You are on page 1of 2

Gumawa ng slogan tungkol sa hakbang na makatutulong

sa pagbuo ng isang desisyon sa silid-aralan?

answer:
Pag papasya
Explanation:
Ang pag papasya ang isang bagay na makaka tulong sati

GUMAGAWA tayo ng maraming desisyon araw-araw. Ano ang masasabi mo


tungkol sa karaniwang mga desisyon na kailangan mong gawin? Gusto ng iba
na sila ang magpasiya sa lahat ng bagay para sa kanilang sarili dahil iniisip
nilang karapatan nila iyon. Talagang hindi nila hahayaan na iba ang
magdesisyon para sa kanila. Pero may mga tao naman na takót gumawa ng
mabibigat na desisyon. Ang iba ay kumokonsulta pa sa mga guidebook o
tagapayo at nagbabayad pa nga ng malaking halaga para humingi ng payo.
2 Alam natin na may mga bagay na wala tayong karapatang pagpasiyahan;
pero maraming desisyon ang puwede nating gawin ayon sa gusto natin. (Gal.
6:5) Gayunman, aaminin natin na hindi lahat ng desisyong ginagawa natin ay
mahusay o kapaki-pakinabang.
3. Anong mga tagubilin ang ibinigay sa atin sa paggawa ng mga desisyon?
Pero ano pa rin ang hamon?
3 Bilang mga lingkod ni Jehova, natutuwa tayo na naglaan siya ng malilinaw
na tagubilin tungkol sa maraming mahahalagang bagay sa buhay. Alam natin
na kung susundin natin ang mga ito, makagagawa tayo ng mga desisyon na
kalugud-lugod kay Jehova at makabubuti sa atin. Pero maaari tayong
mapaharap sa mga isyu at sitwasyon na hindi espesipikong binabanggit sa
Salita ng Diyos. Paano tayo magpapasiya sa gayong mga bagay? Halimbawa,
alam natin na hindi tayo dapat magnakaw. (Efe. 4:28) Pero ano ba ang
maituturing na pagnanakaw? Depende ba ito sa halaga ng ninakaw, sa
motibo sa pagnanakaw, o sa iba pang bagay? Paano tayo magpapasiya sa mga
bagay na ipinapalagay na gray area? Ano ang magiging patnubay natin?
 GUMAWA NG DESISYON NANG MAY MATINONG KAISIPAN
4. Ano ang malamang na ipayo sa atin ng iba kapag may gagawin tayong
desisyon?
4 Kapag binanggit natin sa isang kapatid na isang mahalagang desisyon ang
kailangan nating gawin, baka paalalahanan niya tayo na magpasiya nang may
matinong kaisipan. Magandang payo iyan. Ganito ang babala ng Bibliya
hinggil sa pabigla-biglang desisyon: “Ang bawat isa na padalus-dalos ay tiyak
na patungo sa kakapusan.” (Kaw. 21:5) Pero ano ba ang ibig sabihin ng
pagkakaroon ng matinong kaisipan? Nangangahulugan lang ba ito na
maghinay-hinay tayo, pag-isipang mabuti ang sitwasyon, maging
makatuwiran, at alamin ang lahat ng nasasangkot bago magpasiya? Lahat ng
ito ay makakatulong para makagawa ng mahusay na desisyon, pero higit pa
riyan ang nasasangkot sa pagkakaroon ng matinong kaisipan.—Roma 12:3; 1
Ped. 4:7.
5. Bakit walang sinuman sa atin ang may sakdal na kaisipan?
5 Walang sinuman sa atin ang may sakdal na kaisipan. Bakit? Dahil tayong
lahat ay nagmana ng kasalanan at di-kasakdalan kaya malayong maging
sakdal ang ating katawan at isip. (Awit 51:5; Roma 3:23) Bukod diyan,
marami sa atin ang dati’y “binulag” ni Satanas ang isip; dati tayong walang
alam tungkol kay Jehova at sa kaniyang matuwid na mga pamantayan. (2
Cor. 4:4; Tito 3:3) Kaya kung ang pasiya natin ay batay lang sa iniisip nating
mabuti at makatuwiran, baka dinadaya natin ang ating sarili, gaano man
katagal nating pag-isipan ang desisyong gagawin natin.—Kaw. 14:12.

Una sa pag buo ng mabuting desisyon kailangan mong maging matured sa pag
iisip at kailangan mo munang alamin kung ano ang mga possible na pwedeng
mangyari, pero para saakin hindi mo maiiwasan bumuo ng isang desisyon na
walang side comments kahit anong gawin mong disisyon meron at merong isa
jaan na hindi sang ayon at madaming side comments meron ding iba na di
sang ayon pero hindi sinasabi, kaya mahirap talaga bumuo ng isang pasya

You might also like