You are on page 1of 11

MODYUL 2

1
LINGG 2

MODYUL 2
WIKA: PANGUNGUSAP AT TALATA

ANO ANG MATUTUTUNAN MO?

1. Makikilala ang wika, pangungusap at talata.


2 Matukoy ang wika, pangungusap at talata.
3. Makabuo ng sulatin tungkol sa isang reaksyon sa binasa.
4. Naipamamalas ang kahusayan sa pagbuo ng isang sulating
nagsasalaysay na may magkakaugnay na kaisipan.

ARALIN 1.1
KAHULUGAN NG WIKA

• Ayon kay Pineda, wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining.
Karaniwa’y di totoong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga’y kung
paano ginagamit ng maguniguning manunulat ang wikang kasangkapan.
• Ayon naman kay Constantino, ang wika ang siyang pngunahing instrument ng komunikasyon ng
panlipunan. Bilang instrument, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang instrumental at
sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para sa makisangkot at
makibahagi sa tao sa mga Gawain ng lipinan upang matamo ang pangangailangan nito.

KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay tuno


2. Ang wika ay arbitraryo
3. Ang wika ay masistema
4. Ang wika ay sinasalita
5. Ang wika ay nagbabago
6. Ang wika ay malikhain
7. Ang wika ay dinamiko

APAT NA PINAKALAGANAP NA WIKAIN SA PILIPINAS


Ayon sa ginawang sensus:
a. Cebuano
b. Tagalog
c. Ilokano

2
d. Hiligaynon

ARALIN 1.2 KATANGIAN NG APAT NA WIKAIN SA PILIPINAS

1. Ang apat n wikang ito ay ang pinakagamitin bilang pangalawang wika.


2. Ang karamihan sa panitikang Pilipino ay nasusulat sa wikang ito.
3. Ang mga mamamayang gumagamit ng apat na wikang ito ang pinakamarami sa bilang ng mga taong
naninirahan sa bansa.

KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Ito ay isang instrument ng komunikasyon
2. Ito ay nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman.
3. Ito ay nagbubuklog ng bansa.
4. Ito ay lumilinang ng malikhaing pag-iisip.

ANTAS NG WIKA
1. Pormal- ang salitang istandard dahil kilala, tintanggap at ginagamit ng pamahalaan ng higit na
marami.
• Pambansa- ito ang kadalasanag ginagamit ng pamahalaan, aklat pangwika, aklat pambalarila at
paaralan.
• Pampanitikan o panretorika- ito ang mga salitang matatayog, malalim, makulay, masining at
ginagamit ng manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. (hal. Haligi ng tahanan)
2. Impormal- ito ang mga salitang karaniwan, pang-araw-araw, palasak at kadalasang ginagamit sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

• Lalawigan- ito ang bokabularyong dayalektal.


• Kolokyal ito ang pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
• Balbal- ito ay pinakadinamiko at pinakamababang antas ng wika na kadalasan maririnig sa mga
usapang kalye.

ARALIN 1.3 TUNGKULIN NG WIKA

1. Interaksyonal- ito ay nakakapagpanatili o nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.


2. Instrumental- ito ay tumutugon sa mga pangangailangan.
3. Regulatori- ito ay kumukontrol at gumagabay sa kilos at asal ng iba.
4. Personal- ito ay ginagamit sa pamamagitan ng pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
5. Imahinatibo- ito ay ginagamit sa pamamagitan ng pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing
paraan.
6. Heuristic- ito ay naghahanap ng impormasyon.
7. Impormatib- ito ay nagbibigay ng impormasyon.

