You are on page 1of 63

GROUP 4

ANG PAGTUTURO
NG MAKRONG
KASANAYANG
PANGWIKA
PAANO
NALILINANG ANG
MGA KASANAYANG
PANGWIKA?
APAT NA MAKRONG KASANAYANG
PANGWIKA

PAGSASALITA PAGSULAT

PAKIKINIG PAGBASA
A. Makrong Kasanayan sa Pakikinig

KAHULUGAN NG PAKIKINIG

Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng

mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at

pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang

tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan

at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.


Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais
ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring
pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo
ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na
nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan
sa auditory nerve patungo sa utak. • Ang sensoring
pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo
ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na
nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan
sa auditory nerve patungo sa utak.
Kahalagahan ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng

pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang

pagbabasa. • Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang

ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng

mabuting palagayan. .
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa,
pagtanda o paggunita sa narinig.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa


pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya
ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng
silid- aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa
mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. 45% ay nagagamit sa
pakikinig 30% ay sa pagsasalita 16% ay sa pagbabasa 9% naman sa
pagsulat
Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig

• Alamin ang layunin sa pakikinig • Magtuon ng

matamang pansin sa pinakikinggan • Alamin ang

pangunahing kaisipan sa pinakikinggan • Maging isang

aktibong kalahok • Iwasang magbigay ng maagang

paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita


• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig • Tandaan
ang mga bagay na nakita at napakinggan
MGA URI NG PAKIKINIG

Deskriminatibo

Ang layunin ng deskriminatibo ay;

• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang

paraan ng komunikasyon

• binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng

tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang

nagsasalita.
MGA URI NG PAKIKINIG

Komprehensibo

Kahalagahan ng Komprehensibo;

• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.

• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng


kanyang pinakikinggan.
MGA URI NG PAKIKINIG

Paglilibang
Ang layunin ng paglilibang ay;

• upang malibang o aliwin ang sarili

• ginagawa para sa sariling kasiyahan


MGA URI NG PAKIKINIG

Paggamot
Ang kahalagahan ng paggamot ay;

• matulungan ng tagapakinig ang


nagsasalita na madamayan o makisimpatiya
sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o
suliranin ng nagsasalita
MGA URI NG PAKIKINIG

Kritikal
Ang layunin ng Kritikal ay;

• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na


pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig

. • Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig

• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan


Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Edad o gulang

Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang

pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa

kanilang kakulangan sa pang-unawa. Sa mga may edad na o

matatanda na hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil

sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa

katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng

rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig.


Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Oras

Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig;

*Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling-

araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising

na ang kanyang kamalayan

.
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Oras

* May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay

ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa

mga tagapakinig.

*Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong

tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon..


Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
Kasarian

Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae;

* Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita

dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o

ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi

pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang

may pansarili silang interes.


Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
Tsanel

* Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong

upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo

atbp.

*Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal

na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na

masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.


Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
Kultura

Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-

mabuting kawilihan sa pakikinig;

*Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa

pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero

magkaiba ng kultura.
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
Kultura

*Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at

sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon

namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang

tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong

magsalita.
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
Konsepto sa sarili

*ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang

magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng

tagapagsalita.

* Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang

naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti

o di-mabuting katapusan.
Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
Lugar

* Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at

nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig

ng isang panayam

* Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis

at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.


MGA URI NG TAGAPAKINIG

TIGER- Siya ang


EAGER BEAVER- Siya ang
tagapakinig na laging
tagapakinig na ngiti nang
handang magbigay ng
ngiti o tangu nang tango
reaksyon sa anumang
habang may nagsasalita sa
kanyang harapan, ngunit sasabihin ng
kung naiintindihan niya ang tagapagsalita upang sa
kanyang naririnig ay isang bawat pagkakamali ay
malaking tanong parang tigre siyang
susugod at
SLEEPER- Siya ang tipo mananagpang
ng tagapakinig na
nauupo sa isang tahimik
na sulok ng silid. Wala
siyang tunay na
intensyong makinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG

