Ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong teknolohiya at
internet sap ag aaral ng mga mag-aaral ng Northern Samar
Colleges
Kabanata I
PANIMULA
Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa
sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan,
makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga
suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay
nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga
imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na
proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din
ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng
gulong.
Ang teknolohiya ay may malaking ginagampanan sa ating
pamumuhay sa daigdig. Ito ay nakakatulong ng malaki sa ating
buhay sa pamamagitan ng mas nagiging madaling gawin ang mga
bagay-bagay na dati ay napakahirap gawin. Sa paglipas ng
panahon, mas lalo pang umuunlad ang teknolohiya at napakarami na
nitong nagagawa sa ating mga buhay. Ngunit sap ag aaral ano nga
bang makabagong teknolohiya ang ginagamit?
Sa kasalukuyang panahon kung saan ang kaalaman ay laganap
dahil sa natatanging kakayahan ng teknolohiya at internet,
naglitawan ang mga website na naging mabisang instrumento ng
maraming institusyon upang maghatid ng mahahalagang impormasyon
at balita sa mga tao. Kabilang sa tumatangkilik na rito ang
pribadong sektor at maging ang pamahalaan maging ang mga
studyante sa lahat ng paaralan. Dahil ditto mas lalong
napapadali ang Gawain ng bawat mag aaral. Napalaking tulong ng
pag babago ng mga teknolohiya sa ating buhay lalo na sa mga mag
aaral.
Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-
unlad ng ibat ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit
kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng
wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang
teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto
sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.
Pag papahayag ng Suliranin
Ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman ang kahalagahan
ng makabagong teknolohiya at internets sa larangan ng pag aaral
ng mga mag-aaral ng Northern Samar Colleges.
Layunin ng Pag-aaral
Malaman ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya at
internet sa larangan nag pag aaral ng bawat mag-aaral nang
Northern Samar Colleges.
Lawak at Sakop ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito sa piling mag aaral ng Northern
Samar Colleges mula 1st year hanggang 4th year sa lahat ng kurso
ay upang malaman ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sap
ag aaral ng bawat mag aaral ng Northern Samar Colleges.
Pagbibigay ng Katarungan sa mga Termenolohiyang Ginamit
Ang mga ito ay mahahalagang morpemang ginamit sa sulating
ito ay pinakatuturan sa bahaging ito:
Teknolohiya- kagamitang ginamit sa paghahanap ng datos.
Mag-aaral mula 1st year hanggang 4th year ng ibat ibang
kurso- pangkat ng studyante na syang pangunahing
pinagkukunan ng mga datos patungkol dito.
Internet- paksang pinagkunan ng mga datos.
Kabanata II
PAGTALAKAY
Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na
maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami
nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas
na siglo. Ito ay nagsisilbing mahalagang instrumento sa mga mag-
aaral katulad ng NORTHERN SAMAR COLLEGES. Una dito ay ang
makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema
ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng
mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman
ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na
siglo.
Ibat ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng
klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang
pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang
simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga
estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin
ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng
mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang
pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa
edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng
internet.
Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga
pribado kabilang na ang NORTHERN SAMAR COLLEGES ang paaralan kun
saan ako nag aaral ay gumagamit na ng mga kompyuter na
may access ng internet. Mayroon silang tinatawag na computer
laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang
dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng mga
impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang
leksyon nang dahil sa internet.
Kasabay ng pag dating ng makabagong teknolohiya ay ang pag
gaan at pagpapabilis ng buhay sa pag-aaral ng halos lahat
estudyante ay gumagaan at napapdali nito ang Gawain. Sa
makatuwid kabilang na dito ang maraming bilang ng mag aaral ng
Northern Samar Colleges mula 1st year hanggang 4th year ng ibat
ibang kurso ang natutulungan ng intenet at makabagong
teknolohiya ang walang mga ibang aklat na pinagkukunan.
Kabanata III
METODOLOHIYA
Ang pag aaral na aking isinagawa sa hurisdiksyon ng
NORTHERN SAMAR COLLEGES na itinayo noong 1950 na unang tinawag
na NORTHERN SAMAR ACADEMY, na matatagpuan sa munisipalidad ng
Catarman.
