You are on page 1of 20

9 Filipino

Unang Markahan - Modyul 3


9
Denotatibo at Konotatibong
Kahulugan

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter, Linggo 1 – Modyul 3: Denotatibo at Konotatibong Kahulugan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral

Manunulat: Jocelyn A. Lactuan


Mga Editor: Evelyn D. Gomolon, Ara T. Tripon
Tagaguhit at Tagalayout: Irish S. Habagat

Mga Tagapamahala
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 3
Denotatibo at Konotatibong
Kahulugan

Ang materyal sa pagtuturo na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri


ng mga piling guro, punong guro, Education Program Supervisor sa Filipino ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City. Hinihikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City sa
iligan.city@deped.gov.ph o sa telefax: (063)221-6069.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1

Alamin ……………………………… 2

Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2

Subukin ……………………………… 3

Aralin 1 ……………………………… 5

Balikan ……………………………… 5

Tuklasin ……………………………… 6

Suriin ……………………………… 7

Pagyamanin ……………………………… 9

Isaisip ……………………………… 10

Isagawa ……………………………… 11

Buod ……………………………… 13

Tayahin ……………………………… 13

Karagdagang Gawain ……………………………… 15

Susi ng Pagwawasto ……………………………… 16

Sanggunian ……………………………… 16

iv
Modyul 3
Denotatibo at Konotatibong
Kahulugan

Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito, matutunghayan ang pagbibigay ng literal at malalim na
pagpapakahulugan sa mga mahihirap na salita na ginamit sa babasahing akda. Sa
pagbasa ng akda, inaasahan na mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang pagbabasa
kung may kaalaman at kakayahan sila sa pagbibigay kahulugan sa paraang
denotatibo at konotatibo.

Gayundin, nilalayon ng modyul na mapalawak ang bokabularyo ng mga mag-


aaral nang sa ganoon ay mapapaunlad din ang kanyang kakayahan sa pag-unawa sa
kanyang binabasang akda. Hindi lamang kakayahan sa pag-unawa sa binasa ang
mapapaunlad, pati na rin ang kanyang kakayahang magdesisyon nang tama. Ang
mga kakayahang nabanggit ang magdadala sa kanya tungo sa mapayapa at maunlad
na pamumuhay.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin :

Aralin 1: Pagbibigay ng kahulugang denotatibo at konotatibo sa mga


salitang ginamit sa akda.

Alamin

Ano ang Inaasahan Mo?


Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

Nabibigyang kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa akda batay


sa denotatibo at konotatibong kahulugan. (F9PT-Ia-b-39)

11
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
• Basahin at unawain nang mabuti ang denotatibo at konotatibong
pagpapakahulugan.
• Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain
Tuklasin

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay

2
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa pagbibigay ng literal na kahulugan sa salita o lipon ng mga salita?
a. denotatibo c. idyoma
b. konotatibo d. tayutay
2. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na “Nahimasmasan
ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.”?
a. napabalik c. nahimatay
b. nagising d. nawala
3. “Noong gabing umuwi ang ama na masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang
trabaho sa lagarian.” Alin sa mga salita ang nagbibigay ng kahulugan sa
sinalungguhitan?
a. galit c. tampo
b. inis d. lungkot
4. Batay sa pahayag na “Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,”, ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
a. Magkakaroon na sila ng responsableng ama.
b. Magiging masunuring ama na siya.
c. Lalong magiging pasaway ang ama sa kanyang pamilya.
d. Magiging iresponsableng ama pa rin siya.
5. Mula sa pahayag na “Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.”, ano ang nais na
ipahiwatig ng nakasalungguhit na pahayag?
a. hindi mawala c. mapanagutin
b. mawala d. magkakamali
6. Batay sa pangungusap bilang 5, ano ang pagpapakahulugang ipinapahayag nito?
a. denotatibo c. tayutay
b. konotatibo d. idyoma
7. Ano ang angkop na kahulugan ng pahayag na “Lalong bumilis ang pag-agos ng
luha ng binata. Muling binuhat ang kanyang ama at muling bumalik sila sa lugar na
kanilang pinanggalingan.”?
a. Hinding-hindi niya na iiwan ang kanyang ama.
b. Wala na siyang pakialam sa kanyang ama.
c. Nagsisi ang anak sa ginawa at bumalik na sila sa kanilang tahanan.
d. Tuluyan nang iniwan ng anak ang ama.
8. Ano pa ang ibang angkop na kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa bilang 7?
a. labis ang kanyang pag-iyak c. dumadaloy ang luha
b. Mabili na tumulo ang luha d. bumaha ng luha

