You are on page 1of 12

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay:
a) Nasusuri at natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na
kaisipan sa tekstong binasa;
b) Naibibigay ang halaga ng pangunahin at pantulong na ideya sa
pag-unawa ng teksto; at
c) Nakabubuo ng talata na nagpapakita ng pangunahin at pantulong
na kaisipan.

II. Paksang aralin:


Paksa: Pangunahin at Pantulong kaisipan
Kagamitan: Laptop, Powerpoint presentation, SMART TV, at yeso.
Sanggunian: Filipino 8 Ikalawanag Markahan, Modyul 1: Sandigan ng
lahi… ikarangal natin

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon po, sir.

Tumayo ang lahat para sa panalangin. (Tatayo ang lahat at manalangin)

Bago kayo maupo klas, maaari bang


pulutin ninyo ang mga kalat na nasa ilalim
ng inyong upuan. Paki-ayos din sa mga
upuang wala sa linya. (Mamumulot at mag-aayos)

(Pagtala ng liban) (Depende kung sino ang lumiban)

(Pagbibigay alituntunin)

Bago tayo magsimula, mayroon tayong


alituntunin sa loob ng ating klase, ito ang
magiging gabay natin upang maganda
ang daloy ng ating talakayan. Alituntunin:
1. Makinig at makilahok sa talakayan
2. Magbigay galang sa nagsasalita
3. Itaas ang kanang kamay kung
sasagot o magtatanong.
4. Kapag itinaas ng guro ang
kanyang kamay ay
nangangahulugang masyadong
maingay na sa klase at
kinakailangang tumahimik na ang
lahat.
5. Itago ang selpon upang hindi
makadisturbo sa klase.
(Balik- aral)

A. Pagganyak:
Handa na ba kayo sa ating klase, klas? Opo sir!
Mabuti kung ganon.

Bago tayo dumako sa ating talakayan


klas, may inihanda akong gawain na may
kaugnayan sa ating aralin.

Gawain 1: BASAHIN AT UNAWAIN

Ang gawain ay pinamagatan kong


“Basahin at unawain”. May ipapabasa
ako sa inyong talata klas at ang tanging
gagawin ninyo ay unawaing Mabuti kung
ano ang binabasa dahil magtatanong ako
pagkatapos.
Opo sir!
Naintindihan klas?

1. Madaling araw palang ay handang-


handa na si Bb. Cruz sa unang araw ng
pasukan sa kanyang klase. 2.
Pagkatapos maihanda ang mga gamit ay
tumutok agad siya sa kanyang kompyuter
para umpisahan at batiin ang kanyang
klase. 3. Ramdam niya ang kasabikan ng
kanyang mag-aaral na matuto sa araw na
iyon. 4. Matapos ang panalangin ay
naghanda ng laro at sinundan ng
pagtalakay ng aralin sa umagang iyon. 5.
Ang maituro ang kagandahang asal at
mga kaalaman na magagamit ng mga
mag-aaral ang layunin ni Bb. Cruz sa
kanyang buhay bilang isang guro. 6.
Mahirap maging guro sapagkat sa kanila
nakasalalay ang ikagaganda at ikauunlad
ng isang indibidwal. 7. Ang guro tulad ni
Bb. Cruz ay dakila at dapat ikarangal.
Tungkol kay Bb. Cruz, sir.
1. Okay ngayong tapos na ninyong
mabasa, tungkol saan/kanino nga
ba iyon?

Tama! Ang inyong binasa ay tungkol kay


Bb. Cruz na isang guro.

2. Isa-isahin ang mga tungkulin ni Bb.


Cruz na kanyang ginagawa bilang Bilang isang guro ay inihahanda ni Bb.
isang guro? Cruza ang kanyang sarili at mga
kagamitan bago humarap sa klase.
Sige nga Jose, magbigay ka ng isa.

Ang maituro ang kagandahang asal at


Tama! Ano pa? Sige nga James mga kaalaman na magagamit ng mga
magbigay ka. mag-aaral.
Mahusay! Ang lahat ng inyong sinabi ay
tumpak o tama.

B. Paglalahad:
Ngayon klas, batay sa paunang gawain Pangunahin at Pantulong na kaisipan,sir
natin, ano kaya ang ating paksa o aralin
sa tagpo na ito?

