You are on page 1of 26

MAIKLING

KWENTO
• Isang akdang pampanitikang likha
ng guniguni at bungang-isip na
hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
Taglay nito ang
pagkakaroon ng:
1. Iisang kakintalan
2. May isang pangunahing tauhan
may mahalagang suliraning
kailangang bigyan ng solusyon
3. Tumatalakay sa isang madulang
bahagi ng buhay
4. May mahalagang tagpuan
5. May kawilihan hanggang sa
kasukdulan na susundan ng
wakas
Ugat ng Maikling Kwento
1. Mitolohiya
2. Alamat
3. Pabula
4. Parabula
5. Kwentong Bayan
6. Anekdota
Bahagi ng
Maikling
Kwento
1. Simula
• Lubhang mahalaga ang bahaging
ito sapagkat dito nakasalalay ang
kawilihan ng mambabasa.
Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:
a. Pagpapakilala sa tauhan
b. Pagpapahiwatig ng suliranin
c. Pagkakintal sa isipan ng mga
mambabasa ng damdaming
palilitawin sa kwento
d. Paglalarawan ng tagpuan
2. Saglit na Kasiglahan
• Naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
• Problemang haharapin ng tauhan.
4. Tunggalian
• Pinagbabatayan ng buhay ng
maikling katha.
5. Kasukdulan
• Kapana-panabik na bahagi ng
kwento.
6. Kakalasan
• Tulay sa wakas.
7. Wakas
• Naihahatid ng may-akda ang
mensahe sa bahaging ito.
Sangkap ng
Maikling
Kwento
1. Tagpuan – tumutukoy ito sa pook o
lugar na pinangyarihan ng kwento.
2. Tauhan – ang nagbibigay-buhay sa
kwento.
3. Banghay – ito ang pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari sa
kwento.
Bahagi ng Banghay
• Simula
• Suliranin
• Saglit na kasiglahan
• Kasukdulan
• Kakalasan
4. Tema o Paksa – ito ang sentral
na ideya sa loob ng kwento o ang
mahalagang pangkaisipan ng akda.
Uri ng Maikling
Kwento
1. Kwento ng Katutubong Kulay
2. Kwento ng Pakikipagsapalaran
3. Kwento ng Kababalaghan
4. Kwento ng Tauhan
5. Kwento ng Katatawanan
6. Kwento ng Pag-ibig
7. Kwento ng Kapaligiran
8. Kwento ng Madulang Pangyayari
9. Kwento ng Sikolohiko
10. Kwento ng Talino
11. Kwento ng Pakikipagsapalarang
Maromansa
Sagutin ang mga tanong:
• Sa iyong palagay, paano
nakatulong ang maikling kwento sa
mga manunulat at sa iba pang
Pilipino noong Panahon ng
Komonwelt at maging sa
kasalukuyan?
• Anong uri ng maikling kwento
ang binasang aralin?
Gumawa ng balangkas ng
kwento ng katutubong kulay.
Maaaring kwento tungkol sa
iyong sariling bayan o kwento
ng iyong paboritong lugar na
napasyalan. Gawin sa papel.
Katutubong kulay
• Ang binibigyang-diin ay ang
tagpuan, ang kapaligiran ng isang
pook, ang pamumuhay, ang mga
kaugalian at mga gawi sa lugar na
binibigyang-diin sa kwento.

You might also like