You are on page 1of 9

PAKIKINIG

A. Kahulugan

Isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring

pandinig at pag-iisip. (Bernales, 2000).

Isang aktibong proseso na nagbibigay daan sa indibibwal upang pag-isipan, pagnilay-

nilayin, analisahin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salita.

B. Kahalagahan

1. Pagtamo ng karunungan at impormasyon

2. Katulong sa pakikisangkot at pakikisalamuha

3. Nagbibigay ng kaligayahan at kawilihan

Kailangang matuto ang isang tao sa epektibo at kritikal na pakikinig upang magkaroon

ng:

1. Karunungan

2. Impormasyon

3. Pakikisangkot

4. Kawilihan

5. Kaligayahan

Ayon kay Sigbad (1979) 60% ng pang-araw-araw na gawain ay pakikinig at ¼ hanggang

1/3 nito ay kaagad na nakakalimutan pagkatapos makita o marinig.

C. Proseso
1. Pagtanggap ng mensahe – tainga

2. Pagtuon ng atensyon sa tinanggap na mensahe – pagmamasid sa di-verbal cues

3. Pagbibigay-kahulugan sa mensahe – dating kaalaman at karanasan

4. Pagmememorya – pagtanda at paggunita sa mensaheng tinanggap

6. Ebalwasyon- pagtitimbang ng tagapakinig sa kanyang napakinggan

5. Pagtugon sa mensahe – reaksyon o sagot; direktang ugnayan sa isa’t isa

D. Layunin ng Pakikinig

1. Para malibang

- di-nangangailangan ng masusing pakikinig

- Hal. dula sa radio, telebisyon at iba pang palabas

- masayang pakikipagkwentuhan sa kaibigan at kakilala

2. Makapagnilay-nilay o makapag-isip

- tungkol sa sarili, mga karanasan sa buhay

- hal. sermon ng pari/pastor

3. Makalikom ng mga impormasyon/kaalaman

- buong atensyon

- hal. pakikipanayam, seminar o mga lektyur ng guro sa klase

- maunawaan at matandaan ang mga kaalamang ibinibigay ng nagsasalita

4. Magsuri

- humihingi ng ideya, opinion o reaksyon

- hal. talakayan, debate o pagtatalo

E. Antas ng Pakikinig
1. Apresiyativ na pakininig

- gamitin ito sa pakikinig upang maaliw

- hal. awit sa radio, konsyerto

2. Pakikinig na diskriminatori

- kritikal na pakikinig

- ginagamit ito para sa organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan

- inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga impormasyon kanyang

napakinggan

3. Mapanuring pakikinig

- selektiv na pakikinig

- mahalaga rito ang konsentrasyon

- bukod sa pag-unawa, ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at

gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu sa antas na ito

4. Implayd na pakikinig

- tinutuklas ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig

- ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam ng tagapakinig sa level na ito

