You are on page 1of 10

MAKRONG KASANAYAN

MAKRONG KASANAYAN PAGSULAT

KAHULUGAN NG PAGSULAT

-Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

- Naipapahayag ng isang indibidwal ang kaniyang damdamin at saloobin.

- Isang paraan upang maibsan at mailabas ang mabigat na damdamin.

PROSESO NG PAGSULAT

1. Panimulang Pagsulat (Pre-writing)

-Brainstorming at Mapping

- Pagbasa ng sinulat na akda ng iba

- Paggamit ng larawan para gumana ang isipan

2. Actual na Pagsulat (Drafting)

-Pagkuha ng pinakamahalagang ideya mula sa panimulang pagsulat

-Pagkilala sa awdyens

-Pag-organisa ng mga ideya

3. Muling Pagsulat (Rewriting)

-Pagbabasa sa teksto o paglilimi sa kasapatan o kakulangan ng pagsusulat

-Pagtatanong sa sarili kung nasagot ng sulatin ang kailangan masagot sa paksa

4. Editing

- Nasunod ba ang panuntunan sa pagsulat.

- Pagwawasto sa posibleng pagkakamali.

PAMAMARAAN NG PAGSULAT
1. Pag-asinta (Triggering)

- Ito ay ang pagkakaroon ng isang bagay na magsisilbing inspirasyon o daan para sumulat.

2. Pagtipon (Gathering)

- Ito ay ay masusing pagsasaliksik at pagtuklas ng sapat na mga materyales at ebidensyang


magpapatunay.

3. Paghugis (Shaping)

- Dito hinuhugis ang paksang susulatin na maaaring gumamit ng burador.

4. Pagrebisa (Revising)

- Ito ang proseso ng pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot ang pinakawasto at tumpak na
pamamaraan ng pagsulat.

MGA URI NG PAGSULAT

1. Akademik

-Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o
pamanahong papel, thesis o disertasyon.

2. Teknikal

-Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan


ng mga mambabasa at manunulat.

-Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay- solusyon sa isang


komplikadong suliranin.

3. Journalistic

-Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o


journalist.

4. Referensyal

-Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.

-Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.

5. Profesyonal

-Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon.

Saklaw nito ang mga sumusunod:

 police report - pulis

 investigative report -imbestigador


 legal forms, briefs at pleadings - abogado

 patient's journal - doktor at nurse

6. Malikhain

-Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.

-Pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula

MAKRONG KASANAYAN PAKIKINIG

KAHULUGAN NG PAKIKINIG

Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring


pandinig at pag-iisip.

PINAGKAIBA NG PANDINIG SA PAKIKINIG

Pandinig- ito ay isang pisikal na proseso ng pagkatanggap ng “sound waves” sa ating “eardrums”

Pakikinig- ito ang paglalaan ng ating atensyon at pag-unawa sa ating napakikinggan.

PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG

 Alamin ang layunin sa pakikinig


 Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
 Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
 Maging isang aktibong kalahok
 Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita
 Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
 Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan.

PROSESO NG PAKIKINIG

8 PROSESO NG PAKIKINIG (Clark at Richards)

1. TAAL NA TUNOG AT IMAHE


- Ito ang unang pagproseso ng mga tunog mula sa ispiker na magaganap nang mabilisan
kasama ang mga imahe (pananda, intonasyon, diin, tuldik atbp.)
2. INTERPRETASYON SA MENSAHE
3. LAYUNIN NG SPEAKER
- Sa prosesong ito ay inuunawa ng tagapakinig ang layunin ng ispiker kung ano ang tipo ng
tunog ang nagaganap, ang kahulugan at ang nilalaman.
4. BAKGRAWN NG IMPORMASYON
- Dito nag-iisip ang tagapakinig o kung paano niya inuunawa ang kahulugan ng paksa.
5. LITERAL NA KAHULUGAN
- Sa prosesong ito ay ang pagbibigay ng tagapakinig ng karaniwas o tunay na kahulugan.
6. METAMORPIKAL NA KAHULUGAN
- Ang susi sa pakikipagkomunikasyon ng tao ay ang kakayahang umunawa sa inaakala at
tunay na kahulugan ng mensahe.
7. RETENSYON SA MENSAHE
- Dito pinoproseso ng tagapakinig kung anong mensahe ang dapat pananatilihin o dapat
kalimutan.
8. PAGBURA SA NATANGGAP NA IMAHE

