You are on page 1of 7

MSU-Buug Campus

FIL128: Makrong Kasanayan sa Pagtuturo ng WIka REVIEWER/LECTURES

MGA MAKRONG KASANAYAN

1. PAKIKINIG
2. PAGSASALITA
3. PAGBASA
4. PAGSULAT

PANIMULA:
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng
pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na
pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging
tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang gawain upang
iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng
maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.

A. Makrong Kasanayan sa Pakikinig

KAHULUGAN NG PAKIKINIG
• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito
dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang
kanyang napakinggan.
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay
nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli.
Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga
tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

Kahalagahan ng Pakikinig
• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas
gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa
talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.

45% ay nagagamit sa pakikinig


30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig


• Alamin ang layunin sa pakikinig
• Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
• Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
1
MSU-Buug Campus
FIL128: Makrong Kasanayan sa Pagtuturo ng WIka REVIEWER/LECTURES

• Maging isang aktibong kalahok


• Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita
• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
• Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

MGA URI NG PAKIKINIG


1. Deskriminatibo
Layunin;
• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
• binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.

2. Komprehensibo
Kahalagahan:
• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
3. Paglilibang
Layunin:
• upang malibang o aliwin ang sarili
• ginagawa para sa sariling kasiyahan
4. Paggamot
Kahalagahan: matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa
hinaing o suliranin ng nagsasalita.
5. Kritikal
Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan

Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig


1. Edad o gulang - Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang
kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.
- Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila
kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang
kahinaan na ng kanilang pandinig.
2. Oras - Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling-
araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan. May mga oras na de-peligro
rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga
tagapakinig. Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
3. Kasarian - Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae. Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa
kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. Ang mga
babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na
mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
4. Tsanel - Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone,
telepono, mikropono, radyo atbp. Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap
kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
5. Kultura - Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang
pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero
magkaiba ng kultura. Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang
2
MSU-Buug Campus
FIL128: Makrong Kasanayan sa Pagtuturo ng WIka REVIEWER/LECTURES

tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at
magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
6. Konsepto sa sarili - ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa
sinasabi ng tagapagsalita. Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay
maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.
7. Lugar - Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang
tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig
ng mga tagapakinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Eager Beaver - Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan,
ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
• Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong
makinig.
• Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa
bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang,
• Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang
pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga
naririnig.
• Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang
pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang
hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
• Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig.
Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o
negatibo.
• Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang
gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
• Two-eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi
maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan
sa pakikinig.

MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG


❖ Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin
❖ Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya
❖ Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan
❖ Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita
❖ Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig
❖ Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa
pamamagitan ng masusing pakikinig

MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG


➢ ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan
➢ ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig
➢ hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

MGA HADLANG SA PAKIKINIG


• Pagbuo ng maling kaisipan
• Pagkiling sa sariling opinion
• Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
• Pisikal na dahilan
3
MSU-Buug Campus
FIL128: Makrong Kasanayan sa Pagtuturo ng WIka REVIEWER/LECTURES

• Pagkakaiba ng kultura
• Suliraning pansarili

B. Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Kahulugan ng Pagsasalita
• Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
• Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng
mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita


• Kaalaman
• Kasanayan
• Tiwala sa Sarili

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita


▪ tinig
▪ bigkas
▪ tindig
▪ kumpas
▪ kilos

Limang Kasanayan sa Pagsasalita

Pakikipag-usap
pakikipanayam
pagkatang talakayan
pagtatalumpati
pakikipagdebate
C. Makrong Kasanayan sa Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na
sagisag ng mga kaisipan.
• Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at
simbolong nakalimbag sa pahina.
• Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
• Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na
harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.
• Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at
pag-iisip.

4
MSU-Buug Campus
FIL128: Makrong Kasanayan sa Pagtuturo ng WIka REVIEWER/LECTURES

• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at krunungan. Ito’y isang aliwan,
kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:


• may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan
• may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng
panahon
• may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman

Apat na hakbang ng pagbasa: Ayon kay William Gray “Ama ng Pagbasa”


• Ang pagbasa sa akda
• Ang pag-unawa sa binasa
• Ang reaksyon sa binasa
• Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman

Layunin sa Maunlad na Pagbasa

• Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa


• Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa
• Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang larangan tulad ng sining,
agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities.
• Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat
• Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan, paaralan at aklatan.
• Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga sa mga binabasa.
• Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.

MGA URI NG PAGBASA


Mabilisang pagbasa – (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa
upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din
itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat
• pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key word)
• pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman
Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri
ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at
mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy &
sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.
Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit
ditto ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-
iisip.
Pamumunang Pagbasa (Critical reading) - Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda.
Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula,
katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na
salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang
paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na
lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
5
MSU-Buug Campus
FIL128: Makrong Kasanayan sa Pagtuturo ng WIka REVIEWER/LECTURES

Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na
panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.
- Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at
pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

Limang dimensyon sa pagbasa


1. Pag-unawang literal
2 Pagbibigay ng Interpretasyon
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
4. Paglalapat o Aplikasyon
5. Pagpapahalaga

D. Makrong Kasanayan sa Pagsulat

Kahulugan ng Pagsulat
• Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na
pumapasok sa ating isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
• kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
• Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
• Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran,
gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito.
Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan
sa buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat
1. Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili,
matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung
nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
2. Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng
sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal,
magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
3. Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating
sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n
gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
4. Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-
unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang
sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na
pamaraan ng pagsulat.

Mga Bahagi ng Pagsulat


6
MSU-Buug Campus
FIL128: Makrong Kasanayan sa Pagtuturo ng WIka REVIEWER/LECTURES

Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon

You might also like