BARAYTI NG WIKA

3
1. Dayalekto- ito ay naglilikha ng dimensyong heograpiko at ginagamit sa isang particular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Halimbawa: Aba, ang ganda! (Maynila)
Aba,a ang ganda eh! (Batangas)
2. Sosyolek- ito ay nabubuo ayon sa dimensyong sosyal dahil ito ay nakabatay sa mga pangkat sa
lipunan.
Halimbawa: Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! (Gaylinggo o wika ng mga bakla)
3. Jargon- ito ay ang tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng Gawain.
Halimbawa: , Justice, court, hearing(Abogado)
4. Idyolek- ito ay tumutukoy sa personal at kanikanilang paggamit ng wika.
Halimbawa: Magandang gabi, bayan!(Noli de Castro)

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

Teoryang bow-wow- ito ay ang wika na maaaring nagmula sa panggagaya ng tao sa mga tunog
ng kalikasan.
Teoryang pooh-pooh- ito ay ang wika na nagmula bunga sa masidhing damdamin ng tao gaya ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang yo-he-ho- ito ay ang wika na bunga diumano g pwersang pisikal ng tao.
Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay- ang wika na nag-ugat sa mga tunog na nilikha ng mga tao sa
kanilang mga ritwal.
Teoryang ta-ta –wika na nagmula sa panggagaya ng dila sa kumpas o galaw ng kamay ng mga
tao sa kaniyang ginagawa sa particular na okasyon.
Teoyang ding-dong- wika na nagmula sa panggagaya sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay
bagay sa paligid, hindi lamang sa kalikasan, maging sa bagay na likha ng tao.
Biblikal na pananaw- wika na kaloob ng Diyos at ang pag-kakaiba ng wika ay isinasalayasay sa
kwento: Tore ng Babel (hal.)

Gawaing Pagkatuto

SAGUTIN MO:

Panuto A: Punan ng angkop na sagot ang tinutukoy sa pahayag. Isulat ang sagot pagkatapos ng
pahayag.

1. Tsok, lesson plan, klas! (titser)_____________


2. Aba, ang ganda eh! (Batangas)_____________
3. Halika kaibigan! Usap tayo. (Boy Abunda)________________
4. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!_______________
5. Ito ay ang pinakadinamiko at pinakamababang antas ng wika na kadalasang maririnig sa mga usapang
kalye.______________
6. Ito ay nakakapagpanatili o nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.________________
7. Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng mga pagpapahayag ng sariling damdamin o
opinion.___________
8. Justice, court, hearing (abogado)___________
9. Aba, ang ganda! (Maynila)___________

4
10. Hindi naming kayo tatantanan! (Mike Enriquez) ______________

Panuto B: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang kasagutan. Isulat
ang sagot bago ang bilang.

Karaniwang ayos Sambitla Pangungusap

Dayalekto Bow wow Payak Wika

Pormal Penomenal Imahinatibo

__________1. Ang isa sa antas ng wika batay sa salitang istandard dahil kilala, tinatanggap at ginagamit
ng pamahalaan ng higit na marami.

__________2. Ang isang barayti ng wika na naglilikha ng dimensyong heograpiko at ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.

__________3. Ang isa sa tungkulin ng wika na ginagamit sa pamamagitan ng pagpapahayag ng


imahinasyon sa malikhaing paraan.

__________4. Teoryang pinagmulan ng wika kung saan ang wika na maaaring nagmula sa panggagaya
ng tao sa mga tunog ng kalikasan.

__________5. Ito ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyon ng panlipunan.

__________6. Ang isa sa itinuturing na mga pangungusap na may diwa.

__________7. Ang isa sa kayarian ng pangungusap na tumutukoy sa mga pangungusap na may iisang
pinag-uusapan na kumakatawan sa iba’t ibang anyo.

__________8. Ito ay ang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa o kaisipan.

__________9. Ang isang uri ng ayos ng pangungusap na walang paksa na tumutukoy sa pangungusap
kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng pangyayari.

__________10. Ito ay ang pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa simuno.

ARALIN 2

2.1 PANGUNGUSAP - ito ay ang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa o
kaisipan.
✓ BAHAGI NG PANGUNGUSAP
A. Simuno at paksa o pinag-uusapan sa isang kuwento o pangungusap
B. Panaguri ito ang ideya o kaisipan na sumusuporta sa simuno.

