You are on page 1of 3

ACTIVITY 1-A Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Mitolohiya ng Pilipinas sa Mitolohiya ng Roma

gamit ang Venn Diagram. 5 pts.

Mitolohiya ng Pilipinas Mitolohiya ng Roma

ACTIVITY 1-B Isulat sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon, karanasan,
o pangyayari. (10 pts.)
______1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang pagmamahal kay Cupid.
______ 2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
______ 3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang lumayo na lamang.
______ 4. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay Bantugan.
______ 5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
______6. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos.
______7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
______8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan ng puno.
______9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
______10. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.

ACTIVITY 2-A (5pts.)


1. Paano magagamit ang pandiwa sa pagsasalaysay ng mito o ng kauri nito?
__________________________________________________________________________________________
ACTIVITY 2-B (5 pts.)
2. Ano ang aral na makukuha sa Parabulang “The Prodigal Son” o “Ang Suwail na Anak”?
__________________________________________________________________________________________
ACTIVITY 2-C (5PTS.) Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng
panaklong ang angkop na pang-ugnay .
1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian
(kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang
may utang na isandaang tapayang langis. 3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang
kasulatan. 4. (Gayon din, dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa
isandaang trigo. 5. (Dahil sa, upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
ACTIVITY 3-A (5 pts.) Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang Konsepto ng
Pananaw sa bawat bilang.
Sa ganang akin batay sa sa tingin ng sa palagay ng ayon sa
Pinaniniwalaan ko
1. _____Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay mas
mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
2. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay
nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
3. _____Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan matapos mabatid
ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
4. _____Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga
marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
5. _____mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng komunidad sa
posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga
ng mundo.
ACTIVITY 3-B (5 pts.) Paghambingin ang kultura ng Pransya sa kultura ng Pilipinas ayon sa Maikling kwento
ng Ang Kwintas.
__________________________________________________________________________________________
ACTIVITY 4-A (10 pts.) Ilahad ang Pagkaka-iba at pagkakatulad ng Epiko sa daigdig.
PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

ACTIVITY 4-B (5 pts): Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari. (sa
madaling sabi, saka, dahil, kung, bukod sa )
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng
pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng Batas
Militar. (1)______ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon
sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang
kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2)______ kaya’t lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang
kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3)______ dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay
na si Jules, (4)______ naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si
Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga
kapatid. (5) ______ nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng
panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay
nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.
ACTIVITY 5-A (5 pts.)
GAWAIN 8: Kultura: Paghambingin Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan sa
epiko ang kultura ng Mesopotamia sa larangan ng paniniwala sa ikalawang buhay? May pagkakatulad ba ito sa
kultura nating mga Pilipino na masasalamin sa ating sariling mga epiko? Patunayan.

You might also like