Sa pangangalap ng datos, Descriptive survey Method of
Research, ang ginamit ko sa pananaliksik na ito ay Survey
Interview bilang pangunahing instrument sa pag hahahnap ng datos
sa piling mga mag aaral ng ibat ibang kurso ng Northern Samar
Colleges mula 1st year college hanggang 4th year. Sa pag lalayong
ito dito napatunayan na malaking tulong ang makabagong
teknolohiya at internet sa mga mag aaral sa lahat ng paaralan
kabilang ang Northern Samar Colleges na malaki ang naiidudulot
nito sa buhay ng mga estudyante upang mapadali ang kanilang pag
aaral at matapos ang mga gawaing pampaaralan.
Kabanata IV
Paglalahat at Pagpapakahulugan sa mga nakalap na Datos
Sa pagkakalap at paghimay ng datos, nalaman na ang
sumusunod ay syang nagbigay kasagutan na Malaki ang naitutulong
na teknolohiya at internet ang naibibigay nito sap ag aaral ng
mga mag aaral ng Northern Samar Colleges mula 1st year hanggang
4th year ng ibat ibang kurso.
Malaki ang kapakinabangan ng internet at ng makabagong
teknolohiya sa buhay ng mga estudyante ng Northern Samar
colleges. Ang kapakinabangang ito ay nahahati sa dalawa:
1. Pangka-alaman- dahil sa internet at makabagong teknolohiya
nabibigay nito ang kaalamang hinahanap ng mga studyante sap ag
aaral. Nag bibigay karagdagang kaalaman sa mag aaral ang bawat
karagdagang impormasyong nakukuha nila na wala sa aklat. Dahil
dito mas napapadali nito ang buhay kaalaman ng bawat mag aaral.
2. Pagkatoto- mas nagiging magaling at aware ang mga mag aaral
sap ag babago ng mga teknolohiya sa kanilang paligid. Mas
nagiging batid nila kung pani gamitin ang mga ito.
Kabanata V
KONKLUSYON, LAGOM at MUNGKAHI
Lagom
Ang pag aaral na ito ay isinagawa upang malaman kung gaano
kahalaga sa buhay ng mga studyante sa kasalukuyang ang pag gamit
ng mga makabagong teknolohiya sa kanilang pag aaral.
Gamit ang Interview Survey nalaman kong malaking dulot ang
makabagong teknolohiya sa buhay ng mga mag aaral ng Northern
Samar Colleges. Nakakapag pagan ito nag kanilang mga Gawain at
hindi mahirap hanapin ang mga impormasyong kanilang dapat
malaman na wala sa mga aklat. Mas napapalawak nito ang kaalaman
ng bawat mag aaral.
Konklusyon
Alam nating may mga negatibong dulot ang mga makabagong
teknolohiyang ito lalo na sa buhay ng mga studyante, ngunit kung
ating iisipin lahat nang bagay ay nadadaan sa control at pag
babalansi. Malaki ang naidudulot nito sa buhay ng mga studayante
lalo na sap ag aaral at pag kuha ng mga karagdagang impormasyon
sa panahon ngayon na nga babago na ang pamumuhay dpat mas
maraming pinagkukunang kaalaman ang bawat isa. At ang pag gamit
ng makabagong teknolohiya ay isang malaking tulog ang
naiddudulot nito sa maraming buhay ng mga mag aaral. Sa lahat ng
aspeto ng pagkatoto.
Mungkahi
Ang mga sumusunod ay malugod na iminumungkahi sa lahat
upang mapasaayos o magamit ng tama ang makabagong teknolohiya at
internet:
1. Gamitin ng naayon sa panahon ang pag gamit ng mga
teknolohiya.
2. Mag karoon ng kontrol at pagbabalansi sa dagdag na kaalaman
na makukuha sa internet at mga aklat.
3. Gamitin ng naayon na pamamaraan ang mga makabagong
teknolohiya upang maiwasan ang malulong dito.
TALASANGGUNIAN
Villavicencio, Victoria B., et.al, PAGBSA AT PAGSULAT TUNGO SA
PANANALIKSIK, MMRC Publication, Caloocan City, 2005
http://www.edubook.com/ )
http://www.deped-als.com/2014/09/