Magaling! ang ating aralin ay sesentro sa


Pangunahin at Pantulong na kaisipan.
a) Nasusuri at
Bago tayo dadako sa pagtakay sa ating natutukoy ang mga
paksa ay babasahin muna natin ang ating pangunahin at
layunin. pantulong na
kaisipan sa tekstong
binasa;
b) Naibibigay ang
halaga ng
pangunahin at
pantulong na ideya
sa pag-unawa ng
teksto; at
c) Nakabubuo ng talata
na nagpapakita ng
pangunahin at
pantulong na
kaisipan.

C. Pagtalakay:

Bago tayo dadako sa pagtalakay ng ating


aralin klas, alam nyo ba na ang
pangunahin at pantulong na kaisipan ay
taglay ng talata na nakasulat sa teksto? Ang talata grupo ng mga salita o
pangungusap.
Ano nga ba ang talata?

Tama! Ang talata ay isang lipon o grupo


ng mga pangungusap na may
ipinapahiwatig o nagpapahiwatig ng Mga salita na makikita sa mga
kaisipan. babasahin.

Ano naman ang teksto?

Tama! Ang teksto ay nagtataglay ng


mahahalaga at tiyak na detalye tungkol
sa mga tao, bagay, lugar o pangyayari.

Nahahati sa dalawa ang teksto klas. Ang


una ay Pangunahing Ideya o Kaisipan at
ang ikalawa ay Pantulong na Kaisipan.
Dalumatin natin ang dalawang ito klas.

Ano nga ba ang Pangunahing Kaisipan?

Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy


sa diwa ng buong teksto. Ito ang
nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan
ang pag-unawa sa talata. Ipinahahayag
ito sa pamamagitan ng isang
pangungusap na tuwirang natutukoy kung
ano ang pag-uusapan sa buong talata.
Kadalasan itong matatagpuan sa unang
pangungusap. Maari ding mabasa sa
gitna ng talata maging sa huling
pangungusap ng talata.

Pansinin natin ang mga halimbawa:

Unahang Kaisipan
Ang tao ay espesyal na nilikha ng
Diyos. Kung ating ihahambing nga
naman sa iba pang nilikha ng Diyos sa
daigdig, walang pag-aalinlangan na ang
tao ay nakahihigit sa lahat. Ito rin ay
mababatay sa antas ng pag-iisip ng utak.

Gitnang Kaisipan:
Bilang isang estudyante sa kolehiyo,
kailangan mong matutong magsikap
mag-isa dahil walang tutulong sa iyo
kundi ang sarili mo. Ang buhay kolehiyo
ay sadyang napakahirap. Kailangan mo
rin talagang magsunog ng kilay para
makakuha ng mataas na marka at
ugaliing magbasa sa aralin na napag-
aralan na at mapag-aralan pa.

Hulihang Kaisipan:
Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang
tayo ay isinilang hanggang sa paglaki.
Siya rin ang humuhubog sa ating
pagkatao para tayo ay maging mabuting
anak. Pinag-aaral niya tayo para sa ating
kinabukasan. Bilang ganti, dapat natin
siyang mahalin at maging mabuting anak
sa kanya. Ang ating ina ay sinasabing
ilaw ng tahanan.

Ngayon ay kayo naman ang babasa at


susuri kung saang bahagi ng talata
matatagpuan ang pangunahing kaisipan.

Ang panitikan sa panahon ng Amerikano


at Komonwelt ay naging masigla at
maunlad. Naging malaya ang mga Sa unang pangungusap sir.
manunulat sa alinmang akda na kanilang
isusulat. Marami ang nailimbag na mga
aklat pampanitikan at mga babasahin sa Ang panitikan sa panahon ng Amerikano
panahong ito. at Komonwelt ay naging masigla at
maunlad.
Aling bahagi ng talata makikita ang puno
o pangunahing kaisipan?
Tama, ano ang nakasulat sa unang
pangungusap?

Mahusay!

Ngayong alam nyo na kung ano ang


Pangunahing Kaisipan, ano naman ang
kahulugan ng Pantulong na kaisipan?

Ang pantulong na kaisipan naman ang


nagbibigay linaw sa pangunahing ideya
upang maunawaan ito ng lubos.

Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa


mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa
pangunahing ideya/kaisipan dahil sa:
1. Ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng
pangunahing ideya/kaisipan.
2. Nakatutulong ang mga ito para
madaling matandaan ang mahalagang
impormasyon sa isang teksto.
3. Makatutulong din ito upang
maunawaan ang pagkakabuo ng isang
teksto.

Ano-ano nga ba ang mga halimbawa ng


pantulong kaisipan?

Ang ekonomiya ng bansa’y unti-unti nang


bumubuti. Sa nakaraang buwan,
umakyat ng dalawang puntos limang
bahagdan ang Gross Domestic
Product ng ating bansa. Opo sir!

