You are on page 1of 18

Kabanata 2 Makrong Kasanayang Pangwika

2.1 Panimula
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang
kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa
pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag
tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang
kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng
isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang
makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan
sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng
magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
2.2 Makrong kasanayan sa Pakikinig

Kahulugan ng pakikinig

• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring


pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan,
tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng
ay
uli

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 1 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may
ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na
ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

Kahalagahan ng Pakikinig

• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa


tuwirang pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng
mabuting palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o
paggunita sa narinig.
• Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa
pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo
na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng
guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sakanila

45% ay nagagamit sa pakikinig


30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig

• Alamin ang layunin sa pakikinig


• Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
• Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
• Maging isang aktibong kalahok
• Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita
• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 2 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
• Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

Mga uri ng Pakikinig

• Deskriminatibo
o Layunin;
o matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
o binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya
kumikilos habang nagsasalita.

• Komprehensibo
o Kahalagahan:
o Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
o Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
• Paglilibang
o Layunin:
o upang malibang o aliwin ang sarili
o ginagawa para sa sariling kasiyahan
• Paggamot
o Kahalagahan: matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o
makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
• Kritikal
o Layunin:
o gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o
pagsusuri sa paksang narinig.
o Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
o Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan

Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

• Edad o gulang - Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag
dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-
unawa.

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 3 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
• Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig
hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga
ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang
pandinig.
• Oras - Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tawagan
sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na
gising na ang kanyang kamalayan. May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang
isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo
sa mga tagapakinig. Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong
tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
• Kasarian - Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae. Ang mga lalaking
tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at
maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi
pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang
interes. Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran
ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa
pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
• Tsanel - Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp. Epektibo pa ring
tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit
ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang
emosyon.
• Kultura - Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-
mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay
iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.
Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang
nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 4 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong
magsalita.
• Konsepto sa sarili - ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit
sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita. Ang sariling pagpapakahulugan
ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa
mabuti o di-mabuting katapusan.
• Lugar - Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas
ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at
magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga
tagapakinig.

Mga Uri ng Tagapakinig

• Eager Beaver - Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may
nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay
isang malaking tanong.
• Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala
siyang tunay na intensyong makinig.
• Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang
sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod
at mananagpang,
• Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa
naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 5 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
• Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos
ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang
niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
• Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang -kita sa kanya ang
kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang
makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
• Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya
nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi,
pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
• Two-eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi
lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya
sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

Mga Kabutihang maidudulot ng aktibong pakikinig

• Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na


damdamin
• Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya
• Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan
• Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa
bawat nagsasalita
• Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig
• Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at
maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 6 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
Mga maling paniniwala sa pakikinig

• ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan


• ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig
• hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

Mga hadlang sa pakikinig

• Pagbuo ng maling kaisipan


• Pagkiling sa sariling opinion
• Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
• Pisikal na dahilan
• Pagkakaiba ng kultura

2.3 Makrong Kasanayan sa Pagbasa

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa


• Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
• Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin
at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
• Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang
panahon.
• Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa
buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.
• Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang
binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.
• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran
at krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin
at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 7 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:
• may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan
• may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw
niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon
• may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at
pagkabagot na nararamdaman
Apat na hakbang ng pagbasa: Ayon kay William Gray “Ama ng Pagbasa”
• Ang pagbasa sa akda
• Ang pag-unawa sa binasa
• Ang reaksyon sa binasa
• Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng
dating kaalaman
Layunin sa Maunlad na Pagbasa
• Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa
• Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa
• Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa
iba’t ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities.
• Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at
pagsulat
• Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral
sa tahanan, paaralan at aklatan.
• Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at
pagpapahalaga sa mga binabasa.
• Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa
Mga uri ng pagbasa
Mabilisang pagbasa – (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang
tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 8 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong
pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat
• pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key
word)
• pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman
Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang
kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na
paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga
paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong nanalo
sa swipstiks, lotto atbp.
Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing
pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang
kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.
Pamumunang Pagbasa (Critical reading) - Dapat na matiyak ng mambabasa na
naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda
ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan
(nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga
pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang
kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang
ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng
bumabasa ng teksto.
Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong
pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga
tagapakinig.

