You are on page 1of 24

NOT

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 10
Paggamit ng Tamang Pang-uri sa
Pagbibigay- Katangian
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Kwarter 4, Linggo 2 – Modyul 10: Paggamit ng Tamang Pang-uri sa
Pagbibigay- Katangian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293 na hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan
ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang patawan ng bayad royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


pangalan ng produkto, tatak, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Humiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi
inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


May-akda: Marilyn P. Cabasag
Tagapagsuri/Editor: Marivic A. Pizarras , Jayffer G. Regis
Tagpagdisenyo/Illustrador:
Tagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Mga Miyembro: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069

E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph


Filipino
Ikaapat na Markahan- Modyul 10
Paggamit ng Tamang Pang-uri sa
Pagbibigay- Katangian

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga piling guro, pinuno ng paaralan, Tagapangasiwa ng
Edukasyon sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan
City. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna, mungkahi at rekomendasyon
sa Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng . Iligan City sa iligan
city@deped.gov.ph o Telefax (063)221-6069
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… i

Nilalaman ng Modyul ……………………………… i

Alamin ……………………………… ii

Pangkalahatang Panuto ……………………………… iii

Subukin ……………………………… iv

Aralin 1 ……………………………… 5
Balikan ……………………………… 6

Tuklasin ……………………………… 7

Suriin ……………………………… 8

Pagyamanin ……………………………… 10

Isaisip ……………………………… 11

Isagawa ……………………………… 12

Buod ……………………………… 13

Tayahin ……………………………… 14

Karagdagang Gawain ……………………………… 15


Susi ng Pagwawasto ……………………………… 16

Sanggunian ……………………………… 16
Modyul 10
Paggamit ng Tamang Pang-uri sa
Pagbibigay-Katangian

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga konsepto ng akdang pangwika na


naglalayong malaman ang mga pang-uri. Matutunghayan dito ang tamang paggamit
ng pang-uri sa pagbibigay-katangian.
Nilalayon ng modyul na ito kung paano gagamitin ng mga mag-aaral ang
pang-uri sa pagbibigay-katangian. Sa pamamagitan nito, magagabayan ang mga
mag-aaral kung paano gagamitin ang mga pang-uri sa pagbuo ng pangungusap.
Matutulungan ka ng modyul na ito na mapalawak ang iyong kakayahan at
kaalaman sa tamang paggamit ng mga pang-uri lalong- lalo na sa
pagbibigay-katangian.
Napapaloob din dito ang mga gawain na makatutulong sa iyo sa lubos na
pag-unawa sa tamang paggamit ng pang-uri sa pagbibigay-katangian.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin:

Aralin 1 - Paggamit ng Tamang Pang-uri sa Pagbibigay-


Katangian

Alamin

Ano ang Inaasahan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

- Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.


(F9WG-IVc- 59)
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
● Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
● Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
● Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang
mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Subukin

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot bago ang bawat bilang.

___1. “Ang taong hindi mapagmahal sa kapwa ay walang kaibigan.” Alin ang salitang
pang-uri sa pangungusap?
A. tao B. mapagmahal C. kapwa D. walang
kaibigan
___2. Ito ay nagbibigay katangian o uri sa isang pangngalan o panghalip?
A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D. pang-angkop
___3. Ang matipid na bata ay maraming naiipong pera. Alin sa mga nakasalungguhit na
salita ang pang-uri?
A. pera B. marami C. bata D. matipid
___4. “Ang batang nakaputi ay kinaggigiliwan ng lahat.” Anong salita ang tinutukoy na
pang-uri sa pangungusap?
A. bata B. nakaputi C. kinagigiliwan D. lahat
___5. Si Jonas ay kapuri-kapuri sa lahat. Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
A. Jonas B. lahat C. kapuri-puri D. walang pang-uri sa
pangungusap
___6. Alin ang pang-uri sa pangungusap? “Magaling sumayaw si Rona.”
A. magaling B. sumayaw C. Rona D. lahat
___7. “Agad umalis ang matakuting bata.” Tukuyin ang salitang naglalarawan sa
pangungusap.
A. agad B. umalis C. matakutin D. bata
___8. Ito ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.
A. panghalip B. pang-uri C. pang-angkop D. pangngalan
___9. Malamig ang simoy ng hangin sa probinsiya. Anong bahagi ng pananalita ang
nakasalungguhit sa pangungusap?
A. pangngalan B. panghalip C. pang-uri D. pandiwa
___10. Ang batang mahiyain ay di-madaling kausapin. Alin ang salitang pang-uri sa
pangungusap?
A. bata B. di-madali C. kausapin D. mahiyain
___11. Ang mga bulaklak sa hardin ay mababango. Alin ang salitang naglalarawan sa
pangungusap?
A. bulaklak B. hardin C. mababango D. walang nabanggit
___12. Ito ay nagsasaad ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng
pangngalan o panghalip.
A. pang-uring pantangi B. pang-uring pamilang C. panlarawan D.
pasukdol
___13. Ito ay uri ng pang-uri na ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
A. pasukdol na pang-uri C. lantay na pang-uri
B. pang-uring pamilang D. pahambing na pang-uri
___14. Naglalarawan ito ng isa o payak na pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
A. pasukdol na pang-uri C. lantay na pang-uri
B. pang-uring pamilang D. pahambing na pang-uri
___15. Ito ay may katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan.
A. pasukdol na pang-uri C. lantay na pang-uri
B. pang-uring pamilang D. pahambing na pang-uri
Aralin

