You are on page 1of 4

TRADITONAL COURTSHIP

(SCRIPT)

NARATOR: Sa isang kabundukan sa bayan nang Panglaw, Probinsya ng Lumbay ay may


isang napakagandang babae na nagngangalang Maria, si Maria ay Bunso sa 5 magkakapatid
halos lahat na nga yata nang magagandang katangian ay nasa kanya, Maganda, Matalino,
Mabait Masipag, Magaling Kumanta, At Mapagmahal na anak at kapatid. Isang-araw sumasalok
ng tubig si Maria sa isang ilog, kumakanta siya habang sumasadlok. Narinig ito ni Caloy.

Caloy: Aba! kay ganda naman ng tinig na iyon! (na tila namangha sa kanyang narinig)

NARATOR: Sinundan ni Calo ang tinig na kaniyang naririnig. At sa wakas, nahanap niya rin ito.
Lumapit siya nang dahan dahan, ngunit ng malapit na siya kay Maria ay nakita siya nito na
papalapit.
Maria: Sino ka? Anung gagawin mo sakin? (takot na takot)
Caloy: Wala! Binibini, nais ko lamang malaman ang pangalan ng pinagmumulan nang isang
napakagandang tinig na aking narinig mula dito sa balon.
Maria: Ahh! Ganoon ba Ginoo? Pasensya ka na sa aking maIing akala. (na tila napahiya sa
ginawa) Sige, ako`y aalis na at ang aking ina ay naghihintay na sa tubig na aking inigib
mula dito! (aalis na)
Caloy: Ngunit….. (tangkang may sasabihin ngunit si Maria ay nakaalis na)

NARATOR: Sina Maria, Leonora, at Teresa ay nagkayayaan na maligo sa ilog kasama ang
mga iba pa nilang kaibigan.
(SA ILOG)
Leonora: Maria, Maria kay sarap talagang maligo dito sa ilog ano? (na tuwang-tuwa sa paliligo)
Maria: Aba! Siyempre naman Teresa. (na sumang-ayon sa sinabi ng kaibigan)
Leonora: (tila malalim ang iniisip) Maria, may nangharana na ba sayo?
Maria: Ano? Bakit mo naman yan naitanong Teresa? (na para bang nagtataka sa itinanong
nang kaibigan)
Teresa: Wala naman kasi nakikita ko yung mga manliligaw ng ate ko eh. Nanghaharana, tapos
nagdadala pa ng mga pagkain sa bahay naming, kung minsan pa nga nag Babalagtasan
pa sila eh.
Maria: Ahh ako? Hindi pa ahh wala pa sa isip ko ang mga ligaw ligaw na iyan, sa ngayon pag-
aaral O study first Before Love, at pamilya ko muna ang konsentrasyon ko.(na
napabuntong hininga)
Teresa: Hay naku Leonora puro ganan ang mga iniisip mo! Tama si Maria dapat sa ngayon ang
iniisip muna natin ay pag-aaral at sa ating pamilya lang muna (na napakamot sa ulo)

NARATOR: Nagpatuloy sa paliligo ang Magkakaibigan. Nang natapos sa paliligo at habang


pauwi na ang tatlo, may nakasalubong silang isang ginoo)

Ginoo: Mga binibi


Tatlong magkakaibigan: Ohh? Sino po sila? Ginoo?
Cesar: Ang ngalan ko po ay Cesar, nangangahoy po ako dito sa inyong gulod.
Leonora: Ah ganoon ba Ginoo? Ako nga pala si Leonora.
Teresa: Ako naman si Teresa.
Maria: Ah sige Ginoo kami`y tutuloy na.
Cesar: (na tila may gusto pa atang itanong nang biglang lumakad ang tatlo) Binibini ano ang
iyong pangalan?
Maria: Pasensya na Ginoo ngunit ang aking pangalan ay hindi ko ipinamimigay nang basta
basta.(nakangiting winika)
NARATOR: Masayang naghiwalay ang tatlong magkakaibigan sa kanilang mga tahanan.

Maria: Paalam na sa inyng lahat.


