Masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na
isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa isang kultura – Gleason Isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob nakaparaanan na lumikha ng tunog – Sapiro Masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian na ng isang pangkat ng mga tao at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay , nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao – Dr. Hemphill WIKA – Ito ay masistemang pamamaraan upang maipahayag ng tao ang kanyang kaisipan at damdamin nang maayos at may layunin. Katangian ng Wika Ang wika ay arbitraryo Ang wika ay tunog Angwika ay kabuuan ng mga sagisag (sagisag – mga bagay na kumakatawan sa iba namang bagay at di mga bagay sa kanilang sarili) Angwika ay kabuuan ng mga sagisag na sinasalita (pabigkas) Ang wika ay laging nagbabago (Pagkawala ng matandang salita, pagbabalangkas ng balarila, pagbabago ng tunog) Ang wika ay buhay o dinamiko (umibis – bumaba) Ang wika ay nakasandig sa kultura Walang wikang dalisay o puro (boondocs – bundok) Walang wikang superior Paglalagom
Ang wika ay isang bagay na makapangyarihan sapagkat
marami itong magagawa sa isang indibidwal. Nagiging kasangkapan ito sa pag-unlad ng isang tao lalo’t higit ng isang bansa. Instrumento rin ito ng komunikasyon kung saan naipahahayag natin ang ating mga kaisipan at damdamin tungkol sa isang bagay o sitwasyong nararanasan. Daan ito sa pagkakabuklod-buklod ng bansa tungo sa isang maayos at mapayapang pamumuhay. ANTAS NG WIKA
Anupa’t ang wika ay may kaantasan din,
kaantasang isinasaalang-alang ng mga nag-aaral sa wika, sa gayon ang mga salitang bibitiwan o gagamitin ay bumabagay sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon, pook at sa okasyong dinadaluhan. Sa ganitong kabagayan ng wika, masasabing dalawa lamang ang kaantasan nito: ang Pormal na wika at ang Di-Pormal wika. a. Pambansa – Ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing sumisirkula sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag- aral. Hal. Anak, Asawa, tahanan b. Pampanitikan – Mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang matataas na uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika. Hal. Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig B. Di Pormal o Impormal – Ang mga salitang impormal ay ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. Kabilang dito ang: a. Lalawiganin – Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito, hindi ginagamit sa labas ng kinamulatang lalawigan, liban kung sila-sila’y magkakatagpo-tagpo sa labas dahil sa kinagisnan, natural na siyang naibubukambibig kaagad. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing mga salita bukod sa iba ang bigkas ay may kakaiba pang tono. Ang lalawiganing salita ang tulak ng mga makarehiyonal na kaugalian ng mga tao.
Halimbawa nito ay:
Inang / Itang Ditse / Diko Sanse / Sangko kwarta napintas bana awto b. Balbal – Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinag- aralan dahil masagwa raw pakinggan. Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, wika ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak. Halimbawa ng mga ito: parak (pulis) iskapo (takas) istokwa (layas) juding (binababae) tiboli (tomboy) epal (mapapel) spongklong (istupido) c. Kolokyal – Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may mga anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Halimbawa: Pormal Kolokyal saan naroon sanaron nasaan nasan naroon, naroroon naron kaniya, kani-kaniya kanya, kanya-kanya aywan ewan piyesta pista