You are on page 1of 10

Ano ang wika?

-isang paraan ng pananagisag o pagbibigay-kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga bahagi ng


katawan sa pagsasalita upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng iba
(Tumangan, 1997).
-Ayon naman kay Cruz, ang wika ay binubuo ng mga simbolikong salita na kumakatawan sa mga
bagay at pangyayaring nais ipahayag ng isang indibidwal sa kanyang kapwa.
-isang sistematikong balangkas ng binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura (Gleason, 1961)
-Ayon kay Rizal, sa isang kabanata ng El Filibusterismo sa katauhan ni Simoun na:
“May sariling wika ang bawat bayan, may sariling kaugalian at damdamin. Habang iniingatan ng
isang bansa ang kanyang wika, iniingatan niya ang sagisag ng kanyang kalayaan, katulad ng kalayaan ng
isang taong maipahayag ang sariling opinyon. “Ang bansang may sariling wika ay isang bansang malaya.”
-wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang magkasingtunog ang
dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin,behikulo o paraan ng paghahatid ng
ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa saproseso na maaring pagsulat o pasalita. Ayon
sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ngpagpapahayag ng damdamin, isang
insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.
-wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin
(Edward Sapir)
-wika ay Kasangkapan sa Pagpapahayag, Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “Ang
wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.” Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.
-wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng
ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.
-Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang
kultura.
-Wika ang nagbubukIod tungo sa pagkakaunawaan ng mga tao sa isang komunidad. Ito ang kaisahan sa
pagkakaiba-iba ng pamamaraan tungo sa kaunIaran ng isang bansa.
-Ayon kay GonzaIvo (2016), Wika ang pumapatid sa agwat ng mahirap at mayaman, nag-aaraI at mga mangmang, nag-
uutos at sumusunod, namamahaIa at pinamamahaIaan.
Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay isang kodigo ng pakikipagtalastasan na karaniwang ginagamit ng ilang grupo ng tao na
kumakatawan sa isang lahi o bansa tungo sa pag-ukit ng isang malaya at maunlad na bansa o sa
pagpapatatag nito.
-Sa wika, nagkakaisa ang kaisipan, damdamin at adhikain ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng wika,
naitatala at naihahayag ng tao ang mga karanasan at kasaysayan ng sinaunang panahon.
-Sa wika, nasasalamin ang mga pangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan. Naipapahayag ng tao ang
kanyang malaon nang pag-ibig o galit at pagkasuklam na naging daan ng pahihirap ng kanyang loob. Ang
wika ang siyang puno’t dulo ng mga pangyayaring kinasasangkutan ng tao sa lipunang kanyang
kinabibilangan.
-Sa pamamagitan ng wika, nakikipag-usap at napapalapit ang tao sa kanyang kapwa, bayan, at higit sa lahat,
sa ating Poong Maykapal. Bihisang mo man ng hiyas, ginto o palamuti ang isang tao ay mistula pa ring alipin
o damong ligaw kapag ito’y walang masasabing sariling wika.

KahaIagahan ng Wika sa Pagkatuto


-Ang wika ay instrument sa komunikasyon. KaiIangan naman ang komunikasyon sa pagkatuto. NakasuIat sa wika ang
mga akIat at iba pang babasahin na binabasa upang mapagkunan ng mga kaaIaman at karunungan ng isang mag-aaraI.
NagsasaIita ang mga guro habang nagbibigay ng mga panayam sa mga mag-aaraI. Nagtatanong ang mga guro sa
panahon ng diskusyon sa kIase at sumasagot naman ang mga mag-aaraI. Sa Iahat ng gawaing ito, wika ang ginagamit.

