You are on page 1of 2

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Guro: G. John Paul E. Aquino Markahan: Una


Antas: 10 Petsa: ika- 12 ng Agosto, 2019
Pangkat: Roces Celerio Dela Rama Oras: 2:40-3:40 4:00-5:00 5:00-6:00

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
(Panitikang Mediterranean)
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa
alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
1. F10PN-Ii-j-68 Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan.
II. PAKSANG ARALIN
A. PANITIKAN: Pangwakas na Gawain
GRAMATIKA:
SANGGUNIAN: Batayang aklat
B. MGA KAGAMITAN: Iba pang akda mula sa Mediterannean
III. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL
 Bilang panapos na Gawain babalikan muli ng mga mag-aaral ang mga akdang kanilang
naaalala sa pamamagitan ng Hula Mo Game.
B. PAGGANYAK
Isang audio ang papakinggan ng mga mag-aaral ukol sa kontribusyon ng Mediterranean sa panitikan ng
buong mundo.

C. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN


 Mula sa napakinggang audio ay tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga kotribusyon ng
Mediterranean na kanila ring natalakay sa mga nakaraang aralin.
D. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN
#1
 Ayon pa rin sa napakinggang audio ukol sa Kontribusyon ng Mediterranean sa Panitikan ng
Mundo. Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kani-kanilang pananaw ukol dito at iuugnay sa
panitikan nating mga Pilipino.
PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #2
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN:
 PAGPAPAKITA NG KAHUSAYAN SA PAGBIBIGAY REAKSYON – 5 puntos
 PARTISIPASYON NG GRUPO – 3 puntos
 PAGSUNOD SA ITINAKDANG ORAS – 2 puntos
10 puntos
PANGKATANG GAWAIN:
UNANG PANGKAT: Pagbibigay Reaksyon sa nilalaman ng Akda ng mga taga-Mediterranean.
IKALAWANG PANGKAT: Pagbibigay pananaw ukol sa kultura ng mga taga- Mediterranean.
IKATLONG PANGKAT: Pagbibigay reaksyon sa kontribusyon ng mga taga-Mediterranean.
IKAAPAT NA PANGKAT: Pagbibigay ng palagay kung ano-ano ang mga namana ng mga Pilipino sa
kanila.

E. PAGLALAPAT
 Mula sa mga napakinggang kontribusyon ng Mediterranean sa ating mundo. Ano ang isang
bagay na masasabi mong magagamit mo sa iyong pag-araw-araw na pamumuhay?
F. PAGLALAHAT
 Malaking bagay ba ang naidulot ng kontribusyon ng mga taga-Mediterranean sa kasalukuyang
henerasyon? Sa papaanong paraan?

G. EBALWASYON
- Pagbabasa ng impormasyon ukol sa Suring-basa pp.116-118.
IV. TAKDANG ARALIN
Pagsisimula na sa paggawa ng Suring-basa
V. Mga Tala
_____Natapos ang aralin at maaari nang magpatuloy sa susunod na aralin.
_____Hindi natapos ang aralin dahil sa kakulangan sa oras.
_____Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasiyon ng mga napapanahong mga pangyayari.
_____Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming ideya ang gustong ibahagi ng mga mag-aaral patungkol sa
paksang pinag-aaralan
_____Hindi natapos ang aralin dahil sa pagkakaantala/pagsuspindi sa mga klase dulot ng mga gawaing pang-
eskwela/mga sakuna/pagliban ng gurong nagtuturo.

Iba pang mga Tala:


Noong ika-1 ng Agosto (Biyernes araw ng Intramurals) sinuspinde ang klase ng hapon kaya kailangang
sumunod ang paaralan sa utos ng nasa itaas.
Ika-5 hanggang 6 (Lunes at Martes) kanselado rin ang klase dahil sa inaasahang malakas ng ulan.
Ika-7 at 8 ng Agosto (Miyerkules at Webes) nagpatuloy ang regular na klase sumbalit kailangang ipagpatuloy
ang mga aralin di natapos. Isa na rito ang Aralin 1-7 – Ang Kuba ng Notre Dame.
Ika-9 ng Agosto (Biyernes) nagkaroon muli ng suspensyon ng klase dahil sa lakas ng ulan.
Ika-12 ng Agosto Declared Holiday bilang paggalang sa Eid Al Adha ng mga kapatid nating Muslim.
VI. PAGNINILAY
_________ A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
_________ B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
_________ C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
_________ D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

Inihanda ni : G. JOHN PAUL E. AQUINO


Guro sa Filipino 10

Iwinasto ni: GNG. PAULINA C. CAS Pinagtibay ni: EDNA B. LAUDATO


Head Teacher III Principal III

You might also like