MGA SAMBITLA/PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA


➢ Ang mga sambitla ay itinuturing na mga pangungusap na may diwa. Ang mga ganitong uri
ng pangungusap, bagaman hindi lantad ang diwa, ito ay may buong mensahe. Ang mga

5
ito ay mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapakita ng masidhing damdamin. Ang
mga katagang naku, anu at aray ay itinuturing na mga sambitla.
Ang ilang halimbawa ng mga sambitla ang mga sumusunod:
Umuulan! Hala! Tubig! Gising!
Ha! Aba! Multo! Naku!
Sunog! Hoy! Magnanakaw!
Ang mga pangungusap na walang simuno at sambitla:
Bagaman ang kahingian sa pangungusap ay yaong nagsasaad ng buong diwa, at
kadalasang natutukoy na ang mga pangungusap ay bonubuo ng mga salita, may mga salita
namng ipinalalagay sa isang buong pangungusap sapagkat buo ang diwa nito.
1. Padamdam- ang mga ganitong uri ng pangungusap ay nagpapahayag ng masidhing damdamin.

• Naku! Naiwan na yata ako ng bus


• Ha! Nadulas ka?
2. Pakiusap- kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng pahingi o nakikiusap.
Halimbawa:

• Pakisabi naman na pupunta kami sa inyo.


• Pakisulat sa iyong kwaderno.

3. Eksistensyal- kapag ang pangungusap ay nagsisimula sa mga katagang may, mayroon at wala.
Halimbawa:
• May kasama ako.
• Walang magsasalita
4. Temporal- kapag ang pangungusap na walang simuno ay nagpapahayag ng oras o sumasagot
sa panahon.
Halimbawa:
• Sa lingo na.
• Tanghali na.
5. Penomenal- kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng pangyayari.
Halimbawa:
• Lumilindol daw
• Bumabaha

6
• Nagkagulo sa Gaisano
6. Pormulasyong Panlipunan- kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng paggalang.
Halimbawa:
• Salamat
• Opo
• Walang anuman
7. Pahanga- kapag ang pangungusap na walang simuno ay nagpapahayag ng paghanga.
Haimbawa:
• Kayganda ng panahon
• Talagang napakahusay mong sumulat
• Walang kupas na kagandahan
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
1. Paturol o Pasalaysay- pangungusap na naglalayong maglahad ng isang katotohanan.
Hal. Napakagandang pamana ang edukasyon.
2. Pautos- uri ng pangungusap na may layog mag-utos.
Hal. Kunin mo ang lapis na nahulog sa lalagyan.
3. Patanong- uri ng pangungusap ay naglalayong magtanong.
Hal. Kailan mo masasabing ikaw ay malaya na?
4. Padamdam- pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin.
Hal. Ayun! Siya ang magnanakaw!

ARALIN 2.2
DALAWANG AYOS NG PANGUNGUSAP

Karaniwang Ayos -Ito ay ang pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa simuno.
Hal. Bibili ng aklat si Bea.
Di karaniwang ayos - Ito ay ang pangungusap na nauuna ang simuno kaysa sa panaguri.
Hal. Ang diyos ay hindi nagpapabaya sa sinumang naghahangad ng kabutihan.

MGA KAYARIAN NG PANGUNGUSAP


Ang isang mabisang pangungusap ay umaayon sa tamang kayarian at upang maiwasan
ang paggamit ng mga salitang hindi mahalaga.
1. Payak- ang mga pangungusap na may iisangpinag-uusapan na kinakatawan sa iba’t ibang anyo
at bagama’t payak may inihahatid itong mensahe.

Halimbawa:

7
Ako ang iskolar ng bayan.
Nag-aaral ako sa Pamantasan ng Silangang Pilipinas.
Mabubuhay kaming taglay ang karangalang turo ng pamantasang ito.

