You are on page 1of 2

ARALIN 5: Mga Pahayag sa Pagbibigay sa sariling Pananaw

Mga Inaasahang bunga:


1. Natatalakay ang bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig

2. Nailathala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung


pandaigdig.

3. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay sa sariling pananaw.

Paksa/ Talakayan

Mga Pahayag sa Pagbibigay sa sariling Pananaw


Sa araw-araw- marami ang nagaganap sa kapaligiran. Hindi maiiwasan na magbigay
ng sariling pananaw ang bawat tao. Mababasa sa iba’t ibang social networking site ang libo-
libong pananaw sa isang paksa. Gayunpaman, hindi maiiwasan ang magkakasalungat na
opinyon, kaya naman may pagkakataong nagkakapalitan na ng maaanghang na mga salita
ang mga netizen. Paano nga ba ito maiiwasan?
Ang ibang pananaw at taliwas na opinyon ay maaaring iparating sa iba nang walang
nasasaktan. Kinakailangang maging mgalang sa pagpapahayag ng pananaw. Dapat ding
maging maingat sa mga salitang bibitawan at pumili ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng
sariling pananaw. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga parirala bilang pagsisimula ng
paglalahad:
1. Ipagpaumanhin mo, subalit…
2. Pasensiya na, subalit…
3. Sumasang-ayon ako sa iyong sinabi na…
4. Sa palagay mo…
5. Sa palagay ko…
6. Para sa akin…
7. Para sa iyo…
8. Sa aking pagtingin…
9. Maganda ang iyong pahayag, subalit…
10. Ikinalulungkot ko, hindi…

Ilan lamang ito sa maaaring gamitin upang ipahayag ang sariling pananaw. Maaaring
gumamit ng sariling mga pahayag sa pagbabahagi ng pananaw. Dapat lamang tandaan ng
bawat isa ang pagiging responsible sa mga pahayag na bibitawan.

Gawain

Aralin 5 Pahina 1 sa 2
Ang dokumentaryong pantelebisyon ay mga palabas na naglalayong maghatid ng
Komprehensibong proyekyo na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa
kultura at pamumuhay sa isang lipunan. Manood ng isang dokumentaryong pantelebisyon
tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig. Gamit ang mga pahayag na nagpapakita ng
sariling pananaw na pinag-aralan, punan ang sumusunod na tsart ayon sa hinihingi nito.

Pamagat ng Dokumentaryong Pantelebisyon:

Paksa:

Pangunahing Paksa:

Pantulong na Ideya:

Aralin 5 Pahina 2 sa 2

You might also like