You are on page 1of 22

NOT

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 6
Mga Nalikom na Datos sa Pananaliksik

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 ,Wk.1 – Module 6 :Mga Nalikom na Datos sa Pananaliksik
Isinasaad ng seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293 na hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa
ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad royalty
bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, pangalan
ng produkto, tatak, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Humiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


Manunulat: Geraldine S. Daiz
Tagapagsuri/Editor: Marivic A. Pizarras, Jayffer R. Regis
Tagapagdisenyo/Ilustrador:
Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD,CESO V
Schools Division Superintendent
Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mga Miyembro Henry B. Abueva OIC-CID Chief
Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Inilimbag Sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069 E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
Filipino
Ikaapat na Markahan- Modyul 6
Mga Nalikom na Datos sa Pananaliksik

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri


ng mga piling guro, pinuno ng paaralan, Tagapangasiwa ng Edukasyon sa
Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City. Hinihikayat namin
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna, mungkahi at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng .
Iligan City sa iligan city@deped.gov.ph o Telefax (063)221-6069
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1

Alamin ……………………………… 1

Pangkalahatang Panuto ……………………………… 1

Subukin ……………………………… 3

Balikan ……………………………… 5

Aralin 1 ………………………………
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 10
Isagawa ……………………………… 10

Tayahin ……………………………… 12
Karagdang Gawain ……………………………… 11
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 14
Sanggunian ……………………………… 14
Modyul 6
Mga Nalikom na Datos sa Pananaliksik

Pangkalahatang Ideya
Isa sa palatandaan n gating kalayaan ang Panitikan. Dito ay
naipapahayag ang mga kaisipang hindi maikilos o maipakita sa literal na
paggalaw. Binibigyang-buhay ang mga adhikain nakakubli sa isipan. Sa
panahon ng pananakop, ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal ang nagsilbing
hudyat sa pagsisiwalat ng kalupitan ng mga mananakop. Ang Noli Me
Tangere ay nagpahayag ng layunin tungo sa pagkatuto ng mga Filipino.
Pangunahing mithiin ng modyul na ito ang maibahagi sa kabataan ang
kariktan ng akda sa pamamagitan ng mas malalim na pag-unawa at maging
daan sa mas malawak na pananaw nito. Nabubuo ang pananaw sa
pamamagitan ng paglilikom ng mga datos na nagbibigay-diin sa kahalagahan
na tinutumbok ng nobelang Noli Me Tangere.

Nilalaman ng Modyul
Nakapaloob sa modyul na ito ang pagtala ng nalikom na datos sa
pananaliksik.

Alamin
Ano ang inaasahan mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik. (F9Pu-Iva-b-58)

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
● Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pampanitikan.
● Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
● Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

1
Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Isang akda ni Jose Rizal na kung saan ay nagpapahayag ng mga


pangyayaring nagpapakita ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng
Kastila.
a. Sa Aking mga Kababata c. Mi Ultimo Adios
b. Inang Bayan d. Noli Me Tangere

2. Isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahon at kinilala ito bilang


isang modernong pag-aanyo ng klasikong epiko, kung saan madalas may
bayaning dumaraan sa mga pakikipagsapalaran.
a. Nobela c. Awit at Korido
b. Tula d. Epiko

3. Ang batas na kung saan ay naglayong isama sa lahat ng kurikulum ng mga


paaralan ang pagpapahalaga sa pambansang bayani at kabilang sa mga
pagpapahalagang ito ang pagpapabasa sa madla ng kaniyang dalawang
nobela.
a. Republic Act 2514 c. Republic Act 1425
b. Republic Act 1935 d. Republic Act 1245

4. Sa pangangalap ng mga datos, laging tandaan ang mga pahayag na ito


maliban sa isa.
a. Pag-aralang mabuti kung tama ang mga impormasyon.
b. Dapat ito ay nanggaling sa isang mapagkakatiwalaang batayan.
c. Mula sa isang opinion ng isang sikat na tao.
d. Tama at kompleto ang mga detalye.