5. Internal na pakikinig

- pakikinig sa sarili

- pinagtutuunan ang pribadong kaisipan ng isang indibidwal na pilit niyang

inuunawa at sinusuri

F. Mga Uri ng Tagapakinig

Image result for eager beaver na tagapakinig halimbawa


1. Eager Beaver

- ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang

harapan

- makikita sa kanyang mata ang kawalan ng focus kahit pilit ang pagpapanggap

niya na siya ay masugid na nakikinig

- pilit niyang pinapaniwala ang iba na siya ay mabuting tagapakinig

2. Sleeper

- nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid

- walang siyang tunay na intensyong makinig

- naiinis siya kapag may nag-iingay

- dahan-dahan niyang ipipikit ang kanyang mga mata habang inihihilig ang ulo at

naglalakbay sa daigdig ng panaginip

3. Tiger

- laging handang magreak sa anumang sasabihin ng nagsasalita

- lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat

pagkakamali ay para siyang tigre na susugod at mananagpang

4. Bewildered

- kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig

- kapansin-pansin sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong

pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig

5. Frowner

- waring lagi na lang may tanong at pagdududa

- makikita sa kanyang mukha ang pagiging atentibo, ngunit ang katotohanan,

hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari

6. Relaxed

- problema siya sa isang tagapagsalita

- nakikita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig

- madalas nauupo siyang para bang nasa sala ng sariling bahay


- walang makikitang iba pang reaksyon mula sa kanya. Positibo man o negatibo

7. Busy Bee

- isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig

- abala siya sa ibang Gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi,

pagbabasa, pagsusuklay at iba pang Gawain na walang kaugnayan sa pakikinig

8. Two-eared listener

- pinakaepektibong tagapakinig

- nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga maging ang kanyang

utak

- lubos ang partisipasyon niya sa gawaing pakikinig

- objektiv ang reaksyon niya sa mensaheng kanyang naririnig

- makikita rin sa kanya ang kawilihan sa pakikinig

- siya ang uri ng tagapakinig na dapat tularan ng lahat

G. Mga Uri ng Pakikinig

1. Di-aktibong pakikinig o passive na pakikinig

- di-gaanong binibigyan ng matamang pagtuon ng atensyon

- maaaring magbigay ng tugon o hindi

- isinasabay sa iba pang Gawain

2. Masigasig o matamang pakikinig

- maunawaan nang lubos ang nilalaman usapan, ang mahalagang detalyeng

Binabanggit

3. Kritikal na pakikinig

- masuri o ma-evalweyt ang kawastuhan at katotohanan ng mensaheng


napakinggan

4. Masaya o malugod na pakikinig

- musika, dula, kwento

H. Mga Elementong Nakakaimpluwensya sa Pakikinig

1. Oras

2. Tsanel – daluyan ng tunog

3. Edad – bata at matanda

4. Kasarian – babae/lalaki

- babae – mapalabok

- lalaki – maikli at tuwiran

5. Kultura – hal. maingay na pagnguya

6. Konsepto sa sarili

7. Kapaligiran/pook at kalagayan ng nakikinig

- lugar

- panahon

- kalagayan ng nakikinig

8. Kakayahan at katangian ng tagapagsalita

- tinig

- paraan ng pagsasalita

- tindig

- personalidad

9. Kakayahan at katangian ng tagapagsalita

- pangkalusugan at pangkaisipan

10. Konsentrasyon sa pakikinig

- buo ang kalooban

- may malinaw na layunin


I. Mga Sagabal sa Pakikinig

1. Suliraning eksternal

- mga distraksyong awral tulad ng ingay na likha ng bel, makina o malakas na

usapan

- mga problema sa pasilidad tulad ng di-komportableng upuan, ang labis na

mainit o malamig na temperature sa silid

2. Suliraning mental

- preokupasyon o pag-iisip ng ibang bagay tulad ng mga problema o

pangangarap ng gising

- pananakit ng ulo at kakulangan sa pag-iisip

3. Iba pang tanging salik

- labis na pagiging mahirap o kompleks ng isang konsepto o labis na kadalian

niyon na maaaring kawalan ng interes ng tagapakinig

- lubos na magkasalungat na opinion ng nagsasalita at tagapakinig

- distraksyong biswal tulad ng manerismo at anyo ng nagsasalita

J. Mga Paraan Upang Maging Epektibong Tagapakinig

1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan.
2. Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe.

3. Ipagpaliban hangga’t maaari ang iyong mga paghuhusga.

4. Kontrolin ang mga tugong emosyonal sa mga naririnig.

5. Pagtuunan ang mensahe.

6. Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.

7. Patapusin ang kausap.

K. Kasanayang Nakatutulong sa Mabisang Pakikinig

1. Paglalagom

- pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda

- higit na maikling paraan

- pananalitang higit na madaling unawain kaysa orihinal

- katulad nito ang pagbubuod

2. Pagtatala (talumpati at panayam)

- dumalo na handa ang lahat ng kailangang kagamitan

- huwag magmamadali sa pagsulat sa naririnig

- ihanay habang nakikinig, sang-ayon sa kung iyon ay pamunong kaisipan

lamang

- kumukuha ng tala sa panayam o talumpati ang paggamit ng sariling

pamamaraan ng pinaikling pagsulat

3. Iba pang kasanayan

- pagkuha ng mensahe sa akdang napakinggan

- aral sa pabula at parabola

- mensahe ng awitin

- sunud-sunud na pagtatala sa mga pangyayari sa maikling kwento


Mga Sanggunian

Atienza, O., Papa, N. & Sauco, C. (1998). Retorikang Filipino: pang-antas tersyaryo.

Quezon City: Katha Publishing Co., Inc.

Belvez, P. et al. (1990). Gamiting Filipino pagbasa at komposisyon (binagong ed.). Quezon

City: Rex Printing Co., Inc.

Bernales, R. et al. (2002). Komunikasyon sa makabagong panahon. Valenzuela City: Mutya

Publishing House, Inc.

Garcia, L. et al. (2006). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Cabanutuan City: Jimcy

Publishing House.

Pagkalinawan, et al. (2004). Filipinno I: komunikasyon sa akademikong Filipino. Valenzuela

City: Mutya Publishing House, Inc.

Tanawan, et al. (2004). Sining ng mabisang komunikasyon. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc.

https://laudenciajenifer.blogspot.com/2015/03/pakikinig-
a.html?m=1&fbclid=IwAR15cJkpy2QM5wOono0BzyG1iR9ixdO6HZy43OhY4D7oIw6Np4M8EnQX
8mw

You might also like