Mahalagang Konsepto ng Wika


Ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog ito ng panahon upang makaagapay sa pangangailangan
at makatugon sa kaunlaran. Higit na mabisa ang wika kung ito’y patuloy na umuunlad kasabay sa pagsulong
ng kaunlaran ng bayan, edukasyon, lipunnan, pulitika, pamahalaan, relihiyon, kultura, komunikasyon at iba
pang larangan. Nababakas sa wika ang panahon ng pinagdaanan ng bansa at sa wika rin nakikita ang
kaunlaran at katalinuhan ng isang bayan (Rodrigo 2001). Ang wika ay may sariling kaangkinan at
kakanyahan. Dahil sa sariling katangian, ang wika nagkakaroon ng iba’t ibang anyo o varayti.

Mga Katangian ng Wika


2.1. Ito’y dinamiko o buhay kung kaya nadaragdagan, dumarami at umuunlad
2.2 Ito’y may lebel o antas
2.2.1. lingua franca
2.2.2. kolokyal
2.2.3. balbal
2.2.4. pampanitikan
2.2.5. lalawiganin
2.2.6 buIgar
2.3 tunog
2.4 may sistema
2.5 komunikasyon
2.6 arbitraryo
Antas ng Wika

Sa pamamagitan ng wikang ginagamit nakikilala ang kultura, ugali at kilos ng isang tao, mababakas

ang lipunang ginagalawan, antas na kinabibilangan at pinag-aaralan. Ang wika ang nagpapakilala ng

kaisipan, kinagigiliwang gawin o libangan, pilosopiya sa buhay ng isang tao dahil sa parran ng paggamit ng

wika at paano ginagamit ang wika. Ang salitang mabigkas ay hindi na mababawi o maaalis ngunit maaaring

palitan. Likas sa tao ang kanyang wika, kaya ito ang nagpapakilala ng kanyang pagkatao, pasalita man o

pasulat.

Ang mga sumusunod na antas ng wika:

1. Balbal- may katumbas itong “slang” sa Ingles. Ito’y mga salitang kalye o Panlansangan. Tinatawag

din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga
salita. Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang

pakikipag-usap. May kagaspangan ang mga salita. Tinutukoy ito na salitang kalye o salitang kanto. Maaari

ring salita ito ng kabataan o mga salita ay pana-panahon, sumisikat, maaring nawawala o nagtatagal at

napapasama sa wika o tumataas ang antas ng wika.

1.1. Pagbuo ng salita na binibigyan ng sariling kahulugan

Salita kahulugan

1. syota - katipan

2. tsibog - kain

3. datung, atik - pera

4. parak, lispyak - pulis

5. macho - lalaking-lalaki

6. jowa - asawa

7. jokla - bakla

2. Lalawiganin ang wikang ginagamit sa tiyak na pook, tiyak na panahon. Ito’y dayalekto ng isang wika.

Maaaring mali ang gamit ng salita, mali ang panahunan, mali ang bigkas ngunit nagkakaintindihan at

nagkakaunawaan ang nag-uusap. Maaaring naiiba ang tono o intonasyon. Halimbawa sa wikang Tagalog:

2.1 Nakain ka ba gulay? = Kumakain ka ban g gulay?

3. Kolokyalismo ang wikang ginagamit sa mga usapang impormal sa bahay, sa mga kaibigan sa

paaralan. Hindi maingat sa paggamit ng wika at hindi pinapansin ang wastong gramatika o ayos ng

pangungusap. Halimbawa: Bilisan ninyo, late na tayo.

4. Pampanitikan ito ang pinakamataas na antas ng wika. Dito nakikita ang kagandahan, yaman, retorika

at kariktan ng wika. Ginagamitan ito ng idyoma, salawikain, tayutay at nakikita ang masining na paglalahad at

pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng pagsulat ng tula, nobela, maikling kuwento, sanaysay at iba pa.

Ito rin ang ginagamit sa panayam o pormal na usapan.

TAYUTAY

 Ito ay mula sa salitang taytay na nangangahulugang (bamboo plank, bridge) tulay, andamyo, sa kolokyal ay
itinatayong tulay.
 paglayo sa paggamit ng karaniwang salita upang maging maganda ang pahayag: pasalita o pasulat.
 salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.