5. Saan at kalian natapos ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?


a. Berlin, 1886 c. Spain, 1886
b. Spain, 1867 d. Berlin, 1867

6. Bakit ipinagbawal ng mga Kastila ang pagbabasa at pagmamay-ari ng nobela


ni Rizal?
a. Sapagakat nagpapakita ito ng buhay ng mga Pilipino
b. Dahil ipinapakita sa nobela ang mga pagmamalupit ng mga Kastila at ng
simbahan
c. Dahil ang bida ng nobela ay isang Pilipino at hindi Kastila
d. Sapagkat ito ay nagpapakita ng mga pangyayari sa Panahon ng Kastila

7. Ano ang dahilan at bakit kailangang matibay at tama ang mga datos sa isang
pananaliksik?
a. Dahil ito ay kailangan
b. Dahil ito ay nararapat at mahalaga

3
c. Dahil ito ang magpapatibay na tama ang iyong mga sinabi
d. Dahil ito ay isinasaad ng edukasyon

8. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang tama at mahalagang datos.


a. Ayon kay Sec. Briones, lahat ay may kakayahang magsagawa ng online
class.
b. Ayon sa pag-aaral ng NASA, magugunaw na ang mundo.
c. Ang Republic Act 9155 ay naglalayon na ang edukasyon ay para sa lahat.
d. Sabi ng Nanay, lahat daw ay may solusyon.

9. Ayon sa paglalarawan ni Rizal, “nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng


sangkatauhan ang isang kanser na may katangiang napakalubha kaya
nagpupuyos sa galit munting di-masaling at nanggigising ng matatalim na
kirot.” Ano ang tinutukoy ni Rizal hinggil sa salitang “kanser”
a. Ang mga paghihirap ng mga tao sa mundo.
b. Ang mga nangyayaring sakuna at delubyo.
c. Ang mga pagmamalupit at pang-aalipusta sa mga Pilipino.
d. Ang mga katangiang ng mga Pilipinong walang pinag-aralan.

10. Bakit gayon na lamang ang pagnanasa ni Rizal na ipakita ang sakit na
nararanasan ng bansa?
a. Upang mawakasan na ang pagmamalupit ng mga Kastila at ng simbahan
b. Upang mabigyan ito ng lunas
c. Upang mas maraming Pilipino pa ang gumawa ng nobela
d. Upang maibsan ang kanyang pangungulila sa bansa.

11. Sa makabagong ikot ng mundo, bakit mahalaga ang pananaliksik?


a. Upang makalikom ng mga kasagutan na tama at totoo
b. Upang magkaroon ng pag-aaralan ang mga mag-aaral.
c. Upang makalikom ng mga opinyon at sabi-sabi.
d. Upang mas malinaw ang pagbabasa nito.

12. Kanino nakatuon ang akda ng Noli Me Tangere?


a. Pilosopong Tasyo c. Padre Damaso
b. Maria Clara d. Crisostomo Ibarra

13. Ayon sa datos, ano ang dahilan ng kanyang pagkakabitay noong Disyembre
30, 1896?
a. Dahil sa kanyang mga sinabi sa kanyang panayam.
b. Dahil hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang pahayag ng
nobela.
c. Dahil sa ginawang pagsasalin ng kanyang mga nobela.
d. Dahil sa kanyang mga direktang pahayag sa kalupitan ng mga Kastila.

14. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagbatayan ng isang matibay at


tamang datos sa isang pananaliksik?
a. Opinyon b. Research paper c. Komiks d. Fake news

4
15. Ano ang natatanging katangian ng isang nobela?
a. Maikli b. May saknong c. Mahabag salaysayin d. Inaawit

Mga Nalikom na Datos sa

Pananaliksik
Aralin

Balikan
Bago nating talakayin ang bagong aralin ay magbigay ka muna ng mga
dahilan o paliwanag sa nobelang Noli Me Tangere.

