You are on page 1of 4

ARALIN 4: Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Mga Inaasahang Bunga:


1. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapatuloy o pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas.

2. Nabibigyang reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento.

Paksa/ Talakayan

Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari


Ang isang kuwento ay kinapapalooban ng serye ng mga pangyayaring
magkakaugnay. Karaniwang nakaayos ang mga ito mula sa unang pangyayari hanggang sa
huli.

Ang simula ng kuwento ay napakahalagang bahagi sapagkat dito nakasalalay kung


kawiwilihan ba ng mga mambabasa ang kuwento. Sa tulong nito, madaling matutukoy kung
ang kuwento ay karapat-dapat na basahin.

Nakapaloob naman sa gitnang bahagi ng kuwento ang tunggalian at kasukdulan. Sa


pamamagitan ng tunggalian ay nagkakaroon ng kawilihan ang mambabasa. Dito pumapasok
ang pananabik sa maari pang maganap sa kuwento. Sa bahagi ng kasukdulan, unti-unring
naaalis ang sagabal o hadlang, nalulutas na suliranin, at nagtatagumpay o kaya naman ay
nasasawi ang isang tauhan laban sa kaniyang katunggali o kalaban.
Sa bahaging wakas naihahatid sa mambabasa ang mensahe ng kwento, lantad man o
hindi.

Nailalahad ang mga pangyayari sa kwento sa tulong ng mga hudyat na salita. Madalas
gamitin ang mga salitang una, ikalawa, ikatlo, sa simula, sumunod, at sa wakas. Maaari ding
gamitin ang kinabukasan, sa sumunod na araw, sa bandang huli, sa katapusan, sa pagtatapos,
at iba pang kaugnay na mga salita.

Ano ang maikling kuwento?

Aralin 4 Pahina 1 sa 4
Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na
naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.

Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng maikling
kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong
karunungan sa isip ng mga bata.

Bahagi ng Maikling Kwento

Mayroong tatlong bahagi ang maikling kwento – ang simula, ang gitna, at ang wakas
ng kwento.

Sa simula, dito ipinapakilala ang mga tauhan at mga tagpuan ng mga gumaganap sa
kwento. Bahagi ng magiging suliranin sa kwento ay mababasa rin sa bahaging ito.

Sa gitna ng maikling kwento ang lubusang pagtalakay sa suliranin ng mga tauhan.


Narito ang tunggalian at pati na rin ang kasukdulan. Ang mga pangyayari ay unti-unting
bababa patungo sa wakas na siyang katapusan ng kwento.

Basahin Natin

Buod ng kwentong “Ang Kuwintas”


(Maikling kwento mula Pransiya)
ni Guy de Maupassant

Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang


kahalihalina,ngunit sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos palad na
angkan. Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking may mahirap din na pamumuhay na ang
pinagkakaitaan ay ang pagasulat lamang sa isang instruksyon na pampubliko. Ang buhay
niya ay naging taliwas sa kanyang pinapangarap sapagkat ayon sa kaniyang paniniwala ang
isang katulad niya na isang babaeng maganda at kahalihalina ay hindi bagay sa pagdurusa at
kahirapan na kanyang nararanasan.

Isang araw ng dumating ang kanyang asawa na si G. Loisel at ibinalita nito sa kanya
na sila ay inaanyayahan sa isang kasayahan ni George Ramponneau. Ngunit ito ay hindi
ikinatuwa ni Matheldi sapagkat ayon sa kanya ay wala siyang isusuot na magandang damit
para sa kasiyahang iyon. At dahil mahal siya ng kanyang asawa ay binigyan siya nito ng
pambili ng isang bestida.  

Aralin 4 Pahina 2 sa 4
Gayon man si Matheldi ay hindi parin nasiyahan sapagkat wala man lamang daw
siyang alahas o hiyas na maisusuot,kaya naisipan niya na humiram ng isang magandang
kwentas sa kanyang mayaman at matalik na kaibigan na si Mme. Forestier. Hindi naman siya
hinindian nito at agad din na nakahiram. Naging lubos ang kaligayahan ni Matheldi ng
gabing iyon sapagkat naging angat ang kanyang kagandahan sa mga babaeng nanduon at
marami ang humanga sa kanya.

Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa masayang


masaya si Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin niya na nawawala
ang kwintas na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Mme.Forestier. Kaya naman naisipan
nila na bumili ng katulad ng alahas na iyon upang maisauli kay Mme.Forestier kahit pa nga
ito ay may kamahalan ang halaga. Dahilan upang sila ay maghirap ng dahil sa pagbabayad ng
kanilang mga utang  upang mabili lamang ang kwintas na iyon.

Pagkalipas ng sampung taon natapos na nilang bayaran ang kanilang mga


pagkakautang sa hindi inaasahan ay muli silang nagkita ng kanyang kaibigan na si Mme.
Forestier, nagulat pa ito at nagtaka ng sa hitsura ni Mathilde dahil malaki na ang pinag iba
nito. Nasabi ni Matheldi na kaya sila naghirap ay dahil sa pagkawala ng kwintas na hiniram
niya dito. At napilitan sila na bumili na kapalit nito kahit sa mahal na halaga. Ngunit ayon
kay Mme. Forestier na ang kwintas na ipinahiram niya kay Matheldi ay isang imitasyon
lamang at ito ay nagkakahalaga ng limang daang prangko lamang.

Gawain

I. Sagutan ang hinihingi ng bawat katanungan.

1. Sino si Ginang Mathilde Loisel? Ilarawan ang pagbabagong naganap sa kaniyang


buhay matapos na mawala ang kwintas.

2. Paano ipinakita ng mag-asawang Loisel ang pagmamahal sa isa’t isa?

3. Aling bahagi ng kuwento ang nagaganap o maaaring maganap sa tunay na buhay?


Patunayan.

4. Ano-ano ang inilalahad ng kuwento tungkol sa:


a. kapalaran
b. paghahangad
c. pagmamahal

Aralin 4 Pahina 3 sa 4
II. Sumulat ng hindi mo malilimutang karanasan bilang isang mag-aaral gamit ang
mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Ilagay sa buong papel.

Aralin 4 Pahina 4 sa 4

You might also like