You are on page 1of 8

Subukin

1. a 6. a
2. b 7. b
3. c 8. c
4. a 9. c
5. c 10. d

Balikan
1. Gat Jose Rizal
Ginamit ni Gat Jose Rizal sa pakikipaglaban ang kanyang kakayahan sa
pagsusulat. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at
pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa
bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila
ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na
ang tawag ngayon sa Bagumbayan.
2. Gat Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan
ng mga Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga Pilipinong lumaban sa mga
Kastila sa pamamagitan ng sandata o himagsikan. Gusto nilang maging malaya ang
mga Pilipino mula sa España.

Tuklasin
Sinaunang Pamumuhay
*nagpapalipat-lipat sa mga lugar na may makakalap na pagkain
*gumagamit sila ng bato para sa panghiwa ng mga makikita nilang pagkain
*pinagkikiskis din nila ang mga bato upang makagawa ng apoy
Pagkakatulad
*pagsunod sa mga tradisyon at kultura
*paggamit ng po at opo
*pagiging malikhain ng mga Filipino
Modernong Pamumuhay
*gumagamit na tayo ng mga gadgets para makahanap ng sagot sa mga takdang aralin
at iba pa
*online na ang komunikasyon ngayon
*wala nang oras ang pamilya na makapag-bonding

Paglinang ng Talasalitaan
1 bagong panahon- sapagkat naghihintay siya na mababago ang panahon na maiiba
at mawawala na ang tradisyon nila ikulong ang mga babaeng Muslim sa kanilang bahay
habang hindi pa nag-aasawa.
2 lumuwag ang tali- hindi na maging mahigpit sa pagpapatupad ng kanilang kultura na
pagkulong sa mga babaeng Muslim
3 ikahon- Ikulong at manatili na lamang sa kanilang mga bahay habambuhay kapag
hindi sila nag-asawa.
4 nabibilang- nakakasama; dahil kasama siya sa mga mga putting mga babae na
tumatanaw na lamang sa Kanluran.
5 emansipasyon- Ang emansipasyon ay isang pangyayaring kinasasabikan at
inaasam-asam ng karamihan sa mga kababaihan kasama na si Estella sa India. Ito ay
ang pagiging malaya mula sa mga nakasanayang mga batas o mga sinaunang mga
batas, kultura, tradisyon, at paniniwala ng mga katutubo na nakatali sa mga kababaihan
sa India. Hangarin nito ang kalayaan at pagsasarili o makatayong mag-isa.

Suriin (Concept Webbing)


1. isang malaking kasalanan ng isang babaeng Muslim ang hind pag-aasawa
2. pagtungtong ng babaeng Muslim ng labindalawang taon ay ikukulong na sila sa
kanilang bahay habang hindi pa nag-aasawa
3. Ang pag-aasawa ang pinakamalaking maitutulong niya sa kanyang pamilya
4. Ang mga magulang nila ang hahanap ng kanilang mapapangasawa

Pagpapalawak ng Aralin:
1. Si Estella Zeehandelaar ay panganay sa tatlong babaeng anak ng Regent ng
Japara. Siya ay isang prinsesang Javanese na gustong makalaya sa lumang tradisyon
ng kanilang lugar.
2. Ibig na ibig nyang makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili,
masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan
hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong
sangkatauhan.
3. Nais niya na makapag-asawa ng gusto niya at hindi ipagkakasundo at ayaw nya rin
na lagi nalang nakakulong sa bahay upang makapunta naman siya sa ibang
malalayong lugar.
4. Hindi, kahit na labag ito sa aming kultura at hindi ko ito ikakaunlad ay hindi ko ito
susundin sapagkat lahat tayo may karapatan na maging Malaya at hindi magpapailalim
sa kagustuhan ng iba
5. Dahil sa pag-aasawa ay makakalaya na ang mga babaeng Muslim na gaya ni Estela
Zeehandelaar na matagal nang nakakulong. Hindi na dahil unti-unting nagiging modern
na an gating pamumuhay at nakakalimutan na ang mga ganitong kultura.
6. Ito ay isang sanaysay mula sa Indonesia na naglalahad at nagtatalakay sa isang
babaeng nagnais na kumawala sa nakasanayang tradisyon ng kanilang lahi at
mamuhay ng naayos sa depinisyon niya ng modernong babae-malaya at marunong
humarap.Isa ito sa mga paraan upang pag-aralan ang ilan sa panitikan ng Indonesia
na nagkaroon din ng malaking ambag sa sarili nating panitikan. Ito ay isinalin ni Ruth
Elynia S. Mabanglo mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese Japara, noong
Mayo 25, 1899.
7. ang pormal na sanaysay ay pili lamang ang mga salitang ginamit at ang di pormal
naman na sanaysay ay ordinaryo lamang na mga salita ang ginagamit