5
https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.anvilpublishing.com%2Fshop%2Ftrade-books%2Ffiction-literature%2Fnoli-me-tangere-comics

6
Tuklasin

Ngayon ay handa ka ng malaman ang nilalaman ng bagong aralin.


Makikita mo sa ibaba ang isang gawain na kung saan ay pupunan mo
ito mga kasagutan. Ilahad ang impluwensya ng akdang Noli Me
Tangere sa mga Filipino, noon at ngayon.

7
Suriin
Magaling! Ang modyul na ito ay binibigyang-diin ang mga pananaliksik
patungkol sa Nobelang Noli Me Tangere. Mahalagang pag-aralan ang
mga akda ni Rizal sapagkat sumasalamin ito sa kalagayan natin noon
sa Panahon ng mga Kastila. Ipinapahayag sa kanyang mga akda ang
mga kwento ng bawat karakter na kanyang isinabuhay sa kanyang mga
nobela at ang mga natatanging sinisimbolo ng bawat karakter at
pangyayari. Sa pagpapatuloy ng araling ito ay basahing maigi ang ilang
tala o mahahalagang impormasyon patungkol sa nobelang Noli Me
Tangere.

Noli Me Tangere
ni Louie Jon Sanchez
Ang nobela ay isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahon. Sa isang
pagkakataon, kinilala ito bilang isang modernong pag-aanyo ng klasikong epiko, kung saan
madalas may bayaning dumaraan sa mga pakikipagsapalaran. Sa literal na
pagpapakahulugan, ang ibig sabihin ng nobela ay “bago” (novel or new sa Ingles, novella sa
Latin).
Ang nobela ay madalas na ipinapaliwanag bilang isang mahaba at kathang salaysay
ng mga pangyayaring pinagsunod-sunod upang makalikha ng isahang epekto. Sa
kumbensiyonal na pamamaraan, ang nobela ay madalas na sumusunod sa pag-unlad ng
katauhan ng isang karakter. Isinasalaysay ng mga ganitong naisulat na nobela ang mga
pagkamulat—pagbabagong mabuti o masama— ng tauhang bayani. Ang pagkamulat ay
laging isang proseso ng pagharap sa mga pagsubok, pagkakatukoy at pagharap sa
pinakasuliranin, at pananagumpay (kung ipinahihintulot).
Ang nobelang Noli Me Tangere ay maihahanay sa ganitong uri ng salaysayin sapagkat
masasaksihan sa nobela ang pagkamulat ni Juan Crisostomo Ibarra sa kabuktutan ng kolonyal
na pananakop, na noong una’y panananaligan pa niya sa mithing kilalanin ang Pilipinas
bilang ganap na bahagi ng Espanya.
Isang kakatwang katotohanan ang pagbasa natin sa Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng salin. Hindi natin binabasa ang nobela sa orihinal nitong wika sapagkat iilan
lamang sa atin ngayon ang may kakayahang bumasa ng Espanyol. Ngunit minahalaga itong
nobela dahil sa Batas Rizal noong 1956. Ang batas na ito na kilala bilang Republic Act 1425 ay
naglayong isama sa lahat ng kurikulum ng mga paaralan ang pagpapahalaga sa pambansang
bayani. Kabilang sa mga pagpapahalagang ito ang pagpapabasa sa madla ng kaniyang
dalawang nobela. Dahil dito, nagkaroon ng malaking espasyo sa pagpapasalin ng nobela
upang mapalawak ang mambabasa nito.
Matagal nang pinagpaplanuhan ni Rizal ang nobela at natapos lamang niya ito noong
1886 sa Berlin, sampung taon bago sumiklab ang rebolusyon. Ipinagbawal ang pagbabasa at
pagmamay-ari ng nobela nang makarating ito sa Pilipinas ilang buwan matapos mailathala.
Hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang sentimiyento ng nobela, bukod pa sa mga
“makabago” at “banyaga” nitong adhikaing nasagap ni Rizal at ng kaniyang mga kapanalig sa
kilusang Propaganda. Ito rin ang itinuturing na dahilan ng kaniyang pagkakabitay sa
Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.