Totoo, ang mga doktor, nars at ibang


mga frontliners ay handang magbuwis
ng kanilang buhay. Sila ang ating mga
bagong bayani sa kasalukuyan. Nagtiis
at nagsakripisyo upang alagaan ang
mga maysakit lalo na ang nagpositibo
sa corona virus.

Ngayon, alam nyo na ba kung


pangunahin at pantulong na kaisipan?

Sige nga, tingnan natin kung nakuha nyo


na nga ba ang aking ibinigay na
halimbawa. Sa puntong ito ay
papangkatin ko kayo sa lima dahil
magkaroon tayo ng pangkatang gawain.
Gawain 2: BASAHIN MO, SURIIN MO!
Ang bawat pangkat ay babasa ng
inihanda kong teksto at tukuyin kung
saang bahagi ng teksto makikita ang
pangunahin at pantulong na kaisipan.
Bibigyan ko lamang kayo 7 minuto sa
pagbasa at at pagsusuri. Pagkatapos ng
inyong pagsusuri ay pipili kayo ng isa sa
inyong ka-grupo na magpresenta ng
inyong trabaho.

PANGKAT 1

Sa pagnanais ng mga Pilipino na magsarili,


nagsikap silang makipag-ugnayan sa
pamahalaang Estados Unidos. Dito isinilang
ang isang trasitional government, ang
Pamahalaang Komonwelt.

Isang republika ang Pamahalaang


Komonwelt sa ilalim ng pampanguluhang uri.
Nasa ilalim noon ang lehislatura sa isang
sangay ang Pambansang Asemblea, ngunit
nang lumaon, ang Kongreso’y binuo ng
dalawang sangay – ang Senado at Kongreso.
Ibinigay sa Korte Suprema at mababang
hukuman ang kapangyarihang pagpasyahan
ang mga isinampang kaso batay sa
itinatadhana ng batas. May sariling
awtonomiya ang Pamahalaang Komonnwelt
sa mga isyung may kaugnayan sa bansa at
sa ibang bansa.

Bilang pangulo ng pamahalaang Komonwelt,


tatlong pangunahing suliranin ang binigyang-
pansin ng Pangulong Quezon: (1)
pampulitikang katatagan, (2) seguridad, at (3)
pagpapaunlad ng kabuhayan.

PANGKAT 2

Madaling araw palang ay anding-handa na si


Bb. Cruz sa unang araw ng pasukan sa
kanyang klase. Pagkatapos maihanda ang
mga gamit ay tumutok agad siya sa kanyang
kompyuter para umpisahan at batiin ang
kanyang klase. Ramdam niya ang kasabikan
ng kanyang mag-aaral na matuto sa araw na
iyon. Matapos ang panalangin ay naghanda
ng laro at sinundan ng pagtalakay ng aralin
sa umagang iyon.

Ang maituro ang kagandahang asal at mga


kaalaman na magagamit ng mga mag-aaral
ang layunin ni Bb. Cruz sa kanyang buhay
bilang isang guro. Mahirap maging guro
sapagkat sa kanila nakasalalay ang
ikagaganda at ikauunlad ng isang indibidwal.
Ang guro tulad ni Bb. Cruz ay dakila at dapat
ikarangal.

PANGKAT 3

Batas ng Lansangan Manilyn A. Sison


Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Disyembre, 2002
Isang makabuluhang hakbang ang
pagpapatupad ng barangay curfew mula ika-
10 ng gabi hanggang ikaapat ng umaga sa
may 897 barangay sa anim na distrito ng
Maynila sa mga kabataang 17 taong gulang
pababa batay sa City Ordinance No.8046 na
itinakda ni Manila 6th District Councilor Julio
Logarta.

Layunin ng ipinatutupad na curfew na


mapangalagaan ang mga kabataan sa
masasamang elemento tulad ng pagtutulak at
pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot
at mga marahas na pangkat na gumagala sa
lansangan tuwing gabi.

Makabuluhan ang layunin ng ordinansang ito-


ang pangalagaan ang mga kabataan at
makaiwas sa pagkalulong sa mga
ipinagbabawal na gamot, pag-inom ng alak,
paninigarilyo at pagsusugal, mailayo sa
maimpluwensiyang barkada at lalo’t higit sa
lumalalang karahasan sa bansa na
karaniwang nagaganap tuwing gabi.

Kaugnay nang pagpapatupad na ito, may


mga kaparusahan sa mga mahuhuling
kabataang nasa labas ng bahay sa ganitong
oras ng gabi.

