You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng San Carlos
Lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Pangasinan

PAMAGAT: E-Radio
PROGRAMA: Makinig at Matuto
PAKSA: Maikling Kwento – Sandaang Damit / Mga Panandang Anaporik at
Kataporik
PORMA: School-on-the-Air
HABA: 30 minuto
SCRIPWRITER: ROWENA R. MENDOZA

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3. TEACHER OWEN: Magandang….magandang…magandang buhay sa lahat ng aming mga ginigiliw

4. na mag-aaral ng ikapitong baitang! Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino 7,

5. nagagalak ako na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang

6. inyong lingkod teacher Rowena R. Mendoza mula sa Tandoc National High School.

7. Ang programang ito ay hatid sa inyo ng ( RADIO STATION ) at ng pamunuan ng San Carlos City Division sa

pangunguna ni School Division Superintendent Lourdes Servito.

8. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

9. TEACHER OWEN: Ako ay nagagalak at tayo ngayon ay nasa ika-lima ng modyul ng ikatlong

10. markahan. Ilang kembot na lang at matatapos na ang school year na ito….Yahooo….Umaasa ako na

11. sa yugtong ito ay punong puno na kayo ng kaalaman mula sa mga natutunan ninyo mula sa nakaraan

12. aralin.

13. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

14. HOST: Noong nakaraang araw ay binigay ko bilang gawaing bahay ang mga gawain na nasa inyong mga

modyul. Umaasa ako na naipasa niyo na sa inyong mga guro sa Filipino sa inyong mga paaralan.

-MORE-
Mga Pahayag….111
15. HOST: Sa pag-aaral ng nilalaman ng ikalimang modyul, tatalakayin natin ang maikling kwento mula sa

Bulacan na may pamagat na Sandaang Damit. Bahagi ng araling ito ang pagtalakay sa wastong gamit ng mga

panandang Anaporik at Kataporik ng pangngalan. Inaasahan na pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay:

16. Mabigyang-kahuugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap

17. Mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa kuwento batay sa

18. a) kontekstuwal na pahiwatig, b) denotasyon at konotasyon

19. Magamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan……

20. HOST: Muli kong pinapaalala na ang bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain

21. at pagsubok sa iyong kakayahan. Magiging madali lang ang mga ito. Ang gagawin nyo lamang ay

22. sundin ang aking mga panuto at gawaing ipagagawa. ….

23. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

24. HOST: Maari bang kumuha ka ng papel at panulat dahil bago tayo mag-umpisa ay nasi ko munang

25. sukatin kung ano na ang nalalaman mo kaugnay ng aralin ating tatalakayin……Ayan ….handa ka na

26. ba?....Kung gayon tar ana at palawakin pa ang ating kaalaman….

27. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

28. HOST: Aling bahagi ng banghay sa maikling kwento ang pinakamasidhing bahagi kung saan

kakaharapin ng pangunahing tauhan ang tunggalian o suliranin?

A. kasukdulan C. pababang pangyayari

B. resolusyon/wakas D. panimulang pangyayari

29. HOST: Ang tamang sagot ay letrang A….Kasukdulan

30. HOST: Para sa ikalawang bilang….

Ano ang karaniwang iniiwan ng isang akdang pampanitikan sa mambabasa?


a. alaala C. kaisipan
b. diwa D. konsepto

31. HOST: Ang titik ng tamang sagot ay…. c…. kaisipan

32. HOST: Para sa ikatlong katanungan

Nahuli ang anunsiyo ng suspensiyon ng klase ngunit nakaalis na ako ng bahay kaya naipit
_________ sa matinding baha. Ano ang angkop na panghalip na dapat gamitin sa pangungusap?
A. ako C. sila
B. kami D. siya
D. karaniwan
33. HOST: Tama….ang tamang sagot ay letter A… AKO…
34. HOST: para sa ika-apat na katanungan……

Ito ay asal ng paggamit ng lakas laban sa isang tao na maaaring inuulit-ulit at hindi ninanais ng
taong pinatutungkulan nito.

a. pambubulas C. katapangan
b. pagkakaisa D. kapangyarihan
35. HOST: Ang sagot ay ….pambubulas…. Titik D ang tamang sagot.

