You are on page 1of 1

Department of Education

Region X
Gusa Regional Science High School - X
Gusa, Cagayan de Oro City
Tel. (088) 855-72-12

Kent Laurence C. Tayone November 30, 2022


10 MAC – Filipino 2nd Quarter
Talumpati

Ang Pinoy sulong sa Globalisasyon

Magandang araw sa inyong lahat, ako nga pala si Kent Laurence C. Tayone at taos puso ko kayong
binabati ng magandang araw, ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa Globalisasyon. Ano nga ba
ang globalisasyon? Ito ay isang pandaigdigang sistema na naglalarawan sa pakikipag-ugnayan at mga
pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya, gobyerno, at bansa sa buong mundo.

Ang Pinoy, kasama ito ng globalisasyon. Ngunit ang malaking katanungan ay “Handa na ba tayo?" Ito
po ang paksang ating tatalakayin ngayong araw.

Global warming, Peso devaluation, Economic sabotage, Oil prices increase, Destabilization, World
market, Ilan lamang ang mga ito sa kinakaharap na problema hindi lamang ng Pilipinas kundi maging
ng malalaking bansa sa buong daigdig. Ngunit paano malulutas ang mga suliraning nabanggit? May iba
pa bang paraan para sandali tayong makatakas dito? Wala ba tayong maipapalit na salita para rito upang
tuluyan nang mabago ang masamang imahe at dapat na maging bukambibig ng mga mamamayan sa
panahon ngayon?

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pandaigdigang pagtutulungan ng mga tao at pag-uugnayan ng mga


bansa tungo sa mabilis na pag-unlad lalo na sa larangan ng pangangalakal, teknolohiya at agham. Sa
panahon ng globalisasyon, nakaabang at naghihintay ang mga mamamayang Pilipino sa mga
pangyayaring maaaring maganap sa Pilipinas bunga ng makabagong kaisipang niyayakap ng
nakararami ang globalisasyon na umaagapay sa modernisasyon.

Ang Pilipinas, bilang isang bansang kabilang sa ikatlong daigdig ay bukas sa lahat ng oportunidad na
ipinagkakaloob ng mayayamang bansa; hindi lamang sa larangang edukasyonal kundi maging sa
larangang sosyo-politikal at ekonomikal.

Dahil dito, ang bawat mamamayang Pilipino ay bukas ang isipan upang matugunan ang mga
pangangailangan sa globalisasyon. Dahil ngayon ang panahon ng globalisasyon. Ngayon ang panahon
ng pakikisangkot at ngayon ang panahon ng pagsulong.

You might also like