Paggamit ng Tamang Pang-uri sa


Pagbibigay-Katangian

Balikan
Bago natin simulan ang panibagong aralin, muli muna nating balikan ang kaalaman
mo ukol sa iyong mga napag-aralan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan
sa ibaba.

Gawain 1

Panuto: Kilalanin ang katangian ng mga tauhan ng Noli Me Tangere batay sa


nakasaad na pahayag. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

___ 1. “Ako ay hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu’t tatlong


taon na akong kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo akong gamitan ng
kung anu-ano at mabulaklak na mga salita.” Si Padre Damaso ay _____.
A. mapagkumbaba B. maalalahanin C.
mapagmataas
___ 2. “Tama! Wala kayong makikitang sinuman sa daigdig na hihigit pa sa ugaling
iyan ng mga Indio.” Ang pandak na Espanyol ay nagpapakita ng ugaling
______.
A. masayahin B. mapang-alipusta C. matatakutin
___ 3. “Mga ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa’t isa nang
wala namang dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari kaysa sa
kaniyang personal na ibig sabihin. Si Padre Sibyla ay _____.
A. mapanghusga sa kapwa
B. mabait ngunit may kinakampihan
C. duwag at may takot sa kaniyang nasasakupan
___ 4. “Ang mga dumating na panauhin ay isa-isang humalik ng kamay kay Padre
Damaso.” Ang mga panauhin ay nagpapakita ng _____.
A. paggalang B. pagkamasiyahin C. pagkamaunawain
___ 5. “Labis-labis ang iginugol ni Kapitan TIyago sa inihandang hapunan para sa
mga panauhin.” Si Kapitan Tiyago ay _____.
A. maunawain B. galante C. magalang

Tuklasin

Gawain 2

Panuto: Bilugan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa


pangungusap.
1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga
kaibigan.
2. (Mabaho, Mas mabaho, Pinakamabaho) ang utot ni Sam sa lahat.
3. (Malaki, Mas malaki, Pinakamalaki) ang tiyan ng nanay ko.
4. Tayo ba ay pupunta sa (malayong, mas malayo, pinakamalayong) lugar?
5. (Matulis, Mas matulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.
6. (Matangkad, Mas matangkad, Pinakamatangkad) si Maki sa mga batang naririto.
7. Ang pari ay (mabait, mas mabait, pinakamabait) sa kanyang mga parokyano.
8. Si Snow White ang (maputi, mas maputi, pinakamaputi) sa kaharian.
9. (Malikot, Higit na Malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid.
10. Ang pulis ay (mabait, mas mabait, pinakamabait) sa kanyang mga nasasakupan.

Suriin

Tunghayan Mo

Ano ang pang-uri?


Ang pang-uri (adjective) ay salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa
pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).
Ang pang-uri ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang
pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar, atbp.) o panghalip sa pangungusap.

Halimbawa ng pang-uri sa pangungusap


✔ Ang ilog sa amin ay madumi.
✔ Masaya ang mga bata habang naglalaro ng taguan.
✔ Ang matandang lalaki ay nagtitinda ng balot.
✔ Mataas ang puno ng mangga na inakyat ko.
✔ Ang rosas ay kulay pula.
✔ Mapait ang ampalaya.
✔ Si Janice ay matalino.
✔ Maputi ang balat ni Anne.
✔ Si Lovely ay mataba.
✔ Siya ay masipag na bata.