Limang babae: Paalam din Maria: (sabay-sabay na nagwika ang Lima)
(Sa Bahay nina Maria)
Tatay: Ohh, ano anak kumusta ang paliligo ninyo sa ilog? (nakangiting wika)
Nanay: Oo nga anak! (Nakangiting winika)
Maria: Ayus lang po inay, itay, ang saya nga po namin eh (Masayang nagwika)
Rebeca: Maria iligpit mo nga ang kalat ng ate Susan mo.
Maria: Opo Ate Rebeca (na agad sinunod ang utos nang ate)
Nanay: Nasan ba si Susan at bakit hindi sya ang mag imis nyan? (parang galit na winika)
Maria: Ayus lang po inay, May ginagawa po kasing takdang-aralin ang ate Susan, diba ate
Rebeca?
Rebeca: Ahh opo, opo Inay tama po si Maria. (na tila nag-isip pa kung sasang-ayon o hindi,
pumasok sa silid kung nasaan si Susan.) Susan buti na lang mabait si Maria kung hindi.
Susan: Oo nga ate (nakangiti) hindi pa kasi tapos itong sulat ko kay Cesar eh.
Rebeca: Ibibigay mo ba yan sa kanya?
Susan: Hindi ahh! (napatawa)

NARATOR: Isang taon na ang lumipas.Nagsasalok uli ng tubig sa balon si Maria na kanyang
gawain sa araw-araw.

Maria: ( Umaawit) Lalalalaalalalalalala, iyan mapupuno na.

NARATOR: Hindi alam ni Maria na may lumalapit sa kanya na dalwang lalake.sina (Cesar, at
Caloy)

Caloy at Cesar: Oo nga Binibini! (sabay na nagwika)


Maria: (Nagulat) Mga Ginoo anong ginagawa ninyo dito?
Cesar: Nangangahoy Binibini.
Maria: (Nagtataka) Ano Ginoo nangangahoy? Ngunit isa itong Ilog!
Cesar: (napaisip) ahh, ehh oo nga ano Binibini. Ang totoo kasi niyan lagi kitang pinapanuod at
pinariringgan ko ang iyong napakatamis mong tinig.
Maria: Ano? Eh ikaw Ginoo anong ginagawa mo rito?
Caloy: Ahhh kasi Binibini lagi rin kitang pinanunuod at pinakikinggan ang matamis mong tinig.
Maria: Sige mga Ginoo ako`y hinihintay na ng aking Mahal na Ina.
Mga Ginoo: Ngunit Binibini maaari bang makipagkaibigan?
Maria: Sige mga Ginoo tutal ako`y lagi nyo rin namang sinusundan. Ako`y magpapaalam na at
ang aking Ina ay nag-iintay na sa aking pag-uwi.

NARATOR: Naging matalik ngang magkakaibigan sina Maria, Leonora, Teresa, Caloy, at
Cesar.Naging masaya sila sa pang araw-araw nilang ginagawa. Ngunit dumating sa punto na
may inamin sila Caloy at Cesar kay Maria.

(Sa isang Kawayanan)


Caloy: Binibini hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang iyong pangalan, kahit ilang taon
na tayong magkakaibigan.
Cesar: Oo, nga binibini ano nga ba ang iyong ngalan?
Maria: Mga Ginoo ang aking pangalaan ay aking ibibigay lamang sa taong aking
mamahalin.(nakangiting wika)
Caloy: Binibini ako`y may sasabihin sa iyo.(kinakabahan)
Cesar: Ako rin Binibini. (kinakabahan din)
Maria: Ano yun mga Ginoo? (nakangiting winika)
Mga Ginoo: Kami ay may lihim na pagtingin sa iyo Binibini.
Maria, Leonora, Teresa: Ano? ( nagtatakang sabi)
Maria: Ngunit tayo`y magkakaibigan!
Cesar at Caloy: Ngunit hindi na naming maitago ang aming nadarama sa iyo binibini. Ang totoo
nga niyan eh gusto ka na naming ligawan sa susunod na Linggong darating.
Maria: (Hindi nakaimik)

NARATOR: Hindi nakakibo si Maria sa mga narinig sa dalwa niyang kaibigan, hanggang pag-
uwi niya ay ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman. Hanggang dumating ang araw na
nanligaw na ang dalawa sa kaniya. Kinagabihan sa bahay nina Maria ay may narinig na tunog
nang gitara ang buong pamilya, Unang dumungaw sa bintana ay ang mga kapatid at ang mga
nanay at tatay ni Maria, hindi man lang nakibo si Maria sa kinatatayuan.

Mga Ginoo: Kumakanta ng pang harana. (Gitara)

NARATOR: Nang natapos na ang kanta ay agad tinanong nang ama ang Dalawang nanliligaw.
Ang buong akala ni Rebeca at Susan ay kay Susan nanliligaw ang daalwa.

