You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

(Para sa Greyd 11)

I. LAYUNIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nasusuri ang mga bahagi ng binasang teksto ayon sa Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng Tekstong
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at Prosidyural
daigdig

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang :

A. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t-ibang uri ng tekstong
Prosidyural na binasa;
(F11PT-IIIa-88);
B. Nakasusulat ng halimbawa ng tekstong prosidyural (F11PU-IIIb-89)
C. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS-IIf-92)

II. PAKSANG ARALIN :


A. PAKSA : Tekstong Prosidyural
1. Kahulugan ng Tekstong Prosidyural
2. Pagbibigay ng Halimbawa ng Tekstong Prosidyural

B. KATEGORYA : Wika

III. SANGGUNIAN:
A. PAMAGAT : Pinagyamang Pluma –Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang uri ng teksto tungo sa Pananaliksik
B. MAY AKDA : Alma M. Dayag at Mary Grace Del Rosario
C. PAHINA SA AKLAT : Pp. 69-80

IV. PAMAMARAAN :
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
(Pagtatala ng mga lumiban sa klase)

Pambungad na Gawain :

Pagbabalik-aral : Pagtatanong patungkol sa nakaraang


Aralin (Tekstong Naratibo)

Batay sa natalakay natin kahapon, ano ang kahulugan Sagot: Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o
ng Tekstong Naratibo? pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan sa isang lugar at panahon na may pagkakasunod-
sunod mula simula hanggang katapusan.

Bakit importante pag-aralan ang pagkakasunod-sunod Sagot : Importante pag-aralan ang pagkakasunod sunod
ng Tekstong Naratibo? ng tekstong naratibo upang maging maayos ang daloy ng
isang kuwento.
Alamin o Tuklasin:
Bago natin talakayin ang ating aralin sa araw na ito,
tatanungin ko muna kayo;

Alin sa sumusunod ang kaya mong gawin?


1. Pagluluto
2. Mag-assemble ng isang simpleng cabinet
3. Makakuha ng passport
4. Makapagluto ng kaldereta
5. Makapagbuo ng isang bisikleta
Sa tingin nyo ba kakayanin nyo bang gawin ang mga ito Sagot : opo, dahil may susundan kaming
kung meron kayong Instructional Booklet? procedure(prosidyur) kaya alam naming itong gawin.

Tama! Dahil sa prosidyur na nakapaloob sa instructional


booklet , magagawa niyo na itong gawing mag-isa na
hindi humihingi ng tulong sa eksperto o sa ibang tao.
Dahil sa panahon ngayon, karamihan sa mga produkto ay
Tinatawag na D.I.Y

B. LINANGIN:

Ano nga ba ang kahulugan ng D.I.Y? Sagot : Do it yourself ma’am

May alam ba kayong mga gawain na maituturing natin na Sagot: Paggawa ng mga dekorasyon sa nalalapit na
D.I.Y? Magbigay nga kayo ng ilang halimbawa. kapaskuhan. (Magbibigay pa rin ng ilan pang halimbawa
ang mga mag-aaral)
Tama . Ang DIY ay do it yourself . Kung saan ikaw ang
mismong gumagawa sa mga bagay na nais mong
kumpunuhin.
Batay sa mga naitanong ko sa inyo kanina, makakaya
nyong gawin ang isang produkto o gamit kung ito’y may
prosidyur. Ang tatalakayin natin ngayon ay Tekstong
Prosidyural

Sino ang nakakaalam sa inyo kung ano ang prosidyur?


Sagot : ang prosidyur ay nagpapaliwanag kung paano
Tama. Ganun din ang Tekstong Prosidyural. Isang ginagawa ang isang bagay.
espesyal na uri ng tekstong expository ang Tekstong
Prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa
pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasam.
Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na
dapat isagawa.

Sa panahon ngayon, maraming mga bagay ang sinasabi


nilang do it yourself o mga bagay na sa halip na kumuha
pa ng ibang gagawa ay na mismo ang gagawa, nararapat
lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur
na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga
prosidyur ang gagabay sa atin upang magtagumpay na
maisagawa ang isang bagay.

Hindi rin sapat na marunong tayong umunawa sa mga


tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng
kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan
ng lahat.

Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangan malawak


ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding
malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat
gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito.
Ang isa pang dapat tandaan ay ang paggamit ng mga
payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng
sinumang gagawa.Nakatutulong din ang paglalakip ng
larawan o ilustrayon kasama ng mga paliwanag upang
higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga
hakbang .
(sasabihin ng guro na ang mga bagay na nabanggit sa
simula ay mga halimbawa ng D.I.Y na gawain)

c. Pagnilayin at unawain:

Kung naintindihan nyo ang ating napag-aralan, Ano sa Sagot: Ang Tekstong Prosidyural ay ang paglalahad ng
tingin nyo ang Tekstong Prosidyural? mga serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain.

Paano nakakatulong ang Tekstong Prosidyural sa ating Sagot : Nakakatulong ang Tekstong Prosidyural sa atin sa
gawain? tamang paggawa ng mga bagay-bagay at sa pag organisa
ng mga gawain upang ito ay magamit ng maayos.

(Karagdagang Gawain: Basahin ang sumusunod na mga


pahayag. Sabihin kung Tama o Mali ang mga pahayag
ayon sa binasa.

____1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye


ng gawain upang matamo ang inaasahan.

____2. Hindi mahalaga maging malinaw ang


pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta’t
nasusundan.

____3. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang


malawak ang kaalaman ng sumusulat tungkol sa
ipapagawa.

____4. Kailangan maayos at wasto ang pagkakasunod-


sunod ng mga hakbang nito upang sa tulong ng
pagbabasa, kahit walang aktuwal na demonstrasyon, ay
maisagawa ito.

_____5. Layunin ng tekstong prosidyural na maiaalok ang


produktang itinitinda.

d. Ilipat:
A. Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Bawat grupo ay
gagawa ng isang Instructional Booklet patungkol sa D.I.Y
na produktong nalalaman.

B. Panuto : Bibigyan ang bawat grupo ng 10 minuto


upang pagusapan ang gawain at ipresenta ang ginawa.

Krayterya sa Paglalarawan:

4 puntos – Ang tekstong Prosidyural ay naisulat nang


malinaw at madaling maunawaan.

3 puntos – ang tekstong prosidyural ay naisulat nang


malinaw at naunawaan . Kaya itong sundan upang
maisagawa ang hinihingi

2 puntos – ang tesktong prosidyural ay hindi gaanong


malinaw at hindi rin madaling maunawaan kaya hindi ito
kaagad masusundan o maisasagawa.

1 puntos – ang Tekstong prosidyural ay naisulat sa


nakalilitong paraan kaya’t mahirap itong maunawaan at
masundan.

V. EBALWASYON: Gawaing-upuan sa talakayan at


pagsusulit sa itatakdang araw.

VI. TAKDANG ARALIN : Magbigay ng limang pangungusap


na kabutihang maidudulot ng mga tekstong prosidyural..

You might also like