Pagyamanin
Pinatnubayang Gawain 1
1. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pakawalan subalit malayo pa ang
panahong iyon
2. .Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito kaya
lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil
sa akin
3. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara.kusa ang iba,ang iba nama’y pilit
at bahagya lamang subalit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inaanyayahang
panauhin
4. Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t
nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe kung pahihintulutan lamang ng mga batas
ng aking bayan.
5. Paano nga ba hindi magkakaganoon? Kung ginawa lamang para sa lalaki ang mga
batas

Pinatnubayang Gawain 2
1.
A pangatnig
B pang-angkop
2.
A pang-angkop
B pangatnig
3.
A pangatnig
B pang-angkop
4.
A pang-angkop
B pang-ukol

Pinatnubayang Pagsusulit 1
1. na
2. ng
3. sa
4. at
5. kung

Pinatnubayang Pagsusulit 2
Para sa akin parehong naipaglaban ng magkaibang grupo ang pagsang-ayon at
hindi pagsang-ayon nila sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa ating bansa. Sa
panig ng sumasang-ayon ay naipaglaban nila ito ng maayos at maiintindihan ng lahat.
“Sumasang-ayon kami na ibalik ang parusang kamatayan dito sa Pilipinas sapagkat
kahit na anong batas ang ipatupad ng ating pamahaalaan imbes na kamatayan ay
talamak pa rin ang krimen sa ating bansa” Bakit nga daw ba ang mga druglord mula sa
mga bansang Taiwan at Tsina ay nandirito sa ating bansa para magtayo ng mga
pinakamalalaking laboratory ng droga dito, sa sobrang dami daw ng bansa sa mundo
ay bakit nila ditto napili na magtayo ng mga ito, dahil daw walang ipinapatupad na
kaparusahan dito ‘di kagaya sa kanilang bansa na may mga kaparusahan ng pagkitil ng
buhay. Sa panig naman ng hindi sumasang-ayon ay maayos at mahusay din nilang
naipaglaban ang kanilang panig. “Sabi nga ng mga pulis na nagbabantay sa bilibid,
kahit anong gawin nilang paghihigpit ay may mga nakakalusot pa rin na mga
kontrabando gaya ng mga armas, droga at iba pa, kaya’t kahit ano pang batas ang
ipatupad ng ating gobyerno ay hinding hindi matatakot ang mga criminal sa batas” Sabi
nila ay parang magiging suklian lamang ito ng buhay sa buhay kapag ipinatupad muli
ang parusang kamatayan, mayroon daw na ibang paraan para masugpo ang krimen sa
ating bansa ng hindi gumagamit ng kamay na bakal.

Pang-isahang Pagsusulit 1
1. D
2. C
3. H
4. B
5. J
6. G
7. I
8. A
9. E
10. F

Pang-isahang Pagsusulit 2:
1. A
2. A
3. B
4. C
5. D
6. D
7. B
8. C
9. D
10. B
Isaisip
Natutuhan ko na:
*Ang mga babae ay hindi pangbahay lamang, marami rin ang maaaring gawin ng mga
babae.
*Hindi dapat gawing basehan ang kasarian sa pagkakaroon ng karapatan at kalayaan.
* Marapat na pantay ang babae sa lalaki.
Maiuugnay ko ito sa aking buhay sa pamamagitan ng:
*Hindi dapat ako magpailalim sa kagustuhan ng iba
*Lahat tayo ay may kalayaan na gawin ang gusto natin kaya’t kailangan natin itong
gawin basta’t hindi tayo nakakasakit ng ibang tao.
*Pantay dapat lagi ang tingin ko sa mga kakayahan ng babae at mga lalaki