36. HOST: para sa huling katanungan…..

Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ang binanggit sa
hulihan ng pangungusap?
a. anaporik C. modal
b. kataporik D. pamatlig
37. HOST: Ang sagot ay B… Kataporik….

38. ……Oh…ayan ha…sana ay nakasunod kayo at nakuha ninyo ang

39. tamang sagot.Huwag kang mag-alala kung hindi mo lahat nakuha ang tamang

40. kasagutan…bumawi ka na lamang sa susunod na pagsusulit basta siguraduhin mo na

41. makikinig kang mabuti sa gagawin nating pagtatalakay.

42. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

43. HOST: Ngayon ay alam mo na kung paano nakatulong ang sanaysay sa

44. pagpapahayag ng sariling karanasan, saloobin, opinyon at damdamin ng tao. Maaari

45. na tayong dumako ngayon sa ating susunod na aralin.

-MORE-
Mga Pahayag….333

46. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

47. HOST: Nasubukan mo na bang mapagtawanan dahil sa iyong kasuotan? Ano ang naramdaman mo

48. pagkatapos magyari ito?...Maari bang kunin ninyo ang inyong modyul at buksan ito sa bahaging

49. tuklasin? Tignan ninyo ang mga larawan pag-aralang maige…Mapapansin natin sa larawan na

50. dinuduro at sinasaktan ang isang tao… ano kaya ang maaring dahilan bakit ginagawa nila ang mga

51. bagay na nakakasakit sa kanilang kapwa?..... Ang gawain 1 ay may kinalaman sa kwentong ating
52. tatalakayin. Pero bago yan, basahin at unawain muna natin ang sumusunod na kaalaman. Pagkatapos

53. ay sabay sabay nating basahin ang akda na may pamagat na “Sandaang Damit”, isang maikling

54. kwento mula sa Bulacan na isinulat ni Fanny Garcia.

55. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

56. HOST: Ang Sandaang Damit ay kuwento ng tauhan. Ang kuwento ng tauhan ay uri ng kuwento na

57. nakatuon sa pag-unawa sa kaugalian, kilos at gawi ng mga tauhan sa akda. Inilalarawan din ang mga

58. pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pang-

59. unawa sa kanila ng mambabasa…. Ayan, meron ka ng kaalaman sa ating tatalakaying akda…

60. Babalikan natin ang pagbasa sa akda na may pamagat na “Sandaang damit” pagkalipas ng ilang mga

61. paalala….

