You are on page 1of 7

Fil 18- PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA

I. PAKIKINIG
II. PAGSASALITA
III. PAGBASA
IV. PAGSULAT
V. PANONOOD

Panimula
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di- berbal, ang kanyang
kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag- ankin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa
isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang
pangwika. Ang kasanyang pangwika ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang
mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.

Paano nalilinang ang mga kasanayang pangwika?


 Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag- iisip na ang kasanayan sa paggamit
ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa
kung mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag- aaral na makipagtalastasan sa
kanilang mga kaklase. Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag- unlad
ng wika ay iyong kung saan ang mga mag- aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga
personal na ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro, mga
awtor, at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
 Sa Pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag- aaral ang iba’t- ibang
makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring
bigyan sila ng maraming babasahin aklat, palikhain ng mga tula at pasulatin ng maikling dula,
pagguhitin ng magagandang tanawin- lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na
pundasyon sa pagkakaroon ng mag- aaral ng isang maunlad na wika.

MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG


- Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pakikinig at pag- iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay- daan ito sa isang tao na pag- isipan,
tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
 Nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa
 Isang kompleks na proseso kung saan ginagawa ng ating isipan na lapatan ng
pagpapakahulugan ang anumang pagsasalitang napakinggan(Wolvin at Coakley,
1979)
 Isang masalimoot na kasanayan dahil dumaraan sa ganitong proseso:
1. Tatanggapin ang mensahe.(resepsyon)
2. Pagtutuunan ng atensyon ang tinanggap na mensahe.
3. Bibigyan ng kahulugan ang mensahe.(persepsyon/ komprehensyon)
4. Tatandaan ang mensahe.(schema)
5. Tutugon sa mensahe. (feedback)

Kahalagahan ng Pakikinig

 Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa


tuwirang pagbabasa.
 Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng
mabuting palagayan.
 Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrsyon sa pag- unawa, pagtanda o paggunita sa
narinig.
 Sa pag- aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa
pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang making kaysa sa magsalita.
 Lalo na ang mga mag- aaral sa loob ng silid- aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan
ng guro at kapwa mag- aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.

45% ay nagagamit sa pakikinig


30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig


 Alamin ang layunin sa pakikinig
 Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
 Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
 Maging isang aktibong kalahok
 Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita
 Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
 Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

MGA URI NG PAKIKINIG


A. Deskriminatibo
Layunin:
 matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di- pasalitang paraan ng komunikasyon;
 binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya
kumikilos habang nagsasalita.
B. Komprehensibo
Kahalagahan:
 Maunawaan ang kabuuan ng mensahe
 Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kaniyang pinakikinggan.
C. Paglilibang
Layunin:
 Upang malibang o aliwin ang sarili
 Ginagawa para sa sariling kasiyahan
D. Paggamot
Kahalagahan:
 Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa
pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita
E. Kritikal
Layunin:
 gumagamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag- aanalisa o
pagsusuri sa paksang narinig
 Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
 Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan.

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG


 Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil
masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pag- unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil
sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdaman nila sa katawan bunga ng kanilang
katandaan, katulad ng pag- atake ng rayuma at ang kahinaan na ang kanilang pandinig.
 Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.

 Ang isang tagapakinig na tawagan sa hating-gabi o sa madaling- araw ay di kasing


linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.
 May mga oras na de- peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam
na malapit na sa oras ng tanghalian ay di narin epektibo sa mga tagapakinig.
 Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga
estudyanteng panghapon.
 Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae
 Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy
masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo
para sa kanila kaya hindi pinakikinggan ang paksang may pansarili silang interes.
 Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ang
mga ito sa pagbibigay ng paliwanag.
 Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil
madali silang mainip.
 Tsanel
 Paggamit ng instrument sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radio atbp.
 Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ang personal na pakikipag- usap
kaysa sa paggamit ng instrument dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din
ang kanyang emosyon.
 Kultura
Ang pagkakaiba- iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di- mabuting
kawilihan sa pakikinig.
 Ang pananalangin n gating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating
mga Kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.
 Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang
nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang
nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag
tapos na itong magsalita.
 Konsepto sa saliri
 Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maaari niyang magamit sa pagkontra
o pagsang- ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
 Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng
kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di- mabuting katapusan.
 Lugar
 Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng
level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.
 Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang
makinig ng mga tagapakinig.

