You are on page 1of 4

ANTAS NG WIKA

Kategorya
Pormal-mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo nang
mga nakapag-aral ng wika.

Impormal-mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-


usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

PORMAL
Pambansa- salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mgapaaralan.
Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

Pampanitikan o Panretorik- mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga


akdangpampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.

IMPORMAL
Lalawiganin-ito ang mga bokabularyong dyalektikal. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibangtono,
o ang tinatawag ng marami na punto.

Kolokyal- mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring


maykagaspangan ng kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa kung
sinoang nagsasalita nito.

Balbal-ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upangang
mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito.Banghay ng Antas ng Wika

TUNGKULIN NG WIKA
Gamit ng Wika
1. Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa komunikasyon.
2. Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi nangangailangan ng kasanayan sa iba pa.
3. Hindi lamang isang tungkulin/gamit pangwika ang nagagamit sa isang pagkakataon. Maaari ring
dalawao higit pa.
4. Kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig at kailangan ng nagsusulat ang mambabasa.
5. Isa lamang alternatibo ang wika (pasalita ta pasulat). Madalas upang maging higit na mabisa
angkomunikasyon, kinakailangang gamitin ang kumbinasyon ng wika ng iba pang alternatibo
tulad ngpagsasakilos, pagkumpas, pagsasalarawan, at ekspresyon ng mukha.
LAYUNIN NG WIKA
Ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag at imanipuleyt ang mga bagay sa kanilang kapaligiran.
Nakakapagpanatili at nakapagpapatatag ng relasyong sosyal. Ito rin ay tumutugon sa mga
pangangailangan at kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ng iba .Ikikukonekta ng wika ang nakaraan, ang
kasalukuyan at ang hinaharap. Ang layunin ng wika ay upang ingatan ang kultura at tradisyon ng ating
bansa.Maaring mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipababatid pa
rin nila ang kanilang ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga plano at adhikain sa
hinaharap. Mahalaga ang wika dahil pinapaunlad nito ang aspektong intelektwal,sikolohikal at kultural.
Fil C101

CRIMINOLOGY 1. JULY 3, 2018


SECTION 102-R T/F 3:00 P. M.

STUDENT:
CASTILLO, JOHN VINCENT Z.

You might also like