Tunay na malaking tulong ang barangay


curfew sa paghubog ng mga pag-asa ng
bayan. Magkakaroon ang mga kabataan ng
disiplinang pansarili, katangiang
makapagpapaunlad sa kanilang katauhan at
paghahanda sa pagiging responsableng
mamamayan ng bansa.

PANGKAT 4

Mangosteen: Mahika ng Kalikasan Ni


Ligaya Tiamzon Rubin Liwayway,
Disyembre – 2003

May mga nagtataguri sa mangosteen bilang


reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at
natatangi ito. Maaari ring ito ang prutas na
sinasabing paborito ni Reyna Victoria ng
Great Britain.

Hugis piramido ang tuktok ng puno ng


mangosteen. May katagalan itong lumaki.
Brown na papaitim ang matigas na kahoy nito
at may kulay dilaw na dagta. Pinaniniwalaang
magiging mapakla ito kapag natalsikan ng
dagta nito ang bunga. May mga dahon itong
manilaw-nilaw na berde, makapal, madulas,
makinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol
itong bulaklak na may tulduk-tuldok na pula.
Kaakit-akit tingnan ang mga petalyo nito na
kulay berde sa labas at kulay dilaw sa loob.
Tulad ito sa mga ornamental na bulaklak.
Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang
mangosteen. May mga nagsasabi naman na
mula ito sa peninsula ng Malay, Molucca at
Sunda Island.

Karaniwang makikita ang mga taniman ng


mangosteen sa Mindanao. Sa mga tropikal
na bansa ito madalas na tumutubo.

PANGKAT 5

1. Ang kamatis na napagkakamalang


gulay ay isa palang masustansyang
prutas na nagtataglay ng Bitamina A
at C? Ayon sa mga dalubhasa, ang
madalas na pagkain ng kamatis ay
nakatutulong upang makaiwas sa
kanser sa tiyan.

2. Saging ang pinakamasustansyang


prutas na malaki ang naitutulong sa
pagpapalaki ng kalamnan ng ating
katawan. Marami ang nagsasabi na Napakahalaga ang pagkilala sa
ang saging ay hindi prutas kundi isang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
uri ng “berry” ang puno nito ay dahil nakapaloob sa dalawa ang mga
itinuturing na isang uri ng “herb” detalye o impormasyon na magpapa-
Nagtataglay rin ito ng mga unawa sa tao sa teksto.
sustansyang tumutulong sa
pagpapabilis ng pagbuo ng mga
nasirang tisyu sa ating katawan.

3. Isang mabait na bata si Carol.


Magalang siyang makipag-usap sa
mga tao. Sinusunod niya ang mga
payo ng kanyang mga magulang at
guro. Siya ay tumutulong sa mga
gawaing-bahay at mga gawain sa
paaralan. Hindi. Dahil posible niyang hindi
maunawaan kung ano ang ibig ipaabot
Nasisiyahan ako klas dahil
ng sumulat.
napagtagumpayan ninyo ang pagsubok
ipinaranas ko sa inyo.

D. Paglalahat
Naunawaan ba ng lahat ang ating paksa?
Wala naba kayong mga katanungan?
Kung wala na, ako ang magtatanong sa
inyo.

Bakit mahalaga ang pagkilala sa


pangunahin at pantulong na kaisipan?

Tama! Marapat talagang kilalanin natin


ang Pangunahin at Pantulong na kaisipan
dahil tumutulong sila upang Madali nating
matukoy ang ibig ipaunawa ng sumulat
ng teksto.
Matatawag ba na epektibong
mambabasa ang tao kung hindi niya
matutukoy ang pangunahin at pantulong
na ideya o kaisipan ng tekstong kanyang
babasahin/binabasa/binasa? Bakit?

Okay…tama. Hindi talaga matatawag ang


isang tao na epektibong mambabasa
kung hindi matutukoy sa binasa o
binabasang teksto ang pangunahin at
pantulong na kaisipan. Kung nagbabasa
siya na hindi maikintal sa kanyang isipan
ang mga mahahalagang impormasyon sa
kanyang binabasa ay para na ring hindi
siya nagbabasa o nagbasa.

Klas, tandaan natin na lubhang mahalaga


ang pagkilala at pagtukoy sa mga
pangunahin at pantulong na kaisipan
dahil indikasyon sila na tayo ay isang
Mabuti at epektibong mambabasa.