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 9 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng
guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng
pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.
- Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang
nabasa ay ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan
ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

Limang dimensyon sa pagbasa


1. Pag-unawang literal
2 Pagbibigay ng Interpretasyon
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
4. Paglalapat o Aplikasyon
5. Pagpapahalaga

2.4 Makrong Kasanayan sa Pagsasalita


Kahulugan ng Pagsasalita
• Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya,
paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.
• Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang
kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 10 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang
panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad
ng mga ito.
Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita
• Kaalaman
• Kasanayan
• Tiwala sa Sarili
Mga kasangkapan sa Pagsasalita

1. Tindig
Dapat tumindig nang maginhawa at maluwag ang nagsasalita. Maging anyong kagalang-
galang at maginoo. Tuwid ang katawan at ulo sa paglakad sa entablado.
2. Kumpas
Nakatutulong ito upang maihatid nang maayos ang mensahe. Maaaring gamitin ang
buong katawan kung gumagalaw sa entablado at maaari rin namang bahagi ng katawan
lamang.
3. Ekspresyon ng Mukha
Ito ang nagsisilbing hudyat sa mga tagapakinig upang malaman ang emosyon ng
nagsasalita. Siguraduhing ang salitang binibigkas ay angkop mga ekspresyon ng mukha.

4. Tinig o Boses
Ito ang pinakaimportanteng kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Nakapaloob dito ang
wastong paggamit ng mga sangkap sa pagsasalita at wastong paghinga upang
makatulong sa pagkakaroon ng angkop at natural na tinig.

2.5. Makrong Kasanayan sa Pagsulat

Kahulugan ng Pagsulat

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 11 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
• Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang
maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng
pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa
ating isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
• kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit
na kompetisyon sa ngayon.
• Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala
ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil
ito ay bahagi ng pananagumpay.
• Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon,
paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom
ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.

Layunin ng Pagsulat

1. Informativ na Pagsulat
➢ naghahangad na makapagbigay ng impormasyon maging ng makapagpaliwanag.
➢ Ang pangunahing focus ay ang mismong bagay na pinag-uusapan, kasama ang
report ng obserbasyon, ideya, istatistiks na makikita sa libro, teknikal, at
pangnegosyong report, at maging dyaryo at magasin.
2. Mapanghikayat na Pagsulat
➢ Kilala sa argumentative na pagsulat at persuasive na pagsulat kung saan ang
pangunahing naisin ay makumbinsi ang mambabasa ukol sa kanyang opinyon.
➢ Layunin nito na maimpluwensiyahan ang mambabasa at mabago ang paniiwala
nito pabor sa paniniwala ng may akda.
3. Malikhaing Pagsulat

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 12 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
➢ Layunin na manlibang, magbigay inspirasyon, pag-asa at madala ang mambabasa
sa daigdig ng pantasya, kababalaghan, katotohanan at likhang-isip lamang.
Hal. tula, maikling kwento, nobela, dula

Uri ng Sulatin
Akademik
• Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel,
term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.
• Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas
at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Teknikal
• Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.
• Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa
isang komplikadong suliranin
• Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang
pampangangalakal.
• Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science
at technology.
• Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.
Journalistic
• Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist.
• Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang
mababasa sa mga pahayagan at magazin.
Referensyal
• Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa.

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 13 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
• Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes.
Profesyonal
• Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon.
• Saklaw nito ang mga sumusunod:
1. police report – pulis
2. investigative report – imbestigador
3. legal forms, briefs at pleadings – abogado
4. patient’s journal – doktor at nurse
Malikhain
• Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.
• Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.
• Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng
mga mambabasa.
• Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.

MGA URI NG SULATIN AYON SA ANYO!