62. BIZ: INFOMERCIAL

63. BIZ: INSERT PLUG (CUE IN:XXXXX THEN CUE OUT: XXXXX)

64. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

65. HOST: Tayo ay nagbabalik sa ating programang Paaralang Panghimpapawid na hatid

66. sa inyo ng (RADIO STATION) at ng San Carlos City division… ako pa rin ang

67. inyong kasama teacher Rowena R. Mendoza….Handa ka na bang magbasa… Buksan

ang modyul ay sabayan ako sa pagbasa ng akda…pagkatapos ay sagutan natin ang

mga katanungan kaugnay ng kuwento…

68. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

69. Sandaang Damit


70. ni Fanny Garcia

71. May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang
kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.
Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata,
sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita.
72. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang
kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman
sila. Magaganda at iba iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit
nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang
luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.
73. Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae. Kapag oras na
ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang
kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng
pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase
ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya
ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas,
sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.
74. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan
kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na
karaniwa’y walang palaman.
75. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa.
76. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay di
minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga
kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal
itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong
sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo,
kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng
masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit.
77. At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng
maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-
unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa
malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang
pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak.
Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina.
78. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na siya’y
kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang
damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip.
79. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban.
80. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang
babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging
kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang
magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.
81. “Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang
damit sa bahay.”
82. Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala. “Kung totoo
ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”
83. Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”
84. “Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na
sabi nila sa batang mahirap.
85. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay,
kung may laso o bulaklak.”
86. At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa
kaniya’y may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay,
pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kaniyang
pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat
isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo
niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-
gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at putting abaloryo. Bolga
ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang
sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may
prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na
may malapad na sinturon at malalaking bulsa.
87. Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging
tagapagsalita at sila naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa
kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang
pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang
pamamayat kahit ngayo’y
nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o
dalawang kendi.
88. Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng
may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At
pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga
kaklase at guro.
89. Nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan na malapit sa
tambakan ng basura.
90. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy
sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa
anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras
at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw
ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na
maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng
teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na
nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit.
Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo’t naroon
ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang
drowing ng kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang
pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa
kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.

91. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

92. HOST: Magaling! Naunawaan mo ba ang sanaysay na iyong binasa? Nagustuhan mo

93. ba ito? Nakuha mo ba kung ano ang nais ipahayag ng may-akda?

94. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

95. HOST: Nais ko man na ipagpatuloy natin ang pagtatalakay ay wala na tayong sapat

96. na oras sa ating programa. Hayaan mo bukas ay itutuloy natin ito. Samantala, may

97. mga gawain diyan sa inyong mga modyul nan ais kong sagutan ninyo sa abot ng inyo

98. makakaya at bukas ito ay ating itatama at tatalakayin.

99. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

100. hanggang sa muli ito po ang inyong guro sa himpapawid titser Rowena

Mendoza, Iiwan ko sa inyo ang isang paalala na “Tanging edukasyon ang


kayamanang hindi mananakaw ninuman.” Hanggang sa susunod. Ito ang School on

the air ng San Carlos City Division….Mabalos…

-MORE-
101.Mga Pahayag….10

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng San Carlos
Lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Pangasinan

PAMAGAT: E-Radio
PROGRAMA: Makinig at Matuto
PAKSA: Sanaysay (PART II)
PORMA: School-on-the-Air
HABA: 30 minuto
SCRIPWRITER: ROWENA R. MENDOZA

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3. TEACHER OWEN: Magandang….magandang…magandang buhay sa lahat ng aming mga ginigiliw

4. na mag-aaral ng ikapitong baitang! Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino 7,

5. nagagalak ako na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang

6. inyong lingkod teacher Rowena R. Mendoza mula sa Tandoc National High School.

7. Ang programang ito ay hatid sa inyo ng ( RADIO STATION ) at ng pamunuan ng San Carlos City Division sa

pangunguna ni School Division Superintendent Lourdes Servito.

8. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

9. HOST: Matatandaan kahapon na hindi natin natapos ang ating pagtatalakay sa ating aralin. Ating nabasa ang

isang sanaysay na pinamagatang naging Mendiola ko ang internet dahil kay mama. Inaasahan ko na natatandaan

niyo pa ang mga detalye ng sanaysay….kung hindi naman ay maari pa rin ninyong balikan sa inyong mga
modyul ang naturang sanaysay. Inaasahan ko din na kayo ay gumawa na ng paunang pag-aaral sa mga gawain

kaugnay ng ating aralin….Pag-usapan natin ngayon ang mga katanungan kaugnay ng sanaysay upang higit

ninyo itong maintindihan.

