You are on page 1of 1

Julianna Mae N.

Suelo

REFLECTION
Araling Panglipunan

Ayon sa aking nakikita, ang Globalisasyon ay isang


pangyayaring hindi na mapipigilan. Kasama sa
paglaki ng populasyon ng mundo ang matinding
pangangailangan ng mga produktong magmumula
sa ibang bansa. Isa rin ang pagpasok ng kultura ng
“consumerism”, na kung saan ang indibiduwal ay
nahihikayat bumili ng isang bagay na hindi naman
talaga niya kailangan. Wala ng nasyon na maaaring
tawagin na “truly independent” o “self sustaining”.

Ang globalisasyon ay magbubunga ng kaunlaran sa


isang sektor at kahirapan naman sa iba. Makakabuti
para sa ating bansa ang makapaghanda sa larangang
ng edukasyon, pasilidad, at impraestruktura para
harapin natin ang hamon nito.
Masasabi kong nakakabuti ang globalisasyon para
sa ating bansa, maaaring sa pang ekonomiya,
politika, kultura at kapaligiran. Maraming
makikinabang lalo na ang mga taong may
kakayahan na sumabay sa daloy ng pagbabago sa
bansang kanilang ginagalawan. Ngunit
nakakalungkot na sa pag- angat ng mga nasa taas na
talagang miyembro ng bansa ay meron pa ring nasa
baba dahil hindi nila nararamdaman ang sinasabing
magandang pagbabago sa bansa.

You might also like