You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino Baitang 6

Isinagawa ni: Cavin John J. Lape

I. Layunin
Pagkatapos ng apat na put limang (45) minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Natutukoy ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng sitwasyong
pinaggamitan..
b. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga salita sa sitwasyong pinaggamitan, at
c. Nakabubuo ng sariling pangungusap o sitwasyon gamit ang mga di-pamilyar na salita.

II. Paksang Aralin.

Paksa: “Kahulugan ng Salita: Sitwasyong Pinaggagamitan”.


Materyales: Laptop, Mga larawan, cellphone.
Sanggunian: QS-Fil6-U2-Study-Guide-1, page 17.
Pagpapahalaga:
 Pagbibigay halaga sa mga salita
 Pagkakaisa

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Pagbati para sa lahat


 Panalangin
 Pagtatala ng liban
 Pagsasaayos ng silid

B. Panlinang na Gawain
 Pagbabalik Aral
- Ang guro ay magbabalik aral sa nakaraang natalakay patungkol sa Paggamit ng
Dewey Classification System.
 Sino ang makapagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng Dewey
Classification System (DCS)?
 Kanino isinunod ang pangalan na Dewey Classification System (DCS)?
 Bakit ito mahalaga?
 Pagganyak
- Magbibigay ng panuto ang guro para sa aktibidad na gagawin. Magtatala ng isa
(1) o dalawang (2) salita ang mga mag-aaral mula sa babasahing tekstong pang-
impormasyon na ang pamagat ay “Ang Pambansang Aklatan”. Bibigyan nila
ang bawat salita ng kahulugan sa pamamagitan ng paggamit sa isang pahayag.
At pagkatapos talakayin ang buong paksa, pipili ang guro ng tatlong mag-aaral
para ibahagi ang kanilang sagot sa klase.

Ang Pambansang Aklatan

Ang Pambansang Aklatan o The National Library (TNL) ay nagsisilbi sa mga


mag-aaral, iskolar, at mananaliksik. May mahigit isa’t kalahating milyong
koleksiyong libro, manuskrito, magasin, pahayagan, disertasyon, mga lathalain
ng pamahalaan, iba’t ibang uri ng mapa, mga larawan, at iba pa. Ang
pangunahing layunin ng pambansang aklatan ay payabungin ang intelektuwal
na pag-unlad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbabasa. Tungkulin nito
ang pagtitipon at pangangalaga sa mga babasahin at iba pang materyales na
Filipiniana at paunlarin ang serbisyo ng mga aklatan sa Pilipinas.
Kasalukuyang matatagpuan ang pambansang aklatan sa Kalye T. Kalaw,
katabi ng Rizal Park, Maynila. Itinatag ito noong Marso 5, 1901.

 Pagtatalakay
- Itatalakay ng guro ang Kahulugan ng Salita: Sitwasyong Pinaggagamitan.
Magbibigay ng mga halimbawa ng mga pamilyar at di pamilyar na mga salita
upang mas lalo pang maintindihan ang tinatalakay na paksa. Tatalakayin din ang
mga estratehiya sa paglinang ng talasalitaan.

Salita: Sitwasyong Pinaggagamitan: ay ang kahulugan nito sa


pamamagitan ng pag-alam o pagsuri ng kaugnayan nito sa iba pang salita sa
pangungusap o teksto

Mga salitang pamilyar:

- Walang bayad ang pagpapagawa ng -Magpakita ng anumang ID bilang


kard. Saka lamang magpapabayad katibayan ng pagiging residente at
kung magpapagawa ng panibago. pagkakakilanlan.
-Ayon sa batas, ang mga bagay sa
aklatan ay maaari lamang kopyahin
ayon sa restriksyong sumasaklaw
dito.
Mga salitang di-pamilyar:

-Ang mga bagay na may dilaw na -Maghintay habang itinatala ng


selyo ay hindi maaaring ilabas. katiwala ng aklatan.

-Tatanggapin lamang ito kung ang


hinihiram ay hindi nakareserba sa iba.

Mga estratehiya sa paglinang ng talasalitaan

-nangangailangang magkaroon sila ng sapat na pagsasanay, kaalaman, at


karanasan upang mapaunlad ang mga konsepto at kaisipang magagamit sa
pagunawa ng nilalaman ng teksto

 Paglalapat
- (Indibidwal na Gawain). Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng tatlong (3) salita,
pamilyar man o di pamilyar at gagamitin nila ito upang gumawa ng isang
pangungusap o sa isang sitwasyon. Meron lamang silang lima minuto para
tapusin ang nasabing gawain.

 Paglalahat:
- Ngayon balikan nating muli ang ating aralin:
 Ano nga ulit ang ibig sabihin ng Kahulugan ng Salita: Sitwasyong
Pinaggagamitan?
 Bakit importanteng malaman ang kahulugan ng salita ayon sa sitwasyong
pinaggagamitan?
 ano-ano nga ulit yung dalawang klaseng mga salita?
 Ano ang isa sa mga estratehiya sa paglinang ng talasalitaan?
 Paano mapalalawak ang kaalamang pantalasalitaan?
IV. Pagtataya

Piliin ang kahulugan ng mga salitang may nakadiin batay sa sitwasyong pinanggamitan.

1. Ang mga mag-aaral ay nagpatala sa paaralan para sa darating na pasukan.


a. nagpulong b. pumila c. nagpalista d. naglinis
2. Nasugatan ang kamay niya sa matalas na kutsilyo.
a. mapurol b. matalim c. maliit d. makalawang
3. Matiwasay ang pamumuhay ng mag-anak dahil walang anumang gulo sa kanilang
pamayanan
at sumusunod ang mga tao sa mga alituntunin.
a. simple b. mahirap c. makulay d. payapa
4. Nasindak ang bata nang kumahol ang aso.
a. natuwa b. nakiusap c. natakot d. nagmadali
5. Si Ginoong Suarez ay kawani sa munisipyo ng ating bayan at ang lahat ay humahanga sa
kaniyang kasipagan.
a. pinuno b. empleyado c. katiwala d. tagasunod
6. Ang bagong administrasyon ng ating organisasyon ay nagpaplano ng mga proyekto sa
paaralan.
a. teritoryo b. adhikain o layunin c. pamunuan o namamahala d. sumusuporta
7. Ang pagdiriwang ng mga pista ay isa sa mga tradisyon o kaugaliang kinagisnan ng mga
Pilipino.
a. kinamulatan b. ipinagmamalaki c. ginagawa d. ginagaya
8. Malilinang sa paaralan ang kakayahan sa pagbabasa at pagsulat.
a.matutunghayan b. masusuri c. matutuhan d. mapauunlad
9. Ang magagandang tanawin sa ating bansa ay nakahahalinang pasyalan.
a.nakagugulat b. nakalilibang c. nakaaakit d. nakatutuwa
10. Umagapay ang bata sa matanda sa pagtawid nito sa lansangan.
a. binalewala b. umalalay c. tumulong d. nagmano

V. Takdang Aralin

- (Magbibigay ang guro ng Takdang Aralin). Para sa inyong takdang aralin


makikita sa pahina dalawang put lima (25) ang iyong sasagutan. Isulat sa papel
ang inyong sagot at huwag nang kopyahin ang mga tanong.

You might also like