You are on page 1of 6

Ang Tungkulin ng Wika

I. Roman Jakobson
1. Kognitibo/Reperensyal/Pangkaisipan - nagpapahayag o nagpaparating ng mensahe at
impormasyon.

2. Conative - Ginagamit ang wika sa pag-uutos at pakikiusap upang mahimok o


maimpluwensyahan ang isang indibidwal.

3. Emotive - Nagpapahayag ng saloobin, damdamin, at emosyon.

4. Phatic - pakikipagkapwa-tao o pakikisalmuha.

5. Metalinggwal - paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin ng mga salita at kahulugan.

6. Poetic - patula na paggamit ng wika.


II. W.P. Robinson
1. Estetiko - paggamit ng wika sa paggawa ng panitikan.

2. Ludic - pagtutugma
- paggawa ng mga salita na walang katuturan o kawawaan
- pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito.
3. Pag-alalay sa pakikipagsalamuha at pakikipagkapwa-tao
- paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita
- wika bilang kagandahang asal
4. Pag-alalay sa iba - paggamit ng wika upang alalayan o impluwensyahan ang kilos o
damdamin ng iba
- paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin o obligasyon
5. Pag-alalay sa sarili - kaugnay ang ugali at damdamin

6. Pagpapahayag ng sarili - ipinapahayag ang sarili, katauhan, at damdamin

7. Pagtakda sa tungkulin o papel sa lipunan - paggamit ng wika sa pagtatakda o pagpapahayag ng


kaugnayang pansosyal ng tao. Ito ay ginagamit kapag nakikipagusap o may pinaguusapan na tao.
(G. Gng. Bb.)

8. Pagtuturo - paggamit ng wika sa pagpaparating ng bagong impormasyon at kasanayan

9. Metalinggwal - paggamit ng wika sa pagtatalakay.

10. Pagtatanong at Panghuhula - pagtataka, paghahanap, paghingi ng impormasyon at panuto


- pagbuo ng haraya (Imagining)
- pagsusubali (supposing)
11. Pagtukoy sa daigdig na di-panglinggwistikal
A). Pagkilala(Identification) - pagkilala at pagpapahayag ng kaibahan at pagkakatulad ng bagay
B). Pagbuo(Organization) - pag-uuri at pagbibigay katuruan sa mga kauganyan ng mga bagay
III. Michael A.K. Halliday
1. Interaksyonal - pagpapanatili, pagpapatatag ng relasyon sa kapwa tao, tumutukoy ito sa lahat
ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon o grupo

2. Instrumental - ginagamit ang wika sa pagtugon sa mga pangangailangan, ang tagapagsalita ay


ginagamit ang wika upang manipulahin ang kanyang kapaligiran

3. Regolatori - pag-alalay sa mga pangyayaring nagaganap, sa madaling sabi ito ang nagsasabi
kung ano ang dapat at hindi dapat gawin

4. Personal - pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon sa anyo ng mga padamdam,


pagrerekomenda o sa paraan ng maingat na pagsasalita
5. Imahintibo - pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan

6. Heuristiko - paghahanap o paghingi ng impormasyon


- batayan ng kaalaman sa ibat-ibang disiplina
- nakakamit sa pamamagitan ng Pormal na edukasyon

7. Impormatib/Representasyunal - pagbibigay impormasyon

You might also like