-MORE-
Mga Pahayag….111

10. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

11. HOST: Tungkol ba saan ang binasang sanaysay? …. Tungkol ito sa kung paano ginamit ng may-akda

12. ang internet sa kung papaano ipinahayag ng may akda ang kaniyang saloobin at damdamin. Hindi

13. ba’t karamihan sa mga gumagamit ng internet ay nagpapahayag ng kanilang damdamin direkta o

14. hindi direkta sa taong kanilang nais patamaan… Sino naman ang nanghikayat sa may-akda na

15. makapagpahayag ng kaniyang saloobin? Paano siya nito nahikayat? Tama….. Ang kanyang mama

16. dahil lagi siyang pinapaalalahanan na huwag matakot magsalita upang magpahayag ng kanyang

17. damdamin o saloobin…. Nakatulong naman ba sa may-akda ang payo na kanyang

18. natanggap? …..OO, Opo, dahil sa wakas ay naging daan ito upang maisatinig at maisatitik

19. ang kanyang mga saloobin at maibahagi ang kanyang nararamdaman, ideya at karanasan

20. na maaaring makatulong sa ibang tao……Sa iyong palagay Ano kaya ang maaaring

21. mangyari kung sakaling hindi sinunod ng may akda ang ipinayo sa kanya?.......Korek……

22. Maaaring hanggang sa ngayon ay mahiyain pa rin siya at mabigat ang pakiramdam dahil sa

23. napipigilan siyang magpahayag ng kanyang tunay na nararamdaman at naiisip………

24. Masasabi mo bang may pagkakapareho kayo ng may-akda sa ilang mga bagay? ……

25. Maaring ang isasagot mo ay oo, kagaya ng nabanggit ko na halos karamihan sa mga

26. gumagamit ng internet ngayon ay naglalabas ng sama ng loob o damdamin gamit ang

27. social media…… Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para

28. makapagsalita at utak para makapag-isip”?................. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan

29. na magsalita at magpahayag ng ating saloobin at damdamin at kalayaan na gawin kung ano

30. ang alam natin na makabubuti para sa ating sarili at sa kapwa….. Ayan….naintindihan mo

31. ba ang mga ideya na nakapaloob sa sanaysay na ating binasa at tinalakay?

32. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER


-MORE-
Mga Pahayag….222

33. HOST: Mapapansin sa inyong modyul na ang mga susunod na gawain ay tungkol sa pagtukoy ng

34. pangunahin at pantulong na kaisipan. Bago niyo tuluyan sagutan ang mga gawain ay hayaan niyo

35. munang bigyan ko kayo ng kaalaman kung papaano kikilalanin ang mga pangunahin at pantulong

36. nakaisipan… Ngunit bago iyan bigyang daan muna natin ang ilang mahalagang paalala…..

37. BIZ: INFOMRCIAL

38. BIZ: INSERT PLUG (CUE IN:XXXXX THEN CUE OUT: XXXXX)

39. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

40. HOST: Tayo ay nagbabalik sa ating programang Paaralang Panghimpapawid na hatid

41. sa inyo ng (RADIO STATION) at ng San Carlos City division… ako pa rin ang

42. inyong kasama teacher Rowena R. Mendoza…… Upang makilala ang pangunahing

43. kaisipan ito ay ang mensaheng napapaloob sa larawan o sa isang sanaysay. Sinasabi

44. nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang larawan, ng mga pangungusap, o ng

45. teksto. May pagkakataong hindi lantad sa talata ang pangunahing kaisipan. Ito ay

46. kadalasang makikita sa unang pangungusap at huling pangungusap (konklusyon) ng

47. isang akda o teksto. Upang madaling matukoy ang pangunahing ideya o kaisipan ng

48. isang teksto, narito ang mga katanungang dapat tandaan:……. Ano ang paksa o

49. pinag-uusapan?....... Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?

50. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

51. HOST: Samanta ang pantulong na kaisipan o pansuportang detalye ay nagtataglay ng

52. mahahalagang impormasyon, kaisipan o mga detalye o mga susing pangungusap na

53. may kaugnayan sa paksang pangungusap. Ito ay nagbibigay-linaw sa pangunahing

54. ideya o kaisipan upang lubos itong maunawaan ng mga mambabasa. Nagtataglay din

55. ito ng mahahalagang impormasyon na tumutulong upang lubusang maunawaan ang


-MORE-
Mga Pahayag….333

56. pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar,

57. paglalarawan, datos at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay

58. suporta sa pangunahing ideya. Mahalagang kilalanin ang mga detalyeng nagbibigay-

59. suporta sa pangunahing kaisipan dahil:……….. 1. Ito ang susi sa lubusang pag-unawa

60. ng pangunahing kaisipan………..2. Nakatutulong ang mga ito upang madaling

61. matandaan ang mahahalagang impormasyon sa isang teksto……… 3. Upang

62. maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto. Sa araling ito, malalaman mo kung

63. paano kilalanin ang pangunahin at pantulong na kaisipan sa isang teksto upang

64. maging isang mahusay at epektibong mambabasa.

65. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

66. HOST: Upang higit na maintindihan bibigyan ko kayo ng isang halimbaw…. Babasahin ko ang isang

67. teksto…….Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti ang balat at

68. tumangos ang ilong. Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong

69. matawag na sosyal. Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. Tunay

70. na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin ng mga Pilipino. Nagpatuloy pa rin

71. ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain, at pananaw. Maging ang

72. iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan…..bibigyan ko kayo ng limang minuto

73. para makilala ang pangunahin at pantulong na kaisipan.(TIMER SOUND)

74. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

75. HOST: Ayan, sa palagay ko tapos na kayo sa pagsasagot. Ang pangunahing kaispan sa naturang

76. teksto ay mga pilipinong nagnanais pumuti at tumangos ang ilong…..samantalang ang pantulong na

77. kaisipan ay Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong matawag na

78. sosyal. Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported.

-MORE-
Mga Pahayag….444

79. Tunay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin ng mga Pilipino. Nagpatuloy pa rin

ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain, at pananaw. Maging ang iba pang

sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan. Ayan nakuha niyo ba ang tamang kasagutan?

80. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

81. HOST: May mga gawain pa rin diyan sa inyo mga modyul na nais kong inyong sagutan na may

82. kaugnayan pa rin sa inyong napakinggang teksto na ang ningnging at ang liwanag. Sagutan ninyo

83. ang pagyamanin, isaisip, at karagdagang gawain bilang inyong gawaing bahay. I-tse-tsek natin ito sa

84. susunod nating pagsasama sama dito sa ating programang paaralang panghimpapawid. Kung

85. may katanungan ka pa maari mong hingin ang patnubay ng iyong mga kasama sa bahay gaya ni ate,

86. kuya, nanay o si tatay, maari mo rin hingan ng tulong ang iyong guro sa filipino sa inyong

87. eskwelahan at siyempre huwag kalimutan na nandito si teacher owen na lagi handang tumulong sa

88. inyong pag-aaral.

89. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

90. HOST: Maari bang kumuha kayo ng inyong papel at ballpen upang sagutan natin ang tayahin na nasa

91. inyong mga modyul.

1. Anong uri ng akda ang sanaysay?

A. patula C. pataludtod
B. tuluyan D. pabalagkas

2. Ang sanaysay na ito ay nagtataglay o naghahatid ng mahalagang kaisipan o kaalaman sa


pamamagitan ng lohikal o makaagham na paglalahad ng mga impormasyon tungo sa malinaw na
pagtalakay sa paksa? Anong uri ng sanaysay ang tinutukoy nito?
A. Pormal na sanaysay C. Di-pormal na sanaysay
B. Impormal na sanaysay D. Pamilyar na sanaysay

3. Ano ang tono ng pananalita ng impormal na sanaysay?


A. Matalinghaga C. matayutay
B. Makahulugan D. karaniwan

-MORE-
Mga Pahayag….555

4. Alin sa mga sumusunod na paksa ang maaaring gamitin sa pagsulat ng isang pormal na
sanaysay?
A. Ang Aking Pag-ibig
B. Epekto ng COVID-19 sa Mundo
C. Tiktoker Ako
D. Proud Blink Ako

