Professional Documents
Culture Documents
SECOND QUARTER
KOMMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Setyembre 16-20, 2019
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO:
Kakayahang Pangkomunikatibo Communicative competence ay nagmula sa
lingguwistang si Dell Hymes (1966). Ito ay nilinang niya kasama si John Gumperz
mula sa Lingguistic competence ni Noam Chomsky.
Nauukol sa kakayahan sa aktuwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na
pagkakataon.
a. Kakayahang Lingguwistiko
b. Kakayahang Sosyolingguwistiko
c. Kakayahang Diskorsal
d. Kakayahang Istratedyik
2 Uri ng Ponema:
Ponemang Segmental ay binubuo ng katinig at patinig.
A. May 25 ang orihinal na kasama sa palabaybayin ngunit isinima ang impit na tunog o
glottal
stop (?) sapagkat at ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil nagpapabago nito ang
kahulugan ng isang salita. Ang dating ng bigkas nito ay malumi o maragsa.
B. b, d, f, g, h, j, k, l, m, n, /p, r, s, t, v, w, y/, z, ?, ŋ ang bumubuo sa ponemang katinig
Hal:. Tu: bo – pipe tub : bo? – profit
C. 5 naman ang patinig – a, e, i, o, u
D. May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit
hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Hal: babae – babai lalake – lalaki
Kalapatin- kalapati noon - nuon
E. Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at
/e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
o Hal: uso – modern mesa – table
o Oso – bear misa - mass
MORPEMA
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ito ay
maaring salitang – ugat o panlapi.
URI NG MORPEMA:
A. MORPEMANG MALAYA
Tinatawag na mga malayang morfim ang mga salitang pwedeng bigkasing nag-iisa at di
lagging nakakabit pa sa ibang morfim.
Halimbawa: ulo, bahay, pusa, isip
B. DI MALAYANG MORPEMA
Mga morpema na laging nakakabit sa ibang morpema. Tinatawag na panlapi ang mga
morpema na laging nakakabit sa ibang morpema. Di malayang morpema ang mga afiks o
panlapi
Halimbawa: dasal-nagdasal bili- bumili linis- nilinis
C. SALITANG UGAT
Rut ay tintawag ding salitang –ugat.
Halimbawa: pinag+saing+an
*Ang isang rut at isa o higit pang afiks ay tinatawag na stem kung dinadagdagan pa ito ng iba pang
afiks. Kaya ang stem ang bahagi ng salitang kinakabitan ng afiks.
Halimbawa: ganda ang rut ng salitang gandahan at ito rin ang stem dahil kinakabitan ng afiks
na han.
C. SINTAKS – Ang pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.
Estruktura ng pangungusap
Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
Pagpapalawak ng pangungusap
SIMUNO O PAKSA
Ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. ang paksa o
simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan
ng kilos ng pandiwa.
PANAGURI
Bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. ito ay
naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
2. Di-pagpapanaguri / non-predikeytib
Uri ng Pangungusap ayon sa gamit = pasalaysay, pataong, pautos, padamdam
ESTRUKTURA NG PANGUNGUSAP
PASALAYSAY O PATUROL
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa: Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
1. PATANONG
Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong (?) ang bantas
sa hulihan nito.
Halimbawa: Saan makukuha ang libreng inumin?
2. PADAMDAM
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lingkot, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos io sa tandang padamdam (!).
Halimbawa: Ay! Tama pala ang sagot ko.
3. PAUTOS O PAKIUSAP
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap
aynagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos sa tuldok.
C. ORTOGRAPIYA – Ang ortograpiyang Filipino ay sining ng pagsulat ng mga salita na may
tumpak na titik alinsunod sa wastong gamit, wastong baybay.
1. Alibata
2. Panahon ng Amerikano – Ipinakilala ang Ingles bilang midyum.
3. Panahon ng Komonwelt –
o Ang Abakadong Tagalog
o Ang Alpabetong Pilipino
3. Pagtatambal- tumutukoy ang prosesong ito sa pagbubuo ng bagong salita mula sa dalawang
magkaibang salita.
Halimbawa: Pataygutom bahaghari
C. KAKAYAHANG ISTRUKTURAL
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan
sa mga balita sa radyo at telebisyon. Sa madaling salita, nakukuha ang mga pananalita sa pamamagitan
ng mga instrumenta kagaya ng radyo, kapag nakikinig tayo at telebisyon, kapag nanunood tayo.
D. KAKAYAHANG DISKORSAL
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan
sa mga balita sa radyo at telebisyon. Sa madaling salita, nakukuha ang mga pananalita sa pamamagitan
ng mga instrumenta kagaya ng radyo, kapag nakikinig tayo at telebisyon, kapag nanunood tayo.