2. Tambalan- ito ang pangungusap na may dalawan kaisipan na pinag-uugnay o pinagdudugtong


sa tulong ng pangatnig. Ang mga ganitong uri ng pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang
malayang sugnay kadalasa’y pinag-iisa ang dalawang ideya sa isang buong pangungusap.

Halimbawa:
Si luis ay mahilig mang-asar samantalang si Loreng ay mapagmahal.
Unang kaisipan: Si luis ay mahilig mang-asar.
Ikalawang kaisipan: Si Loreng ay mapagmahal.
Pangatnig: samantalang

3. Hugnayang pangungusap- ang mga pangungusap binubuo ng isang malayang sugnay (sugnay
na makapag-iisa) at isa o higit pang hindi malayang sugnay(sugnay na di makapag-iisa). Ang diwa
o dalawang sugnay ay magkarugtong at pinag-uugnay o pinagsasama ng pangatnig.
Halimbawa:
Hindi malayong umunlad ang Pilipinas kung ang mga mamamayan ay magtutulong-
tulong.
Sugnay na makapag-iisa: Hindi malayong umunlad ang Pilipinas.
Sugnay na di makapag-iisa: kung ang mga mamamayan ay magtutulong-tulong
Pangatnig: kung

4. Langkapan- ito ang pangungusap na binubuo ng isang mahigit na pangsugnay na malayang


sugnay o hindi malayang sugnay. Ang dalawang sugnay ay may magkaugnay na diwa.
Halimbawa:
Makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma kung magsisipag sa pag-aaral at
magtitiis sa hirap.

Ang 2 sugnay na Malaya: makapapasa talaga siya; at makatatamo ng diploma.


Ang 2 hindi malayang sugnay: Kung magsisipag sa pag-aaral; at magtitiis sa hirap.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA LAYON

1. Tuwirang layon- ito ang tumatanggap ng kilos at sumasagot sa tanong na ano. Kadalasang
ginagamitan ng panandang “ng”.

Halimbawa:
Kumain ng masarap na puto at sopas ang magkakaibigan.
Masayang nanood ng sarswela sa plasa ang mag-anak.

2. Di-tuwirang layon- kapag ang tinutukoy ay ang pinaglalaanan ng kilos ng pandiwa. Sumasagot
sa tanong na kanino.

8
Halimbawa:
Nag-aaral nang mabuti ang mga kabataan para sa kanilang kinabukasan.
Nagigising nang maaga ang ina para sa anak na nag-aaral.
Nagsisikap sa buhay ang mag-asawa para sa kanilang bunsong anak.

ARALIN 3

3.1 TALATA – ito ay binubuo ng mga pangungusap. Mayroong pangunahing ideya at mga
sumusuportang ideya.

ALAM MO BANG MAGBAHA-BAHAGI NG TALATA?


Ang talata ay ang pinagsama-sama at pinagdugtong-dugtong na mga magkakaugnay na
pangungusap tungo sa isang paksa o isang tiyak na bahagi ng isang higit na malawak na paksa
May sulating binubuo ng isang talata tulad na lamang halimbawa ng isang kolum o
pangulong tudling sa pahayagan. Ang buong ideya ng pagpapahayag ay nakalulan nang lahat sa
talata. Sa isang talata lamang ng kolum ay ganap nang naipahayag ang gusting sabihin. Samantala,
sa mga sulating mahaba-haba, ang isang talata ay sumasagisag sa isa lamang sa mga pangkat ng
kaisipan upang makalikha ng isang sulatin.
Ang pagtatalata ay ginagawa ng manunulat upang maisaayos niya nang mahusay ang
kanyang mga kaisipan tungo sa lohikal at matalinong pagsusuri at pagpapangkat-pangkat. Ito rin
ay nag-uudyok sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa, sapagkat isang bahagi ng
kabuuan ay maaaring kumatawan sa kabuuan mismo ng sulatin.