Tatay: Mga Ginoo nais kong malaman kung sino sa aking 3 anak na babae ang inyong iniirog?
(masayang nagwika)
Mga Ginoo: (Buong loob na winika) Ang iniirog po namin ay ang bunso ninyong anak.
Susan at Rebeca: Ngunit! (Dismayadong winika)
Tatay: Kung gayon dadaan muna kayo sa aking mga pagsubok na iaatas! (Seryosong winika)
Mga Ginoo: Tinatanggap po naming ang inyong pagsubok.
Tatay: Ngunit kung sino ang mananalo ay syang pakakasalan ng aking Mahal na anak.
Maria: (Tila naguguluhan) Ngunit ama! Kami ay magkakaibigan.
Tatay: Anak diyan nga nagsisimula ang pag-iibigan nang bawat magsing irog.

NARATOR: Wala ng nagawa si Maria kundi ang sumang-ayon sa gusto nang kaniyang Ama.
Kaya dumating na ang Araw nang mga Pagsubok na iniatas nang kaniyang Ama.

(Sa Bahay nila Maria)


Tatay: Ang aking mga pagsubok ay kailangan ninyong malampasan. (Seryosong winika)
Caloy: Lahat po ay aking kakayanin upang mapasaakin si Maria. (Buo ang loob na winika)
Cesar: Ako rin po Ginoo. (Buo ang loob na winika)
Tatay: Kung gayon simulan na ang pagsubok.

NARATOR: Natapos ang mga pagsubok na iniatas nang Ama ni Maria. At ang nagwagi sa
dalawa ay si Cesar.

Tatay: Anak si Cesar ang nagwagi kaya mahal kong anak siya ang iyong magiging irog na
kinalaunan`y magiging asawa pagkatapos ng kasal.
Maria: Ngunit ama hindi si Cesar ang aking Mahal. (Malungkot na winika, Umiiyak)
Cesar: Ngunit Binibini ako ang nagwagi sa mga pagsubok na iniatas nang iyong Ama, kaya
maaari na bang malaman ang iyong pangalan.? (Masayang winika)
Maria: Ngunit Cesar, si Caloy ang aking iniibig. (Umiiyak na winika)
Tatay: Anak ngunit si Cesar ang nagtagumpay sa mga pagsubok na aking ibinigay, kaya sa
kaniya ka.
Maria: Ngunit ama talagang hindi ko siya mahal. Kahit ilang pagsubok pa ang kaniyang
pagtagumpayan ay kalian ma`y hindi ko isya mamahalin.(Umiiyak na winika, Tumakbo)

NARATOR: Walang nagawa si Maria kundi ang sumunod sa kanilang kinagisnan na tradisyon,
naging magsing-irog sila ni Cesar ngunit hindi siya naging masaya sa piling nito, sa bawat araw
na nagdaan ay si Caloy pa rin ang kaniyang iniisip kahit si Cesar ang kaniyang kasama.

Maria: Oo nga`t Ginoo ikaw ang nasa aking piling ngunit, si Caloy ang lagi kong naaalala, siya
ang laman ng aking puso. (Malungkot na winika)
Cesar: Sige Binibini mukang nabigo ako sa iyo. Kaya ipanauubaya na kita sa kaniya.
(Malungkot na winika)
Maria: Maraming salamat Ginoo. Isa kang tunay na lalaki dahil sa ginawa mong pagpapalaya
sa akin kahit na ikaw ang nagwagi sa mga pagsubok na ibinigay nang aking mahal na
ama. (natutuwang winika, sabay yakap)
Cesar: Ngunit, Binibini maari bang makuha ang iyong pangalan?
Maria: Sige Ginoo, ito ang aking gantimpala sa iyong kabutihan. Maria, Maria ang aking
pangalan. (Sabay Alis) Paalam Cesar. (sabay alis)
Cesar: Salamat Maria.! Paalam!.

NARATOR: Naging masaya sa piling ni Caloy si Maria. Ikinasal sila, at biniyayaan nang
dalawang magagandang anak at isang makisig na anak. Habang si Cesar naman ay naging
masaya na rin sa piling ni Susan na kapatid ni Maria.

Proyekto sa MAPEH nina:


Maicy G. Montealegre
Angel Jhoy M. Calapati
Key Nicholson M. Millar
Desirelle Mulingbayan
Desirie Ocaya
Althea Mae M. Corpuz
Christian Jallen Mulingbayan
Aira Mae Abejero
Roost-Yours Lao
Edlin H. Go
John Patrick S. Villanueva

You might also like