1. Simili o pagtutulad

 paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis
ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.

Halimbawa:
Bigla na lamang siyang nawala tulad ng isang ninja.

Parang sirang plaka ang bibig ni Linda

2. Metapora o pagwawangis

 tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng


paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.

Halimbawa:

Isang halimaw ang nag-abuso sa iyo.

Kinatatakutan ni Melchor ang kamay na bakal ng kanyang ama.

3. Personipikasyon o pagbibigay-katauhan o pagsasatao

 ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang
mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng
pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. Personification ito sa Ingles.

Halimbawa:

Nilamon ng daluyong ang mga kabahayan.


Ang buwan ay nagtago sa likod ng makapal na ulap.

4. Pagmamalabis o hayperbole o pasawig

 ito ay lagpas-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,


kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa:

Wala akong tulak kabigin sa abot-langit niyang pagmamahal sa akin.

Pagbalik ko ay bumabaha na ng dugo sa kapitbahay.

5. Sinekdoke o pagpapalit-saklaw

 isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa:

Huwag mong itutungtong ang iyong mga paa sa aking bahay.

Nang dahil sa sampung mga kamay ay natapos ng mabilis ang aming gawain.

6. Apostrope o pagtawag o panawagan

 isang pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa:

Hoy kompyuter, mag-boot up ka na!

Lungkot, bakit lagi mo akong binabalot?

Kamatayan, bakit di pa wakasan yaring buhay?

Ulan, bumuhos ka’t aking mundo’y lunuring tuluyan!

7. Retorika na Tanong
 Ito ay hindi naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Wala itong inaasahang
sagot kung saan ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.

Halimbawa:
Nasaan ang tunay na pag-ibig?
Natutulog ba ang Diyos?
Bakit maitim ang iyong budhi?

8. Pag-uyam

 Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o mangutya ngunit ito’y itinatago sa
paraang waring nagbibigay-puri.

Halimbawa:

Ang ganda ng kamay mo, parang aspalto.

Sa sobrang talino ni Sandra ay wala nang nakakaintindi sa pinagsasasabi niya.

Wala nang mas babait pa sa kaibigan kong kasingbait ni Hudas.

9. Pag-uulit

 Mayroong anim na uri ng pag-uulit sa uri ng tayutay na pag-uulit. Ito ay ang mga sumusunod:

Aliterasyon

 Ito ang pag-uulit ng unang titik o unang pantig sa inisyal na bahagi ng salita.

Halimbawa:

Makikita mo sa mga mata ni Madel ang maarubdob na pagnanais na mawakasan ang mahirap nilang pamumuhay.

Anapora

 Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa panalitang pangngalan sa unahan.

Halimbawa:
Kung makita mo si Manoling, sabihin mo na ibig ko siyang makausap.

Anadiplosis

 Ito pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o sugnay.

Halimbawa
Ikaw lang ang aking mahal,
Mahal na aking kailangan,Kailangan sa aking buhay,
Buhay ko’y ikaw lamang.

Epipora

 Ito ang pag-uulit ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.

Halimbawa:

Ang batas sa Pilipinas ay igalang mo, sundin mo, at isapamuhay mo.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulit

 Ito ang pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.

Katapora
 Ito ay paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip at tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa
hulihan.

10. Panghihimig o Onomatopeya

 Ito ang paggamit ng mga salita kung saan ang tunog o himig ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.

Halimbawa:

Ang tik-tak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay parating na.

Napalingon ako sa lakas ng pot-pot ng trak.

Ang twit-twit ng ibon ay kaysarap sa tenga.

11. Paglilipat-wika

 Ito ay tulad ng pagbibigay-katauhan na pinagsasabay ang mga katangiang pantao na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

Ang silid na ulila ay naging masaya sa pagdating ni Mercy.