3
Para sa bilang 9-12.
Uriin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng denotatibo o
konotatibong kahulugan. Piliin sa ibaba ang tamang sagot at isulat sa patlang
ang titik nito.

A. denotatibo B. konotatibo

9. Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata


kanilang ama.
10. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla nasisante
sa kaniyang trabaho sa lagarian.
11. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
12. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay.

13. “Si Ana ang ama ng tahanan.” Alin sa ibaba ang nararapat na gamiting konotatibo?
a. lampara ng tahanan c. ilaw ng tahanan
b. sigla ng tahanan d. yaya ng tahanan

14. Alin sa ibaba ang mabubuong bagong pangungusap mula sa salitang


sinalungguhitan sa pahayag na ito “Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang
okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito?
a. Ang kaniyang kapatid ay maluwag ang kamay.
b. Sila ay mayroong mapagbigay na ama.
c. Nagkaroon sila ng madamot na kamag-anak.
d. Masyadong maluwag ang ama sa kaniyang mga anak.

15. Batay sa pahayag na ‘Ngayo’y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili
bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong
pagkamatay ng kaniyang dugo at laman.” Ano ang mabubuong denotatibong
kahulugan mula sa salitang sinalunnguhitan?
a. tamang edad c. matanda na
b. murang edad d. wala sa panahon

4
Aralin

Pagpapakahulugang
1 Denotatibo at Konotatibo

Balikan

Gawain 1: Unawaing mabuti ang pahayag na nasa loob ng kahon. Ito


ay nagmumula sa kwentong binasa sa nakaraang modyul. Pagkatapos, sagutin ang
mga tanong sa loob ng isa o dalawang pangungusap lamang.

“Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot at dahan-dahang inilapag


sa puntod, habang pahikbing nagsasalita.”

Mga tanong:

1. Mula sa pahayag, ano ang maibibigay ninyong hatol sa ama?

2. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?

3. Sa tingin mo, ano ang mangyayari sa ama batay sa pahayag na nasa itaas?

5
Tuklasin
Gawain 2: Hulaan Tayo…

Panuto: Isulat sa loob ng tsart kung saan napapabilang ang mga salitang
nasa loob ng kahon . Ihanay sa denotatibo at konotatibo ang inyong kasagutan.

ama ina haligi ng tahanan

Ilaw ng tahanan may gatas sa labi bata pa

Denotatibo Konotatibo

Bago ka magpatuloy sa pagsagot sa


susunod na gawain, alamin muna natin
kung may sagot ka na sa sumusunod na
tanong.
Ibatay ang iyong sagot sa Gawain 2 ng
modyul na ito.
1. Alin sa mga salita ang nagsasaad ng
direktang matatagpuan sa
diksyunaryo?
2. Alin naman sa mga salita ang
nagpapahayag ng malalim na
kahulugan?
Kung may sagot ka na sa dalawang
tanong, binabati kita dahil handa ka na para
sa susunod na gawain.

6
Suriin
Unawain Mo
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang sipi mula sa kuwentong Ang
Ama.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa


sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanilang
ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang
pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina ay
masayang nakiupo sa kanila’t kumain nang kaunti.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang -masama ang timpla


dahil nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui-mui ay nasa gitna ng
isang mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-
ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na
tumalsik sa kabilang kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-
galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang
gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Gawain 3: Tukuyin Mo

Panuto: Pansinin ang mga sinalungguhitang salita o pahayag. Alamin kung


napapabilang ba sila sa denotatibo at konotatibo. Isulat sa loob ng talulot ang inyong
kasagutan.

Denotatibo Konotatibo

7
Mga gabay na tanong:

Mula sa ginawa sa Gawain 3, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng denotatibo? Ng konotatibo?