8
Marahil ay maraming mga bagay ang tumatakbo ngayon sa iyong
isipan matapos mong mabasa ang sipi. Ngayon ay magtala ka ng mga
mahahalagang datos na iyong natunghayan mula sa siping iyong
binasa. TANDAAN: Sa pangangalap ng datos, mainam na ito ay
pag-aralang mabuti kung ito ba ay tama, kung ito ba ay may kinalaman
sa iyong pag-aaral, kung ito ba ay nanggaling sa isang
mapagkakatiwalaang pag-aaral o babasahin at higit sa lahat, kung ito
ay lubos na makakatulong sa pagpapalawak ng pag-unawa at
kaalaman.

“Noli Me Tangere” ni Louie Jon Sanchez: Mga Mahahalagang Datos

9
Mahusay ang iyong ginawa! Sa pagkakataong ito ay mas palalimin pa
natin ang iyong kakayahan.

Pagyamanin
Basahin ang ilang mga karagdagang datos na may kinalaman
pa rin sa
nobelang ating pag-aaralan. Punan ng mga kasagutan ang talahanayan.

Sa simula ng nobela, magandang pagpukulan ng pansin ang siniping epigrape ni Rizal,


maging ang kaniyang paghahandog. Ang epigrape ay mula sa “Anino ni Shakespeare” ng
manunulat na Aleman na si Freidrich von Schiller. Mahalaga ang tanong na iniiwan nitong
epigrape hinggil sa abang bansang ito, na kinakatha ni Rizal sa kaniyang nobela: “Ngunit ang
tanong ko, Kaibigan,/ sinong Dakila ang lilitaw/ Sa ganitong mga Hamak? Anong/ Kadakilaan
ang mangyayari/ sa pamamagitan nila?” Sa kaniyang paghahandog naman, inilalarawan niya
na ang “nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng sangkatauhan ang isang kanser na may
katangiang napakalubha kaya nagpupuyos sa galit munting di-masaling at nanggigising ng
matatalim na kirot.”
Marubdob ang pagnanasa ni Rizal na itanghal ang sakit na itong dinaranas din ng
bansang lagi’t lagi niyang nililingon, lalo na nang nasa Europa siya at binabata ang lamig at
pangungulila: “nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na kalusugan din namin, at hinahanap ang
pinakamabuting paglunas.” Ginamit niya ang talinghaga ng mga sinaunang tao na naglalantad
ng mga maysakit sa “baitang ng templo, upang makapangmungkahi ng lunas ang sinumang
dumating na mananawagan sa Bathala.”
Malinaw ang nasa ni Rizal sa pagsulat ng nobela. Nais niyang “ilarawan” ang
kalagayan ng bayan “nang buong tapat at walang pangingimi.” Sa pagkasangkapan ng imahen
ng lambong na “tumatabing sa karamdaman,” sinisikap na ibunyag ni Rizal ang mga pagdurusa
ng kaniyang bayan. Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela, mamamalas ang ganitong
pagtatanghal ng kalagayang-bayan, lalo na ang paghahari ng iilan sa mga sangay ng lipunan.

Isa-isahin at ilarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong


isinulat ang akda at ang mga epekto nito matapos maisulat hanggang sa
kasalukuyan. Bukod sa impormasyong nabanggit, maaari ding magsaliksik sa
Internet kung kinakailangan.

MGA KONDISYONG PANLIPUNAN EPEKTO MATAPOS MAISULAT

10
Isaisip
Isang pagbati sa iyong mga naitala, ngayon ay nais kong ipaliwanag
mo ang kaisipang nakapaloob sa tanong na nasa ibaba. Unawaing
mabuti at masagawa ng isang panayam sa tatlo o higit pang tao.
Maaaring ang panayam ay gawin sa pamamagitan ng text message,
chat, e-mail o video call. Bigyang-pokus ang katanungang ito,

“Bakit kailangang pag-aralan ang Noli Me Tangere?”