Ang mapagkalingang kumot ay maingat ng itinupi ni Leo.

Masaya ang kulay ng palda ni Nina.

12. Pagpapalit-tawag

 Ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy. Maaaring ito’y sa pamamagitan ng paggamit
ng sagisag para sa sinasagisag, paggamit sa lalagyan para sa bagay na inilalagay, o pagbanggit ng simula para sa
wakas o wakas para sa simula.

Halimbawa:

Si Prinsipe William ang susunod na magmamana ng korona.

Ang bagong anghel nina Arnel at Melisa ay malusog.

Sila ang aking ikalawang tahanan.

13. Pasukdol

 Ito ang pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo
sa pinakamataas na antas.

Halimbawa:

Ang malamig na simoy na hangin kasabay ng mga batang nangangaroling ay nagsasabing ang pasko ay malapit na.

Humagis na sa pagkakabagsak ang takipsilim.

14. Antiklaymaks

 Ito ang paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin o kaisipan na may maliwanag na impresyon ng
pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.

Halimbawa:
Ang pagmamahal niya sa akin ay tila lumayo, nawala, at napawi.
Napagod na siya kakalaban hanggang nawalan na ng pag-asa.

15. Pagtanggi
 Ito ay gumagamit ng salitang ‘hindi’ na nagbabadya ng pagsalungat o hindi pagsang-ayon. Ito’y
pakunwari lamang kung saan ang nais ng nagpapahayag ay kabaligtaran ng ibig sabihin.

Halimbawa:

Hindi siya isang magnanakaw. Ibabalik niya naman daw ang kinuha niya.

Hindi niya kayang kumapit sa patalim sa oras ng kagipitan pero himdi niya asawa yung kasama niyang lalaki
kagabi.

16. Paralelismo

 Sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.

Halimbawa:

Ang sabi ni Rina ay mapanglaw at matamlay raw siya.

Ang nais namin ay disiplinang militar: sama-samang lulusob sa kaaway, sama-sama ring mamamatay o magtatagumpay.

17. Paglumanay o Eupemismo

 Ito ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos.
Ginagamitan ito ng mga piling salita upang pagandahin ang isang di-kagandahang pahayag.

Halimbawa:

Isama mo ang ating kasambahay sa parke.

Sumakabilang-buhay na ang pusa ni Carla.

Ang pamilya ni Randy ay kapos sa buhay.

Ako’y tinatawag ng kalikasan.

18. Paghahalintulad

 Ito ay ang paghahambing na nagpapakita ng ugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan. Tinatawag din itong
analogy sa Ingles.

Halimbawa:

Ang pagsikat ng araw sa umaga ay parang pag-asang sumisikat.

Ikaw ang tala at ako ang buwan na gusto ko laging kasama.

Ang paghalimuyak ng bulaklak ay katulad ng pag-ibig ni Baldo kay Marta.

19. Pagtatambis

 Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Tinatawag din itong oxymoron sa Ingles.

Halimbawa:

Gaano kadalas ang minsan?

Ano ba’t paroo’t parito ka?

Kung ikaw ay lalakad-hihinto ay siguradong aabutin ka ng siyam-siyam sa pupuntahan mo.

20. Pangitain
 Ito ay naglalarawan sa mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita ang nagsasalita.
Kilala rin ito sa tawag na vision imagery sa Ingles.

Halimbawa:

Sa aking gunita ay natanaw ko ang aking sinisinta.

Sa sinapupunan ng aking ina ay hinugis mo akong bata.

Bukas ay luluhod ang mga tala.

Diskursong Pasalaysay

Diskorsal

• Sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na palawakin ang kaniyang mensahe upang bigyan ng


wastong interpretasyon ang salita, at maipahayag ang mas malalim na kahulugan nito

Mga Katangian:

• Layunin nitong magkuwento o maglarawan ng mga pangyayari, karanasan, o kwento.