MGA URI NG TAGAPAKINIG


 Eager Beaver
- Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa
kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang
malaking tanong.
 Sleeper
- Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang
tunay na intensyong makinig.
 Tiger
- Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at
mananagpang.
 Bewildered
- Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig.
Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o
pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
 Frowner
- Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang
kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang
niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag- paimpres.
 Relaxed
- Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang- kita sa kanya ang kawalan ng
interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang
iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
 Busy Bee
- Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya
nakikinig, abala rin siya sa ibang Gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa
katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kauganyan sa pakikinig.
 Two- eared Listener
- Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang
tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng
pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG


 Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin.
 Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya
 Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan
 Mawawala ang puwang ng di- pagkakaunawaan o di- pagkakasunduan kung nakikinig sa
bawat nagsasalita.
 Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig.
 Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masusuri at
maaanalisa ang mga kaninaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig.
MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG
 Ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan
 Ang mga marurunong lamang daw ang mahuhusay makinig.
 Hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig
MGA HADLANG SA PAKIKINIG
 Pagbuo ng maling kaisipan
 Pagkiling sa sariling opinyon
 Pagkakaiba- iba ng pakahulugan
 Pisikal na dahilan
 Pagkakaiba ng kultura
 Suliraning Pansarili
MAKRONG KASANAYAN SA PAGSASALITA
 Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya,
paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.
 Pag- uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang
kinakausap.

KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
 Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
 Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawa ng mga tao
 Nakapag- aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
 Naibubulaslas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang
panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa
pagpapatupad ng mga ito.

MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA


 Kaalaman
 Kasanayan
 Tiwala sa Sarili

MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA


 Tinig
 Bigkas
 Tindig
 Kumpas
 Kilos

LIMANG KASANAYAN SA PAGSASALITA


 Pakikipag-usap
 Pakikipanayam
 Pangkatang talakayan
 Pagtatalumpati
 Pakikipagdebate

PAKIKIPAG- USAP
- Sa pakikipag- usap kinakailangang isaalang- alang ang:
1. Kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t- isa
2. May matapat na layunin sa pakikipag- usap
3. Sa pakikipag- usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa sa
alinman sa nag- uusap
4. Ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag- uusap
5. Ang pag- uusap ay likas, bukal at kusang- loob

PAKIKIPANAYAM (Interbyu)
 Mga dapat tandaan sa pakikipag- ayos/ pagsasagawa ng pakikipanayam:
 Pakikipagtipan sa kakapanayam, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwang sa
kakapanayamin
 Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa
 Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin
 Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras.
 Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan
 Iwasan ang pagtatanong na makaka- offend sa kinakausap at mga katanungang sinasagot n
goo o hindi lamang
 Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu.

PANGKATANG TALAKAYAN
- Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan:
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik
3. Huwag lilihis sa paksang pinag- uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan
4. Magkaroon ng bukas na isipan
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag- iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng
higit na nakararami
6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag- alit sa mga kasama.

PAKIKIPAGDEBATE O PAGTATALO
- Tungkol sa pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban

- Tungkol sa pagtatanong
a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita
b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita
c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong

URI NG TALUMPATI
 Impromptu
- Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda.
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati:
 Maglaan ng oras sa paghahanda
 Magkaroon ng tiwala sa sarili
 Magsalita nang medyo mabagal
 Magpokus sa paksa habang nagsasalita

 Extemporaneous
- Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas.
Mga itinakdang konsidersyon para sa extempore:
 Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan
 Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati

 Pinaghandaang talumpati
- Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati, may paghahanda at
kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.
Pagbasa ng papel sa panayam o kumprehensya
- Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumprehensya, ang pag- oorganisa
ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan, at wakas/ konklusyon ay dapat na
magkakaugnay at may kaisahan.

KAHINAAN SA PAGTATALUMPATI
1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa maraming tao.
2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig
3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang
binibitiwan.
4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng
mananalumpati.
MGA MUNGKAHI KUNG PAANO MAKAPAGSALITA NG MAAYOS SA HARAP NG
MADLA:
 Magkaroon ng positibong pananaw, isipang kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipan
ding hindi nag- iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang Segundo o
minute ng pagsasalita.
 Magtiwala sa sarili, isiping may may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
 Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at
kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto
ay maaari ring magtagumpay.
 Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.
 Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi
mo susubukan.
 Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa
malalaking madla.
 Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga.
 Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.

You might also like