You are on page 1of 14

PANGKAT 4

ANG
KAKAILANGANING
KONSEPTO NG
PAMBANSANG WIKA
Louella Mae Ebalo, Matthew David De Jesus
KAHULUGAN NG WIKA

Ang Wika sa simpleng pagpapaliwanag ay


ang kalipunan ng mga salita na ginawa ng
isang lipunan. Bawat lipunan sa daigdig ay
may wikang ginagamit na tanging pekulyar
sa isa’t isa maging ito ay nasa anyong
pasulat at pasalita.
KAHALAGAHAN NG WIKA

Mahalaga ang wika dahil ito ang batayan ng


pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan.
Mga antas ng wika:

PORMAL – Ito ay antas ng wika na


istandard kinikilala/ginagamit ng nakararami.
KAHALAGAHAN NG WIKA

a. PAMBANSA – Ito ay ginagamit ng karaniwang


manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan
at pamahalaan.

b. PAMPANITIKAN O PANRETORIKA – Ito ay


ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga
salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
KAHALAGAHAN NG WIKA

IMPORMAL - Ito ay antas ng wika na karaniwan,


palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

a. LALAWIGANIN – Ito ay gamitin ng mga tao sa


particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto.
KAHALAGAHAN
a. A NG WIKA
b. s
c. KOLOKYAL – Pang araw-araw na salita, maaring
may kagaspangan nang kaunti, maari rin itong
refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.

d. BALBAL – Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng


sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa
antas bulgar.
KAPANGYARIHAN NG WIKA

Ang wika ay maaring makapagdulot ng


ibang kahulugan. Ang wika ay humuhubog
ng saloobin. Ang wika ay nagdudulot ng
Polarisasyon. Ang kapangyarihan ng wika
ay siya ring kapangyarihan ng kulturang
nakapaloob dito.
GAMPANIN NG WIKA

Ang wika ay maraming kahalagahan at gampanin


sa sangkatauhan. Narito ang mga sumusunod:

IMPORMATIB – ang wika ay impormatib kung


nagagawa nitong maglahad ng impormasyon
tungo sa tatanggap nito.
GAMPANIN NG WIKA
EKSPRESIB – ang gamit ng wika kung
nagagawa nitong makapagpahayag ng
saloobin o makakapagbago ng emosyon.

DIREKTIB – nagiging direktib ang wika


kung hayagan o di-hayagan nitong
napakikilos ang isang tao upang
isagawa ang isang bagay.
GAMPANIN NG WIKA
PERPORMATIB – ang gamit ng wika na
higit pa sa pasalitang anyo ng
komunikasyon. Ito ay kinapapalooban din
ng kilos bilang pansuporta sa isang
pahayag.

PERSWEYSIB – gampanin ng wika na


nagagawang makahikayat ng tao tungo sa
isang paniniwala.
TUNGKULIN NG WIKA
Nagtataglay din ng tungkulin ang wika na
tumutulong sa mga gumagamit nito sa pagbuo
ng mga nais nilang gawin o naisin. Narito ang
mga sumusunod:

INSTRUMENTAL – nagagawa ng wika


na magsilbing instrumento sa mga tao
upang maisagawa o maisakatuparan ng
anumang naisin.
TUNGKULIN NG WIKA
REGULATORI – nagagawa ng wika na
kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang
paligid.

REPRESENTASYONAL – ginagamit upang


makipagkomyunikeyt, makapagbahagi ng mga
pangyayari, makapagpahayag ng detalye.
Gayundin makapagpadala at makatanggap ng
mensahe sa iba.
TUNGKULIN NG WIKA
INTERAKSYONAL – Ipinapaliwanag dito na
nagagawa ng wika na mapanatili at
mapatatag ang relasyon ng tao sa kaniyang
kapwa.

PERSONAL – nagagamit din ang wika


upang maipahayag ang personalidad ng
isang indibidwal ayon sa sarili niyang
kapakanan.
TUNGKULIN NG WIKA
HEURISTIC – tumutulong upang
makapagtamo ang tao ng iba’t ibang
kaalaman.

IMAHINATIBO – nagagawang mapalawak


ang imahinasyon at gawing artistik ang
isang tao.

You might also like