You are on page 1of 27

Gamit ng Wika

sa
Lipunan
Isang Panalangin
1. Sino si Tarzan?

2. Paano siya magsalita?

3. Nagkakaintindihan ba si Tarzan at ang mga


hayop sa gubat?

4. Batay sa kwento ni Tarzan, nakikita mo ba


ang kahalagahan ng wika?
Posible ba na kahit walang wika
ay maunawaan natin ang isang
palabas sa sine?
1. Patunay ang kwento ni Tarzan na ang
pinakadiwa ng wika ay lipunan. Lumaki si
Tarzan sa piling ng mga hayop sa gubat kung
kaya’t tunog ng mga hayop ang natutunan
niya sa pakikipagkomunikasyon.

Ang isang taong walang ugnayan sa ibang tao


ay mahihirapang magsalita.
1.Instrumental
Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa
mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng
liham pangangalakal, liham sa patnugot, at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa
isang produkto na nagsasaad ng gamit at
halaga ng produkto ay halimbawa ng
tungkuling ito.
2. Regulatoryo
Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang
pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng
lokasyon ng isang partikular na lugar;
direksyon sa pagluluto ng ulam, direksyon sa
pagsagot sa pagsusulit, at direksyon sa
paggawa ng anumang bagay ay mga
halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
3. Inter-aksoyonal
Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;
pakikipagbiruan, pakikipagpalitan ng kuro-
kuro tungkol sa particular na isyu;
pagkukuwento ng masasaya o malulungkot
na pangyayari sa isang kaibigan o
kapalagayang-loob; paggawa ng liham
-pangkaibigan at iba pa.
4. Personal
Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng
sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng
talaarawan o journal, at ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
5. Hueristiko
Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o
paghahanap ng impormasyong may
kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama
rito ang pag-iinterbyu sa mga taong
makasasagot sa mga tanong tungkol sa
paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo;
panonood ng telebisyon; at pagbabasa ng
pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung
saan nakakakuha tayo ng mga impormasyon.
6. Impormatibo
Ito ang kabaliktaran ng hueristiko. May
kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita. Ang ilang
halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa
ng pamanahong papel, tesis, panayam at
pagtuturo.
Sabihin kung anong gamit ng wika ang
kinabibilangan ng mga sumusunod;
1.Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.
2. Pagsasagawa ng sarbey kung ano ang
wikang pambansa ng Pilipinas.
3. Pinauuwi ng ina nang maaga ang anak.
4. Pag-uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan
ng wikang pambansa.
5. Paggawa ng liham na nagtatanong kung
paano makakukuha ng iskolarsyip sa isang
unibersidad
I. Pangkatang Gawain:

Ang sumusunod ay iba’t ibang pahayag mula


sa palabas sa telebisyon, at pelikula.
Bibigyang-buhay ng pangkat isa hanggang
tatlo. Tukuyin naman ng pangkat apat
hanggang anim ang gamit ng wika at
ipaliwanag ang sagot.
1. “Akala ko ba ay ok na? nagdadrama ka na
naman. “Di ba nga pagdating sa
kapakanan ng pamilya, walang ate-ate,
walang bunso-bunso? Ang meron
lang….kapit-bisig!”
- Maya, Be careful with my Heart, unang episode
2. “Minsan gusto ko nang ipagsigawan, kaya
lang, ako lang naman ang magmumukhang
tanga. Bakit ba naman kasi ang complicated
magmahal?”

- Basha, One More Chance


3. Mace: Gaano katagal bago mo siya
nakalimutan?
Anthony: Matagal.
Mace: Gaano nga katagal? One year? Two?
Three? Four? Five?
Angthony: Importante pa ba yun?
Ang mahalaga, nakalimutan!
-Mace at Anthony, That Thing Called Tadhana
Panoorin ang video na may pamagat na
“Word of the Lourd: Bitin sa kanin”

Isulat ang buod ng pinanood na video. Sa


ilalim nito ay isulat kung anong tungkulin ng
wika ang masasalamin dito. Ipaliwanag kung
bakit ito ang napili.
Buod ng video:

Tungkulin ng Wika:

Paliwanag:
Tamang pamamaraan sa pagda-diet. Panoorin
ang video ni Dr. Wiliie Ong
1. Ang tamang paraan sa pagpapapayat ay
hindi nangangahulugang literal na hindi
pagkain ng kanin. Mahalaga ang pagkain sa
isang tao upang magamapanan niya ang
araw-araw na mga gawain at makaiwas sa
mga sakit na dulot ng kakulangan, labis o
maling pagkain.
2. Sabayan ng tamang ehersisyo.
Ilahad ang konseptong iyong natutunan sa
araling ito sa pamamagitan ng isang talata.

Isulat sa iyong kwaderno at basahin sa klase.


Kumuha ng isangkapat ng papel para sa
maikling pagsusulit. Tukuyin kung anong gamit
ng wika sa lipunan ang kinabibilangan ng
bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
papel.
1. Pagsasabi ng po at opo sa matandang
babae habang kinakausap.
2. Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit
niya sa kuwarto.
3. Pagbibigay direksyon ng guro sa mga mag-
aaral kung ano ang gagawin sa pagsusulit.
4. Pagsulat ng pananaliksik.
5. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung
paano nila hinahati-hati ang oras sa pag-aaral.
6. Pagsulat ng sariling tula.
7. Paggawa ng resipe ng isang ulam.
8. Pagpapaalaala ng ina sa mga anak na dapat
nakauwi na sila ng alas-10 ng gabi.
9. Pag-anyaya sabisita na saluhan silang
kumain.
10. Paglikha ng tauhang kakaiba ang hitsura sa
kwentong isusulat.
Magsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon
na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan ,
maaaring magsagawa ng panayam, panonood
ng telebisyon, pakikinig sa radio, pagbabasa ng
diyaryo at magasin, pagbabasa ng blog,
panonood sa youtube upang makahanap ng
sitwasyon ng pakikipagtalastasan. Isulat sa
kalahating papel na pahalang at ipasa sa
susunod nating pagkikita.
Maraming Salamat!

You might also like