• May tiyak na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

• Karaniwang may paggamit ng mga detalyadong paglalarawan upang likhain ang mga imahe sa isipan ng
mambabasa o tagapakinig.

• Kwento ng isang taong naglakbay sa ibang bansa.

• Pagkuwento ng isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.

BAHAGI

• Paksa o Pangunahing Ideya: Ang pangunahing ideya o paksa ng kuwento ay dapat ipakilala sa katawan ng
diskurso. Ito ay nagtatakda ng direksyon at kahulugan ng kuwento.

• Pagpapakilala sa mga Tauhan: Sa katawan ng diskurso, ipinapakilala ang mga pangunahing tauhan ng
kuwento kasama ang kanilang mga katangian, motibasyon, at pangarap.

• Pagpapalabas ng mga Pangyayari: Dito ipinapakita ang mga pangyayari o kaganapan sa kuwento.
Binibigyang-diin dito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang pag-unlad ng plot.

• Paglalarawan: Ginagamit ang detalyadong paglalarawan upang pasiglahin ang imahinasyon ng mga
mambabasa at dalhin sila sa mundo ng kuwento. Ito ay nagbibigay-buhay sa mga karakter, lugar, at sitwasyon.

• Dulang Pananaw: Maaaring isama ang dulang pananaw o pananaw ng mga karakter sa mga pangyayari upang
maipakita ang kanilang mga damdamin, saloobin, at pananaw sa mga nangyayari sa kuwento.

• Pakikisangkot ng mga Karaniwang Tao: Minsan, kinakailangan ding isama ang pagkakaugnay ng kuwento sa
pang-araw-araw na buhay ng mga karaniwang tao upang maipakita ang kahalagahan o kahalagahan ng mga
pangyayari sa kuwento.

DISKURSONG MASINING

Mga Katangian:

• Layunin nitong magpahayag ng damdamin, karanasan, o konsepto sa isang masining na paraan.

• May paggamit ng talinghaga, simbolismo, at iba't ibang uri ng pananalita upang magdulot ng kahulugan.

• Karaniwang naglalaman ng mga elemento ng kalikasan, kultura, at lipunan.


HALIMBAWA

• Tula na naglalarawan ng pag-ibig gamit ang mga simbolong kalikasan.

• Pinturang nagpapahayag ng damdamin ng pintor sa pamamagitan ng mga kulay at hugis.

BAHAGI

1. Pambungad na Pagpapakilala: Ito ang bahagi ng diskurso kung saan ipinakikilala ng nagsasalita ang kanyang
sarili at ang layunin ng kanyang pagpapahayag. Karaniwang ito ay naglalaman ng isang maikling paliwanag
kung bakit mahalaga ang pag-uusap na ito.

2. Paghahanda ng Pangunahing Nilalaman: Sa bahaging ito, inilalahad ng nagsasalita ang mga pangunahing
ideya, mensahe, o konsepto na nais niyang iparating. Maaaring ito ay binubuo ng mga kwento, tula, musika, o
iba pang sining upang ipakita ang kanyang punto.

3. Pagpapahayag ng Damdamin: Isang mahalagang bahagi ng diskursong masining ang pagpapahayag ng


damdamin. Dito ipinapakita ng nagsasalita ang kanyang mga emosyon, saloobin, at pananaw hinggil sa paksa.

4. Paggamit ng Sining: Ang diskursong masining ay maaaring maglaman ng mga elemento ng sining tulad ng tula,
musika, pagpipinta, o iba pang sining upang bigyang-diin ang mensahe ng nagsasalita.

5. Pagtatapos: Ito ang bahaging nagtatapos sa diskurso kung saan muling ipinapaalala ng nagsasalita ang kanyang
pangunahing punto at mensahe. Karaniwang ito ay nagtatapos sa isang malakas na pahayag o tugon mula sa mga
tagapakinig.

DISKURSONG KARANIWAN

Mga Katangian:

• Layunin nitong magbigay impormasyon, magpaliwanag, o magpakita ng opinyon ng may-akda.