E. Paglalapat
Sa puntong ito ay papangkatin ko ulit
kayo sa lima para sa ating huling
pangkatang gawain.

Gawain 3: HUWAG KANG MAHIYA,


IPAKITA MO!

Panuto: Bawat pangkat ay bubuo ng


talata hinggil sa paksa na ibibigay ko.
Bibigyan lamang kayo ng 10 minuto sa
pagbuo. Pagkatapos ninyong bumuo,
guhitan ng bilog ang pangunahing
kaisipan at salungguhitan ang pantulong
na kaisipan.

Bago ang lahat, basahin niyo muna ang


ating pamantayan.

F. Pagtataya

1. ang kaisipan na iniikutan ng talakay sa


teksto.
a. Pangunahing Kaisipan b. Pantulong
na kaisipan c. mensahe d. detalye
2. Ano ang tawag sa lupon ng mga
pangungusap na nagpapahiwatig ng
kaisipan?
a. Pangunahing Kaisipan b. Pantulong
na kaisipan c. Talata d. Teksto

3. Ano itong dapat tandaan ng mababasa


upang Madali niyang matukoy ang
pangunahing ideya o kaisipan?
a. Sino ang sumulat ng teksto?
b. Kailan isinulat ang teksto?
c. Maganda ba ang paksa ng teksto?
d. Ano ang nais ipaalam ng sumulat
tungkol sa paksa

4. Ang________ ay nagtataglay ng
mahahalaga at tiyak na detalye tungkol sa
mga tao, bagay, lugar o pangyayari.
a. Teksto b. Talata c. Mensahe d.
Detalye

5. Ang sumusunod ay mga dahilan kung


bakit mahalaga ang pagkilala at pag-
unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng
suporta sa pangunahing ideya/kaisipan
maliban sa isa.
a. Ito ang susi sa lubusang pag-unawa
ng pangunahing ideya/kaisipan.
b. Nakatutulong ang mga ito para
madaling matandaan ang
mahalagang impormasyon sa isang
teksto.
c. Makatutulong ito upang maunawaan
ang pagkakabuo ng isang teksto.
d. Tinutulungan din nito na maging
epektibong manunulat ang isang tao.

6. Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng


sumulat o may-akda tungkol sa teksto?
a. detalye b. paksa c. mensahe d.
pamagat
7. Maagang pumapasok sa paaralan si
Tonyo upang makapag-review sa library.
Tuwing nagkakaroon ng oral recitation ay
palagi siyang nakakasagot. Kapag
nakauwi mula sa paaralan ay agad niyang
ginagawa ang kanyang mga takdang-
aralin kung kaya mataas ang markang
nakukuha ni Tonyo. Si Tonyo ay mabuting
estudyante. Suriin at tukuyin kung alin
ang pangunahing kaisipan.
a. Maagang pumapasok si Tonyo
b. Nakakasagot sa klase si Tonyo
c. Mabuting estudyante si Tonyo
d. Mataas ang marka ni Tonyo
8. Napakagandang tingnan kung ang ating
mga ngipin ay maputi. Kapag ito’y walang
sira, tiyak na mabango ito. Kapag araw-
araw kang nagsisipilyo, tiyak na walang
sasakit at walang masisirang ngipin. Kaya
dapat talagang mapangalagaan ang ating
mga ngipin. Suriin at tukuyin kung alin
ang pangunahing kaisipan.
a. Maputing ngipin
b. Mabangong ngipin
c. Pagsisipilyo ng ngipin
d. Pangangalaga ng ating ngipin
9. Ayon sa pag-aaral ay nanganganib na
lumubog ang Maynila sa darating na 2020.
Kaunting ulan lamang ay binabaha na ang
siyudad. Basahin nang mabuti kung alin ang
pantulong na kaisipan.
a. Ayon sa pag-aaral
b. Kaunting ulan lamang ay binabaha na ang
siyudad
c. Nanganganib na lumubog ang Maynila sa
darating na 2020
d. wala sa pagpipilian

10. Ang ___________ ay maaaring isang


salita o parirala na nagsasaad kung tungkol
saan ang teksto.
a. detalye b. kaisipan c. mensahe d. paksa

SUSI NG PAGWAWASTO
1. A
2. C
3. D
4. A
5. D
6. C
7. C
8. D
9. B
10. D

G. Kasunduan:
Magsaliksik kung ano ang opinyon, katuwiran at pagbuo ng mahalagang tanong.
Isulat sa kalahating papel ang inyong sagot at ipasa sa susunod nating klase.

Inihanda ni:
G. Juwie A. Consolacion

H. Pagninilay

You might also like