URI NG PAKIKINIG

1. Appreciative o Pagpapahalagang Pakikinig


- Ginagamit ang pakikinig upang maaliw ang sarili.
2. Pakikinig na Diskriminatori
- Dito binibigyang halaga ang mataas na antas ng pag-unawa. Layunin nitong matukoy ang
pagkakaiba ng pagsasalita at di-pagsasalitang paraan ng komunikasyon.
3. Mapanuring Pakikinig.
- Ebalweytib o selektib ang pakikinig na ito. Bukod sa pag-unawa sa napakinggan, ang
tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng balyu sa
uring ito ng pakikinig.
4. Implied na Pakikinig
- Sa pakikinig na ito tinutuklas ng isang tagapakinig ang mga mensaheng nakatago sa likod ng
mga salitang naririnig.
5. Internal na Pakikinig
- Pakikinig ito sa sarili. Ang pinagtutuunan ng pansin sa lebel na ito ay ang mga pribadong
kaisipan ng isang indibidwal na pilit niyang inuunawa at sinusuri sa antas na ito.

ELEMENTONG NAKA-IIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG

1. Oras. Sadyang may mga oras na ang ating pandinig ay handang makinig, ngunit may oras ding
kulang iyon sa kahandaan.
2. Tsanel. Madalas, ang daluyan na tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig.
3. Edad. Iba’t- iba ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng bawat tao. Isang batayan ng pagkakaiba-
iba ng antas ng kanilang kasanayan ay ang edad.
4. Kasarian. May mga taong higit na nakikinig sa babae kung gaanong may iba namang sa lalaki.
5. Kultura. Sa pagbibigay-kahulugan sa mga tunog na naririnig, ang isang tao ay laging
naiimpluwensyahan ng kulturang kanyang kinabihasnan at kinalakihan.
6. Konsepto sa sarili. Ang pakakahulugan ng isang tao sa mga salitang kanilang narinig ay
nakadepende rin sa kanilang konsepto sa sarili.
7. Lugar. Ang kalinawan ng pakikinig ng isang tao ay nakadepende kung ang Lugar ay ma ingay ba o
tahimik.

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

1. Nakakatulong sa pagkalap ng impormasyon.


2. Napapabuti ang ugnayan ng mga tao.
3. Napapalaki ang tsanya ng pag unlad.

URI NG TAGAPAKINIG

1. Eager Beaver. Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango, ngunit kung
naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
2. Sleeper. Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang
tunay na intensyong makinig.
3. Tiger. Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
4. Bewildered. Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig.
5. Frowner. Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
Hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapagpa impress.
6. Relaxed. Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng
interes sa pakikinig.
7. Busy bee. Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya
nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain.
8. Two-eared Listener. Siya ang pinaka epektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang
ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak.

PAANO MAGING EPEKTIBONG TAGAPAKINIG

A. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan
B. Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe
C. Ipagpaliban hangga’t maari ang iyong mga panghuhusga
D. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa naririnig.
E. Pagtuunan ang mensahe
F. Pagtuunan din na pansin ang istraktura ng mensahe
G. Patapusin ang kausap

MGA MALING PANINIWALA

1. Ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan


2. Ang mga marurunong lamang daw ang mahuhusay makinig
3. Hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

HADLANG SA PAKIKINIG

1. Pagbuo ng maling kaisipan


2. Pagkiling sa sariling opinyon
3. Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
4. Pisikal na dahilan
5. Pagkakaiba ng kultura
6. Suliraning pansarili

MAKRONG KASANAYAN SA PASASALITA

Kahulugan ng Pagsasalita

-Isang kasanayan upang maipahayag and ideya, paniniwala at na darama.

Kahalagahan ng Pagsasalita

- Maipaabot sa kausap ang nais maipahayag.

- Maipahayag sa publiko ang opinyon.

Paano Nagiging Mabisa ang Pagsasalita

1. Kaalaman- kailangang may sapat kang kaalaman hinggil sa ibat ibang bagay.

2. Kasanayan- ang pagsasalita ay isang kasanayang maaring linangin.

3. Tiwala sa Sarili- ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.

KASANGKAPAN NG PAGSASALITA

 TINIG

> Isinaalang-alang sa bahaging ito, ang tulin o bilis ng pananalita, pagbibigay sa mahahalagang salita o
mensahe na kailangan maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig at
paglakas at paghina ng tinig.

 TINDIG

> ay repleksyon nang kung gaano kahanda at kamportable ang mambibigkas.

 BIGKAS

> Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangan maging matatas at malinaw
ang pagbigkas niya sa mga salita.
 KUMPAS

> Ang Kumpas ng kamay ay mahalaga rin sa pagsasalita. Ang kumpas ng Kamay ay kailangan para maging
angkop sa diwa ng salita o mga salitang sinasambit

 KILOS

> Ang Kilos ay mahalaga rin sa pagsasalita dahil hindi sapat ang salita lamang upang maunawan ang
sinasabi kundi lalo higit ng kilos at elespresyon ng mukha.

KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TAGAPAGSALITA

• SENSIREDAD - Magpakatotoo sa iyang sinasabi.

• ADAPTABILIDAD - kaya niyang iakma sa edad, interes o kalagayan Ng tao Ang mensahi ibabahagi.

• INTERES - mahusay makipag INTERES sa kanyang kausap

• MAHUSAY MAKINIG - kinakailangan na mahusay makinig kung sa gayon ay mauunawaan mo Ang


kanilanh sinasabi at sa masasabi mo at ng iba

MAKRONG KASANAYAN SA PANONOOD

KAHULUGAN NG PANONOOD?

Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng iba't- ibang uri ng visual media upang magkaroon ng pag-unawa
sa mensahe o ideya na nais aparating nito.

IBA’T – IBANG URI NG PANONOOD

 Dekriminatibo

– ang paggamit ng opinyon o prejudice sa panunuri.

 Kaswal o Panlibang

– Walang ibang layunin ang manonood kundi kung ang malibang.

 Komprehensibo

- nagpapahalaga lamang sa mensahe at hindi sa ibang detalye.


 Kritikal

-Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng ganap na pag- aanalisa o
pagsusuri sa paksang napanood.

URI NG MANONOOD

Eager Beaver

Siya ang tagapanood na ngiti nang ngiti otangu nang tango habang nanood ngunit hindimatitiyak ang
pag-unawa

Sleeper

Siya ang tipo ng tagapanood na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensyong manood.

Tiger

Siya ang tagapanood na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang mangyayari sa palabas upang
sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.

Bewildered

Siya ang tagapanood na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa nakikita. Kapansin-pansin ang
pagkunot ng kanyang noo,pag simangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay
sa kanyang mga napapanood.

Frowner

Siya ang tipo ng tagapanood na wari bang lagi nalang may tanong at pagdududa. Hinihintay lamang niya
ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.

Forward Watcher

Siya ang pinaka epektibong tagapanood,nanonood siya gamit hindi lamang angkanyang mata kundi
maging ang kanyang utak Lubos ang partisipasyon niya sa gawain.

MABUTI AT MASAMANG EPEKTO NG PANONOOD

Mabuting Epekto Ng Panonood

1. Nakapaghatid ng mga bagong balita.

2. Maraming bagay Kang matututuhan at malalaman

3. Nagiging bonding time din ng buong pamilya.

Masamang Epekto Ng Panonood

1.Maaring lumabo ang paningin.

2.Maaring Gagayahin Ng mga bata Ang mga Hindi angkop na napapanood.

3.Nagiging sanhi Ng katamaran

MGA ANTAS NG PANONOOD

1.INTRAPERSONAL – Kung ang isang tao ay magsasanay sa kanyang sarili.


2.INTERPERSONAL – Kung ang isang tao ay nanonood ng isang pagtatanghal o pelikula o kung siya
mismo ay kalahok sa ipinapalabas na panoorin

3.PANGMASA – Pangunahing kasangkot ay ang pagsasalita o paglalarawan ng impormasyon sa


pamamagitan ng kuwadro midya

4. PANGKAUNLARAN – Panooring may kinalaman sa isyung pangkaunlaran sa lipunan.

5 . PANGNEGOSYO O KOMERSYAL – Panooring may kinalaman sa pagpapakilala ng iba’t – ibang uri ng


produkto o negosyo upang tangkilikin ng mga tao.

6. PANKULTURAL – antas ng panonood na ipinakikita ang kakaisang kultura ng bawat lahi.

7. PANGSOSYAL O PANLIPUNAN – Panonood na binibigyang tuon ang relasyong sosyal o ugnayan ng


bawat tao sa lipunan.

8 . PAMPUBLIKO – Panonood na sadyang inihanda o inilalaan para sa pampublikong kabatiran o


kapakanan.

MULTIMEDIA NG PANONOOD

1. Kognitibong proseso

-pag-unawa ng tao sa kanyang pinapanood sa pamamagitan ng pag-iisip.

2.Emosyonal at Sikolohikal

- sa pag- unawa ng panonood/ nakita binibigyan rin nang halaga rin ng tao kanyang nararamdaman.

3.Astetikong Proseso

Ang astetikong proseso ay ang paraan kung paano tayo namamahala sa mga aspeto ng kagandahan at
estetika sa sining at kultura.

4.Moral na Proseso

Moral na proseso ay may kinalaman sa pag-aalok ng mga gabay o pamantayan ng moralidad at etika.

MGA URI NG PALABAS

Impormatib – Ang uri ng palabas na ito ay naglalayong magbigay ng mahahalagang impormasyon o


kaalaman sa mga manonood.