• May paggamit ng malinaw at direkta ngunit organisadong paraan ng pagpapahayag.

• Karaniwang naka-ugat sa katotohanan o katwiran.

HALIMBAWA

• Sanaysay na naglalaman ng mga opinyon at argumento tungkol sa isang kontrobersyal na isyu.

• Balita na naglalarawan ng mga pangyayari at nagbibigay ng impormasyon sa publiko.

BAHAGI

1. Pambungad na Pagpapakilala: Sa bahaging ito, nagpapakilala ang nagsasalita tungkol sa kanyang sarili at
maaaring magbigay ng konteksto sa paksa ng kanyang talumpati. Karaniwang kasama dito ang pagpapaliwanag
kung bakit mahalaga o kung ano ang layunin ng kanyang pagsasalita.

2. Pagpapakilala ng Paksa: Matapos ang pambungad na pagpapakilala, ang nagsasalita ay nagpapakilala ng tiyak
na paksa na tatalakayin sa talumpati. Maaaring isalaysay ang pangkalahatang linya ng mga punto na sasabihin sa
loob ng talumpati.

3. Paglalahad ng mga Pangunahing Punto: Ito ang bahaging kung saan ipinapakita ng nagsasalita ang mga
pangunahing punto o ideya na may kaugnayan sa paksa. Karaniwang sinusundan ito ng mga detalyadong
paliwanag, halimbawa, o ebidensya upang suportahan ang mga punto.

4. Paggamit ng mga Halimbawa o Ebidensya: Upang patibayin ang kanyang mga punto, maaaring gumamit ang
nagsasalita ng mga halimbawa, estadistika, pag-aaral, o personal na karanasan. Ito ay naglalayong magbigay ng
konkreto at tiyak na suporta sa mga ipinapahayag na ideya.
5. Pagsusuri at Pagpapaliwanag: Sa bahaging ito, maaaring magbigay ang nagsasalita ng pagsusuri o
interpretasyon sa mga datos o ebidensya na inilahad. Maaari rin niyang ipaliwanag ang kahalagahan o
implikasyon ng mga punto na nabanggit.

6. Pangwakas na Pahayag: Nagtatapos ang diskurso sa pangwakas na pahayag kung saan binibigyang-diin ng
nagsasalita ang kanyang pangunahing punto o mensahe. Maaaring ito ay isang maikling buod ng mga puntos na
nabanggit o isang pang-akit na pahayag upang mag-iwan ng malalim na pagpapahalaga sa kanyang mga
tagapakinig.

ESTRATEHIYA SA PAGSULAT O PAGPAPAHAYAG

1. Diskursong Pasalaysay:

1. Itakda ang isang malinaw na simula, gitna, at wakas sa iyong kuwento upang mapanatili ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

2. Gamitin ang mga detalyadong paglalarawan upang likhain ang mga imahe sa isipan ng mga
mambabasa.

3. Pumili ng mga salita at pangungusap na makatotohanan at kaaya-aya sa kuwento.

2. Diskursong Masining:

1. Pag-isipan ang mga talinghaga, simbolismo, at iba't ibang uri ng pananalita na gagamitin upang
maipahayag nang masining ang iyong mensahe.

2. Maglarawan ng mga sitwasyon, pangyayari, o damdamin gamit ang mga salitang may malalim na
kahulugan o pakahulugan.

3. Maglaro sa estilo ng pagsulat upang magbigay-diin sa emosyon o konsepto na nais mong ipahayag.

3. Diskursong Karaniwan:

1. Magkaroon ng malinaw na panimula na naglalaman ng thesis statement o pangunahing punto ng iyong


diskurso.

2. Gumamit ng lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya at mga argumento upang suportahan ang
iyong posisyon.

3. Makinig sa mga opinyon ng iba at magbigay ng maayos na pagtalakay at pagtanggap sa mga ito.

You might also like