You are on page 1of 2

KONSEPTO NG WIKA

-ARALIN 1:KAHULUGAN NG WIKA

-Ang Wika sa simpleng pagpapaliwanag ay ang kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang
lipunan.Bawat lipunan sa daigdig ay may wikang ginagamit na tanging pekulyar sa isa’t isa maging ito ay
nas anyong pasulat at pasalita.

ARALIN 2:KAHALAGAN NG WIKA

Sa sarili-gamit ang wika, nagagawa ng tao na mapaunlad ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pagtatamo ng mga kaalaman sa kanyang paligid.

Sa kapwa-sabi nga sa isang awit”walang sinuman ang nabubuhay ng para sa sarili lamang”.Bawat isa sa
atin ay kinakailangan makipagkomyunikeyt upang mapatatag ang relasyong-sosyal.

Sa lipunan-sa sandaliang mapagsama-sama ang mga karanasan ng mga tao, nagkakaroon ngayon sila ng
isang tiyak na lipunan na tunay na kakaiba.Nagagawa ng wika na pagbuklurin ang isang lipunan.

ARALIN 3:KAPANGYARIHAN NG WIKA

Ang wika ay maaring makapagdulot ng ibang kahulugan.

Ang wika ay humuhubog ng saloobin.

Ang wika ay nagdudulot ng Polarisasyon.

Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.

ARALIN 4:GAMPANIN NG WIKA

-Ang Wika ay maraming kahalagahan at gampanin sa sangkatauhan.Narito ang mga sumusunod:

IMPORMATIB-ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon tungo sa


tagatanggap nito.

EKSPRESIB-ang gamit ng wika kung nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng


emosyon.

DIREKTIB-nagiging direktib ang wika kung hayagan o di-hayagan nitong napakikilos ang isang tao upang
isagawa ang isang bagay.

PERPORMATIB-gamit ng wika na higit pa sa paslitang anyo ng komunikasyon. Ito ay kinapapalooban din


ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.

PERSWEYSIB-gampanin ng wika na nagagawang makahikayat ng taotungo sa isang paniniwala.

ARALIN 5:TUNGKULIN NG WIKA

-Nagtataglay din ng tungkulin ang wika na tumutulong sa mga gumagamit nito sa pagbubuo ng mga nais
nilang gawin o naisin.Narito ang mga sumusunod:

INSTRUMENTAL-ngagawa ng wika na magsilbing instrumento sa mga tao upang maisagawa o


maisakatuparan ang anumang naisin.
REGULATORI-nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang paligid.

REPRESENTASYONAL-ginagamit upng makipagkomyunikeyt, mkapagbahagi ng mga pangyayari,


makapagpahayag ng detalye.Gayundin makapagpadala at makatangagap ng mensahe sa iba.

INTERAKSYONAL-ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng


tao sa kanyang kapwa.

PERSONAL-nagagamit din ng wika upang maipahayag ang personalidad ng isang indibidwal ayon sa sarili
niyang kaparaanan.

HEURISTIC-tumutulong upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang kaalaman.

IMAHINATIBO-nagagawang mapalawak ang imahinasyon at gawing artistik ang isang tao

You might also like