 Pasalaysay (Narration)
❑ pagpapahayag na naglalayong maghayag ng sunod-sunod ng isang pangyayari, may
tauhan at may tagpuan
 Palarawan (descriptive)
❑ pagpapahayag na naglalayong magsaaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay,
pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga bagay-bagay, pook, tao o
pangayayari
 Panghihikayat (Persuasive)

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 14 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
❑ pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiaayon o tanggapin ang
pananaw ng manunulat

Mga Dulog sa Pagdedebelop ng mga kasanayan sa pagsulat

 Kontroladong Pagsulat
➢ Ito’y binubuo ng mga gawain sa pagsulat na maglalaan sa mga mag -aaral ng iba’t
ibang pagsasanay sa pagsulat ng mga pangungusap o talata na walang kamalian.
➢ Kabilang sa mga teknik na ginagamit ay ang substitution table, tumbasang
pagsulat, tanong at sagot, pagbuo ng mga pangungusap at padikta.
 Padiktang Pagsulat
➢ Naghahantad sa mga mag-aaral ng iba’t ibang halimbawa o modelo ng kayarian
ng mga pangungusap at maayos na pagbubuo ng teksto.
➢ Nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbaybay at paggamit ng iba’t
ibang bantas.
 Pinatnubayang Pagsulat
➢ Mas higit ang input ng mga mag-aaral kaysa sa guro
➢ Ang konteksto at anyo ng mga pangungusap ay hindi kailangang itakda ng guro
ngunit maaaring likhain ng tulong-tulong ng buong klase bilang isang gawain bago
sumulat.
 Malayang Pagsulat
➢ Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat.
Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtatalakay, pagbabasa,
pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin.
Hakbang sa pagsulat ng komposisyon

 Pagtuklas

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 15 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
➢ Napapaloob ang mga gawaing kinasasangkutan ng mga pandama, kaisipan,
damdamin at karanasang makatutulong sa mga mag-aaral na umisip at tumuklas
ng mga paksa at ideyang isusulat.
 Paghubog
➢ Dito pumapasok ang mga gawaing makatutulong sa mga mag-aaral na matiyak ang
nilalaman at anyo ng pagsulat na gagawin.
 Pagsulat ng Burador
➢ Aktwal na pagsulat
 Pakikibahagi
➢ Pagbabahagi ng mga mag-aaral ng kanilang napiling paksa, natuklasang ideya at
naisulat na burador.
 Pagsasaayos
➢ Pagwawasto ng burador, muling pagsusuri ng mga kaisipan at pagsulat ng orihinal.
 Paglalathala
➢ Pinakahuling hakbang na sumasaklaw sa paglalahad ng mga nalikhang sulatin,
basahin ito sa klase, ibigay na sa guro o sa pahayagang pampaaralan.

Mga Teorya ng Pagsulat

 Teoryang Romantiko
➢ Nakapokus ang teoryang ito sa ekspresibong nilalaman o pagtatangka ng
manunulat na gamitin ang wika sa paglalantad ng katotohanan.
➢ Tinatawag din itong “sariling pagtuklas” dahil nakakatuklas ito ng mga ideyang sa
proseso ng pagsulat
➢ Itinuturing nitong magkaibang proseso ang pagwawasto at muling pagsulat

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 16 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
 Teoryang Kognitib
➢ Saklaw ng teoryang ito ang serye ng mga estratehiya sa pagbuo ng desisyon,
pagpaplano ng teksto, pagsasalin ng plano sa pangungusap at pagrerebisa ng mga
tekstong nalikha.
 Teoryang Sosyal
➢ Nilalayon nitong maturuan ang mga mag-aaral kung paano magsulat para sa iba’t
ibang awdyens o mambabasa
➢ Taglay ng teoryang ito ang pokus gayundin ang pokus kumbersesyunal.

Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming
pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang
pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong
mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat
1. Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y
may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay
sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang
kanyang sarili sa paksa.
2. Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at
pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag
magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal,
magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at
telebisyon.
3. Paghugis (Shaping)

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 17 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating
paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan
sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
4. Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay
nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang
burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan
ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at
tumpak na pamaraan ng pagsulat.

Pagtuturo at Pagtataya ng makrong Kasanayang Pangwika


Page 18 of 18
Module

USMKCC-COL-F-050

You might also like