BEWILDERED- Siya ang


tagapakinig na kahit na FROWNER- Siya ang tipo
anong pilit ay walang ng tagapakinig na wari bang
maiintindihan sa naririnig. lagi na lang may tanong at
Kapansin-pansin ang pagdududa. Makikita sa
pagkunot ng kanyang noo, kanyang mukha ang
pagsimangot at anyong pagiging aktibo, ngunit ang
pagtataka o pagtatanong totoo, hindi lubos ang
ang kawalan niya ng malay kanyang pakikinig kundi
sa kanyang mga naririnig isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay
lamang niya ay ang
oportunidad na
makapagtanong para
makapag- paimpres.
MGA URI NG TAGAPAKINIG

BUSY BEE- Isa siya sa


RELAXED- Isa siyang
pinakaaayawang
problema sa isang
tagapakinig sa anumang
nagsasalita. Paano’y
pangkat, hindi lamang
kitang-kita sa kanya ang
siya nakikinig, abala rin
kawalan ng interes sa
siya sa ibang gawain
pakikinig. Itinutuon ang
tulad ng pagsusulat,
kanyang atensyon sa
pakikipagtsismisan sa
ibang bagay at walang
katabi, pagsusuklay, o
makitang iba pang
anumang gawaing
reaksyon mula sa kanya,
walang kaugnayan sa
positibo man o negatib
pakikinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG

TWO EARNED-LISTENER- Siya ang


pinakaepektibong tagapakinig,
nakikinig siya gamit hindi lamang
ang kanyang tainga kundi maging
ang kanyang utak. Lubos ang
partisipasyon niya sa gawain ng
pakikinig. Makikita sa kanyang
mukha ang kawilihan sa pakikinig.
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG

*Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin
*Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya

*Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan

*Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di- pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat


nagsasalita

*Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig

*Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at


maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig
MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG

*ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan

* ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig hindi na raw
kailangang pagplanuhan ang pakikinig
MGA HADLANG SA PAKIKINIG
• Pagbuo ng maling kaisipan

• Pagkiling sa sariling opinion

• Pagkakaiba-iba ng pakahulugan

• Pisikal na dahilan

• Pagkakaiba ng kultura

• Suliraning pansarili
B. Makrong Kasanayan sa PAGSASALITA

KAHULUGAN NG PAGSASALITA

● Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang

kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng

paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

● Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang

nagsasalita at ang kinakausap


KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA
Mahalaga ang pagsasalita dahil;

• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita

• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao

• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig

• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa


kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at
istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG
PAGSASALITA

KAALAMAN TIWALA SA
1 3 SARILI

KASANAYAN
2
MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

TINIG TINDIG KILOS


1 3 5

KUMPAS
2 BIGKA 4
S
LIMANG KASANAYAN SA PAGSASALITA

PAKIKIPAG PANGKATANG-
1 -USAP 3 TALAKAYAN

PAKIKIPANAYA
PAKIKIPAGDEBATE
2 M 4

PAGTATALUMPATI
PAKIKIPAG-USAP

Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang:

1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa

2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap

3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa


sa alinman sa nag- uusap ang pagsasalita

4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-


uusap

5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob


PAKIKIPANAYAM (INTERBYU)
Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng pakikipanayam:

• Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa


kakapanayamin

• Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa

• Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin

• Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras

• Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan

• Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang


sinasagot ng oo o hindi lamang • Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng
interbyu
PANGKATANG TALAKAYAN

Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan

1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan

2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik

3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa


talakayan

4. Magkaroon ng bukas na isipan

5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng


higit na nakararami

6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama


PAKIKIPAGDEBATE O PAGTATALO

Tungkol sa pagtuligsa:

a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban

b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban

c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban

d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban


PAKIKIPAGDEBATE O PAGTATALO

Tungkol sa pagtatanong;

a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita

b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita

c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang


nagtatanong
TALUMPATI

Uri ng talumpati

Impromptu- Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na


paghahanda.

Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpat;

• Maglaan ng oras sa paghahanda

• Magkaroon ng tiwala sa sarili

• Magsalita nang medyo mabagal

• Magpokus sa paksa habang nagsasalita


TALUMPATI

Uri ng talumpati

Extemporaneous- Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na


kahandaan sa pagbigkas

Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore:

• Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan

• Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati


TALUMPATI

Uri ng talumpati

Pinaghandaang Talumpati-Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang


talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago
bigkasin ang talumpati.

Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya- Ito ang kasanayang pagsulat


ng papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang
pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay
at may kaisahan.
TALUMPATI

Kahinaan sa Pagtatalumpati;

1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa


maraming tao.

2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga


nakikinig

3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng


bawat salitang binibitiwan

. 4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang
sinasabi ng mananalumpati
Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos sa harap ng madla

• Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng


madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa
mga unang segundo o munuto ng pagsasalita.

• Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla

. • Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong
kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang
mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay.

• Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.


Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos sa harap ng madla

• Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng


karanasan kung hindi mo susubukan. •

Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat


hanggang sa malalaking madla.

• Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga.

• Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.


C. Makrong Kasanayan sa PaGBASA

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

• Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na

simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga

nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. • Ang pagbasa ay

pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng

pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at

simbolong nakalimbag sa pahina.


C. Makrong Kasanayan sa PaGBASA

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

• Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan

natipon ng daigdig sa mahabang panahon.

• Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay

nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay,

nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-

inaasahang suliranin sa buhay.


C. Makrong Kasanayan sa PaGBASA

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

•Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin

• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga

salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.

• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging

daan sa kabatiran at krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan,

pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang

karanasan sa buhay
Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan

*may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan

* may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid,


ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon

* may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at


pagkabagot na nararamdaman
Apat na hakbang ng pagbasa:

Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”,

• Ang pagbasa sa akda

• Ang pag-unawa sa binasa

• Ang reaksyon sa binasa

• Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at


ng dating kaalaman
Layunin sa maunlad na pagbasa

• Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa

• Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa

• Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil
sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o
humanities.

• Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at


pagsulat
Layunin sa maunlad na pagbasa

• Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-


aaral sa tahanan, paaralan at aklatan.

• Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng


pagtataya at pagpapahalaga sa mga binabasa.

• Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.


MGA URI NG PAGBASA
Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin.

A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan

1. Mabilisang pagbasa (skimming)


2. Pahapyaw na Pagbasa (scanning)
3. Pagsusuring pagbasa ( analytical reading)
4. Pamumunang pagbasa ( Critical reading)
5. Tahimik na pagbasa ( silent reading)
6. Pasalitang pagbasa ( oral reading)
7. Masinsinang Pagbasa
MAHALAGAANG KASANAYAN SA PAGBASA

*Pagkilala sa mga salita (word perception) Kakayahang umunawa sa iba’t ibang


kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas

*Pag-unawa (comprehension) Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang


sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.

*Pagpapahalagang literari (literary appreciation) may kakayahang umunawa at


pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.

*Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & dictionary skills)


May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang di-makita
o matagpuan
LIMANG DEMINSYON NG PAGBASA

1. Pag-unawang literal

2 Pagbibigay ng Interpretasyon

3. Mapanuri o kritikal na pagbasa

4. Paglalapat o Aplikasyon

5. Pagpapahalaga
D. Makrong Kasanayan sa Pagsulat
Kahulugan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang

kaalaman o mga ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng

mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay daan para maipahayag ng

mga tao ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal

na pamamaraan. Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na

aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin at

tunguhin.
ANO NGA BA ANG
KAHALAGAHAN NG
PAGSULAT?
PROSESO NG PAGSULAT

Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng


pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng
manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang
pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa
pakikipag-ugnayan sa buong mundo.
Mga Proseso ng Pagsulat

1. A. Bago Sumulat
2. B. Pagsulat ng Burador
3. C. Pagrebisa
4. D. Pag-Eedit
5. E. Paglalathala
MGA URI NG GAWAING PAGSULAT

Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating


pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o
bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum,
seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa
pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang
pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang
mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay
siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng
kathang pormal.
MARAMING
SALAMAT
PO!

You might also like