Uri ng Pang-uri
1. Pang-uring Panlarawan
Ito ay nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
Nagsasaad ito ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa, o hugis.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Panlarawan sa Pangungusap


● Malaki ang katawan ni Arnold.
● Itim ang kulay ng buhok ni Pinky.
● Ang dagat ay malawak.
● Malinis ang ilog sa Bicol.
● Ang tambakan ng basura ay mabaho.
2. Pang-uring Pantangi
Sinasabi ng pang-uring pantangi ang tiyak na pangngalan. Binubuo ito ng isang
pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi.Ang pangngalang pantangi na
nagsisimula sa malaking titik ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang
pambalana.
Mga Halimbawa ng Pang-uring Pantangi sa Pangungusap
✔ Niyakap na natin ang wikang Ingles.
✔ Ipagmalaki natin ang kulturang Pilipino.
✔ Ang pagkaing Bikolano ay dapat matikman mo.
✔ May kaibigan akong lalaking Amerikano.
✔ Bumili ka ng sukang Ilocos.
3. Pang-uring Pamilang
Nagsasabi ito ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng pangngalan o
panghalip.
A. Patakaran o Kardinal. Ito ang mga likas na bilang na pinagbabatayan ng
pagbibilang. Nagsasaad ito ng aktuwal na bilang ng tao o bagay.
Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Patakaran)
✔ Isa ang pinya sa mesa.
✔ Walo ang aso ni Rudy.
✔ Labing isa ang pumasok ngayon.
✔ May apat na lalaking sumusunod kay Adelle.
✔ Ang bola ko ay dalawampu.
B. Panunuran o Ordinal. Nagsasaad ito ng pagkakasunod-sunod ng pangngalan o
posisyon ng tao o bagay. Sinasabi din nito kung pang-ilan ang tao o bagay sa
pangungusap.
Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Panunuran)
✔ Si Raymond ang pangatlo sa pila.
✔ Ang Pilipinas ang una sa may pinakamagandang dagat sa Asya.
✔ Ako sana ang ikalawa sa klase kung hindi ako lumiban at nagkasakit.
✔ Si Browni ang ika-apat kong aso.
✔ Mula dito ay panglima ang bahay namin.

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay na Pang-uri. Naglalarawan ito ng isa o payak na pangngalan o panghalip na


walang pinaghahambingan.
Mga Halimbawa ng Lantay na Pang-uri sa Pangungusap
● Ang lapis ay maliit.
● Maganda ang lugar na pinuntahan namin.
● Mataba ang batang si Baste.
● Si Faith ay maputi.
● Ang damit na suot mo ay kupas na.
2. Pahambing na Pang-uri. Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
A. Pahambing na Magkatulad. Ipinakikilala nito ang magkapantay na katangian ng
dalawang bagay na pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga
panlaping ka-, ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.
Mga Halimbawa ng Pahambing na Pang-uri sa Pangungusap (Magkatulad)
● Magsinglaki kayo ni Joan.
● Kasinggwapo mo si Enrique Gil.
● Magkasingbait kayo ni Remy.
● Singlakas ni Jeric si Samson.
● Magsinghaba ang lapis ko at lapis mo.
B. Pahambing na Di-Magkatulad. Ipinakikilala nito ang di-magkapantay o di-patas
na paghahambing. Maaari itong nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.

● Pahambing na Palamang – Ito ay may katangiang nakahihigit sa


pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit, mas, di-hamak, at lalo.
Tinutulungan din ito ng mga salitang kaysa o kaysa kay.
● Pahambing na Pasahol – Ito ay may katangiang kulang o kapos sa
pinaghahambingan. Tinutulungan ito ng mga salitang di-gaano, di-tulad ni o di-tulad
ng, di-gasino, di-masyado, at marami pang iba.
Mga Halimbawa ng Pahambing na Pang-uri sa Pangungusap (Di-Magkatulad)
● Si Laura ay di-hamak na mas maganda kaysa kay Leonora.
● Ang buhok ni Charity ay mas mahaba kaysa kay Angel.
● Ang baon mo ay higit na masarap kaysa akin.
● Di-gaanong mataas ang gusali sa Laguna kaysa Makati.
● Ang bahay namin ay di-masyadong makulay kumpara sa bahay ni Sandy.
3. Pasukdol na Pang-uri. May katangian itong namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan. Maaari itong negatibo o positibo. Masidhi ang paglalarawan dito kaya
maaaring gumagamit ng mga salitang sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga, saksakan, at kung
minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Mga Halimbawa ng Pasukdol na Pang-uri sa Pangungusap
● Sobrang talino ng batang ito.
● Ang laki-laki ng pakwan na binili ko.
● Si Terry ang pinakamalakas kumain sa amin.
● Ubod ng ganda ang dalagang si Ara.
● Pinakamabait sa magkakapatid si Baste.
Pagyamanin
Upang higit mong maunawaan ang paksang tinalakay, sasagutin mo
ang mga sumusunod na gawain na makikita sa ibaba.