Persuasive – Ang mga palabas na persuasibo ay may layunin na manghikayat o mag-impluwensya sa mga
manonood upang paniwalaan o suportahan ang isang pananaw o adhikain.

Narrative – Ito ay mga palabas na naglalaman ng isang kuwento o storyline.

Expository – Sa expository na palabas, ipinapakita nito ang mga konsepto, proseso, o impormasyon sa
isang masusing paraan.

Argumentative – Ang mga argumentatibong palabas ay naglalaman ng mga debate o pagtatalo ukol sa
isang isyu.

Sympathetic – Ito ay mga palabas na naglalayong magdulot ng simpatya o damdamin sa mga manonood.

PAMAMARAAN NG PANONOOD

Papel Ng Guro

-Dapat gabayan Ng Guro Ang mga mag-aaral sa pag buo Ng kahulugan sa pamamagitan Ng paglikha at
Panonood

Bago Manood
-Ihanda Ang ipanonood

_Bumuo Ng mga Tanong bago magpanood

Habang Nanonod

–Pangunahan o hulaan Ang mensahe at kahulugan Ng presentasyon/palabas

–Itala Ang mga kaisipan na makatutulong upang Maalala Ang pangunahing kaisipang ipinahayag o
ipinakita sa presentasyon.

Pagkatapos Ng Panonood

–Balikan at ilagom Ang pangunahing Punto, mahahalagang detalye,at teknik na ginamit

–Bumuo Ng konklusiyon hinggil sa perspektibo at pagpapahalaga na matatagpuan sa kanilang


Nakita/napanood.

MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

KAHULUGAN NG PAGBASA

Ang pagbasa ay proseso ng pag-unawa sa sinulat ng may akda.

KAHALAGAHAN NG PAGBASA

Nakakawala ng pagkabagot at nakakapagdulot ng kasiyahan.

APAT NA YUGTO NG PAGBASA

pagbasa sa akda

pag-unawa sa akda

pagbibigay reaksyon sa akda

pag-uugnay sa dating kaalaman at sa bagong kaalaman

4 NA TEORYA NG PAGBASA

Teoryang Bottom-Up - Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit
na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa.

Halimbawa; Kumbaga inaaral mo palang yung information sa pagbabasa.

Teoryang Top-Down - Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto. kundi sa mambabasa tungo sa
teksto.

Halimbawa: Kapag top down naman, inilalagay mo kung ano na yung nalalaman mo. Kumbaga may prior
knowledge ka na.
Teoryang Interaktib - Ayon sa mga proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga
bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-
down at bottom-up nanagpapahiwatig ng dalawang direksyon.

Halimbawa: Sa Interaktibo, combination yun ng top down at bottom up.

Teoryang Iskima - Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng


mambabasa. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay
nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

Halimbawa: Sa iskema, ayun yung may alam ka na tas I analyze mo nalang yung context.

MGA URI NG PAGBASA

1. Tahimik na pagbasa- Intrapersonal na gawain

2. Malakas na pagbasa- Interpersonal na gawain

3. Mabilisang pagbasa- paraan ng pagbasa kung saan binabasa ang teksto nang mabilis upang makuha
ang pangkalahatang ideya o impormasyon.

4. Pahapyaw na pagbasa- pagbasa ng teksto nang maikli o pahapyaw upang makuha ang pangunahing
impormasyon o punto ng teksto.

5. Pagsusuring pagbasa- proseso ng mas detalyadong pag-aanalisa at pag-unawa sa teksto, kung saan
tinitingnan ang mga detalye, konsepto, at argumento.

6. Pamumunang pagbasa- pagbasa ng teksto nang masusing upang mahanap ang mga mahahalagang
impormasyon o detalye.

7. Kaswal na pagbasa-ang paraan ng pagbasa kung saan binabasa ang teksto nang maluwag at hindi
gaanong seryoso, kadalasang para sa kasiyahan o aliw lamang.

LIMANG DIMENSYON

1. Pag-unawang literal- pagkuha ng pangunahin, literal, tuwirang kahulugan ng salita o pagkuha ng


kahulugan ayon sa paggamit ng pangungusap.

2. Interpretasyon- ang proseso ng pag-unawa at pagbibigay kahulugan sa teksto.

3. Mapanuring pagbasa- naglalayong maunawaan at suriin ang teksto nang mas malalim.

4. Aplikasyon- madagdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili.

5. Pagpapahalaga- pagdama sa kagandahan na ipinahihiwatig ng nilalaman ng kwento.

Ano ang mga impluwensya ng Makrong Kasanayan na Pagbasa?

Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya, impomasyon, at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag.Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa.

Ang pagbabasa rin daw ay isang mabuting pagi-ehersisyo sa ating utak.

You might also like