2. Paano ninyo nasabi na ang salitang pinangkat ay nabibilang sa denotatibo


at konotatibo?

3. Mahalagang bang matutunan ang pagbibigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan?


Bakit?

4. Bilang mag-aaral, paano mo gagamitin ang denotatibo at konotatibo?

Alam Mo Ba?

Ang denotatibo ay ang literal na


pagpapakahulugan o salitang direktang
matatagpuan sa diksyunaryo.

Ang konotatibo ay ang malalim


na pagpapakahulugan sa isang salita o
mga salita.

Gawain 4: Gamitin Mo

Panuto: Upang higit mong maunawaan ang denotatibo at konotatibo. Gamitin sa


pangungusap ang mga salitang itinala sa Gawain 3. Isulat ang sagot sa patlang.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

8
Pagyamanin

Gawain 5: Ibigay Mo Na…


Panuto: Bigyan ng angkop na denotatibo at konotatibong kahulugan ang mga
sumusunod na salita na kinuha mula sa akdang binasa. (May pagpipilian sa kahon sa
ibaba.) Pagkatapos, gamitin sa pangungusap ang mga salita ayon sa konotatibong
kahulugan nito.
Denotatibo Salita o mga Salita Konotatibo
kaluwagang palad
masamang-masama ang
timpla
pagkain na hirap nilang
ubusin
malamig na tubig
wala sa panahong
pagkamatay

hindi masarap hindi pa dapat mamatay bata pa nang


mamatay mapagbigay nahihiyang ubusin ang pagkain manhid
hapit bahagyang bukas ang kamay
sagana sa buhay tubig na malamig

1. kaluwagang-palad

2. masamang -masama ang timpla

3. pagkain na hirap nilang ubusin

4. malamig na tubig

5. wala sa panahong pagkamatay

9
Isaisip
Gawain 6: Gagawin Ko Pa

Panuto: Bigyan ng angkop na denotatibo at konotatibong kahulugan ang mga


sumusunod na salita. Isulat sa patlang ang inyong kasagutan.

Denotatibo Konotatibo

1. ahas

2. pusong itim

3. buwaya

4. pusang itim

5. nagsusunog ng
kilay

10
Isagawa

Gawain 7. Sulatin Mo

Panuto: Sumulat ng ilang pangyayari sa iyong buhay gamit ang mga salitang
binigyan ng denotatibo at konotatibong kahulugan sa Gawain 6. Isulat sa kahon ang
inyong sagot.

________ _________ _____________ ____________


___
________ ___
_________ ___
_____________ ___
____________
___
________ ___
_________ ___
_____________ ___
____________
___
________ ___
_________ ___
_____________ ___
____________
___
________ ___
_________ ___
_____________ ___
____________
___ ___ ___ ___

________ _________ _____________ ____________


___
________ ___
_________ ___
_____________ ___
____________
___
________ ___
_________ ___
_____________ ___
____________
___
________ ___
_________ ___
_____________ ___
____________
___
________ ___
_________ ___
_____________ ___
____________
___ ___ ___ ___

11
Gawain 8: Ikuwento Mo

Panuto: Sumulat ng dalawang talata tungkol sa karanasan mo sa buhay na


ginagamitan ng denotatibo at konotatibong salita. Salungguhitan ang salitang may
denotatibong kahulugan at bilugan naman ang salitang may konotatibong

Narito ang batayan sa pagbibigay ng marka sa pagsulat ng talata.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 ISKOR

Masining at magkakaugnay na
ideya
Masining na paggamit ng
denotatibo at konotatibo
Malinaw at organisado ang mga
salita
KABUUAN

Pamagat

12
Buod
Sa modyul na ito ay binigyan ng diin ang pagbibigay ng denotatibo at
konototatibong kahulugan ang mga pahayag na ginamit sa akda. Para lalo pang
maunwaan ng mag-aaral ang paksang tinalakay ay gumawa pa sila ng mga gawain.

Pinagamit din ang denotatibo at konotatibo sa pangungusap upang lalo


nilang mapalalim ang kanilang pang-unawa sa natalakay.

