You are on page 1of 3

Uri ng Komunikasyon

Verbal
Ito ay isang pormal o intelektuwalisadong kapamaraanang sumasa-ilalim sa
istruktura ng wika. Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalamang nais
iparating sa anyong pasulat o pasalita.

Paraan ng Pagpapakahulugan ng Verbal na Komunikasyon


1. Referent
Tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita tiyak na
aksyon, katangian ng mga aksyonugnayan ng bagay sa ibang bagay.

2. Komong Referens
Ang tawag sa parehong kahulugang ibinibigay ng mga ttaong sangkot
sa proseso ng komunikasyon.

3. Kontekstong Berbal
Ang tawag sa kahulugan ng isang salita na matutukoy batay sa
ugnayan nito sa iba pang salita.

4. Parang ng Pagbigkas o Manner of Utterance


Maaari ring magbigay ng kahulugan ng konotatibo.

Di-Verbal
Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapappmaraanan ay
ginagamitupang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita o titik.

Iba’t Ibang Anyo ng Di-Verbal na Komunikasyon


1. Kinesika
Ito ay pag aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang
paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tau nagsasalita
sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig natin ang mensaheng nais
nating iparating.
a. Ekpresyon ng mukha
Nagpapakita ito ng emosyon sa pamamagitan ng ngiti kung masaya,
pag iyak kung malungkot, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung
naguguluhan o nagulat.

b. Galaw ng Mata
Nagpapakita ng katapatan ng tao, nag iiba ang mensaheng
ipinapahayag batay sa tagal,direksiyon at kalidad ng kilos ng mata.

c. Kumpas
Ang mga kamay at ang mga galaw ng katawan ay maraming bagay at
kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas,pag sang ayon o
pagtutol,magpakita ng kasiyahan o papuri,paghingi ng paumanhin at mga
karamdamang pisikal.Ang anumang sinasabi ng tao ay naipapahayag na mayu
kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.
d. Tindig o Postura
Sa pamamagitan ng tindig ng isang tao ay mahihinuha mon a kung
anong klase ng ttao ang kaharap mo.

2. Proksemika
Ito ay pag aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo,isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963). Ang mga kalahok sa
komunikasyon ay maaaring nasa pampublikong lugar tulad ng isang
nagtatalumpati sa harap ngkanyang estudyante o maaaring isang karaniwang
pag-uusap sa pagitang ng dlwang magkaibigan.

3. Pandama o Paghawak
Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan ito
ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Ito ay nangyayari sa mga taong
malapit sa isa’t isa gaya ng magkapalagayang loob.
4. Paralanguage – Mga di-Linggwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita.
Tumutukoy ito sa tinig,ang pagtaas at pagbaba , pagbigkas ng mga
salita o bilis ng pagsasalita. Ilan sa mga ito ay ang pagsutsot, buntong-
hininga,ungol at paghinto.

5. Katahimikan / Hindi Pag-imik


Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita na makapag isip at bumuo ng kanyang
sasabihin. Gayunman may mag taong ginagamit ding sandata ang
katahimikan para makapanakit ng kaloobanng iba.

6. Kapaligiran
Ito ay nagsisilbing komunikasyong di verbal spapagkat ito ay
kailanagn ng tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong
gawaiin sa buhay. Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang
pulong,kumperensya,seminar at iba pa ay tumutukoy sa kapaligiran.

You might also like