. Mayroon akong ipapakitang
isang salita na hindi buo. Ang tanging gawin (Paunahan sa Pagbuo ng salita na ipinapakita
lamang ninyo ay buuin ito sa pamamagitan ng ng guro
bilis ng iyong kakayahan sa pagbuo ng salita.

T-U-L-A-N-G-H-Y-P-E-R-T-E-X-T

Magaling ang inyong ipinapakita sa ating


maikling laro. Dahil diyan ay natuklasan ko
ang inyong pagiging aktibo sa paggawa ng
gawain na ibinigay sa inyo. Sana ay magiging
tuloy-tuloy ito hanggang sa matapos ang ating
talakayan.
Pagganyak
II. Engage

Ngayon naman ay bago natin sisimulan ang Opo!


ating bagong paksang tatalakayin sa araw na
ito ay may ipapakita muna akong larawan.
Ang nais ko lamang gawin ninyo ay tukuyin
kung ano ang nasa mga larawan, maliwanag
ba?

Isang hypertext na pwede mong i click para


makapunta ka sa isa pang website o ibang
files

III. Explore
May punto ka. Ang magiging paksa nating sa
araw na ito ay patungkol sa Tulang Hypertext.
Pero bago ang lahat ay nais kong basahin
ninyo ang aking inihandang layunin para sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay
araw na ito. inaasahang;
1. nailalahad nang maayos ang pansariling
pananaw, opinion at saloobin kaugnay sa
akdang tinalakay.
2. naisusulat ang isang orihinal na tulang
may apat o higit pang saknong sa alin mang
anyong tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig
sa kapwa, bayan o kalikasan; at
3. nagagamit ang kaalaman at kasanayan sa
paggamit ng internet sa pananaliksik tungkol
Maraming salamat sa pagbabasa. Makakamit sa mga anyo ng tula.
ba natin ang layunin na ito class?
Opo Sir.
Magaling kung ganon. Makakamit natin ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng inyong buong
partisipasyon sa klase.
IV. Explain
Ano ang Tulang Hypertext?

Isang anyo ito ng tulang elektroniko


na may Hyperlink ng mga mambabasa.
Nagkakaroon ng inter-aksiyon sa computer
ang makata at ang mga mambabasa, na
maaaring may nagtatanong, nagdadagdag ng
kaalaman, nagpapahalaga, at pumupuna.
Walang takdang anyo ang mga teksto---
maaaring mga prase o parirala lamang, mga
taludtod o linyang nakadispley sa iba’t ibang
kaayusan.

Upang mas lalo niyong maunawaan ay


ipapakita ko mismo sa inyo kung papaano
gumamit ng hyperlink.

V. Elaborate
Upang masukat ang inyong kaalaman
hinggil sa ating naging paksa, ay
magkakaroon tayo ng gawain. Sa gawaing
ito ay bubunot ako sa mahiwagang baol
kung saan nakalagay ang inyong mga
pangalan, kung sino ang masuwerteng
mabububot ay siyang sasagot sa
katanungan. Maliwanag ba?

Para sa unang katanungan:


1. ano ang pagkakaiba ng tula sa tulang
may hypertext?

2. may maitutulong ba ang paggamit ng


hypertext sa paggawa ng tula?

3. maari kabang magbigay ng kaunting


paglalahad sa kung ano ang tulang
hypertext?

VI. Extend
Para sa ating pangalawang Gawain
papangkitin ko kayo sa dalawang pangkat. sa
gawaing ito ay gagamitin natin ang ating mga
telepono at internet connection para sa
pangalawang Gawain ito. Gagawa kayo ng (Pangkatang Gawain).
tulang may hypertext patungkol sa pag-ibig sa
kapwa, bayan o kalikasan. At nais kung ipasa
ninyo ito sa ating ginawang google classroom
upang aking maiwasto.

VII. Evaluate

Dumako tayo sa ating huling gawain. Sa


bahaging ito ay nais kong magsaliksik kayo (Nagsaliksik ng tula)
gamit ang inyong mga telepono at internet
connection ng mga halimbawa ng tulang
gumagamit ng hypertext at sa inyong grupo
ay pipili kayo ng isang representante upang
maglahad ng inyong nasaliksik. Maliwanag
ba?

V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng isang tula na may hypertext.

Inihanda ni:
Inidal, Abdul aziz T.
BSED IV FILIPINO

You might also like