Panayam 1

Panayam 2

Panayam 3

Isagawa

At para mas madagdagan pa ang iyong kaalaman sa araling ito


ay magsagawa ng mga karagdagang pananaliksik tungkol sa
kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere, mga karanasan ni
Rizal habang isinusulat niya ang kanayang nobela at ilan pang
mahahalagang datos. Maaari itong isulat o encoded at isipi sa
modyul na ito. Sundin ang rubriks na nasa ibaba.

Simulan mo na….

11
MGA PAMANTAYAN PUNTOS
Nakapagsaliksik ng iba pang impormasyon tungkol sa Noli Me
Tangere.
Nakapagsaliksik ng bago at karagdagang impormasyon tungkol sa
buhay ni Rizal habang isinusulat ang nobela.
Nakagawa ng maayos at komprehensibong paglalagom batay sa
pananaliksik
9-10 – napakahusay; 7-8 – mahusay; 5-6 – katamtaman; kabuuang puntos
2-4 – di-mahusay; 1 – maraming kakulangan

Buod
Isang malugod na pagbati sapagkat ay natapos mo na naman
ang isang aralin patungkol sa Nobela. Nawa’y nagdulot ito sa iyo ng
mga panibagong natutunan at mas malawak na pag-unawa sa
nobelang iyong pag-aaral. Atin munang balikan ang ilang
mahahalagang punto sa araling ito.

TANDAAN: Sa pangangalap ng datos, mainam na ito ay pag-aralang


mabuti kung ito ba ay tama, kung ito ba ay may kinalaman sa iyong
pag-aaral, kung ito ba ay nanggaling sa isang mapagkakatiwalaang
pag-aaral o babasahin. Higit sa lahat, kung ito ay lubos na
makakatulong sa pagpapalawak ng pag-unawa at kaalaman.
Umiwas sa fake news!!!!

Karagdagang Gawain

Itala sa iyong journal: Bilang kabataan, paano mo maisasabuhay sa kasalukuyang


panahon ang mga aral na isinatitik ni Rizal sa nobelang, Noli Me Tangere?

12
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Isang akda ni Jose Rizal na kung saan ay nagpapahayag ng mga


pangyayaring nagpapakita ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng
Kastila.
c. Sa Aking mga Kababata c. Mi Ultimo Adios
d. Inang Bayan d. Noli Me Tangere

2. Isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahon at kinilala ito bilang


isang modernong pag-aanyo ng klasikong epiko, kung saan madalas may
bayaning dumaraan sa mga pakikipagsapalaran.
c. Nobela c. Awit at Korido
d. Tula d. Epiko

3. Ang batas na kung saan ay naglayong isama sa lahat ng kurikulum ng mga


paaralan ang pagpapahalaga sa pambansang bayani at kabilang sa mga
pagpapahalagang ito ang pagpapabasa sa madla ng kaniyang dalawang
nobela.
c. Republic Act 2514 c. Republic Act 1425
d. Republic Act 1935 d. Republic Act 1245

4. Sa pangangalap ng mga datos, laging tandaan ang mga pahayag na ito


maliban sa isa.
a. Pag-aralang mabuti kung tama ang mga impormasyon.
b. Dapat ito ay nanggaling sa isang mapagkakatiwalaang batayan.
c. Mula sa isang opinion ng isang sikat na tao.
d. Tama at kompleto ang mga detalye.