Isagawa
Sa panahon ngayon, marami nang kabataan ang nasasangkot sa maraming gulo
at nalululong sa bisyo. Sa paglipas ng panahon, parang palala na ng palala ang mga
ugali at nasa isip ng mga kabataan ngayon, kaya habang maaga pa ay kailangan nang
maimulat ang mga mata nila sa reyalidad at maturuan ng mga leksyon na magagamit
nila balang araw.
Ngunit, Ano ba talaga ang mga katangian na kailangang taglayin ng mga
Kabataan Asyano sa panahon ngayon?
Para sa akin, unang-una ay kailangan na magkaroon ng takot sa Diyos ang mga
kabataan ngayon, kapag may mga problema silang mga kinakaharap o pinagdadaanan
ay tumawag sila sa Panginoon at tutulungan sila niya. Sumunod ay pagmamahal sa
kapwa, sa panahon ngayon kalat na ang pambubully mapa-cyber man o physical,
kaya’t sana ay taglayin ng mga kabataan ngayon na maging mapagmahal at mabait sa
kanilang kapwa.
Sumunod ay ang pagrespeto sa mga magulang at mga nakakatanda,
napapansin ko na kakaunting porsyento na lamang ng mga bata ang gumagalang sa
mga matatanda gaya ng paggamit ng po at opo, pagmamano, at hindi pagsagot kapag
pinapagalitan o pinangangaralan, kaya’t mahalaga na igalang sila dahil malaki ang
kanilang sakripisyo sa atin noong bata pa tayo.
Panghuli ay ang pagmamahal at ipagmalaki ang inyong bansang sinilangan,
napapansin ko na maraming Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa kultura at mga
produkto ng ibang mga bansa, ang resulta nito ay nawawalan na ng sigla ang
ekonomiya ng ating bansa.
Marami pang mga katangian ang dapat taglayin ng mga kabataang Asyano
ngayon ngunit ito lamang ang sa tingin kong mahalaga at malaki ang magiging epekto
sa ating lahat.

Tayahin
1. _____4___ Nais niya na magi_ng___malaya siyang nakatayo _sa___ sariling paa
nang magisa at makapag-aral.
2. ____3____Noong siya ay labing-anim _na____ taon ay nagkaroon
_nang____pagkakataon na maging malaya ang mga babae.
3. ___1_____Ang tauhan sa akda ay panganay sa tatlo_ng_ anak __ng__ babae ng
Regent ng Japara.
4. ___2____ Noong ikalabindalawang taon_g_ gulang niya siya ay ikinulong sa kanilang
bahay. Hindi siya maaaring lumabas___sapagkat_________ ito ay ipinagbabawal
hangga’t hindi
niya nakikilala ang estranghero na kanyang mapapangasawa.
5. ____5____Dapat _ang___ batas ___sa__ babae at lalaki ay pantay.

Karagdagang Gawain
Tutukan din ng DOH ang dengue
ABALA ang Department of Health (DOH) sa COVID-19 at hindi na napagtutuunan ng
atensiyon ang iba pang sakit gaya ng dengue na lumalaganap ngayong panahon ng
tag-ulan. Kung delikado ang COVID, delikado rin ang dengue na hatid ng lamok kaya
dapat nakapokus din dito ang DOH.

Sunud-sunod ang pagtama ng bagyo sa bansa na nagdudulot ng mga pagbaha.


Kahapon, nanalasa ang bagyong Quinta sa Bicol, Mimaropa at mga probinsiya sa
Southern Tagalog. Nagdulot ito ng grabeng pagbaha.

Dahil baha sa maraming lugar, dito magsisimula ang pangingitlog ng mga lamok. Lahat
nang mga lugar na may tubig ay pangingitlugan ng mga lamok. Paboritong pangitlugan
ng mga lamok ang mga botelyang walang laman, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga
paso ng halaman, palanggana at timba at maski sa mga tansan. Lahat nang mga bagay
na may nakaistak na tubig ay puwedeng pangitlugan ng mga lamok
Mabilis dumami ang mga lamok na may dengue. Sa isang iglap, lilipad na ang mga ito
at maghahasik ng lagim sa mamamayan. Karaniwang nabibiktima ng mga lamok ay
mga bata. Ilang taon na ang nakararaan, maraming bata ang nagka-dengue at may
mga namatay. May bakuna laban sa dengue – ang Dengvaxia subalit sa kasamaang
palad, nagkaroon nang malubhang kontrobersiya kaya hindi na ito itinuloy sa bansa.

Ang mga sintomas ng dengue ay ang pananakit ng ulo, lagnat, pananakit ng kalamnan
at kasu-kasuan, maliliit at mapupulang pantal, pagtatae, pagsusuka at pagdurugo ng
ilong.
Pinakamabisang paraan para makaiwas sa dengue ay ang paglilinis ng kapaligiran.
Sirain ang mga pinaglulunggaan ng mga lamok. Alisin ang mga nakasampay na damit
sa madilim na bahagi ng bahay. Itapon ang mga botelyang walang laman.

Gumamit ng kulambo para maproteksiyunan ang sarili. Pagsuutin nang mahabang


manggas na damit o kaya’y pajama ang mga bata para makaiwas sa kagat ng lamok.
Gumamit ng insect repelant.

Panawagan sa DOH na tutukan din ang dengue. Magtayo ng dengue centers sa mga
ospital para mabilis ang pag-aksiyon sa mga pasyenteng may dengue. Malaki ang
naging aral sa COVID kaya maaaring iaplay ang natutuhan sa sakit na dengue.

B.

You might also like