3.2 ILANG BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALATA

1. Tandaan na sa pagsisimula ng talata, dapat na ito’y may indensyon o nakapasok. Ang pasok ay
naghuhudyat ng bagong talataan at gayun din upang makapagpahinga ng panandalian ang mga
mata ng mambabasa.

2. Ang pasok na talata ay mga isang pulgada mula sa palugit(margin) kapag sulat kamay at limang
espasyo mula sa palugit kapag makinilyado.

3. Sa pagtatalata ng tuwirang sinabi (direct quotation) dapat itong ihiwalay sa punong talata.

4. Upang makamtan ang kalinawan, ang tuwirang sinabi/ sinalita ay maaaring italata nang bukod
mula sa unang paglalahad kapag ang sinabi ay makikita sa bahaging hulihan ng mga pangungusap.

5. Kapag may salitaan o diyalogo ang bawat salitaan ay dapat na nakabukod sa talata upang
maipakita kaagad ang palitan ng salitaan.

6. Ang haba ng talata at ibinabatay sa dalawang bagay.


a. Ang kahalagahan atpagkamasalimuot ng paksa

9
b. Haba ng kabuuan at sulatin
7. Ang isang punong kaisipan ay maaaring isang talata at ang haba ay ayon na rin sa kahalagahan
ng kaisipan.

PAGHAHATI-HATI NG TALATA
Ang isang talatang bahagi ng isang mahabang sulatin ay kadalasang lumilikha ng isang
seksyon ng isang masaklaw na kaisipan. Bawat pangungusap ng ganitong talata ay dapat
makatulong sa pagbuo ng isang particular na seksyon ng talata na nais malinang.
Ang talata ay natatapos kapag nasabi nang lahat ng manunulat ang nais ipahayag at handa
nang magsimula ng isa pang talata. Ang pag-iindensyon sa susunod na linya ay naghuhudyat ng
bagong talataan.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na pahayag upang makabuo ng isang maikling kuwento.
Isulat nang buo ang talata.
1. Sa kalaunay nagkaroon ng katuparan ang kanilang pag-asang mabuhay.
2. Nang mamatay ang padre de-pamilya, nagging mahirap ang buhay ng naiwan niyang asawa’t
maliliit na anak. Kakaunti lamang ang kanilang pera at pagkain.
3. Sa ngayo, lahat ng miyembro ng pamilya ay may matatag nang kabuhayan.
4. Tila wala nang solusyon sa mga problema. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang pamilya.
5. Nagsikap sila at nagtrabaho nang tapat.

Panuto B: Tukuyin kung anong ayos ng pangungusap. Isulat ang DKA kung ito’y di karaniwang
ayos at KA kung ang pangungusap naman ay nasa karaniwang ayos.
____1. Ang matanda ay pumunta sab kid kaninang umaga.
____2. Tumalon sa bangin ang kriminal.
____3. Bibili ng kotse si Edgar.
____4. Siya ay naglakbay- aral sa Bukidnon.
____5. Nawala ang kalupi ni Eda.

Panuto C: Tukuyin ang pangungusap ayon sa kayarian nito: Isulat ang P kung ito ay Payak, T kung
Tambalan, H kung Hugnayan, at L kung Langkapan.
____1. Masaya ang buhay kung wala kang anumang suliranin.

10
____2. Ang galing at husay niya sa basketbol ay hindi naluluma.
____3. Ang magbyahe, mamasyal sa malalayong lugar paminsan-minsan ay nakababagot din.
____4. Ako ang nagsaing at siya ang naglaba.
____5. Sinuman ay matututo kung talagang magsisikap mag-aral.

Panuto D: Tukuyin kung anong uri ng mga pangungusap na walang paksa/sambitla ang
sumusunod:
__________1. Magandang araw
__________2. Lindol!
__________3. Bukas na
__________4. Bumabaha!
__________5. May sunog!
__________6. Walang anuman
__________7. Lunes na naman
__________8. Walang klase
__________9. Opo
__________10. Aray!

11

You might also like