You are on page 1of 2

ARALIN 2: Ang Pandiwa

Mga Inaasahang Bunga:

1. Nagagamit ng wasto ang pandiwa:


1. sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari, at karanasan;
2. pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing,
pinaglalaanan at kagamitan, sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing sa
sariling kultura at ng ibang bansa; tagaganap at layon sa isinulat na sariling
kuwento.

Paksa/ Talakayan

Pandiwa

Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng aksiyon, kilos, o galaw; proseso o


pangyayaring karaniwang sadya o di-sadya, likas o di-likas, at karanasan o damdamin.
Ang mga pandiwa ay maaaring gamitin sa paglalahad ng mga aksiyon, pangyayari, at
karanasan. Magiging makulay, malinaw, at mabisa ang paglalahad sa pamamagitan ng
paggamit ng angkop na pandiwa.
May aksyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksyon o kilos, na
maaaring tao, hayop, o bagay. Mabubuo ang pandiwang ito sa paggamit ng mga panlaping-
um/-um-, mag-/nag-, mang-/nang-, maka-/naka-, at makapag-/nakapag-.

Halimbawa:
1. Sina Mark at Kiko ay ibinili ni Mang Tonyo ng ice cream.
2. Ibinigay sa apat na bata ang natitirang pagkain.
3. Ang mga aso ay kinuha na ni Selva.

Sa pangyayari na tuon ng pandiwa, ang simuno ng pangungusap ay ang ugat o sanhi


ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa katanungan na “bakit”.

Narito ang mga halimbawa:

1. Ikinabigla ni Dante ang pagpanaw ng pinsan niyang si Paul.

Chapter 10 Page 1 of 4
2. Ang mainit na panahon kahapon ang ikinasakit ng ulo ni Margie.
3. Ikinagalit ni Mang Carding ang pagkawala ng manok niya.

Gawain

I. Panuto: Tukuyin kung nasa anong pokus ng pandiwa ang mga nakalihis na
mga salita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
A. Aktor
B. Pangyayari

_________1. Naggagala si Dora dahil siya ay gumagawa ng travel blog.

_________2. Inaayos ni Bob ang tubo sa kusina ng bahay nila.

_________3. Gusto ni Chowder maging photographer mayroon siyang high-


end camera.  

_________4. Nagalit ang nanay ni Gumball dahil pasaway ito.

_________5. Nalungkot si Darwin dahil suspendido siya sa eskwela.

_________6. Natuwa si Anais dahil hindi siya gagawa ng mga gawaing bahay.

_________7. Nabuhay muli ang ipis na pinalo niya!

_________8. Nalunod sa beach ang barkadahang hindi marunong lumangoy.

_________9. Namatay ang WiFi kaya hindi ko na-download nang maayos ang
pelikula.

_________10.Lumindol na naman sa Batangas kagabi.

II. Isulat sa isang talata ang iyong karanasang hindi mo malilimutan noong ikaw
ay nasa elementary pa lamang. Gumamit ng angkop na mga pandiwa sa
paglalahad. Bilugan ang mga pandiwang gamit.

Chapter 10 Page 2 of 4

You might also like