5. Ano ang layunin ng isang sanaysay na impormal?


A. Magpaliwanag ng sariling pananaw, kuro-kuro, opinion o damdamin tungkol sa isang
paksa o isyu.
B. Mahikayat ang mga mambabasa na sumang-ayon sa isang isyu o paksa na
pinaniniwalaan.
C. Magbigay ng kaalaman sa pangkaunlarang-isip at moral ng mga mambabasa.
D. Magsilbing salamin sa lahat ng saloobin, kondisyong pansikolohikal at sosyolohikal.

6. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang impormal na sanaysay maliban sa isa. Alin ito?
A. Ito ay kadalasang pumapaksa sa mga pangkaraniwang talakayan, isyu o paksa.
B. Hindi ito nangangailangan ng higit o mas malalim na pagpapaliwanag.
C. Ang mga impormasyon ay maaaring batay lamang sa sariling karanasan.
D. Malimit itong nasusulat sa unang panauhan

7. Tumutukoy ito sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. Ano ito?
A. Pangunahing kaisipan
B. Sekundaryang kaisipan
C. Pantulong na kaisipan
D. Pamatnubay na kaisipan

8. Sa bahaging ito ng sanaysay inilalahad ang buod o kongklusyon ng may-akda sa paksang


tinatalakay. Ano ang tinutukoy nito?
A. Panimula
B. Gitna
C. Katawan
D. Wakas

Para sa bilang 9-10, basahin at unawain ang tektong nasa loob ng kahon at sagutin
ang mga kasunod na tanong.
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet. Iba’t ibang dahilan
 
kung bakit sila na-eengganyo sa paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang
social media. Maaari ka ring maglaro ng online games. Makapagpapahayag ka rin ng
damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site.

-MORE-
Mga Pahayag….666
9. Tukuyin sa teksto na nasa loob ng kahon ang pangunahing kaisipan.
A. Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet.
B. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eengganyo sa paggamit nito.
C. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media.
D. Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site.

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pantulong na kaisipan?
A. Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet.
B. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eengganyo sa paggamit nito.
C. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media.
D. Maaari ka ring maglaro ng online games.

92. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

93. HOST: Sa palagay ko ay sapat na yung oras na naibigay sa inyo para masagutan ang mga

94. katanungan…Maari na ba nating sagutin?.....Kung ganun ay ay sagutan na natin…. Pero bago yan nais

95. kong ipaalala na mahigpit akong bilin sa pagtatama ng mga kasagutan…. Kinakailangan ko po ang

96. isangdaang porsyento ng katapatan sap ag-tse-tsek ng inyong mga papel. Huwag nating dayain ang ating

97. sarili.. Puwede ba ‘yun? Tara tignan na natin kung gaano kadami ang inyong natutuhan sa aralin na ito.

1.B 6. B

2.A 7. A

3.D 8. D

4.B 9. A

5.D 10. A

98. HOST: Umaasa ako na marami sa inyo ang nakakuha ng perpektong iskor. Sa mga hindi pinalad huwag mag alala

bawi na lang kayo sa mga susunod na pagsusulit at siguraduhin na makinig maige sa gagawing pang mga

pagtatalakay….Muli uulitin ko huwag kalimutang sagutan ang mga gawain na nasa inyong modyul bilang inyong

gawain bahay…

99. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

100.Hanggang sa muli ito po ang inyong guro sa himpapawid titser Rowena Mendoza, Iiwan ko sa inyo

101.ang isang paalala na “Tanging edukasyon ang kayamanang hindi mananakaw ninuman.” Hanggang

102.sa susunod. Ito ang School on the air ng San Carlos City Division….Mabalos…

103.-MORE-
104.Mga Pahayag….777

You might also like