Gawain 3

A. Panuto: Salungguhitan ang pang-uri na ginamit sa pangungusap.


1. Higit na mabagal lumakad ang suso kaysa sa pagong.
2. Maganda ang tanawin sa Manila Bay.
3. Ang Petronas Tower ang pinakamataas na gusali sa mundo.
4. Si Bochoy ang pinakamatabang bata sa aming barrio.
5. Mas matingkad ang kulay dilaw kumpara sa pula.

B. Panuto: isulat ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol


ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit.
_________ 1. Ang bata ay mabait.
_________ 2. Pinakamaganda si Carrie sa mga bata.
_________ 3. Mabango ang mga bulaklak sa hardin.
_________ 4. Si Gabe ay mas mabilis kaysa kay Ethan.
_________ 5. Higit na malakas si Joaquin kaysa kay Miguel.
Isaisip

Batay sa paksang tinalakay sa bahaging Suriin, sasagutin mo ang susunod


na gawain upang masubok ang iyong mga nauunawaan. Matutunghayan mo ang
sumunod na gawain na makikita sa ibaba.

Gawain 4. Antas ng iyong pag-unawa

Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri.


Halimbawa (mabilis) Lantay - Mabilis tumakbo si Lance.
Pahambing - Mas mabilis tumakbo si Lance kumpara kay Sam.
Pasukdol - Pinakamabilis tumakbo si Gabe sa mga bata.

1. (matalas) Lantay
-_________________________________________________.
Pahambing - _______________________________________________________.
Pasukdol - _________________________________________________________.

2. (masarap) Lantay -
________________________________________________.
Pahambing - _______________________________________________________.
Pasukdol - _________________________________________________________.

3. (mabango) {antay
-________________________________________________.
Pahambing - ______________________________________________________.
Pasukdol - ________________________________________________________.

4. (matamis)
Lantay-________________________________________________.
Pahambing - ______________________________________________________.
Pasukdol - ________________________________________________________.

5. (masagana) Lantay
-______________________________________________.
Pahambing - ______________________________________________________.
Pasukdol - ________________________________________________________.
Isagawa
Upang lubos mong magagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay -katangian,
tunghayan mo ang susunod na gawain na makikita sa ibaba.

Gawain 5.

Panuto: Pumili ng isa sa mga pangunahing tauhan sa kabanatang binasa ng


akdang Noli Me Tangere at suriin ang kaniyang mga katangian at pag-uugali batay
sa SWS Chart na makikita sa ibaba gamit ang mga tama o angkop na pang-uri.

Pangalan ng Tauhan: __________________________

Kalakasan Kahinaan Paano magagamit sa iyong


(strengths) (weaknesses) buhay ang natutuhan mo
sa ugali at pagkatao ng
tauhang sinuri?
Buod

Ang pang-uri (adjective) ay salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa


pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).
Ang pang-uri ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang
pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar, atbp.) o panghalip sa pangungusap.

Uri ng Pang-uri
1. Pang-uring Panlarawan
Ito ay nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
Nagsasaad ito ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa, o hugis.

2. Pang-uring Pantangi
Sinasabi ng pang-uring pantangi ang tiyak na pangngalan. Binubuo ito ng
isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi.Ang pangngalang
pantangi na nagsisimula sa malaking titik ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng
pangngalang pambalana.
3. Pang-uring Pamilang
Nagsasabi ito ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng
pangngalan o panghalip.

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay na Pang-uri. Naglalarawan ito ng isa o payak na pangngalan o panghalip


na walang pinaghahambingan.
2. Pahambing na Pang-uri. Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
A. Pahambing na Magkatulad. Ipinakikilala nito ang magkapantay na
katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga
panlaping ka-, ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.
B. Pahambing na Di-Magkatulad. Ipinakikilala nito ang di-magkapantay o
di-patas na paghahambing. Maaari itong nagbibigay ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi o pagsalungat.

3. Pasukdol na Pang-uri. May katangian itong namumukod o nagngingibabaw sa


lahat ng pinaghahambingan. Maaari itong negatibo o positibo. Masidhi ang
paglalarawan dito kaya maaaring gumagamit ng mga
salitang sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga, saksakan, at kung minsa’y pag-uulit ng
pang-uri.

Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang
ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
___1. “Ang taong hindi mapagmahal sa kapwa ay walang kaibigan.” Alin ang salitang
pang-uri sa pangungusap?
A. tao B. mapagmahal C. kapwa D. walang
kaibigan
___2. Ito ay nagbibigay katangian o uri sa isang pangngalan o panghalip?
A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D. pang angkop
___3. Ang matipid na bata ay maraming naiipong pera. Alin sa mga nakasalungguhit na
salita ang pang-uri?
A. pera B. marami C. bata D. matipid
___4. “Ang batang nakaputi ay kinaggigiliwan ng lahat.” Anong salita ang tinutukoy na
pang-uri sa pangungusap?
A. bata B. nakaputi C. kinagigiliwan D. lahat
___5. Si Jonas ay kapuri-kapuri sa lahat. Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
A. Jonas B. lahat C. kapuri-puri D. walang pang-uri sa
pangungusap
___6. Alin ang pang-uri sa pangungusap? “Magaling sumayaw si Rona.”
A. magaling B. sumayaw C. Rona D. lahat
___7. “Agad umalis ang matakuting bata.” Tukuyin ang salitang naglalarawan sa
pangungusap.
A. agad B. umalis C. matakutin D. bata
___8. Ito ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.
A. panghalip B. pang-uri C. pang-angkop D. pangngalan
___9. Malamig ang simoy ng hangin sa probinsiya. Anong bahagi ng pananalita ang
nakasalungguhit sa pangungusap?
A. pangngalan B. panghalip C. pang-uri D. pandiwa
___10. Ang batang mahiyain ay di-madaling kausapin. Alin ang salitang pang-uri sa
pangungusap?
A. bata B. di-madali C. kausapin D. mahiyain
___11. Ang mga bulaklak sa hardin ay mababango. Alin ang salitang naglalarawan sa
pangungusap?
A. bulaklak B. hardin C. mababango D. walang nabanggit
___12. Ito ay nagsasaad ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng
pangngalan o panghalip.
A. pang-uring pantangi B. pang-uring pamilang C. panlarawan D.
pasukdol
___13. Ito ay uri ng pang-uri na ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
A. pasukdol na pang-uri C. lantay na pang-uri
B. pang-uring pamilang D. pahambing na pang-uri
___14. Naglalarawan ito ng isa o payak na pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
A. pasukdol na pang-uri C. lantay na pang-uri
B. pang-uring pamilang D. pahambing na pang-uri
___15. Ito ay may katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan.
A. pasukdol na pang-uri C. lantay na pang-uri
B. pang-uring pamilang D. pahambing na pang-uri

Karagdagang Gawain
Magaling! Alam kong magaling ka na. Nasagot mo nang maayos ang nasabing mga
gawain. Talagang marami ka nang natutunan. Bilang paghasa sa iyong mga
naunawaan, sasagutin mo ang susunod na karagdagang gawain.

Panuto: Gamit ang tamang pang-uri, magbigay ka ng limang katangian ng


isang mabuting anak tulad ni Crisostomo Ibarra na nais mong taglayin o tularan
bilang isang mabuting anak . Ilagay sa loob ng maliit na kahon ang mga katangian
na iyong pinili.
Isulat sa loob ng hugis puso ang iyong paliwanag kung bakit ito ang napili
mong mga katangian.

Mga katangian ng isang mabuting anak

Ipaliwanag ang mga katangian kung bakit mo ito napili.

Susi sa Pagwawasto
Susi sa Pagwawasto ng Subukin at Tayahin
Sagot:
1. B 2.C 3.D 4.C 5.C 6.A 7.C 8.B 9.C
10.D
11.C 12.B 13.D 14.C 15.A

Gawain 1
Sagot: 1.C 2.B 3.B 4.A 5.B

Gawain 2
Sagot: 1. mapagbigay 2. pinakamabaho 3. malaki 4. malayong
6. mas matulis 6.pinakamatangkad 7. mabait 8. pinakamaputi
9. higit na malikot 10. mabait

Gawain 3
Sagot: A. 1. higit na mabagal 2. maganda 3. pinakamabagal
4. pinakamataba 5. mas matangkad
B.1. L 2. PS 3. L 4. PH 5. PS

Gawain 4
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama

Gawain 5
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama

Karagdagang Gawain
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama

Mga Sanggunian
https://noypi.com.ph/pang-uri/

DepEd- IMCS Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino, Pasig City:


Vibal Group, Inc., 2014.
Marasigan, Emily at Mary Grace Del Rosario. Pinagyamang Pluma. 927 Quezon
Ave. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Para
sa
mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Deped Division of Iligan City


Office Address : General Aguinaldo St. Iligan City
Telefax : (063) 221-6069
Email Address : iligan city@deped.gov.ph

You might also like