Masusukat sa modyul na ito, ang kasanayan at pang-unawa ng mga mag-


aaral sa paksang nalaman.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat
bilang. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa pagbibigay ng literal na kahulugan sa salita o lipon ng mga salita?
a. denotatibo c. idyoma
b. konotatibo d. tayutay
2. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na “Nahimasmasan
ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.”
a. napabalik c. nahimatay
b. nagising d. nawala
3. “Noong gabing umuwi ang ama na masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang
trabaho sa lagarian.”Alin sa mga salita ang nagbibigay ng kahulugan sa
sinalungguhitan?
a. galit c. tampo
b. inis d. lungkot
4. Batay sa pahayag na “Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,”, ano ang maaaring mangyari
sa ama?
a. Magkakaroon na sila ng responsableng ama.
b. Magiging masunuring ama na siya.
c. Lalong magiging pasaway ang ama sa kanyang pamilya.
d. Magiging iresponsableng ama pa rin siya.
5.Mula sa pahayag na “Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.”, ano ang nais na
ipahiwatig ng nakasalungguhit na pahayag?
a. hindi mawala c. mapanagutin
b. mawala d.hindi magkakamali
6. Batay sa pangungusap bilang 5, ano ang pagpapakahulugang ipinapahayag nito?
a. denotatibo c. tayutay
b. konotatibo d. idyoma

13
7. Bigyan ng angkop na kahulugan ang pahayag na “Lalong bumilis ang pag-agos ng
luha ng binata. Muling binuhat ang kanyang ama at muling bumalik sila sa lugar na
kanilang pinanggalingan.”
a. Hinding-hindi niya na iiwan ang kanyang ama.
b. Wala na siyang pakialam sa kanyang ama.
c. Nagsisi ang anak sa ginawa at bumalik na sila sa kanilang tahanan.
d. Tuluyan nang iniwan ng anak ang ama.
8. Bigyan ng ibang angkop na kahulugan ang salitang nakasalungguhit sa bilang 7.
a. labis ang kanyang pag-iyak c. dumadaloy ang luha
b. Mabili na tumulo ang luha d. bumaha ng luha

Para sa bilang 9-12.


Uriin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng denotatibo o
konotatibong kahulugan. Piliin sa ibaba ang tamang sagot at isulat sa patlang
ang titik.nito.
A. denotatibo B. konotatibo
9. Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata
kanilang ama.
10. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla nasisante
sa kaniyang trabaho sa lagarian.
11. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
12. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay.

13. “Si Ana ang ama ng tahanan.” Piliin sa ibaba ang nararapat na gamiting
konotatibo.
a. lampara ng tahanan c. ilaw ng tahanan
b. sigla ng tahanan d. yaya ng tahanan
14. Bumuo ng bagong pangungusap mula sa salitang sinalungguhitan sa pahayag na
ito “ Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama
ng kaluwagang-palad nito.
a. Ang kaniyang kapatid ay maluwag ang kamay.
b. Sila ay mayroong mapagbigay na ama.
c. Nagkaroon sila ng madamot na kamag-anak.
d. Masyadong maluwag ang ama sa kaniyang mga anak.
15. Batay sa pahayag na ‘Ngayo’y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili
bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong
pagkamatay ng kaniyang dugo at laman.” Ano ang mabubuong denotatibong
kahulugan mula sa salitang sinalunnguhitan?
a. tamang edad c. matanda na
b. murang edad d. wala sa panahon

14
14
Karagdagang Gawain

Bigyan ng denotatibo at konotatibong kahulugan ang salita o pariralang


sinalungguhitan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Lumaki ang bata na may gintong kutsara.

denotatibo

konotatibo

2. Hindi ka pa puwedeng mag-asawa dahil may gatas ka pa sa labi.

denotatibo

konotatibo

3. Ang kaniyang anak ay di makabasag pinggan.

denotatibo

konotatibo

4. Huwag kang maging tuta sa taong niloloko ka lang.

denotatibo

konotatibo

5. Masyadong mahangin ang aming kapitbahay.

denotatibo

konotatibo

15
Sanggunian

DEPEd-IMCS Panitikang Asyano 9. Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City.

Vibal Group Inc., 2014

You might also like