5. Saan at kalian natapos ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?


a. Berlin, 1886 c. Spain, 1886
b. Spain, 1867 d. Berlin, 1867

6. Bakit ipinagbawal ng mga Kastila ang pagbabasa at pagmamay-ari ng nobela


ni Rizal?
a. Sapagakat nagpapakita ito ng buhay ng mga Pilipino
b. Dahil ipinapakita sa nobela ang mga pagmamalupit ng mga Kastila at ng
simbahan
c. Dahil ang bida ng nobela ay isang Pilipino at hindi Kastila
d. Sapagkat ito ay nagpapakita ng mga pangyayari sa Panahon ng Kastila

7. Ano ang dahilan at bakit kailangang matibay at tama ang mga datos sa isang
pananaliksik?
a. Dahil ito ay kailangan
b. Dahil ito ay nararapat at mahalaga
c. Dahil ito ang magpapatibay na tama ang iyong mga sinabi
d. Dahil ito ay isinasaad ng edukasyon

13
8. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang tama at mahalagang datos.
a. Ayon kay Sec. Briones, lahat ay may kakayahang magsagawa ng online
class.
b. Ayon sa pag-aaral ng NASA, magugunaw na ang mundo.
c. Ang Republic Act 9155 ay naglalayon na ang edukasyon ay para sa lahat.
d. Sabi ng Nanay, lahat daw ay may solusyon.

9. Ayon sa paglalarawan ni Rizal, “nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng


sangkatauhan ang isang kanser na may katangiang napakalubha kaya
nagpupuyos sa galit munting di-masaling at nanggigising ng matatalim na
kirot.” Ano ang tinutukoy ni Rizal hinggil sa salitang “kanser”
a. Ang mga paghihirap ng mga tao sa mundo.
b. Ang mga nangyayaring sakuna at delubyo.
c. Ang mga pagmamalupit at pang-aalipusta sa mga Pilipino.
d. Ang mga katangiang ng mga Pilipinong walang pinag-aralan.

10. Bakit gayon na lamang ang pagnanasa ni Rizal na ipakita ang sakit na
nararanasan ng bansa?
a. Upang mawakasan na ang pagmamalupit ng mga Kastila at ng simbahan
b. Upang mabigyan ito ng lunas
c. Upang mas maraming Pilipino pa ang gumawa ng nobela
d. Upang maibsan ang kanyang pangungulila sa bansa.

11. Sa makabagong ikot ng mundo, bakit mahalaga ang pananaliksik?


a. Upang makalikom ng mga kasagutan na tama at totoo
b. Upang magkaroon ng pag-aaralan ang mga mag-aaral.
c. Upang makalikom ng mga opinyon at sabi-sabi.
d. Upang mas malinaw ang pagbabasa nito.

12. Kanino nakatuon ang akda ng Noli Me Tangere?


a. Pilosopong Tasyo c. Padre Damaso
b. Maria Clara d. Crisostomo Ibarra

13. Ayon sa datos, ano ang dahilan ng kanyang pagkakabitay noong Disyembre
30, 1896?
a. Dahil sa kanyang mga sinabi sa kanyang panayam.
b. Dahil hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang pahayag ng
nobela.
c. Dahil sa ginawang pagsasalin ng kanyang mga nobela.
d. Dahil sa kanyang mga direktang pahayag sa kalupitan ng mga Kastila.

14. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagbatayan ng isang matibay at


tamang datos sa isang pananaliksik?
a. Opinyon b. Research paper c. Komiks d. Fake news

15. Ano ang natatanging katangian ng isang nobela?


a. Maikli b. May saknong c. Mahabag salaysayin d. Inaawit

14
Susi sa Pagwawasto

1. D

2. C

3. C

4. C

5. A

6. B

7. C

8. C

9. C

10. A

11. A

12. D

13. B

14. B

15. C

Mga Sanggunian
Pinagyamang Pluma, Noli Me Tangere Aklat 2. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc., 2014.
Pintig ng Lahing Pilipino, Aklat 2. Quezon City: SIBS Publishing House,
Inc., 2015
Filipino 9, Supplemental Lessons: Rex Interactive Portal.
www.rexinteractive.com

15

You might also like